webnovel

Chapter 36

A Gift From God

by : John P. Read

Love can't be described.

It has no shape, it has no form.

Love is not an object.

Love does not conform.

Love enters our lives

The moment we are born.

From the cradle to the grave,

Love's in everyone.

Love burns like a candle

That sometimes flickers but never dies.

Love may be invisible,

Although it's right before your eyes,

Love can leave you empty,

Love can make you whole.

Love can make or break you,

Love is in your soul.

Love is in your heart,

Love is in your mind.

Love doesn't discriminate,

Love is always blind.

Love is universal,

It encompassess the globe.

No matter where you are,

Love has a language all its own.

Love is all around you.

There's a plenty of love to spare.

You cannot see or touch it,

But love is everywhere.

Love's the greatest power,

And yet it is so small.

Love's a gift from God

To be shared amongst us all.

Pagkatapos ng matagumpay na fashion show ay nag-after party ang lahat ng staffs, crews, at models ng Kleid Moda. Gaya ng sabi ni Fin ay on the house ang pagkain pati na ang drinks ng lahat.

"Wow! Bigatin talaga ang soon-to-be husband mo Amanda!" Sabi ni Ashley. "Korek! Kaya expect na engrande ang kasalang magaganap." Sabi naman ni Lily. "Kayong dalawa ang brides maid ko ha?" Sabi ni Amanda. "Sure, sure, no problem." Sagot ni Ashley. "Wait, nasaan nga pala si Hayley?" Hanap ni Amanda sa pinsan. "Kausap nila Nico at yung mga kaibigan niya." Sagot ni Fin na kalalapit lang.

"Bakit ako?" Gulat ng tanong ni Hayley. Nasa kwarto sila ngayon nila Dashiell at Quinn, kasama sila Nico at Landon. "How will I explain this?" Tanong ni Quinn na nakatingin kay Nico pero nagkibit balikat lang ito na ikinaikot ng mata ni Quinn. "Hindi kasi pwede si Kimmy." Sabi ni Dashiell na ikinakunot ng noo ni Hayley. "Siya yung kasama ni Nico kanina." Sabi ni Landon. "Sige na, Ley, alam kong biglaan 'to kaso hindi ko na talaga mapilit si Kim. Isa pa nagkataon din na may shoot siya sa kasal ko. Hindi ko nga alam kung makakapunta siya." Sabi ni Quinn na hinawakan pa sa kamay si Hayley. "Pero almost a month na lang bago ang kasal n'yo. Saka natapos ko na din ang designs ng damit ng maid of honor according to your informations about her at baka nag-start na din si Tatay Mario na gawan ng outline ang damit." Sabi ni Hayley. "Come here." Sabi ni Nico na nagpatingin sa kanya sa mga kasama na nakataas ang kilay.

Nagulat si Hayley ng bigla siyang hapitin sa bewang ni Nico. "What are you doing?" Nakataas ang kilay na sabi ni Hayley. "Checking your measurements." Sagot ni Nico dahilan para mamula si Hayley. Nagkatinginan naman ang tatlo pagkatapos ay ngumiti ng lihim. "I guess hindi kayo nagkakalayo ng body measurements ni Kim." Sabi ni Nico. "And for the designs, kahit ano naman ay tiyak na babagay sa'yo." Patuloy ni Nico na muling ikinapula ni Hayley. "Ehem...ehem...so? Payag ka na, Ley?" Nakangiting tanong ni Landon. Tumingin si Hayley kay Quinn at nakita niya ang pag-asa sa mata nito. Bumuntong-hininga saka tumango.

"Thank you, thank you." Sabi ni Quinn habang nakayakap kay Hayley. "You'll be the best Maid of Honor of the year." Sabi ni Dashiell. "Tara na! Tiyak na nagkakasiyahan na sila lahat doon. Let's go party!" Sabi ni Landon sabay kembot ng balakang niya na ikinatawa ng iba. "Mauna na kayo, magbibihis muna kami." Sabi ni Nico na ang pagbibihisin lang talaga ay si Ley. "Bakit? Sayang naman ang damit ni Hayley." Sabi ni Landon pero tiningnan siya ng masama ni Nico. "Sabi ko nga kailangan magbihis ni Ley." Sabi ni Landon na ikinangiti ni Dashiell at Quinn. "Okay, mauna na kami." Sabi ni Quinn pero ng tumingin siya kay Hayley ay parang sinasabi nitong 'wag siyang iwan pero kinindatan lang niya ang dalaga. Nang umalis ang tatlo ay kasunod na din nila ang dalawa para pumunta sa sariling unit.

