Pinanood ni Zhao Feng ang buong pagtitipon mula sa taas nang hindi umaalis dahil gusto niyang makakita ng mga bakas ni Liu Qinxin.
Ang Dao of Entertainment Meeting ay matatapos na, at si Li Xueyi ang naging bida ng pagtitipon. Ang mastery niya sa qin ay ang pinakamataas sa lahat ng mga henyo ng ilang mga henerasyon ng Gan Sacred Island Zone.
Ang dalawa pang prodigies sa Gan Sacred Island Zone ay hindi man lamang makatagal ng sampung paghinga laban sa kaniya. Kahit ang ilang mga mas matatandang henerasyon ay nakaramdam na wala silang kuwenta.
"Mas nakakasindak pa siya kaysa sa mga usap-usapan. Ang Li Xueyi na ito ay pinapangalanang pinakamataas na henyo nitong mga nakaraang libong taon sa Sky Sacred Qin Palace, at malamang mayroon pa siyang natatagong mga plano."
"Ang babaeng ito ang may kapalarang bumuhay muli sa Sky Sacred Qin Palace."
Ang ibang mga mas matatandang henerasyon ay bahagyang nag-aalala. Nakaraang sampung libong taon, ang Sky Sacred Palace ay isang peak two-star sect na noon ay nakapasok na sa Floating Dream Sacred Land, subalit matapos ang ilang libong taon, ang two-star sect ay nagsimula nang humina at mawalan ng estado bilang ang Dao of Entertainment,
Maraming tao ang nagsisimula nang umalis makalipas ang pagtitipon, subalit ang ngiti ni Li Xueyi ay nagdulot upang mahatak palayo ang puso ng karamihan ng kabataan.
Ang ilang mga henyo ng Dao of Entertainment ay sa wakas nagkaroon na ng lakas ng loob at aakyat na sana upang kausapin si Goddess Snow Qin, subalit sa mismong sandaling ito:
Whoosh!
Isang arko ng kidlat ang kumislap pababa mula sa alapaap.
"Sinong nariyan!?"
"Goddess, mag-ingat ka!"
Nagsigawan ang mga henyong malapit kay Li Xueyi. Napakabilis ng taong iyon,at ang kaniyang aura ay nakaabot na sa Sovereign Lord Rank , subalit hindi siya agad na umatake matapos siyang lumapag.
"Aling bastardo rito ang naglakas-loob na magkaroon ng maduming plano patungkol kay Goddess Snow Qin?"
Ang mga kalapit na henyo ay kumalma na at tumitig sa batang nababalutan ng kidlat na mayroong pag-aalala. Ang mga kamay ng batang ito ay nasa kaniyang likuran, at siya ay isang guwapong lalaki. Ang aura na kumakawala sa kaniya ay nakaabot na sa Sovereign Lord Rank.
Si Goddess Snow Qin at ang mga kalapit na henyo ay hindi naglakas-loob na kumibo. Ang henyong mayroong pinakamataas na cultivation ay si Li Xueyi mismo, at siya ay nasa late-stage Small Origin Core Realm pa lamang.
"Sino ka?" Bahagyang kumunot ang mga kilay ni Li Xueyi, subalit hindi siya nataranta. Ang kaniyang boses ay tila ba pagmamay-ari ng isang anghel.
Mariin niyang sinuri ang batang ito. Ang kaniyang talent at cultivation ay mas mataas sa lahat ng naroroon. Bukod sa Floating Dream Sacred Land, mahihirapan siyang makahanap ng ganitong henyo kahit saan pang ibang island zones.
"Ang isang ito ay tinatawag na Zhao Feng at nais niyang isama si Lady Li upang magmoongazing," ngumiti ang bata at tila ba normal na sitwasyon lamang ang kaniyang sinasabi.
Moongazing? Natulala ang lahat ng mga henyong naroroon. Ang hindi kilalang batang ito ay nais magpasikat kay Goddess Snow Qin sa gintong tirik ang araw?
"At paano kung ayaw ko?" Kasing kalmado ng tubig ang mga mata ni Li Xueyi. Walang nakakakita kung ano ang iniisip niya.
