webnovel

Pagtatagpo ng Magkalaban

Editor: LiberReverieGroup

Ang Void Ocean Spiritual Palace ay mukhang isang nagliliwanag na kristal mula sa labas, ngunit kapag napasok na ito, mapapagtanto nilang ang loob ay isang katangi-tanging siyudad.

Ang totoo, ang Spiritual Palace ay labis na mas malaki kaysa sa itsura nito. Mas malaki pa nga ito kaysa sa Canopy Great Country.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ilang makulay na anyo ang lumitaw sa siyudad, kasama ang lumilipad na halimaw at barkong may iba't ibang laki.

Ang mga mas malaki ay sampung beses na mas malaki sa Blue Lightning Sea Sky Ship at kayang magkasya ang ilang daang mga tao.

Sa paningin ni Zhao Feng at kaniyang mga kasama, maraming mga bulwagan at gusaling ang kanilang nakikitang may mabigat na seguridad. Bukod pa rito, may mga tindahan ring malaki at maliit.

May mga indibidwal ring pwesto, at ang mga nagbebenta ay mga eksperto mula sa buong mundo.

Ang mga lugar na maraming ginagawa ay maingay at maraming tao.

Ang buong lugar ng napakalaking Spiritual Palace City ay nababalot ng mga kagubatan at ilog. Makikita rin ang walang hanggang karagatan sa labas.

Ang mga mandaragat ay napapanood ang lahat nang may nagniningning nga mga mata.

"Ang panloob na parte ng Spiritual Palace ay mas malaki pa kaysa sa Purple Saint Ruins."

Nakaramdam dito si Zhao Feng ng isang aurang pareho sa Purple Saint Ruins. Ang dalawa ay tila magkaugnay; parehong dimensyong gawa ng tao, na hindi gawa ng kalikasan.

May halata ring pagkakaiba; ang Purple Saint Ruins ay isang nakaselyong dimensyon para sa mga inheritance at kayang gumana mag-isa. Hindi nito kailangan ng Primal Crystal Stones o iba pa. Sa kabilang banda, ang Void Ocean Spiritual Palace ay mas malapit sa maliit na kalupaan na konektado sa panlabas na mundo at kailangan ng maraming resources na panantilihin.

Hangga't may mga Primal Crystal Stone, ang Void Ocean Spiritual Palace ay kayang gumana nang hindi nalalaman.

Syempre, kahit hindi kasama ang mga pagkakaiba, ang kakayahang makagawa ng mga dimensyon ay kahanga-hanga pa rin.

"Ang Heaven Earth Yuan Qi ay ilang beses na mas maganda kaysa sa Eight Desolate Mountain. Siguradong maikukumpara ito sa three sects..."

Ang mga mata ni Loulan Zhishui ay napuno ng gulat nang makita ito. Ang Spiritual Palace ay labis na

Sa madaling salita, ito ay isang high-tier na pamilihan kung saan nagititpon ang mga eksperto.

"Kapita, mukhang ito ay unang beses mo pa lang na makapasok sa Void Ocean Spiritual Palace, tama ba? Kung may kailangan ka, ako, si Xiao Ma, ay tutulungan ka at nangangakong mangyayari ang lahat nang maayos."

Isang magalang na boses ang umalingawngaw.

Ang mga hakbang ni Zhao Feng ay tumigil nang suriin niya ang youth na nakadamit na tila isang iskolar. Ang youth ay nakasakay sa kasingputi ng nyebeng Pegasus at may malinaw na mata nang yumuko at ngumiti ito.

Ang kaniyang tingin ay hindi napunta sa ibang mga Sovereign o eksperto, tanging kay Zhao Feng lang.

"Xiao Ma? Anong halaga mo?"

Bulong ni Zhao Feng sa pangalan ng youth nang may interes. Ang edad ni Xiao Ma ay katulad sa kaniya, at may cultivation na late-stafe True Lord Rank.

Gayunman, hindi ito ang dahilan ng interes ni Zhao Feng.

Tinawag ng youth ang kaniyang sariling Xiao ma para kumita sa pamamagitan ng paglibot sa mga tao sa lugar.

"Ang aking palayaw ay Xiao Ma. Kung pumunta ang Kapitan sa Void Ocean Spiritual Palace, ibig sabihin ay mayroon kang kailangan. Kaya kitang ilibot. Sa bayad naman… depende ito sa gusto mong ibigay na pabuya sa akin."

Ang youth ay ngumit at yumuko habang nakatingin sa batang kapitan sa gilid na kaniyang mga mata.

