webnovel

EPISODE 4: THE PROMENADE

Kontrolado ko ang lahat iyon ang paniniwala ko. Nasanay na din kaming magbabarkada na kasama palagi nila Kent kapag lunch at break time.

Lumipas pa ang panahon at hindi ko napanindigan ang pangako ko sa sarili na hindi muna maiinlove. Lumakas pa ang nararamdaman kong kilig at pag-ibig sa kanya habang tumatagal.

Gustong-gusto ko siyang palaging nakikita na tuwing absent siya parang kulang ang araw ko. Nawawalan din ako ng ganang makinig sa mga leksyon kapag wala siya sa class ng ganoong panahon.

Masayang-masaya ako na kahit walang label iyong sa amin ay alam kong may mutual understanding kami. Hihintayin daw niya ako iyon ang pangako niya na sana ay mapanindigan niya hanggang sa huli.

"Hi! Good morning beautiful",  ani ni Kent isang araw na sobrang aga niya dumating sa aming paaralan.

"Hello. Good morning din ang aga mo yatang pumasok ngayon. Ano nakain mo?" Sabi ko naman.

"Ganado na ako pumasok lagi mula noong pinansin mo ako. Inagahan ko talaga para may time ako na makakwentuhan ka ng personal kasi wala pa masyadong tao kapag ganitong oras sa school."  Ang tagal kasi ng Sabado at Linggo namiss tuloy kita ng sobra sabi pa niya.

"Malapit na pala JS natin may kapartner ka na ba? Pwede bang tayo na lang ang partners that night?"

"Please. Obligado naman ang mga students sa school natin na may kasayaw sa buong oras ng event kaya please please, please pumayag ka na."

"Wala naman talaga akong ka partner so tayo na ang magpartner basta walang nakakaalam ng relationship natin ha kung hindi malalagot ako sa parents ko."

"Pangako magpapakabait ako basta ikaw ang makakasama ko. Suportado naman tayo ng pinsan at bestfriends mo kaya kahit salitan na lang tayo ng partners sa ibang sayaw para hindi sila makahalata."

"Kakausapin ko din sila na sa isang table tayo uupo para magmukhang grupo lang ang samahan." Sabi nito sabay wink sa akin pagkasabi ng idea niyang iyon.

JS Prom Event

Nagsidatingan ang mga studyante na nasa 3rd year at 4th year na kasali sa JS Prominade that night. Ang attire Long gown sa girls any color at Americana naman sa boys kaya pormal na pormal.

Sa event hall ng MGS Internation School ang venue kasi kaugalian na ito dito. Ang buong lugar ay puno ng dekorasyong makikintab, mahahalimuyak at eleganteng tignan dahil sa mga ilaw at mga babasahingn gamit na naka display. They hired a decorator para maging matagumpay ang lahat ng detalye ng plano.

"Hi!I am so excited andito na ako sa gate ng school. Asan na kayo nila Cristine?" Text ko kay Courtney since kakarating ko lang. Gustuhin ko man siyang sunduin ay bawal kaya hihintayin ko na lang silang dumating dito.

"Malapit na kami sa may gate Kent. Asan kayo banda?"

"Andito kami nila Rixor sa bandang kanan ng gate. Sabay na tayo pumasok sa venue since nandito pa naman kami labas para tabi-tabi daw tayo 🥰🥰🥰."

Nakita na kita ang pogi naman sabi pa niya. Hindi na ako nagreply kasi papunta na ako sa lugar niya.

"Mabuti na lang at mamaya pa darating ang parents namin sa ibang car sila sasakay kasi crowded daw kung sasabay pa sila kaya safe pa kayong maglampungan diyan," hirit pa ni Mara.

Kent hinay-hinay lang baka mabuking kayo diyan! Sabi naman ni Angel.

Tumawa na lang ako sa sinabi ng mga kaibigang babae ng mahal ko.

Nagkanya-kanyang partner muna kami since required naman na may escort ang muse sa event na ito.

