webnovel

Witch Fate (Tagalog)

Ang hinirang na mangkukulam ay may misyong patayin ang hari ng mga demonyo na tinatawag na "jakan" para maibalik ang kapayapaan sa mundo. Ngunit para makamit ang pinaka malakas na kapangyarihan ay kaylangan mahanap ng mangkukulam ang tatlong mga babaylan na siyang may hawak sa tatlong mga sinumpang kagamitan na tinawag na "takda". Ngunit sakabilang banda ay may mga dagdag na kalaban sa paglalakbay ng mangkukulam. Ang mga sagabal na ito ay ang pitong prinsipe ng impyerno at mas kilala bilang mga Cardinal sin Sila ang maituturing na naghahari sa impyerno bago mabihag ng jakan. Misyon nang hinirang na mangkukulam na patayin ang jakan at ibalik ang kaayusan sa mundo at mapanatili ang kapayapaan nito.

namme · 奇幻
分數不夠
11 Chs

ORA at Unang Laban

IKATLONG KABANATA : ORA at ang unang laban

Ang pitong uri ng chakra

UTAKORA - (Crown chakra) spiritual

ORAMATA - (Third eye chakra) manipulation

THRORA - (Throat chakra) incantation

PUSORA - (Heart chakra) sigil

ORASOL - (Solar plexus chakra) magical

SACORAL - (Sacral chakra) militant

ROOTORA - (Root chakra) elemental

Ang Utakora ay ang spiritual chakra. Ang lahat ng kapangyarihang nakapaloob rito ay may kinalaman sa mga espirito, kababalaghan at mga kaluluwa. Ang user ng Utakora ay gumagamit lamang ng isip upang magamit ang kanilang chakra.

Ang Oratama ay ang manipulation. Ang isang Oratama user ay may kakayahan na kontrolin o pagalawin ang mga bagay, hayop, maging ang tao sa pamamaginatan ng chakra na kumokonekta sa mga daliri at ng instrumentong nais kontrolin ng user.

Ang Throra ay ang incantation. Ang isang Throra user ay may matalas na memorya at pag iisip. Dapat ay makayahan nila na kabisaduhin ang libo-libong incantation na kanilang gagamitin at ginagamit. Ang isang throra user rin ay may kakayahan na gumamit ng ibang kapangyarihan na katulad ng isang rootora user, katulad ng kapangyarihan ng tubig at apoy.

Ang Pusora ay ang pag guhit. Ang chakrang ito ay ginagamitan ng pag guhit ng isang user. Ang isang Pusora user ay kinakialangan na mabilis gumuhit ng taboo o ng bilog upang magamit ang kapangyarihan. Sinasabi na isa ang Pusora sa pinaka mahirap na chakra ngunit isa rin ito sa pinaka malaks na chakra. Kung ang Throra ay libo libong incantation ang dapat kabisaduhin, ganun rin sa Pusora, kailangan ay mayroon kang matalas na memorya upang kabisaduhin ang iba't-ibang uri at disenyo ng taboo o sigil. Ang isang Pusora user rin ay mga kakayahan na gumaya ng kapangyarihan mula sa Utakora, Oramata, Orasol, Sacoral at Rootora.

Ang Orasol ay ang chakra ng liwanag at dilim. Ang chakra kung san magagamit mo ang ibat-ibang uri ng mahika. Ito ay ang isa sa mga chakra na madaling aralin. Karamihan sa mga ito ang ginagamit at sinasaulo upang magamit ng mabuti, ngunit hindi mapag kakaila na malakas kumain ng mana ang chakrang Orasol.

Ang Sacoral ay ang chakra na nagagamit sa katawan ng isang user maging sa labas na anyo ng user. Halimbawa ay Pagpapalinaw ng paningin, pagpapalakas ng pandinig o kahit pa sa pagpapalakas ng pisikal na katawan ng user. Nakakaya rin nito na gumawa ng armas at iba pa, ito ay isang pag aalkemiya.

Ang pang huli ay "ROOTORA" ito ang uri ng chakra na ginagamit ang elemento o pag kontrol sa elemento tulad ng apoy, tubig, lupa, hangin, yelo, koryente, at marami pang iba.

Tinatawag ding "ORA" ang chakra sa ibang bansa o lugar masginagamit ng tao ang tawag na ora kesa sa chakra ito ay depende sa mga bayan at bansa.

