Bukod sa multo ano pa bang pwedeng makita ng mga taong may third eye?
Ang sagot: Madami, the sky is the limit.
Dahil sari-saring kababalaghan ang tumambad sa akin sa oras na binuksan ni Adang Sutil ang aking pangatlong mata.
Pano niya ginawa yon?
Simple lang, pinitik niya lang naman ako sa noo siyaka dinuraan.
Ambaboy 'di ba?
"What the pak!" Sigaw ko nang tumambad sa akin ang isang nilalang na naka dikit sa puno. As in, ang lower body part niya ay yung puno talaga!
"Nakakatwa 'di ba?"
"Anong nakakatawa dito?!"
"Bobo, ang sabi ko nakakatwa o sa ingles ay weird"
Natahimik naman ako. Habang ang mga mata ko ay nakatuon parin sa nilalang sa puno sa 'di kamalayuan. Mamaya-maya pa ay laking gulat ko nalang nang may lumabas ulit na mataba-tabang nilalang sa kalapit na puno at marahang umunat muna bago siya kumaway sa kanyang kapitbahay.
"Magandang umaga kiloy" Bati ng mataba sa medyo kapayatan na nilalang sa puno.
"Sa'yo den kiloy, ano balita?"
"Napakadami kiloy!" Tugon nito na para bang may ibabagsak na importanteng balita. "Nakita mo yung kaninang lalaki na nag ehehersisyo banda dito?"
"Oh ano meron sa kanya"
"Nakabuntis na naman ng ibang babae!"
"Kiloy, hindi nga?"
Ay...
Biruin mo, pati naman mga kakaibang nilalang eh may chismosa pa din.
"Palasekan ang tawag sa mga 'yan" Bigla nalang sabi ni Adang Sutil sa balikat ko. Napansin niya ata na nahumaling ako sa dalawang nilalang na nag chichismissan.
"Hindi naman sila delikado. Kaso nga lang eh, wag kang lalapit sa isa sa mga 'yan kung ayaw mong malaman nila ang tinatago mong sikreto" Dagdag niya pa.
"Kaya nila 'yun?"
"Kakasabi ko nga lang. Oo, kaya nila magbasa ng isip ng tao. Kaya kung mamromroblema ka tapos napadaan ka sa mga 'yan. Eh wag kana din mag taka kung bakit alam na ng buong baryo ang prinoproblema mo"
Napatango nalang ako.
Ibig sabihin ba nu'n eh, nakakapunta sa mga taong chismosa yung mga pinaguusapan nila?
Grrr... i cannot!
Mapapaputol na talaga ako ng puno ng wala sa oras. Delikado na't baka, pagiging NBSB ko eh, alam na din nila.
"Tama na 'yang kakatingin sa kanila at baka bigla ka na lang nila pagdiskitahan" Sabi niya na siyang nagpaalis ng atensyon ko sa dalawang chismosang nilalang.
"Mas mabuti pa at pagtuonan mo ng atensyon 'yang sandatang-bigay mo"
"Sandatang-bigay?"
"Mag tutuli kana kaya, kanina ka pa eh. Oo, sandatang-bigay. Mga sandatang ibinibigay ng mga Anitu sa kanilang Anitu Bata"
"Eh hindi mo naman pinadala sa'kin kanina"
"No need. Dahil lahat ng sandatang-bigay ay sumusunod sa tagapaghawak nila"
"So.. hihintayin nalang ba natin pumunta 'yon dito?"
Naglalakad ba 'yon?
"Hindi mo na kailangan hintayin, dahil kanina pang nandito 'yon"
"What do you mean?"
"Ayan oh" Tinuro niya ang water fountain sa gilid namin at laking gulat ko nalang na nagsasabi pala siya ng totoo. Dahil ang gasera na kanina pa naming pinaguusapan ay nakalapag lang sa may cemento na para bang may nakaiwan nito dito.
"Hala!" Kinuha ko agad ito at hinanap ang palatandaan na ito nga ang gasera ko. Mahirap na at baka nga may nakaiwan nito dito tapos inuuto lang pala ako ng mukhang lupa na fairy na ito.
Oo nga, eto nga ang gasera ko.
Liwayway
"Ngayon at hawak mo na ang sandatang-bigay mo. Maghanap na din tayo ng pwede nating tulungan"
Hindi nalang ako sumagot at naglakad na ako sa bawat kalye na itinuturo niya.
Mahaba-haba pa ang nilakad ko bago pa kami nakarinig ng malakas na boses ng mga babae na nag-aaway.
"Napaka landi mo kasi Berta, hindi ka na nakuntento sa asawa mo!" Sigaw ng matabang babae sa medyo kapayatan na babae. Natandaan ko tuloy yung dalawang palasekan kanina. Halos magkamukha nadin sila eh. Pinagkaiba nga lang eh, balat tao sila at hindi balat puno.
"Hoy! Marites, 'wag mo'kong pinagbibintangan as if naman totoo" Sagot naman ng mapayat na babae.
"Oh bakit hindi ba. Eh no'ng nakaraang gabi lang eh kitang-kita ng dalawang mata ko nakikipag halikan ka sa asawa ni Josephine" Pagbabara nito sa kaaway sabay turo sa kanyang kasamang babae na kaparehas lang din niya ng timbang.
"Tama na tama na!" Pagsuway ng tanod sa pagitan nila. "Hindi tayo magkakaintindihan dito kung puro kayo sigawan!"
"Sure kang 'yan ang tutulungan ko?" Ani ko kay Adang Sutil.
"Mismo" Ngumisi naman siya.
Pwede naman kasing pagmamahal lang. Ba't pa kasi may kapayapaan pa at panganganak.
