ngunit isa lamang iyong alamat at walang patunay tungkol sa eight headed serpent na si caruner.
"teka!ano ang nangyayari?" tanong ko sa mga kasamahan kong nasa labas.
"huminto ang mga barko sa unahan kaya't hindi tayo makausad!"
"kamahalan!may kung anong umaatake sa mga kasamahan natin sa likod!"
"umaatake?walang mga berdeng orcs sa dagat kaya't sino ang aatake sa'tin?"
isang napakalas na ungol ang siyang umalingawngaw sa buong paligid ng karagatan, nakakilabot ang tinig na iyon at ang alon sa dagat ay unti unting tumaas.
"halimaw!may halimaw ang umaatake!"
nagkakagulo na ang mga mandirigma ko sa labas ng barko kaya't lumabas kami ni staider burin high upang tignan ang nangyayari sa labas.
una kong nakita ang kulay itim nitong buntot na dahan dahang lumulubog sa tubig.
hanggang sa lumitaw ang ulo ng halimaw na iyon.
"dragon?ahas?" saad ni staider burin high hanggang sa lumitaw ang kabuohan nitong anyo.
"haring grael! walong ulo pala ha!"
ang maalamat na si caruner ay totoo nga ngunit hindi walo ang ulo nito bagkos iisa lamang. pito ang kanyang buntot na may mga malalaking panusok sa dulo nito, kaya't napagkakamalang walo ang ulo nito dahil sa malalapad nitong buntot na nasa likod at tumatayo.
isang malaking ahas ng dagat ang umaatake sa mga kasamahan ko kaya't nagbigay ako ng hudyat na bilisan na ang pagtawid sa kabila.
patuloy pa rin sa pagsira ng barko ang ginagawa ng halimaw na iyon hanggang sa tamaan ito ng isang palaso na may kidlat na kasama mula sa kabilang pangpang ng dagat.

ang palasong may mahika ng kidlat at kulay berde, malaki ang naging pinsala ng palaso sa halimaw dahil bigla itong napasigaw sa sakit.

bumuga ng napakaraming mga patay na orcs si caruner sa pangpang ng dagat at sinugod ng mga patay na orcs ang elves na may mahika.
"ang isa sa mga mandirigma ng white counsel! ang kawal ng puting bundok!" wika ni staider burin high sa akin.
"high elves? ano ang ginagawa nya dito?"
patuloy ang labanan sa kabilang pangpang hanggang sa maubos ang mga patay na orcs, nang humarap ang elves ay biglang lumitaw sa harap nito si caruner habang nakababad sa tubig ang mga buntot.
"ter ker lurin lady qenhrin"
(sa ngalan ni lady qenhrin ikaw ay maglaho!"
sunud-sunod na binugahan ng apoy ni caruner ang elves ngunit hindi nya matamaan ang elves na iyon hanggang sa bigla na lang lumitaw ang elves sa ulo ni caruner.
isang mahigpit na hawak sa pana ang ginawa ng elves saka nito binitawan ang palasong may mahika ng diyosa.
lumusot ang palasong iyon sa ulo ng halimaw dahilan upang malagutan ito ng hininga. bumagsak sa dagat ang malaki nitong katawan at ang tubig sa dagat ay tumaas at naramdaman namin ang pagyanig ng barko dahil sa lakas ng alon na tumama sa mga barko.
"orcs! staider! pinadala ako ni lady qenhrin dito upang tumulong sa digmaan!"
"paano mo nalaman na may digmaan dito?"
"ang salamangkero! nakiusap siya sa mahal na diyosa na tulongan kayo!"
nakarating na ang matandang salamangkero sa nuhrim eartin sa loob lamang ng tatlong araw. hindi ko inaakalang makakakita ako ng isang elves na kahit kailan ay hindi pa ako nakakakita.
-battle of two kingdom-