Dinala ni Zhao Feng si Li Xueyi at lumipad sila hanggang sampung libong milya nang walang pag-aalinlangan.
Mayroong mga kabundukan at mga lawang lumitaw sa unahan. Ang eksena ay parang nagmula sa isang pinta, at naglalaman ito ng pagkaelegante at ng mismong kagandahan ng kalikasan, tila ba hindi ito parte ng sibilisasyon. Ang tamihik at kalmadong imahe nito ay nakakatulala, at ang puso ni Zhao Feng na bahagyang natataranta ay kumalma na.
Kahit na may mga gamit siyang nawala sa landas niya ng cultivation, ang layunin niya palagi ay kapayapaan at mamuhay ng walang pagsisisi.
"Nandirito na tayo," dinala ni Li Xueyi si Zhao Feng sa isang bundok na puno ng matamlay na tunog ng isang qin. Ito ang Sky Sacred Qin Palace, isang napakalmadong lugar na walang kahit anong pag-aaway.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com