Pero ang dahilan kaya nabuo ang salitang "ORA" ay dahil bawat letra sa salitang "ORA" ay rumerepresenta sa ilan sa mga Chakra.

Sa letrang "O" nakapaloob ang utakora at oramata.

Samantalang sa letrang "R" naman nakapaloob ang chakrang throra at pusora.

Sa letrang "A" nakapaloob ang chakrang rootora at orasol.

Ginawa ang gantong klase ng pag grupo ng chakra upang mas madaling makilatis kung saan naka panig ang isang taong gumagamit ng chakra.

Ang salitang ora ay kadalasang ginagamit sa tao dahil ang tao ay dalawang chakra lang nagagamit at hindi maaaring magkahiwalay ang chakra ng taong ito.

Kung ang isang tao ay "O" chakra user paniguradong ang chakra nya ay utakora at oramata, kapag naman R chakra user siguradong throra at pusora ang chakra nito.

Kapag A chakra user ay sacoral at rootora naman ito.

Pero kahit ang normal na tao ay kaya ang dalawang chakra karamihan ay hindi parin kaya gamitin ang dalawang chakra kadalasan sa mga tao ay isa lang ang nagagamit at hindi na nakakayang gamitin pa ang isa nilang chakra kahit pa bukas ang mga ito sa katawan nila.

Sa naitala wala pang kahit na sino maliban sa hinirang ang nakakagamit ng chakra na nasa "O" at "R" o di kaya nasa "A".

Halimbawa isang tao na gumagamit ng oramata at pusora. wala pang ganoong naitala dahil ang oramata ay nasa O at ang pusora ay nasa R.

Kaya sa pag gamit ng salitang ORA mas mabilis nakikilatis ang tao sa kong anong uri ang chakra nito.

Ngunit, bakit nga ba wala sa ORA ang SACORAL?

Ang sacoral ay ang chakra na pinaka halata sa lahat. Napakadaling malaman kung ang isang user ay gumagamit ng sacoral. Tandaan, ang Sacoral ay nagpapakita ng kilos at armas mula sa katawan ng isang user, kaya naman hindi na kataka-taka na madaling malalaman ang chakrang ito. Hindi katulad ng mga chakrang nasa ORA, hindi mo malalaman na isang rootora user ang isang tao kung hindi mo ito makikitang gumagamit ng isang elemento. Hindi mo rin malalaman na isang oramata ang isang user kung hindi mo makikita ang soul wire na kumokonekta mula sa user at kinokontrol nito. Ganun rin sa ibang chakra na kinabibilangan ng ORA.

Kapag ang isang user rin ay gumagamit ng Sacoral chakra, ang sacoral na chakra lamang ang maaaring gamitin nito. Hindi maaaring mag taglay ng iba pang chakra ang isang sacoral user, kaya naman hindi makakaila na ang isang sacoral user ay may tinataglay ng paniguradong lakas ng kapangyarihan.

Sinasabi din na malas ka kapag isa kang sacoral user dahil kapag user ka nito o ito ang chakra na taglay mo ay paniguradong isa lang ang chakra na bukas sa iyong katawan di tulad sa ORA na dalawa ang bukas na chakra naka dipende nalang sa tao kung kakayanin nyang gamitin ito ng pareho.

Marami pa rin ang katanungan ni Jess tungkol sa pag gamit ng chakra ngunit hindi rin maitatago ang mangha na nararamdaman ni Jess. Hindi maitago ni Jess ang kanyang pag kainteres sa pag gamit ng ibat-ibang chakra. Naisip ni Jess na bilang isang hinirang ay bukas ang lahat ng chakra nya sa katawan at naghihintay na lamang na gamitin nya ang mga ito. Hindi alam ni Jess kung paano nya gagamitin ang anim pang chakra, sakabila ng kamanghaan na kanyang nadarama.

Matapos ang usapan ay nagpatuloy na muli si Jess. Hindi maalis sa kanyang isipan kung paano at saan nya hahanapin ang tatlong babaylan na may hawak ng kanyang mga takda.

"Sa iyong palagay, paano natin mahahanap ang mga babaylan?" Tanong ni Jess kay Koro.

