webnovel

Bloodline ng Ten Thousand Ancient Races

Editor: LiberReverieGroup

Ang Void Ocean Arena ay gawa sa kakaiba at labis na matatag na materyal. Nababalot din ito ng isang napakalaking array na kahit ang Great Origin Core Realm Sovereign Lord ay hindi makakasira agad.

May ilang mga guwardiya sa labas ng pasukan.

"Limampung Primal Crystal Stones para sa bawat tao."

Ang bayad sa pagpasok ay sapat na para maubos ang pera ang ilang mga cultivator.

Sila Zhao Feng ay may Void Ocean Token lahat, na naglalaman ng napakalaking halaga ng Primal Crystal Stone na maaaring maibawas.

Ang gabay na si Xiao Ma ay nabawasan din ng ilang Primal Crystal Stones.

"Ang ungas na iyan ay nanalo ng ng 29 laban, at patuloy pa rin sa pagsayang ng kaniyang lakas."

"Ang proporsyon ay isa sa dalawampu't lima na."

"Ai, ang aking limang daang high-grade Primal Crystal Stones!"

Umalingawngaw ang mga sigawan sa arena.

May kabuuan ng walong arena, at karamihan sa mga tao ay nagtipon sa eastern arena.

"Siya pala ang henyo ng True Martial Sacred Land?"

"Lagpas lang siya sa dalawampung taon at may cultivation na kaagad ng Origin Core Realm."

Maraming napatingin sa youth na may maiksing buhok. Ang youth ay nakadamit ng itim ay mukhang labis na normal – ang tipong hindi makakakuha ng atensyon – ngunit dito, ang kaniyang bawat kilos ay nakikita ng lahat, at nakuha ang puso ng maraming mga babae.

Si Loulan Zhishui ay labis na nadismaya nang siya ay tumingin.

Sa kaniyang isip, ang isang henyo mula sa Spiritual Sacred Land ay dapat gwapo, malamig, o nangingibabaw, ngunit ang youth na itong may maiksing buhok ay mapayat at tila maliit.

"Brother Chen, ang mga kalabang ito ay madali lahat..."

Ang youth na may maiksing buhok ay mukhang hindi natuwa nang tumingin ito sa matangkad at mapayat na youth sa southern arena.

"Ang iyong mga atake ay hindi pa perpekto, at kung hindi ay mas mabilis ka pang nanalo."

Ang matangkad at mapayat na youth ay umiling.

Ang youth na may maiksing buhok at ang matangkad at mapayat na youth ay parehong mga henyo mula sa True Martial Sacred Land.

Ang matangkad at mapayat na youth ay may cultivation ng Great Origin Core Realm, walang masyadong kumakalaban sa kaniya, ngunit ang youth na may maiksing buhok ay nasa early-stage Small Origin Core Realm lang.

"Ang ikatatlumpung laban."

Sabi ng isang hurado.

May apat na Great Origin Core Realm na hurado sa eastern stand. Mula rito, ,akikita kung gaano kahalaga ang eastern arena sa Void Ocean Spiritual Palace.

"Zhe zhe zhe, bata, hayaan mo ako, si Ma Fengyun, na makita ang mga skill ng Sacred Land."

Isang elder na may hawak na kawayang pamingwit ang tumalon papunta sa arena.

"Ma Fengyun? Isang kapitang pirata noon?"

"Ang Ma Fengyun na ito ay naging peak stage Small Origin Core Realm ngunit napinsala sa isang misyong pagmamanman, kaya bumaba sa middle-stage Small Origin Core Realm."

Maraming nakakilala kay Ma Fengyun. Kahit na bumaba na siya sa middle-stage Small Origin Core Realm, dati ay isa siyang mapanganib na kapitang pirata. Hindi siya isang taong matatapatan ng mga kapareho niya ng antas.

"Limitless Shadow Stick!"

Si Ma Fengyun ay gumamit ng Earth-Grade weapon sa kaniyang kamay. Ang mukhang simpleng kawayang pamingwit ay naglabas ng isang along tila nilalamon ang lahat ng madaanan nito.

"Earth-Grade weapon... mga Earth-Grade technique..."

Nagulat si Zhao Feng. Sigurado siyang ang lakas ng Ma Fengyun na ito ay bahagyang mas malakas sa late-stage Small Origin Core Realm na kapitang piratang nakita niya noon.

Ang skeletal Division Leader ay maaaring kaya siang talunin nang harapan, ngunit siguradong aabot ito ng higit sa isang daang galaw.

"Matandang lalaki, ang iyong mga panlilinlang ay wala lang sa Spiritual Sacred Lands."

Sabi ng youth na may maiksing buhok nang may panghahamak.

"Heaven Star Shattering Technique!"

Ang youth na may maiksing buhok ay itinulak ang kaniyang mga kamao at nakagawa ng malalim na pagsabog sa hangin, na nakagawa ng libo libong mga kamaong dinurog ang momentum ng gumuguhong mag bato at nahahating langit.

Boom!

Ang ragasa ni Ma Fengyun ay tila tinamaan ng mga bituin na may bigat na libo libong tonelada at nadurog.

