This is the short story of a man who transmigrated into the resident-evil-like game.
Ang sarap siguro mabuhay sa loob ng paborito mong laro. Kung saan magiging kakampi mo ang mga bida at kakalabanin mo ang mga kontrabida. Ang sarap din siguro na gumalaw at mamuhay na naaayon sa iyong kagustuhan, na walang kinababahala at kinatatakutan.
Napakasarap na maramdaman ang gayong buhay. Sana dumating ang araw na maging tunay ang aking pinapangarap. Nakakaboring na mamuhay ng simple dito sa loob ng aking apartment. Malinis ang loob at labas at disente tignan para sa karamihan ang aking tahanan. Hindi man pampamilya ang tema ng disenyo ay maaaring magkasya ang apat na tao.
Ako nga pala si Jion Ansel, limampung taong gulang, isang masayahin na matandang binata. Wala na akong pamilya dahil namatay sila noong Ikatlong digmaang pandaigdigan. Isa ako sa mga maswerteng matandang binata na nabubuhay pa hanggang ngayon. Ngunit sa tingin ko ay hindi na rin ako magtatagal dahil sa masamang epekto ng nuclear particles na pumapatak sa aking bubungan.
Mga ilang patak pa ay baka matunaw na rin ang huling layer na nagproprotekta sa akin. Nakakayamot, dahil sa walang kwentang digmaan, ay nagkaroon tuloy ng mas malalang problema dito sa mundo. Ang mga lupa ay hindi na maaari pang taniman at ang mga tubig ay polluted, na kontiminado ng mga nakakamatay na chemical tulad ng sulfuric acid. At higit sa lahat, wala na tuloy akong oras para makapaglaro ng sepak takraw kasama ang mga bata upang turuan sila.
Hindi man halata ay matibay-tibay pa rin ang aking katawan at maaari pang makabuo ng bata. Ngunit imposible na siguro. Isa sa sampung babae ang maswerteng makakapagdala ng sanggol sa kanyang sinapupunan.
Ngunit iilan lamang ang may pagkakataon na isa sa sampung bata ay maging normal. At ang retardness ay pinagmumulan ng masamang pagkakaroon ng pagkakaisa sa bawat nilalang. Parang mga hayop na walang tigil sa pagpatay at paghuhukay ng sarili nilang mga hukay.
Hindi bale na, nag-extinct na naman lahat ng magagandang nilikha ng poong Maykapal dito sa mundo. Sino pa ba ako para maawa? Marami na sa aking mga kababayan ang nagkakasakit na at ang infertility rate ay tumataas pa!
"Hayz, nakakaboring na talaga," ang aking tugon sa nakakaawang sitwasyon namin dito sa mundo. Habang ako ay nakaupo sa sofa ay napatingin ako sa telebisyon at pinapakinggang maigi ang balita. Ayon sa balita ay aabutin pa ng dalawang buwan bago pa mawala ang bagyong nagdadala ng mga nuclear particles.
Bong!
Isang malakas na tagungdong ang aking narinig sa kanan na bahagi ng aming gusali. Dali-dali kong sinilip ang pangyayari.
Grabe, kawawa naman ang isa sa mga kapit-bahay ko, ang bintana ng kanyang bahay ay nabasag dahil sa malaking gulong na tumama na dala ng malakas na hangin. Nang tamaan ang balat ang kaniyang buong pamilya ng mga particles ay nagsisigaw sila sa sakit at natunaw silang lahat na parang sinunog na plastic. Nakakadiri at nakakasuka!
Hayz, siguro maglaro na lamang ako ng nabubuhay ko pang laro.
[Citizen Doomsday] ay isa sa mga kilalang action-horror-scifi na laro sa buong mundo. Tinatangkilik at inaabangan ng lahat ang bawat istoryang inilalahad at ipinapalabas sa loob nito. Ito'y mayroong iba't ibang titulo, na umabot na sa higit sa dalawamput-tatlong serye at padami pa ng padami noong sikat pa ito. Hindi naman maikakaila na sobrang minamahal ng mga gamers ang laro, dahil ito ang unang laro na nagpakilala sa mga 'undead', mga taong patay na muling nabuhay dahil sa isang virus. Sa mga taong matagal na naglalaro nito mas kilala ang mga uri nila sa tawag na 'zombies'.
Simula pa sa unang serye ng laro, aliw na aliw akong pumatay ng mga uri nito sa paglalaro. Marami karakter tulad ni Cian Washinton at Erica Blueway na isa sa mga naging dahilan kung bakit mas sumikat pa ang laro. Dahil sa kanilang partnership at undying na companionship ay napanood ng lahat ang bawat hinagpis, takot at mga pagsubok na kinaharap nila.
Ngunit may isa akong gustong-gusto at hindi maikakailang crush ko, si Michelle Heartlight. Siya ang pinakamaganda at pinakacute sa lahat ng mga dalagang karakter sa panahon niya. Palagi ko siyang sinusubaybayan hanggang sa kanyang pagtanda. Ang nakakalungkot lamang ay tumandang dalaga siya. Sana naman ay naisip ng mga producers na bigyan ng lovelife ang aking crush!
Hindi na bale, past was past. Wala na rin naman akong magagawa. Maglaro na lamang ako at mag-enjoy.