"Kaya nga ako nandito ako at kasama mong naglalakbay. Hinding hindi ko makakalimutan ang sarili kong kapangyarihan." Sa ngayon, ay batid ni Koro na hindi pa nya nararamdaman ang kahit isa sa mga takda. Ngunit alam nyang kung magpapatuloy lang sila sa kanilang paglalakbay ay maaaring maramdaman rin ito ni Koro.

Parehong walang kaalam-alam ang dalawa sa daan na kanilang tinatahak. Patuloy lamang sila sa kanilang paglalakad kahit na walang mapa. Sa bawat araw ng kaniyang paglalakbay ay umaasa si Jess na sana ay makarating sya sa mga bayan bago mag gabi. Ngunit, hindi umaayon sa kanyang kagustuhan ang langit at sya ay naabutan ng gabi sa kagubatan.

Sa kagubatan na napiling mag pahinga ni Jess, madilim at tanging huni lamang ng mga kuliglig ang kanyang naririnig. Ngunit bago pa man tuluyan na makapagpahinga si Jess ay binalaan sya ni Koro.

"Maging handa ka, may hindi maganda akong nararamdaman." napaka seryoso ng tono ni Koro ngunit binaliwala lamang ito ni Jess at sinabing natatakot lamang si Koro at magpahinga na lamang.

Ilang oras pa lamang tulog si Jess ng sya ay magising dahil sa isang malakas na ingay at animo'y pakpak na pumapagaspas.

Umupo si Jess at tinignan ang kanyang kapaligiran. Nilibot ng kanyang mga mata kung may kakaiba ba sa kanyang paligid habang pinapakinggan kung saan nagmumula ang malakas na ingay.

"Ang ganoong lakas ng pagaspas ay nagmumula sa isang halimaw" Bulong ni Koro kay Jess. Nakatitiyak si Koro dito dahil na rin nararamdaman nya ito. "Mula sa hindi kalayuan ay may isang ibon na lumilipad. Mayroon itong malaking tuka at mala pakpak ng isang paniki" tuloy ni Koro.

Base sa inilarawan ni Koro, agad na ikinatayo ito ng balahibo ni Jess. "Isa yang wakwak!" Sagot ni Jess kay Koro at agad na tumayo upang tumakbo at maghanap ng matataguan.

Habang papalapit ang ibon ay Pahina naman ng pahina ang ang tunog ng pakpak nito. Damang-dama ni Koro ang kabog ng dibdib ni Jess habang tumatakbo.

Isang butas na maaaring pagtaguan ang nakita ni Jess, lumusot sya rito habol-habol ang kaniyang hininga. Habang nagtatago, ay pinapakinggan nila ni Koro ang tunog ng pakpak ng wakwak.

"Anong itinagao-tago mo riyan? May kapangyarihan ka Jess, kayang-kaya mo kalabanin at paslangin ang wakwak na iyan" - Paalala at pangaral ni Koro kay Jess.

"Ayoko! Nangdadagit ng tao iyan! Minsan ng naikuwento saakin ng aking lolo at ama ang tungkol sa wakwak. Marami ng nabiktima ito sa bayan natin, Kinukuha nito ang puso ng kanyang mga nabibiktima" - Pagmamatigas ni Jess. Kahit pa nama'y kapangyarihan si Jess ay hindi pa ito nakaharap ng isang wakwak sa kanyang buhay, kaya naman ganun na lamang ang takot na kaniyang nadarama.

"Oo, pero ikaw ang hinirang na mangkukulam Jess. Kung hindi mo makakayang harapin ang isang demonyong wakwak, paano mo haharapin ang Jakan? Kung hindi mo kaya harapin ang takot na iyong nararamdaman mula dito, ano ang iyong gagawin sa oras na makaharap mo na ang Jakan?" Napaisip si Jess sa sinabi ni Koro. Tila ba sya ay natauhan sa kanyang ikinilos. Tama si Koro. Hindi sya dapat na matakot sa isa lamang na wakwak.

"Base sa kuwento ng aking lolo, alaga ng isang mangkukulam ang mga wakwak. Maaaring alaga ito ng isang masamang mangkukulam at inakala nitong ako ang kaniyang amo." sambit ni Jess.