Ang partners me and Courtney, Cristine and Rixor, Mara and Carlo then Angel and Jessie.

"Sobrang ganda naman ng partner ko." Parang gusto kong manuntok sa mga nakatingin biro ko sa kanya ng pabulong.

"Thank you Kent. Ang pogi din ng partner ko nakakainlove lalo." Parang bigla ko din gustong manabunot ng mga babaeng nakasunod ng tingin bulong na sabi naman niya sa akin pero nakangiti.

Huwag na lang natin silang pansinin baka masira pa ang gabi natin sabi ko kay Courtney, sabay hawak sa kamay niya. Nabigla siya pero hindi naman tumutol.

Dumikit ako sa kanya saka ko hinawakan ang kamay niya papalapit sa akin sabay lagay ng isang promise ring na binili ko kahapon sa mall.

"I LOVE U,"  bulong ko sa tainga niya kasi madilim pa naman kaya walang makakapansin sa aming sweetness.

"Wow! Ang ganda naman. Anong ibig sabihin nito?" Courtney asked.

"Ang ring na iyan ang sign ng pag-ibig ko sa iyo sana nagustuhan mo binili ko iyan kahapon kasi wala akong maisip na pangregalo this night."

"I love it and I LOVE U too Kent." Kaso wala akong nabiling gift bawi na lang ako next time kasi alam mo na hindi ako makatakas. Sana huwag kang magsawa kahit patago muna ang sa atin.

Ang mahalaga sa akin ay mahal mo ako at kasama kita ngayon. Kontento na ako rito basta sana hanggang sa huli ako kang ang mamahalin mo.

Ikaw lang naman talaga Kent. Ayoko lang talagang magkagulo kapag may nakaalam. Tingin ko kasi madaming hahadlang kapag nalaman ng iba ito.

Hindi ko kaya kapag mawawala ka pa sa akin ngayon Courtney kasi nasanay na akong nandiyan ka kagi. Hulog na hulog na ako sa iyo sabi ko pa ng buong puso sa kanya.

"Promise babe , hindi mo man ako opisyal na sinagot iyong promise natin huwag mong kakalimutan ha?" Masaya na ako atleast alam ko na ako na ang may ari ng mailap mong puso. Salamat sa trust at magiging good secret boyfriend ako. Mas gusto kong hindi patago pero kung dito ka mapapanatag sige tatanggapin ko.

Don't worry I will keep my promises at iingatan ko ito sabay pakita ng daliri niyang may singsing.

Umayos ka na diyan at dumadami na ang mga tao sabi niya sa akin kaya nag kwentuhan na lang kami ulit ng ibang topic.

Sa buong oras ng JS, her father was her first dance at dapat ako naman ang last dance niya. Kung hindi mga pinsan niya ay ako lang at ang mga kaibigan namin ang kasayaw niya. Madalas ako ang kasama niya, hindi naman mahahalata kasi obligado kami ng adviser namin na may kadate at kasayaw para walang mabangko sa upuan kasi nga minsan lang daw iyon mangyayari sa aming mga nasa High School.

Kung sana lang masabi namin sa lahat na kami na mas mapapanatag ako. Alam kong maraming nakatingin sa kanya na mga lalaki pero hindi niya ito napapansin kasi ganon talaga siya.

Hindi ko na talaga macontrol ang aking nararamdaman na kahit secret boyfriend lang sa school ang role ko basta akin na siya ay masaya na ako at sana kami hanggang sa wakas.

Lumipas pa ang mga araw at palagi na nila kaming nakikitang magkasama ni Kent. Hindi na sila naniniwala na formal lang ang lahat kung hindi lang kami circle of friends kung kumain at magkakasama halatang-halata na talaga.

"Best kayo na ba ni Kent officially?" Hindi kasi ako sure kung nanliligaw pa ba iyon or sinagot mo na talaga sabi ni Mara.