[Click Start]
[Welcome to Citizen Doomsday]
Parang biglang dumilim, nagbrown out ba? Pero nakanuclear electric power naman ako at kung may power shortage naman ay automatically magbubukas ang reserve electricity ng aking solar power. Bakit ang dilim?
"Hoy, private. Gising!"
Aba, sino ba 'to? Bakit pinupukpok niya ang ulo ko? At nagsasalita siya ng English? Tila parang may mali yata sa nangyayare, hah. Parang biglang bumigat ang aking katawan sa hindi malaman na kadahilanan. Aba't helmet pala ito. Kaya pala madilim ay dahil sa bagay na 'to. Teka bakit nakahelmet ako?
Sa paglinaw ng aking paningin ay unang tumambad sa aking harapan ang mga apoy sa aking paligid, mga sunog na katawan ng mga bangkay sa ilalim ng basag na pader at mga tumpok ng mga bato na nakaharang sa daan. Nakadamit ako ng itim na combat suit, nababalot ng mga battle armor na pinalilibutan ng mga magazines at granada, isang handgun sa aking tagiliran, kutsilyo na nakatago sa poketa malapit sa sapatos at isang pin ng granada sa aking kanang kamao.
Ginawa ko ba 'yan? Ang aking tanong sa sarili habang minamasdan ito.
"Private! Magaling! Napakahusay" isang matandang lalake, na hindi ko kilala, na nakadamit ng pareho kong outfit at may tatak ng kulay asul na baner sa kanyang kaliwang balikat. Siya ay biglang itinayo ako at binigyan ng MA14 na rifle, "Tayo na lamang ang natitira, kung gusto mo pang mabuhay ay tumakbo at tumakas na tayo palayo dito!"
"Po?" ang aking tugon gamit ang salitang English. "Si-si-sino po ba kayo?"
Ang matandang lalake ay nagulat sa aking tanong at napakamot na lamang siya.
"Dahil siguro sa malakas na pagsabog ng granada ay naalog na ang utak mo, private. Ako ang iyong kapitan, team leader. Si Captain Anderson!"
"P-p-po?"
Kahit nagpakilala na siya ay hindi ko pa rin siya kilala.
"Kaya mo bang tumayo?" ang tanong niya, sabay turok ng isang morphin sa kanyang kanang braso.
"Umm," sinubukan kong tumayo pero hindi sumusunod ang aking mga binti at paa. "Sa tingin ko ay namanhid na katawan ko sa pagsabog. Hindi ko na maigalaw, eh."
Naawa ang kapitan sa aking lagay at hinawakan ang pareho kong balikat. Sa hindi malaman na dahilan ay kinaladkad ako ng matanda. Grabe, napa'no ba ako at hindi ako makatayo? Bakit takut na takot siya at pagud na pagod? Parang may tinatakbuhan siya papalayo sa gumuhong pader na humaharang sa daanan.
"Kapitan, ipagpatawad po ninyo ang aking itatanong. Nasan po ba tayo?" ang aking tanong, sabay kasa ng rifle.
"Private, nasa Orion Secret Facility tayo. Tanda mo na?"
Orion Secret Facility? Parang pamilyar ang pangalan ng lugar. Hindi ba't isa 'yon sa mga unang lugar sa kauna-unahang serye ng laro ng [Citizen Doomsday]? Naah, imposible. Imposible naman 'yon. Hindi na bale, makikisawsaw na lamang ako sa pakulo ng matandang lalake na ito. Ang Orion Secret Facility ay isang ordinaryong mansyon kung titignan sa labas ngunit kapag nasa loob ka na ay ito ay nagtatago ng mga madilim na sekreto sa publiko. Ito'y matatagpuan sa loob ng Orion Forest.
Isa ang pasilidad sa mga mahahalagang lugar na tanging mga baliw na scientist lamang na nagtatrabaho sa [Parasol Corporation] ang maaaring makapasok. Ito rin ang unang set up ng laro kung saan ang mga sikat na bida ng serye ay maghaharap. Mga 6:01 pa lamang naman ng hapon ayon sa relo ko, dahil kung titignan maigi ang paligid at sa butas ng ibabaw namin ay malamang na nagsisimula pa lamang lumubog ang araw.
"Sir, ilan po tayong ipinadala dito at anu po ang ating misyon? Wala po akong ideya sa nangyayari."
Napaiyak ang kapitan at hindi makasagot.
"Ah, okay lang po kung hindi ninyo sagutin ang aking tanong, hindi na bale —"
"Forty-five tayong ipinadala. Siyam na unit at limang sundalo sa bawat isang squad. Ang ating misyon ay iligtas ang anak ng CEO ng Parasol Corporation at isalba ang mga importanteng mga sample na nagkokontamina ng mga mapanganib na virus. Private, sa isang hindi inaasahang pangyayare ay nakaharap tayo ng mga carnivorous na mga halimaw. Ang mga halimaw ay tinangka nating puksain ngunit kahit anu man... anu man ang ating gawin ay muli pa rin silang bumabangon na parang walang nangyari. Salamat sa iyong ginawa kanina dahil nakaligtas tayo sa mga humahabol sa atin."
Sa kanyang mga kwento ay parang parehong-pareho sa mga detalye na binanggit ng isang sundalo na nakita nina Bruce Blueway at ang kanyang mga grupo doon sa laro. Anu ba ang pinagsasabi ng matandang ito?