"Malay natin. Ngunit sa aking palagay ay nakalayo na rin ang wakwak na iyon dahil mahina na ang tunog ng kaniyang pakpak"

Lumabas si Jess mula sa kanyang pinagtataguan. Walang kaalam-alam si Jess na ang wakwak ay nasa likod lamang ng isang mataas na puno. Naramdaman ito ni Koro at unti-unti itong papalapit sa kanila upang umatake, kaya naman agad na kinagat ni Koro ang kaliwang tenga ni Jess, dahilan para palihis ng kaunti si Jess mula sa kanyang kinatatayuan.

Nakaiwas mula sa atake si Jess. Ngunit hindi maitago ang pagkabigla ni Jess sa nangyari.

"Mag isip ka!" Sigaw ni Koro sa kanya. Tila ba nahimasmasan si Jess sa sigaw ni Koro at agad na inutos ni Jess na ilabas si Sese. Kinontrol ni Jess si Sese at ginamit ang payong na panangga upang protektahan ang kaniyang sarili sa maaaring sunod na tira ng wakwak.

"Mula sa kanyang pag atake ay nakita ko ang malalaking daliri at matutulis na kuko nito."

Ilang segundo ang nakalipas ay nawala ang wakwak. Nabigyan nito ng pagkakataon si Jess na maging handa sa susunod na atake. Mahina man ang tunog ng pakpak na naririnig ay alam ni Jess na nasa paligid lamang ang wakwak.

Nagmasid masid si Jess, isang maliit na mala-pulang apoy ang nakakuha ng kaniyang atensyon. Tinitigan nya ito ng maigi at dito nahulma ni jess mula sa kanyang paningin ang anino ng isang wakwak na dahan-dahang gumagalaw at tila nag hihintay ng tyempo upang sila'y atakihin.

Inihanda ni Jess si Sese at dahan-dahan na tumalikod. Sa pagtalikod ni Jess, ay agad na umatake ang wakwak, ngunit batid ni Jess ang plano nito. Nang maramdaman na malapit na ang wakwak ay agad nyang kinontrol si Sese at itinutok ang tulis ng payong sa direksyon ng wakwak.

Gamit ang tulong ng payong, ay natuhog mula sa bibig hanggang sa batok ang wakwak. Umalingasaw ang napaka bahong amoy ng wakwak kaya naman agad na umalis si Jess. Iniwan ni Jess ang patay na wakwak at umalis upang mag hanap ng panibagong mapagtataguan.

Ilang oras na rin na naglalakad si Jess ngunit wala pa rin syang mahanap na mapagtataguan. Nawala na rin ang antok na nararamdaman ng binata dahil sa mga pangyayaring naganap kanina. Habang naglalakad, hindi naman maalis ang takot at pangamba na nararamdaman ni Jess. Nararamdaman ng binata ang nangangatog pa rin ng kanyang mga tuhod dahil sa pangyayari.

Napansin ni Koro ang pangamba at pangangatog ni Jess. Kaya naisip nito na kausapin si Jess upang malibang ito at mawala sa isip ang takot na nararamdaman. "Ito ang pinaka una mong laban simula ng umpisahan mo ang iyong paglalakbay, Jess." Ngunit tila ba napaka lalim ng iniisip ni Jess. Ilang segundo bago nito sagutin si Koro.

"Nakita ko ang puso ng wakwak na nakalaban natin kanina. Pulang pula at nag aapoy ang puso nito. Tila ba puno ng kalupitan at handang handa itong pumatay. Koro, kapag ako ba ay nakapatay rin ng maraming halimaw, ang puso ko ba ay magiging mapula at mababalot rin ba ng kasamaan?" Tanong ni Jess. Dama ni Koro ang pangamba ni Jess na baka dumating sya sa puntong mabalot rin sya ng kasamaan katulad ng halimaw na kaniyang nakaharap.

"Hindi bat may nagmamay ari sa halimaw na iyon? Isa rin mang kukulam. At isa rin akong mang kukulam, at pumaslang ng isang halinaw. Ibig sabihin ba nun ay maaari na rin akong balutin ng kasamaan?" - tuloy na tanong ni Jess kay Koro.