"Magugustuhan mo ito," bahagyang ngumiti si Zhao Feng at marahang lumakad patungo kay Li Xueyi. Ang lahat ng mga pahiwatig ay nakaturo kay Li Xueyi. Siya ang Head disciple ng Sky Sacred Qin Palace, at kung si Liu Qinxin ay nasa kaniyang sect din, tiyak na malalaman niya ito. Dagdag pa rito, sa talentong mayroong siya, malamang ay nakapasok din siya sa Sky Sacred Qin Inheritance.
Dahil mayroong bahagyang pagkakatulad sa aura ni Liu Qinxin at ni Li Xueyi, hindi na pinilit ni Zhao Feng na suriin ang kaniyang kaluluwa.
Hindi mapigilan ni Li Xueyi ang sarili niya kundi suriin si Zhao Feng nang mayroong pagtataka. Sinasabi sa kaniya ng kaniyang pakiramdam na walang masamang balak ang lalaking ito.
"Tigil!"
"Huwag kang maglalakas-loob na saktan si Goddess Snow Qin!"
Sumigaw sa galit ang ibang mga henyong naroroon. Sila ay nagiging protektibo sa kaniya; maaaring ito ay isang magandang pagkakataon upang magpakitang-gilas sa harapan ng Goddess. Kahit malakas ang cultivation ng batang ito, mayroon silang lipon ng mga henyo at mga eksperto ng mas matatandang henerasyon sa panig nila.
Hindi binigyang-pansin ni Zhao Feng ang mga henyong ito at marahan pa rin siyang lumakad patungo kay Li Xueyi.
Bam! Bam! Bam!
Ang mga henyong sinubukang lumapit sa kaniya ay napatalksik ng isang hindi nakikitang kapangyarihan at sila ay napasuka ng dugo.
Gulat ang lumitaw sa mga mata ni Li Xueyi. Kahit siya ay hindi makita kung ano ang nasa isip ni Zhao Feng.
"Sinong bata rito ang naglalakas-loob na manggulo?" Ang ilang mga Great Origin Core Realm Sovereign Lords ay lumitaw mula sa iba't ibang direksyon, at ang isa sa kanila ay isang half-step King na babaeng nakasuot ng kulay pulang damit.
Isang half-step King at tatlong Great Origin Core Realm Sovereign Lords ang dali-adling nagpunta, nag-aalala na sasaktan ni Zhao Feng si Li Xueyi. Hindi sila binigyang-pansin ni Zhao Feng at marahan siyang naglakad papunta kay Li Xueyi. Iniabot pa niya ang kaniyang kamay at nagpakita ng isang maginoong pagkilos.
Ikinagalit ng babaeng nakapulang damit at ng mga eksperto ng matatandang henerasyon ang eksenang ito. Naglakas-loob ang batang ito na hindi pansinin kaming lahat!?
Boom~~~~!
Nang makalapit ang mga ekspertong ito mula sa mas matatandang henerasyon kay Zhao Feng, isang Magnificent Power ang bumalot sa kanila.
"Ano!!?"
"Paano nangyari ito… Magnificent Power!?"
Ang babaeng nakasuot ng pula at ang tatlo ay napigilan sa ere at hindi man lamang nila maisip na lumaban pabalik. Takot at gulat ang nakahayag sa mga mata ng apat na eksperto, at ang buong lugar ay lubhang nanahimik.
"Ikaw…!" Sa wakas ay nagbago na ang ekspresyon ni Li Xueyi nang hindi siya makapaniwalang tumingin kay Zhao Feng.
"Senior, ano ang kailangan mo? Manggulo ng isang junior ng Dao of Entertainment?" Huminga ng malalim ang babaeng nakapula at sinambit ito.
Sa puntong ito, ang bawat ekspero mula sa mas matandang henerasyon ay parang naging mga bato at hindi sila naglakas-loob na kumilos.
"Nais ko lamang siyang makausap," kalmadong sinabi ni Zhao Feng.