"Hindi ka naman yata nakikita nila 'di ba?" Tanong ko kay Adang Sutil.
"Hindi. Depende nalang kung may third eye den 'yang mga 'yan. Wag mo'kong aalahanin"
"Sige, sige. Game ko na 'to" Bulong ko sabay abante sa bloodless war ng tatlong babae.
"Hello, pwede po bang sumingit?" Tanong ko pero 'di nila ako pinansin.
"'Wag kang bintang ng bintang!" Sigaw ng mapayat na babae na nag ngangalang Berta.
"Mga teh?" Sabat ko pero 'di parin nila ako pinansin.
"Totoo naman kasi. Napaka landi mo. Masunog ka sana sa impyerno!"
"Teh?"
"Ok lang sa'kin. Kasi alam ko 'di naman ako lalangisin du'n"
"Teh!" Sigaw ko pero wala paring epek.
"Pokpok ka!"
"Baboy naman kayo!"
Sigawan nilang tatlo na nauwi pa sa sabunutan. At ako?
Nadamay pa ako sa ramble nila kasi nakatayo ako sa gilid ni Berta.
"Aray, ang buhok ko!" Sigaw ko pero patuloy parin siya sa pagyugyog ng ulo ko.
"Pakialamera ka ha!" Sigaw niya sa'kin. Natalsikan pa yata ako ng laway niya dahil may naramdaman akong basa sa may kaliwang pisngi ko.
Kadiri!
"Aba't ako pa talaga ha!" Bulyaw ko at nakipagsabunotan na din sa kanya.
"Aray, Aray! Masakit!"
"Ano ha, Anoooo!" Tumili na yata ako ng bongang bonga sa sobrang gigil ko dito kay matabang ateh.
"Ona!" Sigaw ng maliit na boses sa balikat ko. 'Di ko na pala napansin na nakalambitin na pala si Adang Sutil sa damit ko. At konting galaw ko nalang ay mahuhulog na siya.
"Gamitin mo 'yung gasera. Wag kang bobooooooo!" At nahulog na nga siya.
"Para matapos na" Inis 'kong bulong sabay hablot sa gasera na kanina pang nakahiga sa kalsada at inangat ito.
Kumawala ang isang napakaputing ilaw galing sa gasera at natigil silang lahat ng masaksihan ito.
"Ano 'yun?!" Gulat nilang tanong pero hindi sila nakatingin sa gasera kundi sa isa't isa.
Maski ako ay natameme ng ilang segundo bago ako bumalik sa tamang wisyo.
"Mag si-tigil na kayo! Hindi ba kayo nahihiya at sa kalsada pa talaga kayo nagpapakita ng ganitong asal. Ano kayo mga walang pinag aralan" Hindi ko alam kung ako ba talaga 'yun or kinokontrol na ako ng diyosa ng kapayapaan. Pero sa mga oras na ito, feeling ko napaka powerful ko!
"Ba't hindi kayo mag usap ng masinsinan. Ba't kailangan niyo pang mahantong sa ganitong paraan. Hindi ba't may mga anak din kayo at pamilya? Ano nalang kaya iisipin nila kung makikita nila kayong nagkakaganyan" Mahinahon kong tugon.
Hindi ko namalayan na habang nagsasalita pala ako kanina ay muli ulit umilaw ang gasera pero sa pagkakataon na ito ay asul na liwanag naman ang ibinuga.
"Mag usap kayo, wag kayong mag sigawan. Para na iintindihan niyo ang isa't isa"
"Sabi kasi ni Marites sa'kin kanina. Nakita niya daw si Berta na nakikipag halikan kay Tony koooo huhuhu" Panimula ni Josephine habang humahagulhol na ng iyak.
"Eh, hindi naman talaga ako 'yun. Bakit ko naman gagawin 'yun sa bestfriend ko" Umiyak na din si Berta.
"Eh bakit sabi ni Marites nakita ka daw niya"
"Ba-Baka nagkakamali lang ako. Ako talaga ang may kasalanan sorry na sa inyoooo" Umiyak na din ng malakas si Marites to the point na malapit ng tumulo yung sipon niya.
Habang ang mga tao naman, na kanina pang nanonood ng away kasama ang tanod ay nagpupunas na din ng luha.
Bakit nagiyakan din 'tong mga to'?
"Oh misunderstanding lang naman pala ang lahat eh, magyakapan na kayo" Alam kong medyo pang kinder na yung sinabi ko pero wala na talaga akong maisip kaya pinagyakapan ko nalang silang tatlo.
And this time, napansin ko ng muling umilaw ang gasera na hawak ko. Pero imbis na kulay puti tulad kanina ay kulay pink naman ang lumabas.
Ano kaya ibig sabihin ng mga kulay na 'yon?
"Sugo ni Dian Masalanta!" Tawag ng bubwit na nag ngangalang Adang Sutil.
"Oh, Sutil!" Kinuha ko siya mula sa papag ng kalsada at ibinalik ko siya sa balikat ko. "Buhay ka pa pala"
"Oo, kaya ang malas mo" Sagot niya.
Mag lalakad na sana ako paalis nang bigla nalang ako tinawag ng tanod kanina.
"Miss Ganda!"
A-Ako ba tinatawag niya?
"Buti nalang at 'di kapa nakaka alis" Sabi niya sa'kin harap harapan.
So... ako nga.
"Ako po ba yung tinatawag niyo kuya?"
"Oo, ikaw lang naman ang maganda dito Miss"
Tinamaan ng lintek!
Bakit sa mga tricycle drivers, truck drivers, construction workers or kahit tanod. Maganda ako!
Pero bakit pagdating sa mga kaedaran ko na ay mukha akong dugyot!
"Pwedeng pahingi ng number mo?"
"Hindi"