"Nakasisiguro akong hindi Jess. Dahil ang puso ng mangkukulam na iyo ay puso na ng isang masamang mangkukulam simula ng sya ay mabuhay" Sagot ni Koro kay Jess. "Tandaan mo Jess, marahil ay marami ngang mangkukulam ang nabubuhay, ngunit ibang iba ang hinirang sa lahat ng mangkukulam. Bukod tangi ang puso at ang kapanyarihan ng isang hinirang na mangkukulam." Bahagyang huminahon si Jess sa sinagot ni Koro. Napagtanto rin nyang hindi nga naman sya ang hihirangin kung hindi puro ang kanyang puso.

Sa hindi kalayuan ay namataan ni Jess ang isang dayamihan. Tumuloy si Jess dito at napagdesisyonan na dito na magpalipas ng gabi.

Habang nakahiga, muling nag salita si Jess. "Kung ganoon, dapat na pala akong mag sanay ng maigi, matutunang pumatay at dapat ko na ring maaral ang iba pang chakra na tinataglay ng aking katawan, tama ba?"

"Oo Jess. Umpisa pa lamang ng lahat ang iyong nakaharap kanina. Marami pang gampanin ang dapat mong gawin sa mga hinaharap"

--------------------------------------------------------------------------------------

Maagang nagising si Jess para ipagpatuloy ang kaniyang paglalakbay. Simula ng maglakbay si Jess ay laging prutas at gulay na lamang ang kaniyang nagiging pagkain sa buong araw. Mula sa dayamihan, isang maisan ang nakita ni Jess, nagbaon ang binata bago ipinagpatuloy ang kanyang paglalakbay.

Sa gitna ng paglalakad isang mataas na puno ang natanaw ni Jess. Inakyat nya ito upang tignan kung may malapit na bang bayan mula sa kalapitan, ngunit bigo syang makakita ng bayan.

Sa isang masukal na gubat napadpad si Jess. Papalubog na ang araw ng may marinig syang nakakikilabot na hiyaw ng babae sa gitna ng gubat. Mabilis na nagtatatakbo si Jess, nagbabakasaling matanaw nya ang dulo ng gubat na iyon at makalabas.

Inabot ng gabi ni Jess sa kakatakbo. Tanging pagod at hingal na lamang ang kanyang nagawa, nang sya ay may makitang isang liwanag. Isang liwanag na nagmumula sa isang ilaw ng gasera. Puno ng pag asa ang naramdaman ni Jess, kaya naman mabilis syang nagpatuloy sa pagtakbo patungo rito.

Isang kubo ang bumungad sa kanya. Kubo na may nakasusulasok na amoy, pero handang tiisin ni Jess ang amoy para lamang may ligtas na matuluyan sa gabing iyon. Tinignan ni Jess ang kubo, at ng mapansing walang tao ay pumasok ito.

Mas lumakas ang nakasusulasok na amoy. Nagkalat ang punit na damit at sumbrero ng mga magsasaka. May bahid rin ng dugo ang mga kagamitang ito, kaya naglipana rin ang nagkalat na napaka daming langaw at kakaibang amoy na bumabalot sa buong kubo.

Wala pang isang oras ng makarinig si Jess ng yapak ng paa. Malakas at mabigat ang mga yapak na ito, tila ba nang gagaling sa isang malaking nilalang na naglalakad. Ginamit ni Jess ang bintana upang makalabas sa kubo. Agad syang tumakbo sa may puno upang magtago at tignan kung anong nilalang ang papasok sa kubo.

Ngunit, ang hinihintay pala ni Jess ay nasa kanyang likuran na. Para bang kisapmata na nasa likuran na agad nya ang malaking nilalang. Sinuntok ng nilalang na ito si Jess. Solido sa lakas ang suntok na kanyang natamo sa tagiliran, dahilan para sya ay tumalsik at umubo ng dugo.

Bago pa muling kumilos ang nilalang na sumuntok sa kanya ay agad na tumayo si Jess para hanapin si Koro, na tumilapon rin sa kung saan. Sa paghahanap, napagtanto ni Jess na hindi nagsabi si Koro na may nararamdaman itong papalapit na nilalang, dito napansin ni Jess na mula pa nang umaga ay hindi na nagsasalita si Koro.

Sinilip ni Jess ang ilalim ng kubo. Nakita nyang natutulog si Koro. Ngunit ang mas umagaw ng kanyang pansin ay ang paa ng isang tila malaking lalake at ang nakasayad nitong mala buntot ng toro sa lupa.

