MJ's POV
Napakahirap naman nito! Nababagot na ako dito sa rehearsals na to!
"Oh bakla? Wala ka ata sa mood?" Tanong ni Ben saakin
"Pa'no hindi yan mababagot eh nakakabagot naman talaga tong rehearsals na to tapos ang init pa!" Reklamo ni Carla.
"Kung bakit ba naman kasi dito pa talaga sa open field kailangang gawin yung rehearsals! Pwede naman sa gym, kahit mainit doon, eh carry pa rin naman hindi tulad dito sa field ANG INIT! Gosh! Sayang yung makeup ko mga bakla!!" Reklamo rin ni Ben. Inirapan naman siya ni Carla.
"Eh kung bakit ka ba naman kasi nagmakeup pa! Alam mo naman na sa open field tayo magrerehearsal tapos gumanyan ka pang bakla ka!" Ayan na, mag-uumpisa na naman sila na mag-bangayan
"Eh hindi ko naman alam na ganito pala kainit ngayon! Gosh, hindi pa ba tayo matatapos dito?" Oo nga, kanina pa kami nandito lang sa mga upuan namin, nakaupo man kami at may payong, pero ang init pa rin talaga.
Habang nagsasalita ang dean ng bawat college dito sa university, eh busy rin ang mga kasama ko sa pagchichismisan.
Napatigil lang ito nang makarinig kami ng mga sigawan sa ibang side namin. Nasa right side kasi kami at sa pinakadulo pa, tapos yung iba naman nasa left side.
"OMG! What's happening?!!" Tanong naman ni Ben.
"Ang OA mo magreact bakla ah! Nakakaloka ka!" Saway sa kanya ni Carla.
"Che! Bahala ka na nga dyan!" Inirapan naman siya ni Ben.
Hindi ko na lang sana papansinin kung ano yung sigawan ng mga estudyante pero bigla kaming nagulat dahil may nagplay ng isang instrumental piece ng isang familiar na kanta though I don't know what exactly the song is, but I am very sure na napakinggan ko na to.
Pero nagulat ako nang biglang may nagsalita. Nanginig ang mga tuhod ko at para akong mangingisay pero buti na lang at nakaupo ako.
"MJ, Love, I know I did something stupid but I want to say sorry. Sorry kasi naguluhan ako. Sorry kasi pinili ko siya kahit na ikaw naman talaga ang mahal ko.." Naramdaman ko na yung hawak nila Carla at Ben saakin. Pero ako, gulat at lutang pa rin sa mga nangyayari pero nagawa ko pa ring pakinggan kung ano man ang sasabihin niya.
"Yung sinabi mo saakin na babalikan kita pag buo na ako, doon ako nagkamali Love. Dahil in the first place, the moment I started courting you, doon palang buo na ako. Binuo mo ako and I thank you for that!" Naluluha na ako, bwisit tong lalaki na to kahit kailan talaga!
"I'm so sorry, Love. I'm so sorry. Please forgive me kahit sa pagkanta kong ito, mapatawad mo ko." Sabi niya. Maya-maya pa ay, narinig ko na ang kanyang boses though hindi ko alam kung nasaan siya
Araw –gabi bakit naaalala ka't
'di ko malimot-limot ang sa atin ay nagdaan
Kung nagtatampo ka ay kailangan bang ganyan
Dinggin ang dahilan at ako ay pag-bigyan
Punong-puno ito ng emotions.. Napapatapik naman ako nila Carla at Ben na halatang kinikilig.
Kailangan ko ang tunay na pag-ibig mo
Dahil tanging ikaw lang ang pintig ng puso ko
Hahayaan mo ba na maging ganoon na lang
Ang isa't-isa'y mayro'ng pagdaramdam
Bakit 'di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan
Kung mawawala ay 'di bat sayang naman
Lumipas natin tila ba kailang lang
At kung nagkamali sayo patawad ang pagsamo ko
Tayo na't ulitin ang pag-ibig natin
Muli ikaw lang at ako
Nagulat ako nang bigla siyang nagpakita saakin, those eyes, How I missed him so much!
Kailangan ko ang tunay na pag-ibig mo
Dahil tanging ikaw lang ang pintig ng puso ko
Hahayaan mo ba na maging ganoon na lang
Ang isa't-isa'y mayro'ng pagdaramdam
Bakit 'di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan
Kung mawawala ay 'di bat sayang naman
Lumipas natin tila ba kailang lang
At kung nagkamali sayo patawad ang pagsamo ko
Tayo na't ulitin ang pag-ibig natin
Muli ikaw lang at ako
Ngumingiti siya saakin, ayaw ko sanang ngumiti, pero hindi ko napigilan. Ang lalaking ito lang talaga ang nagpapakilig saakin ng ganito.
Bakit 'di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan
Kung mawawala ay 'di bat sayang naman
Lumipas natin tila ba kailang lang
At kung nagkamali sayo patawad ang pagsamo ko
Tayo na't ulitin ang pag-ibig natin
Muli ikaw lang at ako.
Pinisil niya ang kamay ko at nagsalita ulit.
"Bati na tayo.." malambing na sabi niya. Napangiti naman ako dahil sa inasta niya.
"Huwag mo na ulit yung gagawin ah? Promise me." Paninigurado ko sa kanya. Aba! Mas mabuti na ang sigurado no!
"Opo. So bati na tayo?" Parang bata na tanong niya
"Oo." Simpleng sabi ko.
"Edi,, tayo na ulit?" Nahihiya niyang tanong. Narinig ko naman yung tawanan ng mga estudyante dito
"Hindi naman tayo nagbreak ah, so tayo pa rin." Nagliwanag naman yung mukha niya. As in ang laki ng ngiti.
"Yes! Thank you so much, Love! Thank you! I love you so much!" Sabi niya sabay yakap saakin.
"I love you too." Sabi ko sabay yakap sa kanya. Naghiyawan naman yung mga tao kaya tumawa lang kami.