"Kung nais ni Senior, bakit naman ako tatanggi?" Kinagat ni Li Xueyi ang kaniyang mga labi at mariing tinitigan si Zhao Feng na mayroong kapaitan at pagkadesperado. Paanong hindi niya nakita ang ang tunay na level ni Zhao Feng ngayon? Isang half-step King at tatlong Great Origin Core Realm Sovereign Lord ay napigilan niya. Kung nanaisin niya, kayang silang patayin ni Zhao Feng sa isang pag-iisip lamang.
"Kung ganoon tara na," tumango si Zhao Feng sa paghanga at kinuha ang malambot na kamay ni Li Xueyi nang paliparin sila ng kaniyang Magnificent Power patungo sa alapaap.
Sa isang kurap ng mata, sina Zhao Feng at Li Xueyi ay naglaho mula sa kanilang paningin.
Siii!!
Nanlamig ang mga paghinga ng mga ekspertong naroroon, at ang ilang mga henyo ay tuluyan nang nahilo.
"Void God Realm King!" Ang mga Soverein Lords na aatake na sana kanina ay biglang napuno ng kapaitan.
"At malamang hindi lamang siya isang normal King. Buti na lamang, mukhang wala siyang masamang balak kay Li Xueyi. Kung nanaisin niya talaga, lahat tayo ay mamamatay," ang babaeng nakapula ay tumingin sa direksyon kung saan naglaho ang dalawa.
Makalipas ang ilang sandali, sa isang nag-iisang tuktok ng bundok mula sa ilang milyang layo, sina Zhao Feng at Li Xueyi ay nakatayo nang magkatabi.
"Ikaw…!" Hinatak ni Li Xueyi ang kaniyang kamay mula kay Zhao Feng at ang kaniyang mukha ay nagkaroon ng kulay pulang kulay. Bukod sa galit at kahihiyan, mayroon ding isang hindi mailarawang pakiramdam, at ang pagtibok ng kaniyang puso ay bumilis nang kaunti. Kahit ano pa ang mangyari, si Zhao Feng ay isang King – isang tao na nakatingin lamang sa buhay sa ibaba mula sa itaas.
"Hindi," bulong ni Zhao Feng. Sa umpisa, mayroong siyang bahagyang pagasa na hitsura at aura ni Li Xueyi ay nabago lamang at siya ay ibang tao talaga, subalit matapos ang pisikal na interaksyon nila, natiyak ni Zhao Feng na si Li Xueyi at si Liu Qinxin ay dalawang magkaibang tao.
"Lady Li, nagmula ka Sky Sacred Qin Palace. Hindi ba't bumukas ang Sky Sacred Qin Inheritance ng inyong sect nakaraang pitong taon?" Dineretso na siya ni Zhao Feng.
"Sky Sacred Qin Inheritance?" Nag-isip muna isa Li Xuei sa ilang sandali bago siya sumagot, "Siguro ay iyon ang tawag ng mundo sa labas. Nakaraang pitong taon ay kung kailan nagbukas ang Fan Lun Ancient Sound Palace."
Fan Lun Ancient Sound Palace. Nang marinig ito ni Zhao Feng, ang kaniyang God's Spiritual Eye ay bahagyang tumibok.
Miao miao!
Lumitaw din ang munting pusang magnanakaw at pinunasan ang laway mula sa bibig nito bago dalawang beses na lumagok mula sa lalagyan ng alak.
"Ang cute ng pusa," hindi mapigilang tumingin ni Li Xueyi sa munting pusang magnanakaw.
"Fan Lun Ancient Sound Palace? Ano 'yon, at mayroon bang taong hindi mula sa inyong sect ang pumasok dito?" Sambit ni Zhao Feng sa isang taimtim na tono at alam niyang nasa kritikal na parte na siya.
"Senior, masiyadong marami at masiyadong mabilis ang mga itinatanong mo sa akin. Maaari bang sagutin mo muna ang isang katanungan ko?" Pambawing katanungan ni Li Xueyi nang mayroong isang bihirang senyales ng pagkaisip-bata ang lumitaw sa kaniyang mukha. Bahagyang namula ang kaniyang mukha, at mas naging kabigha-bighani siya. Maaaring ito ay dahil kalmado si Zhao Feng at mukha siyang bata, subalit hindi natatakot si Li Xueyi sa kaniya.
