webnovel

"You're Only Mine"

Although why anybody get married these days? Dahil ba gusto nilang makulong sa pang habangbuhay na relasyon? Dahil ba takot silang maiwan? O kaya takot silang mawala ang kanilang minamahal? Baka naman takot silang palitan kaya atat na atat silang mag pakasal? O baka naman maagang nabuntis at kailangang ikasal? May iba nga dyan napilitan lang dahil sa pangangailan diba? Pati matandang mayaman pinapatolan. Well, i dont blame them dahil sabi nga nila "age doesnt matter, pag mahal mo si partner." Gano ba ka importante ang kasal para sa mga babaeng katulad ko? My answer is "I dont know and I dont care about that fucking married." Anybody can get married, but it takes genuine love to stay married. But in my case? My parents want me to marry the man i dont even know. I dont know his name, or i should be known his standard or what he does. I want to get married but not this time, but my parents say I should marry a rich man only. This is so unfair, gusto nila akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman kilala. How come? I've never met him and i dont even know if his handsome, cute, intelligent, loyal or whatsoever. At alam nyo nong ikinasal kami? bigla niya lang sinabi sakin. "YOU'RE ONLY MINE." and thats the beggining of a real war between that mysterious man and me. I marry the man that I dont love, I wish i knew but i know now that i am one of a victim that what we called Arrange marriage. "YOU'RE ONLY MINE" (Edelbario Series#2) All Rights Reserved Written by: Mommy_J

Mommy_J · Urban
Not enough ratings
41 Chs

KABANATA 30

Hanggang ngayon ay nanatiling nakatitig parin sila sa isat-isa, hindi ko magawang lumapit kay Clifford, hindi ko sya magawang tanongin o kausapin manlang.

Sobrang sikip ng dibdib ko, inilipat ko ang aking tingin kay Clifford na ngayon ay nakatingin na sakin. Gusto kong umiyak sa harap niya.

"Clifford," ulit ni Zei bago ako tignan. Ngumiti sya sakin, hindi ko alam kong ngingitian ko ba sya pabalik. "Sorry if I came eventhough I wasn't invited." malambing niya paring wika.

Sobrang bilis ng pangyayari, naramdaman ko ang kamay ni Clifford saking kamay. Bumagsak ang mata ko mula roon, ramdam na ramdam ko ang higpit ng kanyang pagkakahawak sakin.

"Kailan ka lang nakauwi? Buong akala ko ay hindi ka pa okay, at mukhang nakakatayo kana ngayon." tanong ni Clifford sa kanya. Napayuko ako, dahan-dahan akong umatras kaya napansin iyon ni Clifford.

"Clifford banyo muna ako saglit," sambit ko at tinalikuran agad sila ng hindi tinigtignan. Nagsinungaling ako sa kanya at dumirekta sa isang lobby, walang ka tao-tao. Napahawak ako mula sa railing, napapikit ako sa sakit.

Sobrang sikip ng aking dibdib ngayon, hindi ko alam kong bakit. Gusto kong umiyak subalit pinipigilan ko lang.

"Marilou," mabilis akong lumingon saking likuran. Bumungad sakin si Clifford na nakapamulsa. Lumapit sya sakin at tumabi, nakatingala sya sa langit at sobrang seryoso ng kanyang mukha.

"Did you know her?" usisa niya. Tumango ako agad bago nag iwas ng tingin.

"Minsan na syang ikinwento sakin ni Jana at alam ko ring EX mo sya and its okay, and Im okay." sagot ko bago nagbuntong hininga. Kinuha ni Clifford ang aking kamay at niyakap niya iyon bago halikan. "Ang importante ay masaya tayo diba? Ang importante mahal natin ang isat-isa." pagkatapos ko iyong sabihin ay hinila niya ako at niyakap ng mahigpit, ramdam na ramdam ko ang init na hininga ni Clifford.

