webnovel

Tournament + Jowa = VICTORY!

Si Jake ay isang matalino at mabait na bata, nag lalaro siya ng Mobile legends at talaga namang adik na adik siya dito halos di na siya makatulog para lang makalaro, halos di na siya kumain. Wala na kasi siyang nanay at Tatay nalang ang kasama niya sa bahay na sobrang busy din sa paglalaro kaya walang nakakapigil sa paglalaro niya.

"Anak Kumain na tayo" yan ang sinabi nang kanyang tatay

oh sige po tay, papunta na sagot ni Jake

Kinausap si Jake nang tatay niya at sinabing anak paglalaro nalang ang inaatupag mo lagi paano na yung pag aaral mo may makukuha kabang aral sa larong yan? Ikayayaman mo ba yan? Tanong ng tatay niya nang mahinahon.

Tay Bakasyon pa naman kaya okay lang yun gumagaling na nga ako sa paglalaro ko eh, Sagot ni Jake

Halos Pro na kung maglaro si Jake na para bang alam na alam ang lahat kung pano ito laruin at sikat na sikat na siya kaya naman hangang hanga ang kanyang mga kaibigan niya na naglalaro din nito.

Isang araw sinabi nang kanyang mga kaibigan na subukan mo kaya mag Live stream sa facebook habang naglalaro tutal sikat na sikat ka na naman malay mo dito ka pa kumita ng malaking pera.

Napa isip si Jake na, oo nga no sa tulong non makakatulong nako kay tatay

At sinubukan nga ni Jake ang maglaro habang naka Live Stream sa Facebook nagulat siya dahil wala pang isang oras ay libo libo na ang kanyang viewers hanggang sa nagtuloy tuloy ito at sinubukan niya rin sa Youtube at hanggang sa dumami ang kanyang mga subscribers, dahil dito pinadalhan si Jake ng mensahe para sa kinita niya nagulat si Jake sa napakalaking halaga nang nakuha niya at sinabing siguradong matutuwa si tatay dito.

Dahil sa kagalingang taglay ni Jake, tinawagan siya sa telepono at sinabing, "Congrats Jake ikaw ay isa sa mag rerepresent para lumaban sa tournament ng mobile legends at kalaban niyo ang magagaling din galing ibang bansa, Natuwa si Jake at pinagmalaki ito sa mga kaibigan, pagkatapos ay sinabi niya sa kanyang tatay, nagulat ang kanyang tatay at sinabing congrats anak susuportahan kita jan basta wag mo pababayaan ang pag aaral mo

At isang araw may dumating na lilipat sa tabing bahay nila Jake, nang nakita niya ang babae talaga namang nabighani siya dito, tinulungan ni Jake at kanyang tatay ang bagong lipat para mag buhat pagkatapos ay nagpasalamat ang babae kina Jake at tinanong ni Jake, Jake nga pala habang tinaas ang kamay para makipag shake hands at sagot nang babae ay, Diane ang pangalan ko nang may magandang ngiti.

Kinabukasan ay Pinuntahan ni Jake si Diane para i tour sa lugar kung san sila nakatira habanf naglalakad sila ay parang kinikilig si Jake

Makalipas ang panahon lumalim ang samahan nila hanggang sa nagkagusto na sila sa isat isa kaya naman niligawan ni Jake si Diane at oo sagot naman ni Diane, Laking tuwa ni Jake at sa sobrang saya nag date agad sila at nanood ng sine, sa kasikatan ni Jake ay halos pagtinginan siya nang mga tao sa sinehan na sabi ay, "Hala si Jake", "Uy yung pro gaming bayun sa mobile legends?" , hala magaling yan mag laro.

Nagtaka si Diane kung bakit pinaguusapan si Jake nang mga tao at tanong niya, Jake bakit ka nila pinaguusapan?

Ahhh... Isa kasi ako sa representative ng pilipinas para lumaban sa mobile legends tournament sagot ni Jake, nagulat si Diane at sinabing aahh kaya pala

Kinabukasan Laban na ni Jake kaya talaga namang todo ensayo ito habang nanonood si Diane na sumusuporta sa kanya halos gumagaling talaga si Jake dahil nagkaroon pa siya ng inspirasyon

Hanggang sa ilang oras nalang ay laban niya na kaya sobrang excited si Jake

Welcome to mobile legends....

simula na ang laban, habang kinakabahan si Diane.

Intense ang laban dahil magaling din ang kalaban nila, "An enemy has been slained"..

Hanggang sa malapit na matapos ang laro at narinig niyang.....

VICTORY!

Tumayo si Diane at todo sigaw dahil nanalo sila Jake sa sobrang saya niya ay napa kiss siya kay Jake...

At tumagal ang relasyon nila nang masaya

VICTORYYYYY!

THE END....

Wait for the next chapter of "VICTORY" MOBILE LEGENDS: BANG BANG