webnovel

"Yung ano" at kung anu-ano

FakeSmileV21791 · Fantasy
Not enough ratings
3 Chs

002

Sa ilalim ng papalubog, ngunit mainit pa rin na araw; sa isang liwasan, sa harap ng tanggapan, sa isang syudad sa bansang Pilipinas, makikita ang isang ulol na lalaking humahalakhak na para bang wala nang bukas matapos tapakan ang ipinitik na tinapos na sigarilyo sa tabi ng puno na may naka dikit na babalang "bawal manigarilyo dito". Ako ang ulol na 'yon. At hindi, hindi ako humahalakhak. At hindi, hindi din talaga masasabing ulol.

Ang oras ay limang minuto bago mag alas singko, oras ng pag-uwi ko. Kung bakit ako nandito sa halip na nagtatrabaho ay hindi dahil sa tamad ako. Maniwala man kayo o hindi, tapos ko na ang mga gagawin ko, dahil wala naman talaga akong ginagawa kung walang kliyente ang tanggapan na ito. Sa halip na patagalin ang oras sa pamamagitan ng pagtunganga sa wala, minabuti kong bumaba at manigarilyo na lang muna.

Eksakto na para bang totoong kinalkula. Alas singko, nakalabas na ako. Kasama ng walong minutong paninigarilyo, ang bilis, -o mas tamang sabihin na, bagal ng lakad ko, pag-akyat ng hagdan, pagkuha ng gamit, at muling pagbaba, lahat, planado.

Dali-dalian kong tinawid ang kalsada sa pagitan ng liwasan at ng gusaling pinag tatrabahuhan, pabalik sa aming tanggapan. Hindi tulad nang dati, halos walang sasakyan, at hindi sa pag-yayabang, kaya kong tawirin ang kalsada na hindi mulat ang mga mata.

Sa ikalawang palapag ng gusali matatagpuan ang aming tanggapan. Di tulad ng pag akyat kaninang umaga, bawat hakbang ngayon sa hagdan ay magaan, hinihila ng Biyernes na nagtatapos na.

Isang taon. Halos mag iisang taon ko na ding inaakyat tong hagdan na ito, limang araw sa isang linggo, mahigit dalawampung beses sa isang buwan. Paulit-ulit, araw-araw. Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero, parang naka auto-pilot na lang ako, habang buhay na bilanggo sa routine na ito, hindi gumagalaw. Tulad nang sinabi ko, ito'y hindi reklamo. Hindi ko din naman masabing kuntento ako, basta, sa akin, kahit papaano, ay sapat nang ganito. Okay nang walang magbago, o wala lang talaga akong sapat na sipag upang makawala rito. Hindi ko alam, walang may alam, at ayaw ko na ding alamin. Tanggap ko na ganito ang normal ko.

Kung iisipin, mag iisang taon na rin mula ng isang araw ay ako'y palayasin sa amin ng aking ama sa simpleng kadahilanang hindi pag hugas ng mga naipong pinggan; at, hindi pag trabaho sa loob ng dalawang taon mula noong ako'y makatapos ng kolehiyo.

Sa dalawang taong iyon, wala akong inatupag kundi kumain at matulog. Sa madaling salita, ang mahalin ang sarili ko, at hindi ko man sinadya, maging pabigat sa ama ko. Ang bilis lang ng dalawang taon na iyon. Di nalalayo sa pakiramdam ko ngayon, tinanggap ko din na normal ko ang maging pabigat noon at hindi rin nagkaroon ng sapat na sipag upang baguhin yun. Parang kahapon lang, at ngayon, nandito ako sa lugar na kung saan ay di ko naman ginustong puntahan.

Noon, sinasabi ko pa sa aking sarili na hindi pa ako handa at kikilos naman talaga ako sa oras na ako'y handa na.

Akala ko lang pala.

Lumipas ang panahon at ako'y nanatiling hindi handa. Malamang ay para sa akin din talaga ang ginawa ng aking ama, o di kaya naman ay talagang nag sawa lang siyang hugasan ang aking mga pinagkainang pinggan.