"Huwag kang magsisinungaling sa amin dahil iba na kislap ng mga mata mo." Nagkwento na din kasi ni Kent kay Rixor na kayo na daw pero secret lang muna sabi ni Cristine.

"Nagtanong pa kayo kung alam niyo na pala ang sagot doon kayo talaga. Akala ko ba payag kayo sa amin ni Kent?"

"Suportado naman talaga namin kayo". Nagcoconfirm lang mabuti na ang malinaw sagot naman ni Mara.

"Sure ka ba diyan bestie na secret lang muna?" Baka naman papayag din lang sila papa mo na magboyfriend ka basta ayusin mo lang ang studies. Baka kapag sinabi mo sa kanila wala namang problema at iniisip mo lang na hindi nila magugustuhan sabi naman ni Angelica.

Sa tingin ko si tita ang may ayaw bestie kasi game lang naman si tito sa ganyan kapag kausap namin siya. Cool naman siya diba Courtney pero si mama mo ang conservative? singit ni Mara.

"Oo mga bestie. Open si papa sa ganyan pero si mama kasi baka magalit sa akin. Ayoko siyang madisappoint hindi ko kaya. Lagi pa naman niyang sinasabi na maging modelo ako sa mga kapatid ko bilang panganay. Ipakita ko raw na dapat pag-a aral muna ang atupagin bago pag-ibig kasi makakapaghintay daw iyan."

"Okay lang ba naman daw kay Kent iyon?

Siya kasi iyong taong ang paniniwala kapag nagmahal ka ipakita mo sa buong mundo." Narinig kong sabi niya sa tropa niya iyon noon sabi ulit ni Cristine.

Sana nga hindi siya magbago bestie. Basta pagkagraduate namin ng College saka pa lang kami magiging official. Sana lang talaga makapaghintay siya sa akin.

"Mag-ingat pa din kayo kung talagang secret ang gusto mo." Halata na kaya bestie ang sa inyo kasi nagtatanong na din si ma'am Cruz.

Sabi niya pagsabihan ka daw namin na huwag munang magboyfriend baka daw mawala ka sa concentration. May mga parating na Interhigh-QUIZ bee sa ibat-ibang subject ikaw pa naman ang pambato natin baka maapektuhan ka daw.

Kaya naman ni Courtney iyon Cristine.

Sabi pa naman ni Ma'am Cruz buti daw sana kung hindi si Kent ang nalilink sa iyo. Medyo easy going daw siya at saka parang walang dreams daw. Napakajudgemental naman niya sumbong ni Mara.

Ito pa isa si Faye umeepal kay Kent. Pinapangalandakan na gusto niya si Kent at nandoon nakikipagharutan na din s amga varsity? Ang landi hindi naman pinapansin. Gigil na sabi ni Angelica sabay turo sa may Science park ng school .

Natameme ako bigla habang nakatingin sa direksyon nila. Nakaramdam ako ng selos kasi si Faye maganda din at nakikisali sa beauty contest unlike me na kahit pwede ay ayoko kasi nahihiya ako.

"Hoy! Huwag kang malungkot diyan sabi naman ni Kent noong prinangka ko siya sa panlalandi ni Faye sa kanya kahit daw sino lumapit ikaw lang daw gusto niya period. " Sa tagal ba naman daw ng hinintay niyang panahon bago mo siya pansinin ang sabi ulit ni Cristine.

"Change topic sabi ko na lang. Si Cristine ang tanungin niyo naman bakit ako lang ang nagigisa. Kayo na ni Rixor ano?" Tanong ko.

"Oo bestie sinagot ko na siya 3 weeks ago pa. Bestfriends sila at bestfriends din tayo destiny talaga tayo."  Hahahaha, sabi pa niya.

"Mag-ingat ka kay Rixor best ha. Siya ang pinakababaero sa grupo nila papalit-palit ng girl iyon. Naku, malalagot iyon sa akin kapag nagkataon," sabi naman ni Mara na concern kay Cristine kahit medyo aso at pusa sila madalas.

