webnovel

Chapter 5

June 17, 2019

EU Training Room

Chan's POV

"1, 2, 3, 4, 5, 6, 7,8, 8, 7-ano ba yan?! Next week na ang pageant hindi niyo pa ma perfect!" Napakagat naman ako nang labi ko. Hay, ang hirap pala...akala ko simple lang ang pageant kasi sa loob lang nang room namin pero, the heck! Lalamangan pa namin ang Binibining Pilipinas.

At isa pa, professional na beki ang nagtetraining samin. Kung sino raw ang manalo sa pageant, mag cocompete sa Intramurals.

"Okay, from the start. Music please."

Ang unang stage ay Introduction Number. Alphabetical ang pagrampa. Ang susuotin dito is pants and something white sa pang itaas also with high heels.

Unang rumampa si Ang. Siya yung classmate kong happy-go-lucky pero hindi natatakot sa mga lalaki.

Sunod si Base at ako yung third.

Rumampa na ako. Stomach in Chest out. Inhal Exhale. Own the stage. Napatingin ako kay Rheinz, napangiti ako nang napangiti siya. He's acting wierd this past few days.

"Good morning to all of you. My name is Mary Gra-" napatigil ako sa pagsalita nang biglan nanikip ang dibdib ko. Nahirapan akong huminga. Napa upo ako kasi nagdilim ang paningin ko.

Napatingin ako sa gawi ni Rheinz at nakita ko siyang nagulat. Ba't ngayon ka pa umatake. Pinalo ko ang dibdib ko kasi sobrang sakit.

Napansin ko na nagsilapitan ang mga tao sa paligid ko. Nahiga na ako nang tuluyan at nagdilim ang paligid.

---

EU Clinic

Bumungad sakin ang mukha ni Rheinz at Jovi. Alalang alala sila.

"Chan, ok ka lang? Anong gusto mo?" Binigyan ko nang matamis na ngiti si Navigar dahil sa pag aalala niya.

"Ok lang ako"

"Sabi nang doktor pagpahinga ka muna, at baka..." kumunot naman ang noo ko nang napatigil siya sa pagsasalita.

"Hindi ka makakasali bukas." Naman eh! Pagkakataon ko nang mapansin ni Saichi, inagaw pa sakin.

"Sasali ako, ok lang talaga ako."

"No, sabi nang doktor umatake ang sakit mo dahil sa sobrang pagod. Hindi mo naman sinabi sakin Chan na may sakit ka pala sa puso. Bawal ka palang ma over excite at happy. Bawal ring mapagod nang todo at ma pressure. Naku naman kung alam ko lang, sana di na kita pinatuloy." Napatulala naman ako sa inasta ni Rheinz. Para siyang tatay or boyfriend ko.

"Bakit? Kailangan mo ba talagang malaman yun?" Oh ayun natameme siya.

"Pffftt... char lang, kaw naman kasi kung maka asta ka para kang tatay o boyfriend ko." Napangiti lang siya.

"Pero seryoso ako, sasali talaga ako bukas. Kaya ko naman eh."

"Oo na susupurtahan ka na namin." Sabi ni Jovi. Hinug ko siya. Inaya ko naman si Rheinz pero parang nahihiya siya. Hinila ko nalang ang kamay niya. Sumali siya sa hug at parang may binulong.

"Your making me fall in love with you deeper."

Pero hindi ko narinig yun.