Nanatili muna si Zhao Feng nang isang segundo bago sumagot, "Sige lang."
"Senior, ilang taon kana? Pakiramdam ko hindi ka isa sa mga Void God Realm Kings na ilang libong taong gulang na," nagtatakang tanong ni Li Xueyi.
"Dalawampu't apat," walang ekspresyon si Zhao Feng.
"Dalawampu't… apat?" Natulala si Li Xueyi at ang kaniyang mukha ay puno ng labis na pagkagulat. Hindi niya inakalang ang edad ng King na ito ay katulad ng sa kaniya. Bilang ang numero unong henyo ng Sky Sacred Qin Palace ng nakaraang ilang libong taon, siya ay napakatalento, subalit ang batang ito na may edad na kaparehas ng kaniya ay isa ng King agad.
"Ngayon maaari mo nang sagutin ang aking mga katanungan," ngumiti si Zhao Feng na mayroong katiting na kayabangan.
Pinigilan ni Li Xueyi ang gulat sa kaniyang puso bago sapilitang pinakalma ang kaniyang sarili upang sagutin ang mga katanungan ni Zhao Feng.
"Sa katunayan ang Fan Lun Ancient Sound Palace ay nagmula sa Ancient Era of the Fan Universe, at ito ay natagpuan ng tagapaglikha ng Sky Sacred Qin Palace dose-dosenang milenya nang nakalipas at ginawa itong sentro ng aming sect. Subalit, kahit ang founder nito, na kalahating hakbang na lamang ang layo mula sa pagpasok sa Mystic Light Realm, ay hindi magawang matuklasan ang lahat ng mga lihim nito…" Una ay sinabi muna ni Li Xueyi ang kasaysayan ng Fan Lun Ancient Sound Palace.
Nagsimula nang mag-isip si Zhao Feng. Malaki ang posibilidad na kinuha ng Fan Lun Ancient Sound Palace si Liu Qinxin habang nagaganap ang Sacred True Dragon Gathering. Subalit, dahil ang inheritance na ito ay pagmamay-ari ng Dao of Entertainment at bihira lamang lumilitaw, walang nagbigay-pansin dito.
"Mayroon bang mga taga-labas na pumasok sa Fan Lun Ancient Sound Palace nakaraang pitong taon?" Pagpapatuloy ni Zhao Feng.
Sa pagkarinig dito nagsimula na ring mapaisip si Li Xueyi.
"Kung iba ang tatanungin mo, malamang ay wala silang maisasagot, subalit nang pumasok ako sa Fan Lun Ancient Sound Palace nakaraang pitong taon, nasa harapan ako ng ibang mga henyo nang isang milya, at mayroon akong nakitang isang anyo sa ika-tatlumpu't dalawang palapag," hindi natitiyak ang sagot ni Li Xueyi.
Anyo? Tumutok ang mga mata ni Zhao Feng kay Li Xueyi.
"Nakaraang pitong taon, akala ko ako lamang ang may problema. Ang Fan Lun Ancient Sound Palace ay nahahati sa apatnapu't siyam na palapag. Kung gaano kataas ang paroroonan ng isang tao, mas talentado siya sa Dao of Entertainment. Mas mataas ako sa lahat ng ibang mga henyo ng sect noon, kaya't paanong nangyari na mayroong isang taong nasa harapan ko?" Kinagat ni Li Xueyi ang kaniyang mga labi.
Noon palagi niyang naiisip na siya lamang iyon at ang kaniyang imahinasyon. Hindi siya naniwalang may iba pang mayroong talento sa Dao of Entertainment na mas mataas sa kaniya. Dahil hindi niya nais paniwalaan ito, hindi niya ito matanggap, at biglang inakala ni Li Xueyi na isa lamang itong pagkakamali.
Sa pagkarinig nito, halos natiyak na ni Zhao Feng na pumasok si Liu Qinxin sa Fan Lun Ancient Sound Palace.
"Dalhin mo ako sa Sky Sacred Qin Palace."