"Sorry," mahina niyang sambit. Ang dami kong gustong itanong sa kanya ngunit ayaw kong masira ang gabi na ito. Kumalas sya sa yakap, hinawakan niya ang magkabila kong pisnge. "I have something to give you," sinundan ko ang kamay niya at may kinuha sya sa kanyang bulsa. Nanlaki ang mata ko sa nakita, alam kong mamahalin iyon na necklace. Hindi ako makapagsalita, inikot niya ako patalikod. He titled my hair at isinuot sakin ang kwentas.

"Ang ganda," sagot konat humarap sa kanya. Nanatili akong nakayuko para tignan ang kwentas.

"Kaya letter C, upang malaman ng lahat na pagmamay-ari kita." dahan-dahan akong tumingin sa sinabi niya. Inabot niya ang magkabila kong kamay at ipinulupot iyon sa leeg niya. Hinawakan niya ang magkabila kong bewang.

"Natatakot ako na baka isang araw ay bigla kang nawala ulit." wika ko.

"H-hindi na mangyayari iyon, okay? Please dont think such a thing," sagot niya.

"Okay," tanging naisagot ko.

"I love you, asawa ko." usisa niya at dahan-dahan niyang inilapit sakin ang mukha niya. Ilang sandalinlang ay naramdaman ko ang mainit niyang halik, bawat dampi ng labi niya saking labi ay mas lalo akong nainlove sa kanya. Tumingkayad ako upang mas lalong madiin ang halik ko sa kanya, halos bumabangga ang ilong ko sa kanyang ilong.

Dahan-dahan syang kumalas saming halik at idinikit ang kanyang noo sakin.

"Can we continue our kiss at home? Now we need to go back inside." napasimangot ako sa sinabi niya at kalaunan ay natawa.

Hawak kamay kaming bumalik sa loob at halos lahat sila ay nakatingin samin. Sinalubong kami ni Robi ang pinsan ni Clifford.

"Dude," hingal niyang lapit, bago tumingin sakin. "Marilou pwede ko bang makausap si Clifford sandali?" ngiti niya sakin. Tumango ako bilang sagot bago ako binitawan ni Clifford, pinapanuod ko silang palayo at nag-usap sa isang sulok. Hindi ko alan kong ano ang pinag-uusapan nila at siguro ay labas na ako dun.

"Hi," mabilisan akong humarap saking likuran nanlaki ang mata ko ng bumungad sakin si Zei. "Marilou right? Pwede ka bang makausap?" suhestyon niya, tumango ako bilang sagot at sumunod ako sa kanya palabas ng building. Nayakap ko ang aking sarili dahil sa lamig, tumawid kami sa kabilang kanto kong nasan ay merong nag-iisang bench sa gilid ng daan.

Nauna syang umupo mula roon at sumunod naman ako. Sobrang tahimik naming dalawa, ang kanyang titig ay nanatiling nakatingin sa harap ng daan.

"Kong hindi ako nagkamali, ikaw rin yong nakilala ko sa resort?" marahan syang tumingin sakin na nakangiti.

"Tama ka, masaya ako dahil nagkita tayo ulit." nabigla ako ng hinawakan niya ang kamay ko, binitawan niya rin iyon ng ilang sandali. "Sya nga pala, happy Birthday, sobrang swerte mo kay Clifford." natahimik ako sa dugtong niya. Pareho kaming nakayakap saming sarili at pilit kinakaya ang ginaw upang makapag-usap lang. "Sa totoo lang ay hindi ko alam na ikaw pala ang asawa ni Clifford, kaya pala sobrang gaan ng pakiramdam ko sayo dahil minsan na pala tayong nagkita at sa paboritong lugar pa namin ni Clifford." naikuyom ko ang aking kamao sa narinig, naalala ko ang sinabi ni Clifford sakin nong nasa resort kami. Buong akala ko ay ako lang babae ang nadala niya roon.

Napapikit ako, pakiramdam ko ay nagsisinungaling si Clifford sakin.

