webnovel

10 years of love

Sa relasyon na mayroon sina Vida at Andro, Hindi nawawala ang pagtatampuhan, pag-aaway, pikunan at iyakan. Ngunit... Mas nangingibabaw sa kanila ang kasiyahan, pagkakasundo, biruan at pagmamahalan. Sa siyam na taon nilang pagsasama, ilang beses na rin silang napagod pero hindi sumuko dahil sa pagmamahal sa isa't isa. Hanggang sa umabot ang sampung taon... Mas lalong tumibay ang kanilang samahan... Sa... Sampung taon na pagmamahalan.

Joyce_Jayson · Teen
Not enough ratings
12 Chs

Kapitulo 4

"Ito gift mo sa jowa mo?"

Hindi ako sumagot at patuloy na pinagmasdan ang regalo. Nandito kami ngayon sa mall ni emerald. Kakauwi lang ni emerald galing sa new york with his boyfriend para doon daw i-celebrate ang 1st anniversary nila. I actually thinking na pumunta kami ng ibang bansa para rin mag-celebrate ni andro pero busy kasi siya nitong mga nakaraang buwan at hindi na kami masyado nakakapag-usap. Well, marami na kasing kailangan asikasuhin. Tinignan ko si emerald na hindi sang-ayon sa dala ko.

"May problema ba sa gift ko?" Tumango kaagad siya.

"Kasi.... Dapat baby na ang regalo mo!" Suggest niya na walang kwenta.

Ang sarap bigla hampasin ni emerald ng bag na dala ko. Mabuti nalang at nandito kami sa mall, maraming tao.

"Wala ka talaga nasasabing tama no?" Tinaasan ko siya ng kilay at nag-peace sign lang siya.

"Bakit? May point naman ako vida! Hello?! Wala kayong problema financially! Both supportive ang parents! Anong problema niyo?" Pumasok na kami sa starbucks at nag-order. Bumuntong-hininga ako sabay ayos sa gamit ko.

"Wala namang problema... Siguro we both know na... Hindi pa kami handa? Tsaka nasa 4th anniversary palang kami ngayon. We both agreed na take it slow lang muna," paliwanag ko.

"Haynako, vida. Kaka-take it slow niyo, may mangyari."

I just ignored what emerald said. Iniba ko ang usapan at napunta sa kanila ng boyfriend niya. Masaya kaming nagkwekwentuhan ni emerald hanggang sa mapagdesisyunan naming umuwi na.

"Hi Avida!" Bati sa 'kin ni Monty. Binati ko siya pabalik at tuluyan ng pumasok sa house nila.

Nandito ako para bisitahin si andro. Busy kasi siya ngayon kaya hindi siya makapunta ngayon sa bahay kaya ako nalang ang pupunta.

"Your kuya?" Tanong ko. Tinuro niya sa itaas na mukhang nasa kwarto. Nagpasalamat ako at umakyat na sa hagdan. Lumiko ako para makita na ang pinto ng kwarto ni andro.

Binuksan ko ang pinto ng hindi kumakatok. Alam niya namang pupunta 'ko now e. Sinara ko na ang pinto ng makapasok ako at bumungad kaagad sa 'kin ang madilim niyang kwarto at natatangin computer niya nalang ang nagsisilbing ilaw pati ang lampshade na nasa tabi niya.

Lumapit ako sa kama at narinig ang hilik ni andro. He's sleeping. Maybe he's really tired. Sa dami ba naman niyang pinuntahang meeting nitong linggo, parang siya na nga talaga ang CEO ng company nila kahit bata pa. Todo travel kasi ngayon mga magulang ni andro para naman daw ma-enjoy nila ang life nila in their age.

Inayos ko ang kumot ni andro pati ang mga papeles na nagkalat sa table niya. Umupo ako sa tabi niya pagkatapos ko. He's so gwapo lalo na kapag tulog. I'm proud that I have this man.

Gumalaw siya bigla na ikinagulat ko. Tumayo ako ng marahan para hindi siya magising. Nanlaki ang mata ko ng hinawakan niya bigla ang wrist ko at hinila palapit sa kanya. Ending, napahiga na rin ako sa tabi niya. Niyakap niya ako mula sa likod at inilapit ang mukha sa leeg ko.

"Kanina ka pa?" Sabi niya na may pagka-husky ang boses. Tumango ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"Are you alright?  Magpahinga ka muna," Sabi ko at humarap sa kanya para makita ang mukha niya. Umiling siya at hinaplos ang buhok ko. Ilang metro nalang ang layo namin sa isa't isa.

"I'm okay, nandito ka naman sa tabi ko," sagot niya sabay yakap ng mahigpit sa 'kin.

Me too...