Dahan-dahan pumailalaim si Jess upang kunin si Koro. Hawak na nya si Koro nang may biglang humila sa mga paa ni Jess at hinampas sya sa lupa sabay hagis sa bubong ng kubo. Nakita ni Jess ang ulo ng toro, may roon itong suot na hiyas na hikaw. Nanglilisik ang mga pulang mata nito at naka akmang aatake muli.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nagawang ilabas ni Jess si Sese sa bunganga ni Koro. Kinontrol nya si Sese upang buhatin sila at itakbo sa may kagubatan. Damang dama ni Jess ang pananakit ng kanyang katawan. Sa tingin nya ay nabali ang ilan sa kanyang mga buto.

Sa itaas ng puno habang buhat ni Sese, nagmamasid si Jess kung nandun pa ang toro. Nang makasiguradong wala na ang toro, kinontrol ni Jess si Sese upang dahan dahan syang ilapag sa matibay at maayos na sanga.

Sinubukan ni Jess na gisingin si Koro ngunit napakahimbing ng pagpapahinga nito kaya naman hinayaan na lamang nya ito, Minabuti rin muna ni Jess na magpahinga dahil sa sakit at bali ng kanyang katawan. Base sa nakita ni Jess, isang "sarangay" ang umatake sa kanya.

Sa lalim ng inisiip ni Jess, hindi nya namalayan na nakatulog na sya sa pagod at sakit ng katawan.

Kinabukasan, bumaba si Jess mula sa punong kanyang tinulugan upang bumalik sa kubo na kanyang nakita kagabi. Mula sa labas ay damang-dama ni Jess ang malaking nilalang na natutulog sa loob ng kubo. Rinig na rinig rin ang hilik ng nilalang na ito habang natutulog.

Tahimik na nilibot ni Jess ang labas at napansin nya ang mga nakasabit na tuyong parte ng katawan ng tao, Gulat na gulat si Jess sa nasilayan. Marahil ay hindi nya ito nakita kagabi dahil sa dilim ng paligid. Kaya rin pala malakas ang amoy at puno ng langaw ang kubo.

Labis ang inis na naramdaman ni Jess, kaya naman nagdesisyon syang sunugin ang kubo pati na rin ang nilalang na natutulog sa loob nito. Ito ay ganti na rin sa ginawa sa kanya at upang matigil na ang pagpatay na ginagawa nito sa mga magsasaka na wari nya.

Habang naglalakad papalayo mula sa kubo, narinig ni Jess ang pag ungol at sigaw ng isang sarangay. Hindi nya ito pinansin at nag patuloy na lamang sa paglalakad sa gubat upang sya ay makalabas na rito.

Narating ni Jess ang dulo ng kagubatan. Isang bangin ang kanyang natanaw at tinignan nya ito upang tanawin kung mayroon bang kalapit na maaari nyang puntahan, ngunit bigo si Jess na may makitang kalapit na lugar.

Isang usok ang natanaw ni Jess mula sa di kalayuan. Agad na nag lakad si Jess upang tunguhin ang pinagmumulan ng nagsisigang usok na iyon. Isang matanda ang kanyang nakita na nagsusunog ng kahoy.

Nilapitan ni Jess ang matanda at nang sya ay makita nito agad syang tinanong nito. "Naliligaw kaba iho?" tanong ng matanda

"Opo" sagot ni Jess, ngunit napansin ni Jess na nakatitig sa kanya ang matanda. Hindi maalis ng matanda ang tingin kay Jess ng makita nitong suot ni Jess si Koro.

"Kung ganoon, ikaw ang bagong hinirang na mangkukulam." Sambit ng matanda. Ikinagulat naman ni Jess ang sinabi ng matanda. Paanong nalaman ng matanda na sya ang hinirang na mangkukulam.

"Paano nyo po nalaman?" naguguluhang tanong ni Jess

"Hinding-hindi ko malilimutan ang sombrero na iyan. Iyan ang sumbrero na suot ng dating hinirang na nagligtas ng aking buhay, pati na rin ng aking mga apo."

Check out the upcoming updates of witch fate on my Facebook account : Em Ramos

Follow me to see the official witch fate art & design.

IG :@nammemmy | FB :Em Ramos

nammecreators' thoughts