Ang totoo, si Xiao Ma ay hindi rin mapakali at kinakabahan. Kahit na ang panauhing ito at hindi isang Origin Core Realm, naramdaman niyang ang taong ito ay mayaman.

Itinuon na ni Xiao Ma ang kaniyang pansin sa batang kapitan noong bumili ito ng mga Void Ocean Token.

"Sige, makukuha natin pareho ang ating nais."

Tumigil si Zhao Feng sandali, "Sa iyong pabuya, depende ito sa dami ng pakinabang na maibibigay mo sa akin."

"Salamat."

Nakahinga na nang maluwag si Xiao Ma nang palihim.

"Kapitan, maaari ko bang itanong kung bakit ka pumunta sa Void Ocean Spiritual Palace? Matutulungan kita sa kahit anong nais mo."

Pinunasan ni Xiao Ma ang pawis sa kaniyang noo at sumunod malapit kay Zhao Feng.

"Ilibot mo muna ako."

Hindi kaagad sumagot si Zhao Feng at kalmadong kumilos.

"Sige, sundan mo ako."

Mainit na ipinakilala ni Xiao Ma ang Void Ocean Spiritual Palace kay Zhao Feng ay mga kasama nito.

Matatangkad, at eleganteng mga gusali ang kanilang nakita, at karamihan ay mga mga nakapaligid na guwardiya.

"Diyos ko, tignan niyo, ang mga pamilihan dito ay mga guwardita lahat dahil ang mga palitan ay pinatatakbo ng mga opisyal. Isinasama nila ang higit sa 90% ng palitan, tulad ng mga technique, spiritual pills, resources, mga halimaw, barko guwardiya, tindahan…"

Nag-umpisang magpaliwanag si Xiao Ma.

"Mga opisyal?"

Napagtanto ni Zhao Feng na ang mga guwardiya ay pinoprotektahan ang mga gusaling pagmamay-ari ng Void Ocean Spiritual Palace. Partikular na, ito ay pagmamay-ari ng Spiritual Sacred Lands.

"Ang pamilihan ng mga palitang ito ay napakapatas at walang kahit anong uri ng panlilinlang. Gayunman, ang halaga ay bahagyang mas mataas kaysa sa halaga sa pamilihan."

Dagdag ni Xiao Ma.

Pagkatapos nito, ang mga mata ni Zhao Feng ay nanatili sa mga pribadong tindahan na walang mga guwardiya.

"Ang mga tindahang iyon ay maaaring magsama ng iba't ibang mga bagay at ang ilang mga palitan ay hindi mas maliit kaysa sa mga pinapatakbo ng mga opisyal. Maraming mga malaking puwersa at karanasan sa likod ng mga tindahang ito, kasama na ang ilang mga two-star sects."

Pagpapatuloy ni Xiao Ma.

Habang sila ay lumilipad, dumaan sila sa mga magandang tanawin.

"Ang mga maliit na pwestong ito ay ang malayang pamilihan. Sila ay magulo at mababa ang kalidad, ngunit ang kalamangan ay magagawa ng isang tao ang kaniyang gusto."

Ang grupo ay pumunta sa malayang pamilihan.

Ang malayang pamilihan ay napupuno ng mga sigawan ay tawaran, tulad ng isang tunay na pamilihan. Karamihan sa mga panig na nagtatawaran at mga True Lord Rank, ngunit may iilan ring mga half-step Origin Core Realm at Small Origin Core Realm.

May ilan pa ngang mga Great Origin Core Realm Sovereign Lord na pumasok para subukin ang kanilang swerte.

"Hehe, kung susuwertihin, makakabili sila ng mga divine weapon para sa murang halaga."

Tumawa si Xiao Ma.

"Maraming iba't ibang tao rito, at napupuno ito ng kaguluhan. Paano makakakuha ng magandang kayamanan dito?"

Tanong ni Loulan Zhishui. Ang kaniyang tingin ay napunta sa mas malaking palitan at mga tindahan.

"Ang sinabi ng dalagang ito ay hindi tama."

Umiling si Xiao Ma at nagsalita nang may misteryosong tono, "Sampung taon na ang nakalipas, isang Sovereign Lord ang bumili ng kalahating piraso ng isang sinaunang bagay – ang Heaven Heart Divine Pendant sa halagang isang daang high-grade Primal Crystal Stones lang. Ang halaga nito ay lagpas na sa mababang Primal Crystal Stones. Matapos nito ay ginamit ng Sovereign ang kalahati ng Heaven Heart Divine Pendant at nagcultivate sa loob ng maraming taon, at nakalagpas sa Void God Realm, na nakagulat sa maraming malapit na island zone at kahit sa Spiritual Sacred Lands."