"Change first, I'll wait here." Sabi ni Nico at tumango lang ang dalaga. Pagpasok ni Hayley sa CR ay ibinuga niya lahat ng hangin na kanina niya pa pinipigil. Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman sa mga nangyayari sa kanya. Nagselos talaga siya sa Kimmy na sinasabi ni Quinn na dapat ay Maid of Honor niya pero bigla din nagulo ang isip niya ng makita nito ang babae na masaya ng halikan siya sa noo ni Nico. Nakakagulo din sa isip niya ang selos na naramdaman niya. "Walang sila" kaya wala siyang karapatan na magselos sa kung sinuman ang kasama ng binata. Isa pang nakadagdag ay ang pagiging Maid of Honor niya sa kasal nila Dashiell at Quinn. Paano kung hindi bumagay sa kanya ang damit? Paano kung magmukha siyang tanga sa damit na dapat ay kay Kimmy? "Ha'ay..." Buntong-hininga ni Hayley. "Bahala na nga!" Bulong niya. Sinimulan na niyang abutin ang zipper ng kanyang gown. Naabot naman niya ito pero ng nasa gitna na ay biglang naipit ang lace sa zipper kaya hindi ito dumiretso sa pagbukas. "Kainis!" Sabi ni Hayley. Ayaw naman niyang pilitin na ibukas dahil tiyak na masisira ang gown.

"Ley?" Tawag sa kanya ni Nico na nasa may pinto ng CR. Huminga ng malalim si Hayley saka binuksan ang pinto. "Pwedeng pakibukas?" Sabi ni Hayley sabay turo sa zipper sa likod ng gown niya. Ngumiti si Nico saka lumapit sa dalaga. Hinawakan niya ang zipper at hindi sinasadyang madikit ang kamay niya sa likod ng dalaga dahilan para makaramdam sila pareho na kakaiba. Namula si Hayley ng maramdaman ang kamay ni Nico samantalang napalunok naman si Nico na maramdaman ang likod ng dalaga at makinis na balat nito. Pareho silang pigil ang hininga hanggang sa tuluyan ng mabuksan ni Nico ang zipper.

"Thank you." Sabi ni Hayley at nagmamadaling pumasok muli sa loob ng CR. Si Nico naman ay naiwang tulala. Pinilig ang ulo para bumalik sa wisyo at pagkatapos ay saka huminga ng malalim. "That was close." Bulong sa sarili sabay yuko sa nakaumbok sa panatalon niya.

"Ang tagal n'yo naman! May ginawa pa yata kayong kababalaghan." Sabi ni Ashley na halatang may tama na. "Oo nga, sabi ni Quinn ay magbibihis ka lang pero bakit parang hindi lang pagbibihis ang ginawa ninyo." Sabi ni Lily na tipsy na din. "Tara-tara, sayaw na tayo!" Hila sa kanya ni Quinn. Walang nagawa si Hayley kungdi sumama sa mga kaibigan.

"What?" Tanong ni Nico na nakatingin sa dalawang kaibigan. "Nothing, masama ka bang tingnan?" Nakangising sabi ni Landon. "Naipit yung damit sa zipper ni Hayley." Paliwanag ni Nico. "Ahhh, kala ko nahirapan kang bunutin." Tukso ni Dashiell. "Kung ibabaon ko man, hindi ko na bubunutin." Patol naman ni Nico na ikinatawa ng dalawa.

Naging masaya ang after party ng Kleid, nag-enjoy ang lahat.

Nasa loob na muli ng kanilang suite sila Nico at Hayley. Nakapagbihis na din sila ng kanilang mga pantulog.

"Goodnight, Nic." Sabi ni Hayley bago tuluyang humiga sa sariling kama. Wala siya nakuhang tugon sa binata kaya akala niya ay tulog na ito.

"Tomboy si Kim." Nadinig niyang sabi ng binata. "Ah, okay..." Maya-mayang sabi ni Hayley. "Nagselos ka ba?" Panunukso ni Nico sa dalaga. "Bakit naman ako magseselos?" Painosenteng tanong ni Hayley. "I saw jealousy in your eyes kaya nga muntik ka pang matatipalok kanina kasi nawala ka sa concentration mo." Gustong lumubog ni Hayley sa kamang hinihigaan dahil nakita pala ng binata ang nangyari kanina. "Sorry to burst your bubble...Nico!?" Nagulat si Hayley ng biglang siyang daganan ng binata.

Ramdam ni Hayley ang kabog ng dibdib niya. "Could you go back to your bed, I'm...I'm...sleepy." Sinubukan ni Hayley na hindi mautal pero nabigo siya. "Hayley Acosta, your driving me crazy..." Bulong ni Nico pero hindi na nakapagsalita si Hayley dahil sinakop na ni Nico ang labi niya.