"Anong strand mo pala?" Tanong sa'kin ni Angelina. Grabe 'kong madaldal na ako eh may mas idadaldal pa 'tong bunsong anak ni ate Juliana.
Humugit kumulang isang oras na siyang nagsasalita walang hinto-hinto at ang main topic niya lang naman ay ako. As in lahat-lahat ng tungkol sa'kin ay gusto niyang malaman. Since magiging kaibigan ko naman siya ay sinagot ko nalang lahat.
"Nag stem ako"
"Ahhh bakit?"
"Gusto ko kasi kumuha ng pre-med"
"Maganda 'yan! Alam mo si ate Miranda doktora na siya ngayon!"
"Oo gusto ko sana maging nurse para makatulong sa mga nagkakasakit. Ikaw?"
"Ako? Abm student ako"
Tumango naman ako siyaka siya ulit nagsalita.
"Ano nga pala ethnicity mo Lumad?"
"Oo"
"So... Sa bundok kayo nakatira?"
"Noong mga three years old palang ako... sa bundok talaga kami nakatira, ancestral home pa namin yun ah. Kaso, nabili ng mayamang negosyante at ginawang hotel kaya ayon pinalayas kami... Sa bayan na nakatira sila Amang ngayon siyaka ng mga kapatid ko!" Pahabol ko.
"Ang lupit naman nila. May karapatan kayo sa bundok na 'yon ah, ba't 'di niyo pinaglaban?"
"Hindi na din namin kayang ipaglaban 'yon. Dahil sampu sa mga ka tribu namin ay nasilaw sa pera kaya ayun... Wala nang magawa sila amang no'n kaya tinangap nalang nila yung perang ino-offer ng negosyante at nag alsa balutan kaming lahat"
"Kaya naman pala... Ba't 'di ka nag abogado para alam mo na, ma depensahan mo sa susunod yung mga katulad mong native Filipino"
Umiling ako.
"'Di ko hilig yung law... Kaya mas minabuti ko nalang piliin kung saan, alam kong gusto ko"
"Sabagay..." Nanahimik siya ng panandalian.
"Oo nga pala kanina ko pa na aamoy 'yang pabango mo. Ambango ah, anong brand?" Tanong ko para maiba na din ang usapan.
"A-Ah? Ahhh! Wait lang andito 'yon sa bag ko eh" Hinalukay niya yung bag niya ng ilang segundo at nu'ng nakita niya na, ay pinakita niya sa akin.
"Guinevere's whisper?"
"Bango 'di ba!" Ngumiti siya saakin ng pagkalaki-laki at kinindatan pa ako.
~Makalipas ang kalahating oras~
"Ano Mella, mauuna na ako ah. Sa kabilang building pa kasi room namin eh. Kita nalang tayo sa lunch if ever na gusto mo akong kasabay mamaya"
Ang swerte ko naman!
"Sige-sige! Saan ba ang room mo para masundo kita"
"Naku wag na, magpapagod ka pa. Kita nalang tayo sa cafeteria ako na maghahanap sa'yo"
"S-Sure ka?"
"Of course! Sige ba-bye na muwha!" Nag flying kiss siya sa akin na iningiti ko lang.
Nang maka-akyat na ako sa palapag namin ay dumiretso na ako sa room. Kung ineexpect ko na magagandahan sila sa akin ngayon dahil nag mukha na akong ka-decent-disenteng tingnan ay diyan ako nagkakamali. Mangilan-ngilan lang ang tumingin sa'kin, yung usual na tingin parin as if ngayon lang sila nakakita ng hayop sa zoo. At kahit sabihin ko pang maganda na ako ngayon eh, wala naman silang pake.
Tama nga sinabi ni Amang "hindi sa'yo umiikot ang mundo..."
"Oh! Miss Purton, I'm glad to see you join us for today. Mabuti at maayos ka na ngayon" Bati ni Miss Gamboa na iningiti ko lang "Say present when i call your name... Abante... Castillo... Cortez—" Pagtatawag niya sa'min isa-isa.
"Hoyy... Psst" Marahang tawag sa'kin sa likuran sabay kalabit pa sa akin.
"A-Ano 'yon?" Binaling ko ang mukha ko sa isang napakaputing babae na may bilugang mata.
"Totoo bang siyota mo na daw si Kevin?"
"Ha!" Nanlaki ang mata ko.
"Sabi nila kayo na daw?"
"S-Saan mo naman nakuha yan Diana?"
"Edi sa mga kaklase niya din. Wag ka nang mag maang-maangan at sagutin mo nalang"
"Naku, fake news 'yan. Eh tatlong beses pa nga lang kami nagkakausap. Mag boyfriend na agad, 'di ba pwedeng acquaintance muna"
"Hmm... Siguraduhin mo lang ha"
"B-Bakit, boyfriend mo ba siya?"
"Malapit na, kaya kung ako sa'yo negrita, tumabi-tabi ka..." Pagbabanta niya siyaka ako inirapan at tinuon ang mga mata sa harapan. Ganun din ang ginawa ko pero 'di ko parin maiwasang mangamba.
Kakapasok ko lang mula sa eight weeks kong pamamahinga. Tapos ganito-ganito pa ang eksena.
Ang saya!
Pasalamat nalang ako at 'di kami pinansin ni Miss Gamboa dahil kung hindi, eh baka na kick out na agad ako ng hindi pa nakaka-isang buwan dito. Technically.
Hay naku Ona, sabi lang naman ni Miss Gamboa ay lumipat ng ibang teacher.
