webnovel

Tala Book 1: Tala

奇幻
連載 · 15.6K 流覽
  • 2 章
    內容
  • 評分
  • N/A
    鼎力相助
摘要

Mula sa madilim na kalangitan, tala ika'y ngingitian. Lingid sa kaalaman, binaba para ika'y bantayan. Si Tala na isang tala, ibinaba para maging masaya. Ngunit pagdating sa baba, isa pa lang malaking sakuna. "Ano at naparirito ka?" tanong ng isang dalaga. Hindi umimik ang binata. Ngumiti sa kaniyang nakita. "Binibini, ako ay isang tala." Gugulo. Guguho. Mananatiling tao dahil sa pangakong napako.

Chapter 1PANIMULA

"ALAB, PANGARAP KONG maging ALBA sa pagdating ng panahon," turan ko sa aking kaibigan.

"Tala, bata ka pa at sinisigurado kong magiging isa kang Alba," sagot nito. "Alam ng buong Liwanag na isa kang mabait na anghel dito kaya puntahan mo na si Alab Sinag nang sagayon ay malaman na natin kung ano nga ba ang dahilan ng pagtawag niya sa 'yo."

Ngumiti ako. Nilisan ko ang kinatatayuan namin ni Alab saka pumunta sa bulwagan ng mga Liwanag.

"Ito na pala si Tala."

Yumuko ako at nagbigay galang. "Magandang gabi po mga Alba."

"Nawa'y maintindihan mo kung bakit ka pinatawag dito," panimulang sabi ni Alab Kislap.

"Ikaw ay ipapadala sa mortal na si Fabio nang sagayon ay maipamalas mo ang galing sa pagiging Alba." Natulala ako sa sinabi ni Alba Sinag. Tila ang pangarap ko ay magkakatotoo na.

"Pagsapit ng ika-labing isa ng gabi, pumunta ka sa lugar ni Alba Dilim nang sagayon ay makarating ka na sa iyong paroroonan." Tumango ako.

"Ang kabaitan at kasipagan mo ang magiging susi sa iyong mga pangarap," ani Alba Sinag.

你也許也喜歡

評分

  • 全部評分
  • 寫作品質
  • 更新穩定度
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景
評論
哇! 如果您現在填寫評論,您將會是第一個評論的人!

鼎力相助