Isang bagay ng Ancient Era, ang Heaven Heart Divine Pendant.

Nagulat si Zhao Feng. Hindi niya naisip na may ganitong hindi karaniwang bagay rito.

Ang pinakaunang panahon ng mundong ito ay ang Ancient Era. Pagkatapos ay ang Immemorial Era, at ang Atavistiv Era, at pagkatapos ay ang kasalukuyang Fan Universe.

Ang Ancient Era ang pinakamalapit na panahon sa pagkasira ng sinaunang kontinente, na napuno ng mga alamat.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay tumalon sa balikat ni Zhao Feng at tumingin sa paligid gamit nag mga mata nito.

"Hmm? Ano ang lugar na iyon ?"

Ang ilan sa mga mandaragat ay tumingin sa arena na mas malaki pa sa nasa Azure Flower Continent nang higit sa sampung beses. Ang napakalaking arena ay kumakain ng ilang daang milyang espasyo. Ang gitna ay ang arena proper habang ang mga manonood ay nakaupo sa paligid at nanood.

"Iyan ang Void Ocean Arena na inayos ng mga opisyal ng Spiritual Palace. May mga hindi seryosong labanan pati na pagsusugal, o labanan pa ng buhay o kamayan para maayos ang mga hidwaan."

Ngumiti si Xiao Ma at sinabi ito.

Sa sandaling ito, ang Heaven Earth Yuan Qi ay nagsimulang mayanig sa lugar.

"Isang labanan sa pagitan ng mga Sovereign."

Naramdaman ni Zhao Feng ang aura sa loob ng arena, ngunit hindi niya makita ang tiyak.

"Dalawang mga henyo mula sa True Martial Sacred Land ang pumasok sa arena ilang araw ang nakalipas, na nagdahilan para mas tumaas ang popularidad ng arena. Ang bayad sa pagpasok nang mag-isa ay nakapgbigay ng malaking halaga sa arena…"

Si Xiao Ma ay nagbuntong hininga.

__

Mga henyo mula sa True Martial Sacred Land?

Si Loilan Zhishui at mga mandaragat ay napuno ng paggalang at pagtataka.

Mayroon lang tatlong Spiritual Sacred Lands sa loob ng Cang Ocean, at bawat isa ay sumpremo.

"Tanging ang Spiritual Sacred Lands ang makakapagbigay-buhay sa mga three-star forces.

Hindi maiwasang magtaka ni Zhao Feng kung gaano kalakas ang mga henyo mula sa Spiritual Sacred Land.

Sa kasalukuyan, nakipagpalit lang siya ng ilang atake sa mga henyo mula sa two-star sect at two-and-a-half star sects.

Ang totoo, si Lu Tianyi ay hindi pa nga naing Head Disciple of the Pure Moon Spiritual Sect. Ang mga ito ay may hangganan ang edad para makapasok sa Purple Saint Ruins.

Sa peak two-star sects at three-star-porces, hindi pa sila nakikilala ni Zhao Feng noon.

Ayon sa kaniyang nakita, ang isang puwersa at sampung beses na mas malakas kung nasa parehong star level sila. Halimbawa, ang pagkakaiba sa pagitan ng normal-star sect at ang peak two-star sect.

Ang one-star Scarlet Moon Demonic Religion at nakalaban sa Ten Great Clans ng kontinente habang ginawa ang "heyday".

"Kung gusto ni Kapitan, pupunta tayo."

Mungkahi ni Xiao Ma.

"Sige, halina at tignan ang mga henyo mula sa Spiritual Sacred Lands."

Si Zhao Feng ay puno ng pagtataka.

Sou! Sou! Sou!

Ang grupo mula sa Blue Lightning Sea Sky Ship at lummipad patungo kay Xiao Ma.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng at bloodline ay biglang nagulat nang lumapit siya sa arena.

Nang mapasok na ng grupo ang area, Marami nang mga tao ang nagmamadaling maluto ito, kasama ang trio na binubuo ng Great Origin Core Realm Sovereign Lord, isang lalaki, at isang babae.

Ang lalaki ay gwapo at ang babae ay maganda.

"Eb, kami na ang bahala sa balyena ng walang hanggang karagatan habang pinapalawak mo ang kaniyang limitasyon.

Ang Sovereign Lord ay nakasuot ng isang payak na damit at nakasapatos.

Next chapter