Ilang oras rin kaming nakatulog ni andro. Mga hapon na kami nagising at napagdisesyunang mag-movie marathon nalang for our anniversary today. Dito mismo sa room niya. Nakapaghanda na rin ng mga snacks ang kasambahay nila para makain naming dalawa during the movie. 

"Insidious?" Tanong ko. Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagpindot sa remote sa Netflix.

Magkatabi kami now sa couch at dikit na dikit sa isa't isa. Nasanay na kami kapag nanonood kami. Usually mga normal date namin 'to araw-araw kapag walang ginagawa. Ngayon kasi kung pupunta kami sa ibang lugar, Hindi pwede. Busy talaga si andro.

Sinubuan ko si Andro ng popcorn habang yakap niya ako. Seryoso kaming nanonood hanggang sa umabot sa nakakatakot na part.

"Babe..." napangiti ako ng maramdaman ang higpit ng hawak niya sa braso ko.

"Ikaw pumili nito, panindigan mo," tawa-tawa akong nilingon siya habang bakas naman sa mukha niya ang takot.

"Babe, iba nalang. Hehe," suggest niya pero umiling ako.

"Ito na. Pagpatuloy na natin 'to. Nasa kalagitnaan na Tayo o!" Sabi ko.

"Nasa unahan pa kaya!" Sagot niya. Tumawa ako ng malakas na ikinasimangot niya.

"I love you, babe." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Kung hindi mo ililipat 'yan, ikaw tatakutin ko!" Kumunot ang noo ko.

"Me? Really? Hindi ako matatakuting tao no," depensa ko.

"Talaga? Gusto mo subukan ko?" Ngumisi siya at unti-unting inilapit ang mukha sa 'kin. Bago niya pa ako mahalikan ay hinarang ko ang kamay ko sa mukha niya sabay tilak at lumayo.

"Movie marathon tayo, 'di ba?" Tumawa siya habang ako naman ay nanatilin pa rin sa pwesto. Umupo siya ng maayos at kumuha ng popcorn.

Sa huli, hindi rin namin natapos ang movie kasi may tumawag kay andro at sinabing may meeting daw sa opisina. No choice kaya heto ako, nakaupo...mag-isa.

Nalungkot ako oo pero I understand. Busy rin naman kasi ako nung nakaraang taon kaya alam kong ganito rin naramdaman niya nung iniwan ko siya. How lonely talaga. Napabuntong-hininga ako at humiga nalang sa kama. Nagscroll muna ako sa social media ko hanggang sa di ko namalayang nakatulog ulit.

Nagising ako bigla dahil sa may humalik sa noo ko. Iminulat ko ang aking mata at tumambad sa 'kin ang mukha ni andro. He's wearing his tuxedo like usual when going to his company. Mukhang kakauwi niya lang. Bumangon ako habang siya ay malawak lang ang ngiti.

"Tulog mantika si babe ko a," Sabi niya. Hindi ako sumagot at tinignan kung anong oras na. It's already 9pm. Hindi namalayan!

"Oh my gosh. Hindi ako-"

"Nakapagpaalam na 'ko kina tita at tito na dito ka na matulog. May damit ka naman dito e," paliwanag niya.

Tumahimik ako sabay yakap sa kanya. Hindi ko pa pala nabibigay regalo ko sa kanya kaya inutusan ko siya na kunin ang bag ko para makuha ang regalo ko. Nakita niya na ang nakabalot na maliit na box kaya mabilis niya itong binuksan.

Halata sa mukha niya ang saya ng ngumiti siya at hinalikan ako agad sa labi ng mabilis.

"Thank you babe! Alam mo talaga mga favorite ko." Nakangiti siyang hinakawan ang relo at sinuot kaagad.

"Nagustuhan mo?" Tumango siya. "Happy 4th anniversary babe," pagbati ko.

Bigla niya akong binubat na pa-bridal style at naglakad papunta sa pinto sabay labas ng kwarto. Saan kami pupunta? Natahimik ako ng bumaba kami habang buhay niya pa rin ako para pumunta sa living room.

"Ano bang-" Hindi ko natapos ang sinabi ng makita ang higanteng bulaklak na nakatayo ngayon sa harap ko. As in! Mas matangkad pa kay andro at punong-puno ng sunflower!

Napatakip ako ng bibig at dahan-dahang lumapit para hawakan ang bouquet. It's so beautiful!

"Surprise! Happy 4th anniversary babe!" Bati niya sa 'kin.

Wala 'kong masabi kaya niyakap ko nalang siya habang hinalikan niya ang noo ko.

"You order this?" Tanong ko.

Tumango siya at lumapit sa bouquet. May kinuha siya roon at binigay mismo sa 'kin ang isa sa piraso ng mga sunflower.

"For Avida Guillermo, my sunflower..." he said and smile genuinely.

_____________________________________________________________________________________________

:>