"No worries. I made sure naman na may tinitira akong love for myself bago ako nakikipagrelasyon," sabi ni Christine.

"Mabuti kung ganoon ayokong masaktan ka bestie kahit sino sa inyo kasi masakit talaga ang maloko," sabi naman ni Mara kay Christine na may halong lungkot.

Ang sweet niyo naman isang mahigpit na yakap nga sabi naman ni Angelica kaya naggroup hug kami.

Matapos ang ilang oras na aral dumating na naman ang breaktime. Lumapit sila Kent sa amin at inabutan ako ng softdrinks and chocolate kais mahilig ako doon kahit bad to my health suportado naman niya basta hindi madalas.

For the beautiful girls sabi nila pero sa akin nakatingin si Kent at sa akin niya din binigay ang foods na hawak niya.

Pasabay naman kami para lalong ganahang kumain hirit ni Carlo sabay upo sa harap ni Angel.

Don't worry Courtney di naman halata parang nakisabay lang si Kent sa akin kasi kami na ni Cristine, alam naman na ng buong campus iyon sunod namang sabi ni Rixor.

Lagi na tayong magkakasama lalong tumitibay ang samahan kahit noon pa man talagang magkadikit na kami nitong si pareng Kent. Willing kami ni Babe ko maging kagamitan para sa secret relationship niyo na halata naman na din ano babe? Sabay wink ni Rixor kay Cristine.

Siya nga pala sa Saturday susunduin ka namin best punta tayo sa farm nila Rixor. Maligo tayo sa man made river nila ang ganda doon parang mini resort na private sasama din si Kent at mga pinsan mo picnic tayo.- Cristine.

Huwag ka ng tumanggi kami na bahala kila Tito at Tita. Sabihin namin school activity game naman mga iyon sabi ni Mara.

Sumama ka please. Kapag hindi ka sasama hindi din ako pupunta gusto lang kita makasama talaga kaya ako pumayag sumama din.

Nilalanggam tayo Mara hirit bigla ni Angelica. Wala kasi tayong pair tayo na lang muna magkapehas best, pero babae ako ha? Sabay tawa ni Angelica na siyang nabatukan ni Mara.

Sasama ako basta ipaalam niyo ako kila parents. Kinakabahan ako sa trip niyo ngayon lang ito ha ayokong niloloko sila mama.

"Yes!" Ako na bahala sa foods treat ko kayo Kent said.

Talaga pinsan? Walng bawian iyan ha kung hindi wala tayong kakainin sa Sabado ikaw iihawin namin biro naman ni Carlo.

Huwag mo ng asarin iyan pareng Carlo. Inlababo iyan kaya kahit buong Barangay baka pakainin kapag hiningan ng pagkain. Hahahaha pambubuska naman ni Rixor.

Jessie, ang ipaalam mo sa inyo group study para hindi mabuking si Courtney. Baka magtanong sila parents niya kila mama m po malalagot ang pinsan mo.

Oo ako na bahala doon sagot ko si pinsan. Saka expertise ko nang magpalusot kapag araw ng lakwatsa. Hahahaha.

Punta ako sa inyo mamaya pinsan kunwari babanggitin ko na need ko ng notes para sa activity sa Sabado para mas mapadali ang paalam nila Mara kila tita.

Iyong gagamitin mong damit dadalhin ko na iyong bag ko doon mo ilagay tapos bitbitin ko na sa bahay.

Ayos ang plano pareng Jessie lagot ka kila tita at tito mo hahaha. Kunsintidor na pinsan pambubuska naman ni Carlo.

"Ako pa ba favorite cousin ko kaya ito sabi nito sabay akbay sa akin." Basta kita-kita na lang tayo sa Sabado isasabay ko na ang girls papunta sa meeting place para hindi na magdala ng driver si Courtney baka magkabukingan pa. Mapapatay ako ng parents niya.

Sorry for wrong grammars and other negative things that readers might not like....

This is my 1st story so please bare and support me po.

Happy reading guys

Lady_Courtneycreators' thoughts