"Sorry," paumanhin niya at kitang-kita sa mata niya ang pagsisisi. "Hindi ko dapat sinabi yon, sorry Marilou." isa-isang tumulo ang luha niya ngayon. Napailing ako at hinawakan ang magkabila niyang kamay, ayaw kong manakit lalo na't may sakit sya.

"H-hindi okay lang, huwag munang isipin yon. Please huwag kang umiyak." isa-isa kong pinunasan ang kanyan mga luha, hinawi niya ng mahina ang kamay ko.

"Ingatan mo sya huh, kinalimutan niya ako dahil sayo." napaatras ako sa pagkakaupo ng sinabi niya iyon. Kumunot ang noo ko, bakit niya nasabi iyon.

"Hindi kita maintindihan," sagot ko habang umiiling. "Anong ibig mong sabihin Zei?" mas nagulat ako ng dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang wig. Buong akala ko ay buhok niya iyon kasi mukhang totoo, nalalagas na ang kanyang iilang buhok. Napahawak ako saking bibig, mas lalo syang umiyak sa harap ko. Sobrang sikip ng dibdib ko.

"Alam mo, Marilou nasaktan ako ng makita ko kayo kanina na naghahalikan. Kasi dapat sakin yon eh, dapat ako ang kasama niya at hindi ikaw." sa sinabi niya ang isa-isa naring tumulo ang mga luha ko habang hawak-hawak ang aking bibig.

"Zei, anong pinagsasabi mo? Arrange marriage ang nangyari samin at hindi ko naman aakalain na mahuhulog ako sa kanya, wala akong inagaw dahil kusa syang pumayag sa plano ng pamilya namin. Bakit feeling ko ay inagawan kita," halos paos ang boses ko habang sinasabi iyon. Pareho kaming nag-iiyakan, at sobrang sakit lang.

"Hindi ko alam, Marilou. Hindi ko alam." humagulgol sya ng iyak, "Simula nong dumating ka sa buhay ni Clifford, he no longer visits me in canada." sa pagkakataong ito ay mas lalo akong napaiyak, tama ako ng hinila sa tuwing sya ay biglang nawawala sa bahay. Ang sakit, sobrang sakit.

"Canada?" inulit ko pa iyon, na para bang hindi makapaniwala.

"I was healed everytime na nakikita ko si Clifford sa canada, and there I endure some of my treatments, at palagi syang nasa tabi ko para kalabanin ang sakit na ito." itinuro niya ang kanyang sarili ng ilang ulit. Napakagat ako saking labi, para bang sobrang laki ng aking kasalanan. "Ang sakit Marilou, gusto ko pang mabuhay at makasama sya, pero mukhang malabo na ang lahat." humagulgol sya ng iyak. Panay tulak ko saking dibdib, hindi ako makahinga sa sakit na nararamdaman niya. Parang ako ang nasasaktan.

"Hindi ko maintindihan, nalilito parin ako. Sorry Zie, sorry hindi ko alam ang pinagdaanan nyong dalawa." inabot ko ang kamay niya at hinawakan niya iyon ng mahigpit. Hindi ko kayang lumaban sa nararamdaman niya ngayon.

"Sya ang rason kong bakit gusto ko pang mabuhay, sya ang rason kong bakit nadadag-dagan ang buhay ko, Marilou. I love him so much until now." pareho kaming humagulgol sa iyak. Pareho kaming naghawak kamay. Bakit ganito kasakit? Bakit feeling ko ay ako ang rason kong bakit naputol ang connection nilang dalawa.

Ang daming katanongan saking isipan na hindi ko kayang sagotin. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero natatakot ako na masaktan. Bakit pumayag si Clifford sa gusto ng pamilya namin? Bakit niya ako pinakasalan at tiniis kong alam niya sa sarili niya na may obligasyon sya kay Zei.