Gayun pa man, aking nalaman na kailan man ay hindi ka magiging handa. Kailangan mo lang gawin ng tama ang kung ano mang nakahain sa iyong harapan, sa madaling salita, kung hindi lang ako gagong anak at hindi naging pabaya sa mga pinggan na pinagkainan. O kung hindi mo 'to gusto, pagplanuhan mo at hanapin mo ang talagang trip mo sa mundo. Na hindi ko din nagawa nang dahil sa parehong kadahilanan, tinanggap kong ganun ang normal ko noon.

Narating ko na ang pintuan ng aming tanggapan. Hanggang ngayon, misteryo pa rin sa akin kung paano namin nababayaran ang renta dito o kung saan galing ang pera na ginagamit upang patakbuhin ang opisinang ito, dahil kahit saang anggulo mo man tignan, sigurado akong mas malaki ang gastos kesa sa natatanggap naming bayad mula sa mga kliyenteng minamalas na mapunta rito.

Itinulak ko ang mabigat na pintuan ng aming tanggapan. Ang aking lamesa ay matatagpuan malapit lang sa pintuan. "WELCOME" sabi ng mga letrang naka dikit sa harap ng aking lamesa. Naaubutan ko si Tariya na naka tayo sa tabi nito, naghihintay sa pagbabalik ko. Kung gaano siya katagal na naghintay ay hindi ko na sigurado.

"Regalo Jericho." Ang sabi ni Tariya, sabay kindat, na para bang nang aasar pa. O nang-aakit? Mas gusto ko man isipin na ang kindat na yun ay may mas malalim pa na dahilan, alam ko sa sarili ko na imposible yun at siya ay talagang nang-iinis lang. Pinagmasdan ko ang likod ng naglalakad naming sekretarya na ngayon ay palabas na ng pinto at pauwi na. ( kaliwa, kanan, kaliwa, kanan )

Tsk.

Ang garapon na pinatong sa aking lamesa ay ihahatid ko sa kung sino man ang nagmamay-ari nito. Kasama ng sobre na may laman na perang pambayad sa mga ari-ariang nasira, sinira, o kung ano pa mang mga bagay na sinadya, o 'di sinadyang wasakin ng aming pinuno. Ito ang trabaho ko. Maliban sa pagharap sa mga kliyenteng naliligaw dito at taga-sagot ng telepono, ako din ang tagapaghatid ng mga garapon at sobre gaya nito. Dagdag na din siguro dito ang paglinis ng opisinang ito, dahil kung hindi ako, wala namang gagawa nito. Marahil ay karma ito dulot ng noong katamaran ko.

Ito ang paulit-ulit na routine at ang normal ko. At ang aming sekretarya ang dahilan kung bakit naging sapat ito.

Ang Sekretaryang si Tariya Turinia.

Ang nag iisang dahilan kung bakit hindi pa rin ako umaalis sa trabahong ito. Siya ang nag iisang magandang bagay, o mas tamang sabihin na, magandang tao-- hindi, hindi. Si Tariya Turinia, ay ang nag iisang magandang babae sa tanggapang ito. Hindi pagmamalabis kung aking sasabihin na walang kwenta at walang kabuhay-buhay ang aming opisina kung wala si Tariya; at ito'y hindi katotohanan na para lamang sa akin, kundi ay maging sa lahat ng empleyado ng tanggapang ito, na hindi lalampas ng tatlo. Marahil ay mas mabuting ilarawan ko siya upang mas mabuting maunawaan ang taglay na liwanag niya, ngunit, hindi ba kataksilan sa kanyang kagandahan kung aking ilalarawan ang isang gaya niya gamit ang mga salita ng isang hamak na tao lang? Kailanman ay hindi maiintindihan ng pang-tao kong kaisipan ang kung ano mang meron ang aming seksing sekretarya. Kaya naman ay, patawarin sana niya ako sa aking magiging sala.

Nabanggit ko ba ang salitang "seksi"? Hindi ko sinasadya.