Wag nang masyadong nega.
Oo nga, kailangan maayos ang mentality ko ngayon para matuto. At dahil pursigido akong makapagtapos ay nakinig na muna ako.
Mabilis na lumipas ang mga klase at kanya-kanya nang tumayo ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan para magtake ng lunch sa baba. Maingay na tumayo si Diana sa likod ko at tinapunan ako ng maalimurang tingin siyaka siya dumiretso palabas kasabay ng mga kaibigan niya.
Napabuntong hininga nalang ako siyaka kinuha ang tumbler sa loob ng bag ko ng may nakapa din akong kakaibang bagay sa loob.
Teka ano 'to?
Pinasok ko ang dalawang kamay ko sa bag at marahang hinatak ang isang katamtamang laki na gasera na sa 'di malamang dahilan ay nagkasya sa loob ng bag ko kahit na napupuno na ito ng libro at kwaderno.
P-Pano nakapasok 'to dito. 'Di ba eto rin yung nasa side table sa ospital?
"Luh, hindi kaya't naimpake 'to ni tita ng 'di sinasadya? Pero impossible kasi wala namang nangealam sa bag ko kanina. Wala din naman akong natatandaan na nilagay ko 'to dito!"
Hindi naman kaya... Naku impossible! nasa state of coma ako no'n baka nasobrahan lang ako sa pagiging-weirdo kaya kung ano-ano na tumatakbo sa isip ko.
"Are you ok?" Tanong ng kaklase kong lalaki sa likuran. Na weweirduhan na siguro siya sa'kin dahil kung makatingin siya sa'kin ay para bang kahit anong oras nalang ay sasakmalin ko siya.
"Hehehe I'm sorry, ok lang ako" Nag peace sign pa ako siyaka dali-daling tumayo, bitbit-bitbit ang bag ko na naglalaman ng gasera.
Saan ko pwede 'tong iwan?
Pwede ko ba itong ibigay sa lost and found?
Kaso saan naman 'yon?
Wala namang naituro si Kevin sa'kin kung saan ang lost and found nila dito.
Baka nasa Dean's office?
Pwede naman 'yon 'di ba?
Sige sa Dean's office ko nalang iiwan.
Takbong palakad na ang ginawa ko at kumaliwa at kanan na ako sa bawat palikong daan na nakakasalubong ko. Iniwasan ko na lahat ng pwede 'kong iwasan; mapa-professors, estudyante, janitor, janitress, tindera, tindero, poste, lamesa at kung sino-sino o ano-ano pang humarang-harang sa'kin ay 'di ko kayang bangain.
Hindi naman ako walang hiya noh. Kahit na kinapitan na ako ng kahihiyan ay napaka-modest ko paring babae. With wings pa kung kinakailangan!
Malapit na ako sa Dean's office at konti nalang ay mailalapag ko na din 'tong—'di naman kabigatang gasera na kung saan-saang lupalop pa nagpupu-punta.
"Mella saan ka pupunta?" Tawag saakin ng isang kilalang tinig ng babae.
"Sa Dean's office lang may ibibigay ako sa lost and found"
"Talaga, ano naman 'yon?"
"Wait eto oh—"
"Ms Purton!" Tawag naman sa akin ng kilala ko ding boses na lalaki.
"Oh! Kevin sakto may ibibigay lang ako kay Dean sa lost and found"
"Lost and found?"
"Oo, meron naman yata kayo dito nu'n 'di ba"
"Parang meron naman pero 'di kasi common na may nag tuturn over ng mga nawawalang gamit. Mostly sa prof nila or lecturer nila binibigay yung nawawalang bagay"
"Ahhh ganun ba sige bibigay ko nalang kay Dean, umalis na kasi si Miss Gamboa, 'di ko din sure kong tatangapin niya"
"Bakit ano ba 'yan"
"Oo nga Mella ano ba 'yan?" Sabat naman ni Angelina sa tabi ko
At dahil napapalibutan na ako ng napaka curious na mga tao ay nagpasya nalang akong ipakita ito.
"Gasera!?" Sabay nilang dalawa.
"Naimpake atah ni tita 'to kanina. Napagkamalan atang sa akin. Ibibigay ko nalang sa Dean baka sakaling may mapag gamitan sila dito if ever na mag ka-brown out"
"Sige, ikaw bahala and oh by the way. I'm glad that you're alright now, pinag alala mo ako" Ani Kevin habang hindi inaalis ang kanyang mga mata sa mata ko. Marahan niya pa akong tinapik sa balikat siyaka siya nag paalam sa pamamagitan ng pagngiti.
A-Ano 'yun?
Nanaginip ba ako ng gising o nangyari talaga 'yun sa totoong buhay.
Para akong natuyuan sa lalamunan at na estatwa dahil sa kinilos ni Kevin kanina. Simple gesture lang naman 'yon eh pero bakit iba ang dating sa akin?
"Ehem" Napabalikwas ako sa kinatatayuan at takang tiningnan si Angelina na kanina pang nakatayo sa gilid.
"Bigay mo na 'yan Mella, mag lalunch pa tayo remember?" She smirk habang naka krus ang kanyang mga braso sa dibdib niya.
"S-Sige, hintayin mo nalang ako Angelina sa cafeteria"
"Hmm... k"
Dumiretso na ako sa paglalakad at marahang kumatok muna bago pumasok sa opisina ni Mr Mendoza.
Pero imbis na si Dean ang makakaharap ko ngayon ay isang seryosong binatilyo ang sumalubong saakin.