webnovel

I will stay with you

-5 years ago-

Sa sobrang traffic wala na kong nagawa kundi mag grab. Pagdating ko sa office nasa meeting room na ang lahat at si Mia nasa desk niya.

" Nagsisimula na ba sila?" tanong ko.

"Oo kinuha ko lang yung report natin. Ano ready ka na ba sa presentation natin?" tanong niya.

Medyo na tigilan ako at dali-dali kong kinuha ang papers na kakailanganin ko sa presentation.

"Gio ano?"

"Oo r-ready na ko." sagot ko at nag scan sandali ng mga sasabihin ko para sa presentation.

Lumapit si Mia sakin. Damang-dama ko ang tensyon at panic. Hindi talaga ako sanay sa ganitong bagay.

"Gio" tawag sakin ni Mia pero hindi ko siya pinansin.

"Gio!" sigaw niya at napatingin ako sa kanya.

"Ano? Bakit mo ko sinisigawan?"naiinis na tanong ko sa kanya.

Lumapit si Mia sakin sabay ayos ng neck tie ko. inayos din niya ang coat na nirentahan ko pa kay Botch. Saka ngumiti.

"Relax. Sabayan mo ko. Inhale. Exhale." sabi niya at sumabay na ko.

"Yan inhale....exhale..."

"Inhale...exhale..."

"So ano ok ka na?" tanong ni Mia at tumango naman ako.

"Tingin ko nakatulong naman." sagot ko.

" Good. Tandaan mo dito nakasalalay ang pagiging regular natin." dagdag niya at parang kinabahan ulit ako.

Ngunit nawala ang aking kaba ng maramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa pisngi ko.

"Goodluck!" sabi niya sabay kindat at iniwan akong mag-isa.

Napahawak ako sa pisngi ko. "Totoo ba yun? Kiniss niya talaga ako sa pisngi ko?"tanong ko sa sarili ko.

-Present-

"What? Joke niya lang yun?"tanong ni Mia. Pagdating namin sa bahay.

"Oo kasi may event tapos kailangan natin maging model for the wedding gowns at saka sa suit kaya tayo yung napili." dahilan ko at kitang-kita ang paniningkit ng mga mata ni Mia.

"You are not believing me? Tawagan mo pa si Patrick. Siya yung kumuha ng photos natin that time." sagot ko.

"Siguraduhin mo lang na totoo yan sinasabi mo Gio dahil kapag nalaman ko na nagpakasal talaga ako sayo. Ipapa annulled ko agad." mariing sabi ni Mia na masakit sa puso.

"Grabe naman hindi naman kita type noh. Gusto ko yung-"

"Mala Iris? Yung pumuputok na ang bra dahil sa laki ng dibdib na halata naman gustong-gusto mo." sabi ni Mia na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling.

"Ano?"

"Kanina yung tingin mo sa kanya halos gusto mong lamunin yung dibdib niya. Halata naman na hindi natural. Isa pa halata din naman na gusto niya yung ginagawa mo kaya makaipit sa dibdib niya wagas. "dagdag pa ni Mia.

Natawa naman ako. "Wait are you jealous?" tanong ko sa kanya at tumawa naman si Mia.

"Me? No way. Isa pa ayoko lang mapunta ka sa maling babae lalo na bestfriend kita Gio."sagot niya.

"So bati na tayo?"tanong ko.

"Oo na sige na. Next time wag na wag ka ng maglilihim sa akin ah."

"Promise hindi na ko maglilihim." sagot ko at niyakap ako ni Mia.

Dati pa man ganito na kami. We treat each other as bestfriend pero syempre iba pa din kung alam na niya yung tungkol sa katotohanan.

Biglang nagring ang phone ko at kumalas sa pagkakayakap sakin si Mia.

"Hello?" sagot ko.

"Hello Gio. This is Iris. Sorry I did not know about the condition of your wife. Sorry talaga. Gusto mo para makabawi ako coffee tayo or dinner. Treat ko." sabi ni Iris.

"Ahmmm..." Napatingin ako kay Mia na nakataas na ang kilay. " Sorry Iris pero may lakad kami ni Mia eh."tanggi ko at mas lalong tumaas ang dalawang kilay niya.

"Oh... talaga? Sorry talaga pero text me when you are free. " sabi ni Iris.

"Oo naman. " sagot at saka ko na binaba ang phone.

"May lakad kayo?"tanong ni Mia na iba na ang timpla ng mukha.

"W-wala gusto lang magsorry about sa nangyari kanina." paliwanag ko.

"Tinanggihan mo?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo nagagalit ka eh." sagot ko.

"Hindi ako galit. Tawagan mo ulit at sabihin mo sa West bar tayo magkita. Sama mo sila Patrick at si Botch pati na rin si Jeremy at Nadia." utos niya.

"Eh? b-bakit?" tanong ko.

"Syempre magsasaya tayo!" sigaw niya saka nag party-party dance.