"Please Marilou, ibalik mo sakin si Clifford mas kailangan ko sya ngayon. Please!" sa puntong ito ay dahan-dahan kong nabitawan ang kanyang kamay. Mas lalo akong napaiyak, isa-isa kong hinawi ang aking mga luha habang umiiling ako ng ilang ulit.

"Zei, hindi ko kaya at hindi ko alam kong pano. Ang sakit, sobrang sakit, hindi ko na alam ang gagawin ko Zei, dahil yong taong gusto mong bawiin ay 'yong taong mahal na mahal ko." napahilamos si Zei sa kanyang mukha, dahan-dahan syang tumayo habang humagulgol ng iyak. Sumunod ako sa kanya. "Zei?" tawag ko at ayaw niya akong lingunin. Tumawid sya sa kabila habang hawak-hawak ang kanyang dibdib, dali-dali ko syang sinundan dahil iba ang pakiramdam ko parang  hindi na tuwid ang kanyang lakad.

Sobrang bilis ng pangyayari, bigla syang natumba sa sahig. Napasigaw ako ng malakas.

"Zei???????????" sabay ng aking pagsigaw ay ang paglabas ni Clifford mula sa pintoan. Nagulat sya na saksihan at mabilis syang tumakbo palapit samin, hawak-hawak ko aking bibig habang umiiyak.

"Marilou anong nangyari?" naging pasigaw ang tanong niya sakin, natataranta syang buhatin si Zei at dali-dali niyang ipinasok si Zei sa kotse, napaiyak ako lalo.

Nagsilabasan ang mga tao na halos lahat ay nagtaka.

"Clifford?" tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako nilingon. Dali-dali syang pumasok sa kotse niya at mabilis niya itong pinaharurot.

"Marilou," napatakbo sakin ang dalawa kong kaibigan at niyakap ako, nanatili akong humagulgol sa pag-iyak. Pinapanuod ko ang palayong kotse ni Clifford.

"Susundan ko si Clifford, kayo na ang bahala dito." si Robi kasama ang mga kaibigan niya at agad pinaharurot ang kotse. Lahat ng mga bisita namin ay nagbulong-bulongan na para bang gusto nilang malaman kong anong nangyari. Napadpad ang tingin ko kay Jana at mommy niya at dali-dali silang umalis at alam kong susundan nila si Clifford.

Hindi ako makasagot at niyakap nalang si Jazzy.

"Everyone the party is over and you can go home now, thank you very much for coming." Ma awtoridad na salaysay ni Lolo. Isa-isang umuwi ang mga bisita namin na may pagtataka. Nanatili akong nakayakap kay Jazzy.

"Anak ano bang nangyari at sino ang babaeng iyon?" tanong ni daddy, lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Hindi ko magawang sumagot dahil nanginginig ako sa takot at kaba.

"Okay, foget what happened today, we have to go home and take Marilou to the mansion." sambit ni Lolo, dahan-dahan akong kumalas sa yakap ni daddy. "Girls ipapahatid ko kayo sa driver namin, kailangan nyo umuwi ng safe." suhestyon ni Lolo sa dalawa kong kaibigan.

Lumapit si Jazzy at Jilheart sakin.

"Girl mag-usap nalang tayo bukas okay? Huwag ka ng umiyak." hinawi ni Jazzy ang luha ko at niyakap ako. Sumunod namang yumakap si Jilheart sakin.

Tuluyan na silang umalis. Inakbayan ako ni daddy at pumasok kami sa kotse, panay himas naman ng stepmom ko saking kamay dahil alam niyang nanginginig parin ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, halo-halo at natatakot kong ano ang nagyari kay Zei.

Kumusta na kaya sya? Anong ginagawa ni Clifford ngayon. Napaiyak ako bigla at isinandal ang aking ulo sa balikat ni daddy. Hinimas-himas ko ang necklace na bigay sakin ni Clifford kanina.

I thought it was okay tonight, I thought it was a happy birthday.

"You have to explain to us tomorrow, with Clifford." ma awtoridad na wika ni Lolo habang nakatingin samin mula sa rear mirror.