"Ang ungas na ito...!"

Si Ma Fengyun ay napilitang umatras, at napagtantong ang ilang daang taon niyang karanasan ay hindi uubra sa mga kamaong ito.

Bawat kamao ng youth na may maiksing buhjok ay tila naglalaman ng walang hanggan at nangingibabaw na puwesa.

Bam!

Si Ma Fengyun ay biglang tinamaan ng isang kamao at napalipad.

Wah!

Sa sandaling bumagsak siya sa lupa, si Ma Fengyun ay dumura ng dugo at ilan sa kaniyang mga buto ay nadurog.

"T*ng*n*? Hindi man lang siya tumagal ng sampung galaw!"

"Ang kapitang piratang naglakbay sa karagatan ay natalo lang nang ganoon?"

Ang mga manonood ay nagkagulo.

"Kahanga-hanga. Kahit ang late-stage Small Origin Core Realm ay hindi rin makakatagal ng sampu o dalawampung galaw sa kaniyang harapan."

Kahit na hindi ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye, ang kaniyang kalagayan ng pag-iral at katawan ay halos nakaabot na sa lebel ng isang Great Origin Core Realm, kaya ang kaniyang mga pandama ay matalim.

Ang totoo, tanging ang mga nasa Great Origin Core Realm lang ang nakakaramdam kung gaanong nakakasindak ang bloodline power ng youth na ito.

"Tatlumpung panalo na!"

Ang mga manonood ay naghintay ng mga bagong kakalaban, at ang proporsyon ng sugal ay umabot na sa 1:28. Ang ibig sabihin nito, kapag pumusta ang isang tao sa kalaban, makakatangap sila ng 28 Primal Crystal Stones para sa bawat isang Primal Crystal Stone. Dagdag pa rito, ang proporsyon ay patuloy na tataas sa bawat dagdag na panalo.

Whoosh!

Sa mismong sandaling ito, dalawang malakas na aura ang direktang lumipad sa eastern arena.

"Ipaubaya ninyo ang unga na ito sa akin!"

"Hahaha, nagsugal ako ng isang daang libong high-grade Primal Crystal Stones sa aking sarili. Kapag nanalo ako, makakakuha ako ng ilang milyon pabalik."

Ang dalawang aura ay parehong nasa late-stage Small Origin Core Realm. Ang isa sa kanila ay nakasuot ng lilang baluti, habang ang isa ay isang lakaking may katamtamang edad, mataba ang mukha at malaki ang tainga.

"Ang mga kakalabang bilang 31 at 32."

"Ang isa ay nasa late-stage Small Origin Core Realm, at ang isa at tula nakaabot na sa peak stage."

Ang mga manonood ay hindi na makapaghintay. Ang dalawang kakalabang ito ay halatang mas malakas sa mga nauna.

Ito ay totoo lalo na para sa lalaking may katamtamang edad at may matabang mukha na may cultivation ng isang peak stage Small Origin Core Realm. Isang hakbang na lang at magiging isa na siyang Great Origin Core Realm Sovereign Lord.

"Hindi nakakatuwa."

Ang youth na may maiksing buhok ay ngumuso.

"Bakit hindi mo sila kalabanin nang sabay, ngunit manantili ang proporsyon ng sugal?"

Ngumiti ang isang youth mula sa Sacred Land at iminungkahi ito.

"Huh? Dalawa laban sa isa?"

Ang mga hurado ay nagulat. Bahagi naman sila ng "bahay," at kahit na matalo ang youth na may maiksing buhok, kailangan nilang magbayad ng malaking halaga.

Ang kanilang mga tingin ay napunta sa isang partikular na elder, ang taong responsable sa arena, na ang aura ay papunta sa Void God Realm.

"Sige."

Tinignan ng elder ang matangkad at payat na youth.

"Hahaha, ngayon ay mas mahirap ito. Kayong dalawa ay maaaring lumaban sa akin nang sabay."

Ang youth na may maiksing buhok ay tumawa.

Ano? Dalawa laban sa isa?

Ang mga manonood ay tumigil bago magkagulo.

"Dali!"

"Pumusta ka sa kaniya!"

Sa sandaling ito, ang proporsyon ay higit na sa isa sa tatlumpu.

Ang mga manonood ay nabaliw.

Maraming tao ang dumagdag sa mga tumataya. Ngayon ay mayroon kasing isang late-stage Small Origin Core Realm at isang peak Small Origin Core Realm.

"Heaven Star Shattering Technique!"

Ang youth na may maiksing buhok ay naglabs ng isang sinaunang aura nang tumaas ang kaniyang battle-intent.

Sky Changing Nine Swords!

__

Supreme Fist of the Ten Directions!

Ang lalaking nakabaluti at ang lalaking may katamtamang edad at mataba ang mukha ay parehong umatake nang may panloloko sa kanilang mga mata.

"Naalala ko na, ang dalawang iyon ay ang Two Depairs of the Purple Sovereign, at mahusay sa magkasamang pagawa. Nagawa pa nilang makapigil ng isang Great Origin Core Realm Sovereign Lord noon."

