Samantala, si Maymay naman ay hindi alam kung saan ibabaling ang tingin. Nararamdaman nya kasing sumusulyap-sulyap sa kanya si Dodong. Baka hindi nya mapigilan ang sarili na sumulyap dito kaya ipinikit na lang nya ang kanyang mga mata at nagkunwaring nakatulog sya. Humilig pa sya sa may pinto ng sasakyan para dumistansya sa binata. Pakiramdam niya kasi ay nakukuryente sya sa tuwing magkakalapit sila.
Ang tahimik sa sasakyan. Walang nagsasalita kaya itinuloy nya ang pagkukunwaring tulog sya. Pero kahit na ganun ay ramdam pa rin nya na may nakatingin sa kanya.
Para tuloy may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan nya.
"Oh God Mary Dale stop acting like a school girl who just had her first crush!"
Saan ba kasi sila pupunta at parang napakatagal ng byahe nila. Ayaw naman nyang lingunin si Marco para tanungin dahil sigurado mahahagip ng paningin nya ang napakagwapong si Dodong.
"Napakagwapo?!?" My God malala ka na Mary Dale! Okay fine, napakagwapo naman talaga nya! Kaya nga mas lalo syang naghihinala na hindi talaga ito basta driver lang.
Pero naramdaman nyang magaspang ang kamay nito nung nagkahawakan sila, parang sa ama nya rin. Palatandaan na marunong ito sa mabigat na trabaho. Malamang Mary Dale kasi nga driver sya.
"Ah basta! I'm still not convinced that he's a simple driver!" There is definitely more to him than meets the eye.
Bakit ba kasi parang walang gustong magsalita? Nahihirapan na syang magpanggap na tulog.
Si Marco at Juliana naman ay abala sa pagtetext.
Katext nila ang isa't isa.
Pasimple nilang inoobserbahan si Edward at Maymay.
Pigil na pigil silang matawa sa ikinikilos ng dalawa.
Nag-uusap na rin sila ng plano kung paano nila mapagsosolo ang dalawa mamaya sa pupuntahan nila.
M - Sinabi mo ba kay Dale na sa Tagaytay tayo?
J - Nope! And I also haven't told her to bring a jacket. Ikaw? Sinabi mo ba kay Dodong?
M - Yup! And I told him to wear a jacket! 😉
J - 👍
M - 👊
Huminto ang kotse.
"We're here!" sabay pa si Marco at Juliana.
Hindi pa rin kumikilos si Maymay. Gigisingin na sana sya ni Edward pero naunahan sya ni Marco.
"Wake up sleeping beauty, we're here!"
Kunwari ay pupungas-pungas si Maymay.
"Nakatulog pala ako. Sorry!"
"Okay lang!"
Bumaba na si Marco at pinagbuksan nya ng pinto si Juliana. Bumaba na rin si Edward. Pagbubuksan nya dapat si Maymay ng pinto kaya lang ay binuksan na ng dalaga at bumaba na rin ito ng sasakyan.
Pagkababa ay nakaramdam agad sya ng lamig. Napahawak sya sa mga braso nya. Napansin naman ito ni Edward.
"Hindi ka nagdala ng jacket o cardigan?"
"Hindi ko naman kasi alam na dito tayo pupunta."
"Ito, gamitin mo!" hinubad nya ang jacket at nilagay na sa balikat ni Maymay.
Bahagyang lumapat ang mga kamay nya sa balikat ni Maymay kaya kinilig ito este nanginig ito sa lamig.
"Nakakahiya naman sayo!" kunwari ay isosoli nya ito kay Edward.
"Huwag mong babawiin!" ang nasa isip ni Maymay.
"Okay lang! Sanay ako sa lamig!" sagot ni Edward.
"Wear it so it will feel like I'm hugging you!" ang nasa isip ni Edward.
"Salamat!" sagot ni Maymay.
"Buti naman hindi binawi! Ang bango pa naman nya este ang bango ng jacket nya!" ang nasa isip ni Maymay.
Tumuloy na silang apat sa loob.
"This place looks so romantic Marco!" gushed Juliana.
"You know I always aim to please!"
"Hindi ba nakakahiya na kasama nyo pa kami?"
"Ano ka ba Maymay? Kailan pa ba kita itinuring na iba! This is actually for the four of us!"
"Para sa ating apat?"
"Me and Mary Dale and you and my best friend slash driver Dodong! Ayaw mo bang kasama si Dodong?"
"Gusto...ang ibig kong sabihin okay lang naman!"
Napangiti naman si Edward sa narinig.
"Okay, since we're all set, why don't we start with our dinner."
Masaya lang silang kumakain.
Marco even ordered wine. Maybe it's because of the relaxed atmosphere but Maymay felt herself loosening up.
Hindi masyadong umiinom si Edward dahil sya ang driver.
Marco asked the resto to play music videos of romantic songs instead of the usual movie. When "Perfect" started playing, he got up and asked Juliana to dance.
They were dancing while Edward and Maymay just looked on. Nagpapakiramdaman silang dalawa.
"Please ask me to dance!" ang nasa isip ni Maymay.
"Should I ask her to dance with me?" ang nasa isip ni Edward.
Dahil naiilang na si Maymay sa katahimikan nila ni Edward ay ininom nya ang isang basong wine.
Pinigilan naman sya ni Edward.
"Hinay-hinay lang Maymay!"
"Too late! I already finished it!" at binaliktad nya pa ang wine glass para patunayan ang sinabi nya.
Nagulat naman si Edward sa narinig nya.
"Why are you looking at me like that? Is it your first time to hear a yaya speak fluent English?"