Si Tariya ay may mahaba at itim na buhok, na naka ponytail pero ang dulo ay abot pa din bandang pigi. Hindi din mali na sabihing perpekto ang pagkakagawa sa kanyang puwitan at higit na mas perkpekto pa ang hinaharap niya, na may tamang laki na bumabagay sa pangangatwan niya. Malabo man o hindi ang mga mata niya, alam kong alam niyang mas lalo lang pinagaganda ng salamin niya ang maganda niya ng mukha. Maliban doon, hindi din papa-huli ang mga hita niya, na kitang-kita dahil sa may kaiklian na skirt niya. Hindi na rin importante pa kung ano ang pang-itaas na suot niya, dahil kahit ano pa man ito, meron man o wala, tiyak 'kong babagay ito sa kanya; at maniwala man kayo o hindi, sa dami ng sinabi ko, hindi ito sapat upang bigyan ng katarungan ang kung ano mang meron, o ang buong pagkatao niya.

Gayun pa man, hindi ngayon. Iba ngayon. Oo, si Tariya ay si Tariya at malamang ay kung sasabihin niyang isa siya sa mga anghel na dating nakatira sa kalangitan ay paniniwalaan ko siya, ng buong puso at yayakapin pa bilang pag samba sa buong katawa--, pagkatao niya, pero hindi. Ang araw ay palubog na at mamaya-maya ay madilim na. Hindi sa sinasabi kong takot ako sa dilim. Ang nakakatakot ay ang mga kung anu-anong gising pagsapit ng dilim.

Pagsapit ng dilim, wala kang makikita kundi ang kanilang mga mata na nakakatakot. Iniisip ko pa lamang 'to ay kinakabahan na ako, plus, wala namang overtime pay itong paghatid na gagawin ko. Tinignan ko ang sobre kung saan din naka sulat ang pangalan ng paghahatiran. Ang garapon ay para sa isang nag ngangalang Jose.

Walang address.

Ito. Ito ang isa sa mga katangian ni Tariya na naglalayo sa perpektong paglalarawan ko sa kanya. Kadalasan ay wala sa ulirat at pag-iisip. Minsan ay naabutan ko na nga siyang tulog sa opisina, alas-dos ng hapon, sa sofa, lasing, tapos bra at panty lang ang suot. Mabuti na lamang at walang ibang tao at ako lang ang naka-kita. Isa lang yan, at yan lang ang tumatak na masaya. Naranasan ko na ring maging sparring partner niya nang minsang nalasing din siya.

"Hayyy" Hindi ko alam kung mangingiti ako o maluluha.

Sa sahig, napansin kong may nakasilip na kapirasong papel sa may ilalim ng mesa ko.

Address!

Sa isip ko, ito na ang hindi naisulat na address na hinahanap ko.

Inilagay ko na sa backpack ko ang garapon at sobre na ihahatid. Pinatay lahat ng naka-bukas na ilaw, lumabas, at madaling bumaba. Sa labas, sa malaking parking lot sa tabi ng gusaling pinagtatrabahuhan, makikita ang partner ko na bisikleta.

"Mang Jose, papunta na ako." Sabay padyak.

Hindi ako nagkamali noong sinabi kong siya ay isang anghel sa lupa.

Nag dilang anghel at nag silbing totoong regalo ang dinampot kong papel kanina. Kaunti na lang at gagawa na ako ng bagong relihiyon para sambahin ang aming sekretarya. Dahil sa mundo kung saan tinalikuran na ng langit ang sigaw ng lupa ay meron pa ding gaya ni Tariya. Sa mundo kung saan wala nang pakialam ang mga totoong anghel sa kalangitan ay nandiyan si Tariya. Tariya, Tariya, Tariya, o aming sekretarya. Isa kang tunay na hulog ng langit at may kaligayahang dala.

Ang galak na nadarama ay dala ng malalaking letra sa malaking gate na nasa aking harapan.

M A U S I S A

Tama naman ang address ayon sa naka sulat sa papel. Patawad Mang Jose! Ako na ang humihingi ng kapatawaran, pero, mukhang nabiktima ka ng kapabayaan ng aming sekretarya.

Hindi ako sigurado pero nakita ko na sa letraro ang malaking gate na ito.Kung hindi ako nagkakamali, ang bahay sa likod ng gate na ito ay kila Lila.

Hindi kapangalan ng sikat na pintor na si Lila Mausisa, kung hindi ay mismong si Lila talaga. Hindi kapangalan ni Lee, na dati kong kaklase noong highschool, kung hindi ay mismong si Lila talaga. Si Lila Mausisa, o mas kilala ko noon bilang si Lee.