"Two Despairs of the Purple Sovereign? Ang dalawang lalaking iyon?"

Ang mga manonood ay napuno ng tuwa.

__

Two Despairs of the Purple Sovereign.

Ang lalaking may lilnag baluti at ang lalakig nasa katamtamang edad at may malaking taing ay perpektong magkasabay kumilos.

"Ang battle-power ng Two Despair of the Purple Sovereign ay malapit sa isang Great Origin Core Realm."

Hindi maiwasang patunugin ni Zhao Feng ang kaniyang dila. Kung wala ang kaniyang God's Spiritual Eye at Ghost Corpse Cursed Array, siguradong hindi niya matatapatan ang dalawang ito. Kahit na ang skeletal Division Leader ay nasa kaniyang panig, magiging 50-50 lang ito.

Ang Two Despairs of the Purple Sovereign ay nagpurihan, at pareho silang may Earth-Grade weapon.

Boom Boom Boom~~~~

Ang labanan ay kasalukuyang nangyayari. Kahit na ang youth na may maiksing buhok ay gumamit ng mga taktika at technique, ang pagkakaiba sa kanilang cultivation ay malaki talaga.

Sa mga normal na sitwasyon, ang pagkakaiba sa laki ng True Yuansa pagitan ng isang early-stage at late-stage Small Origin Core Realm ay dalawa o tatlong beses, at ang kanilang lakas ay magkaiba rin.

"Ang ungas na ito ay hindi na masama. Lumalaban pa rin siya kahit matagal na oras na ang nakalipas."

"Sa kasamaang palad, ang kaniyang cultivation ay mataas na. Kung siya ay nasa middle-stage Small Origin Core Realm, maaring tayo ang matalo."

Ang Two Despairs of the Purple Sovereign ay parehong naglabsa ng isang maliit na ngiti. Hindi siya tumuon sa pagkapanalo, sa halip ay tumuon sila sa paggasta ng True Yuan ng youth.

Hmph!

Ang ekspresyon ng youth ay naging nakaksindak dahil hindi niya makaharap ang puwersa mula sa mga kalaban.

"Bukas!"

Ang youth na may maiksing buhok ay ibinukas ang kaniyang braso at isang sinauna at nangingibabaw nag bloodline aura ang nailabas.

Ang mga itim na tattoo ay tila naipon at kumalat sa kaniyang balat. Mukha itong balat ng isang sinaunang tao, at labis itong matatag. Hindi talaga ito balat o kalislik, tila isa itong uri ng kabibi.

"Brother Jiang, tumigil ka!"

Ang ekspresyon ng matangkad at mapayat ng youth ay nagbago.

"Ang bloodline aura na ito…!"

Ang Two Despairs of the Purple Sovereign ay naramdaman ang kanilang kaluluwa at bloodline na nanginig at hindi mapakali.

Bam!

Ang kanilang mga atake ay bumuhos sa youth na may maiksing buhok. Nakatuon siya sa ganap na pagpapalaganap ng kaniyang bloodline power, kaya hindi niya ito kayang iwasan o pigilan.

"Arghh!"

Ang mga sigaw ay umalingawngaw mula sa mga tao.

Boom!

Ang youth na may maiksing buhok ay hindi gumagalaw. Tila isa siyang ancient desolate beast nang maglabas ng isang nakaksindak na aura.

Shua!

Isang maliit na madugong markang kasinglaki ng isang kuko ang naiwan sa kaniyang katawan, ngunit mabilis itong nanumbalik. Ang itim na tattoo ay makapal at matatag.

"Paano… paano ito naging posible?"

Ang Two Despairs of the Purple Sovereign ay sumigaw. Ang kanilang pinagsamang atake ay hindi natapatan laban sa mga nasa ilalim ng Great Origin Core Realm.

"Anong nangyayari…?"

Dagdag pa rito, ang kanilag mga kaluluwa at kamalayan ay yumayanig.

Hindi nila alam, sila ay bahagyang nakaluhod at malapit nang ganap na lumuhod. Ang kanilang mga mukha ay napuno ng hindi malamang takot, at ang lahat ng nanonood ay naramdaman ang kanilang mga kaluluwa at dugong yumanig nang hindi mapakali.

"What…?"

Naramdaman ni Zhao Feng na yumanig din ang kaniyang bloodline, at kahit ang munting pusang magnanakaw ay naglabas ng isang kakaibang seryosong ekspresyon.

Plop! Plop!

Ang lahat ng nasa ilalim ng peak True Lord Rank ay lumuhod sa lupa.

Ang mga mandaragat at si Loulan Zhushui at nagsimulang yumanig at namula.

"Ang bloodline aura na ito… hindi kaya galing ito sa Ten Thousand Ancient Races…!"

Isang Great Origin Core Sovereign Lord na nakasuot ng payak na damit ang sumigaw. Ang kaniyang kaluluwa, at kahit ang kalagayan ng kaniyang pag-iral, ay hindi na rin mapakali.

Next chapter