-West Bar-

Pagdating namin doon dahil sa weekend madaming tao. Mabuti na lang kilala kami dito dahil noong gumigimik kami nila Mia noong hindi pa kami kasal dito kami kapag may natatapos kaming successful project.

"Boss Mia sa may VIP 5 po." sabi ng isang bouncer na si Rod.

"Salamat!"

Dumiretso na kami sa taas kung saan nandun ang mga VIP tables at nandoon na rin sila Botch, Patrick,Jeremy at Nadia.

"Ui Gio long time no see!" bati nila sakin sabay hand gestures namin noong college.

"Sayo din Mia. Himala nag aya ka. Anong occassion?"tanong ni Botch na laging insensitive.

Lumapit si Mia kay Botch. "Wala gusto ko lang mag-inom kaya sagot ko na to!" sigaw niya at ang apat masayang-masaya.

Habang madaming kwento yung tatlo at si Mia lumapit naman sakin si Botch. Nasa sulok lang ako at nag-mamasid.

"Gio anong meron at nag-aya si Mia?" tanong ni Botch kaya wala akong choice kundi ikwento ang pagkikita namin ni Iris at ang sinabi niya kay Mia.

" Shit! Buti nalusutan mo?" tanong ni Botch.

"Oo diba dati nung pinakilala ko si Mia sa inyo kailangan ni Patrick ng model for gowns and suite pinili niya kami ni Mia. Yun ang ginamit kong dahilan. "sagot ko at tumango naman si Botch.

Uminom ako kaunting lagok habang nakafocus ang paningin ko kay Mia na tawa ng tawa.

" Gio!" tawag sakin ni Botch.

" Ano?" tanong ko.

" S-si ma'am Iris ba yun? Siya yung diba? Shit pre ang hot nya!" sabi ni Botch na halatang gigil na gigil kaya napatingin ako sa tinuturo niya.

Kitang-kita ng aking mga mata ang isang sossy hot na naka red dress na babae at curly hair. Nakangiti siya na papalapit ng papalapit sa amin. .

"Hello Gio and Botch." bati ni Iris samin.

" Hello ma'am Iris ang ganda nyo ngayon. "bati ni Botch kay Iris sabay kindat at halik sa kamay.

Agad na binawi ni Iris ang kamay niya at tumingin sa akin sabay tingin sa paligid kung saan nakatingin sa kanya sila Mia.

"Iris na lang. Hindi naman ako ganun katanda sa inyo." sagot ni Iris at ngumiti.

Lumapit siya kay Mia at nakipag beso same goes with Nadia. "Good to see you Mia. Sorry talaga kanina ah." dinig kong sabi ni Iris sabay tingin sakin.

" Wala yun at saka since nandito ka na simulan na natin mag sayaw." aya ni Mia sa apat na wild na wild na dumiretso sa dance floor.

"Ah hindi dito na lang ako. "tangi ni Iris kaya tumingin sakin si Mia.

Lumapit siya sakin. Kinuha ni Mia ang baso ng alak sa kamay ko at hinila niya ko patayo. Lumapit kami kay Iris na nakatingin sakin.

"Just for tonight hahayaan kitang masayaw ang asawa ko. Basta bukas sakin na yan ah." sabi ni Mia na halatang tipsy na.

"Mia lasing ka na. Halika na umuwi na tayo." sabi ko pero tinulak lang ako ni Mia.

"BOTCH! HOY ikaw partner ko ngayon. Hwag mo kong mamanyakin kundi puputulin ko yang junjun mo!" sigaw ni Mia at agad naman sinalubong ni Botch na nakatingin samin ni Iris.

"Ahmmmm sorry about what happen kanina. Ako na mismo humihingi ng despensa. Hindi ko na dapat pala sinabi yun." panimula ni Iris.

"Hindi ayos lang yun at saka ako dapat magsorry kasi di ko ininform lahat. Well, sorry din sa sinabi ni Mia. Ganun talaga siya kapag tipsy na. I hope hindi ka naoffend?" tanong ko kay Iris na natawa sakin.

" Hahahaha! Hindi noh. Ok lang ako. So bantayan na lang natin sila instead na sumayaw tayo doon." suggest ni Iris na ayos naman sakin lalo na wala din ako sa mood na sumayaw.

All night we talk about a lot of things in the past. Para akong bumalik sa nakaraan.

Past 3am na at nagdecide na kaming mag bill out. Si Botch na naghatid kina Patrick, Jeremy, at Nadia na nagwawal talaga. Si Iris naman nagpasundo sa kapatid niya na lower year ko dati na si Chyna.

Kami ni Mia nagpagrab na lang pauwi ng bahay at iniwan ko na lang muna sa bouncer ang motor ko.

Tulog na si Mia at nilapag ko na siya sa kama niya. Paalis na sana ako ng kwarto niya ng bigla kong madinig ang sinabi niya.

"Gio please dont go away. Please stay with me." paulit-ulit na sinabi niya.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo niya.

"Shhhh... Im here Honey. Im always here for you." bulong ko.

Biglang umupo sa kama niya si Mia at tumingin sakin.

"Gio tingin ko-"