webnovel

One-sided Love by pinkyjhewelii

Someone loves you, but you loves someone else. But that someone else you love, loves someone else, too. Is this kind of a cycle? That's life. Sabi nga ni Bob Ong, huwag kang magagalit kung hindi ka mahal ng taong mahal mo dahil may tao ring nagmamahal sa'yo pero hindi mo mahal. Kaya fair lang. Si Princess Reiko Abellano, malaki ang pagkagusto sa kababatang si Enzo Shin-woo. Pero ang masaklap dun, hindi man lang siya nito napapansin. Bakit? Dahil may nagmamay-ari na ng puso nito. Sino pa ba? Si...oooppss, ang tanong pala dapat ay, ano kaya? Isang PAKWAN lang naman. Sa dinami-daming babaeng nagkakagusto dito, wala itong pinapansin. Minsan nga gusto niyang isipin na bakla ito pero hindi. He's one of the best basketball player of Shin-woo University's Wolf. Si Enzo Shin-woo na handang pakasalan ang kanyang one and only love, pakwan. Akalain mo bang sa halip na babae ang matipuhan niya, pakwan pa. Hindi niya napapansin ang mga babae sa paligid niya dahil ay mga mata niya ay malinaw lang kapag pakwan ang nakikita niya. Si Renzo Shin-woo, ang lalaking seryoso pero lihim na umiibig kay Princess Reiko. Marunong siyang magtago ng nararamdaman niya pero hindi niya maitago ang pagkainis dahil sabi nga niya, bakit si Enzo pa ang nagustuhan nito samantalang magkamukha lang sila? Yes, they are triplets. The famous Shin-woo triplets, Enzo, Renzo and Kenzo. Paano iikot ang mundo nilang tatlo kung ang namamagitan sa kanila ay one-sided love? Aano magkakatagpo ang dalawang puso? Sino ang masasaktan? Sino ang sasaya?

pinkyjhewelii · 青春言情
分數不夠
14 Chs

Chapter 7

Reiko POV

HUMINGA ako ng malalim saka sinilip sina Mom and Dad sa salas. Natatakot ako. Hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin na pinapapatawag sila sa guidance office. This is my first time at panira ito ng record ko. Paano ba ito?

Nakita ko na kinukulit ni Dad si Mom habang nagbabasa ng book.

"Mom... Dad..." umupo ako sa sofa saka tumingin sa kanila.

"Yes, anak?" Tanong ni Mom.

Si Dad naman ay nakatingin lang sa akin.

Napalunok ako. Mapapagalitan ako for sure. Though, hindi ko naman kasalanan talaga e. Si Glecy iyong basta na lamang nanabunot. Gumanti lang naman ako which is alam kong mali din. Pero nasaktan na ako e. Hindi naman pwedeng hayaan kong ako lang ang nasaktan.

"Hm, kasi po... ano."

"Ano, anak?" Tanong ulit ni Mom.

"Is there a problem, Reiko?" Dad asked.

Napalunok na naman ako. Huminga ako ng malalim. Wala akong choice. Kailangan kong sabihin ang totoo. Kailangan nilang pumunta ng school bukas.

"Good day, world! How's everyone here?"

Kumislap ang mata ko nang mapatingin sa pinaggalingan ng boses na iyon. Oh my God.

Bright idea.

"Tita Fancy!" Sigaw ko saka lumapit sa kaniya. I kissed her cheek.

"Oh, hi my beautiful pamangkin. Where's your kapatid's?"

"Fancy, you're here." Sabi ni Mom. Nagbeso sila.

"Of course, Yumi. Siyempre, I still want to make dalaw here pa din ano! I miss my pamangkins kaya."

Thank you, Lord. Binigyan mo ako ng sagot sa aking problema. Napaka-good timing talaga ni Tita Fancy.

"Little devil." Sabi ni Dad.

"Duh! I'm not little anymore. You, Reid ha! Don't make Yumi pagod. Yuan will be the last. Alright?"

"Tch."

Napapangiti nalang ako habang pinapanood sila. Si Tita Fancy talaga, pampagaan ng mood. Mula bata ako, siya na iyong mahilig na laruin kami at alagaan. Kaya nga idol ko siya. Favorite Tita since siya ang aking only Tita.

"Reiko, where's Rance, Miko and Yuan? I have pasalubong for all of you!"

I held her hand. "Nasa taas sila, Tita! Tara! Let's go upstairs!" yaya ko sa kaniya.

"Okay! Na-miss niyo talaga ang maganda and so-fab Tita niyo!" sabi niya.

Napangiti nalang ako. Hinila ko na siya. Nilampasan namin sina Mom and Dad. Hanggang makaakyat kami sa taas.

"Tita..."

"Yes, Reiko?"

"Can I ask you a favor?"

She smiled. "Of course! Anything for my pamangkin. What is it?" Tanong niya.

"Let's go inside my room po." Sabi ko. Hinila ko siya papasok sa room ko and nagpahila naman siya.

I'm so close to Tita. Dati, dito siya nakatira sa manayon pero dahil may sarili na siyang buhay, may sarili na din siyang bahay.

Nang makapasok kami sa kwarto ko ay nilapag niya ang dala niyang paperbags.

"So what is it?"

I pouted my lip. "Kasi Tita..."

"Yes?"

"Kahapon kasi, inaway ako ng classmate ko. She pulled my hair. Hahayaan ko lang dapat e. Hindi ko na dapat siya papatulan pero nasaktan na ako kaya gumanti ako. Sinabunutan ko din siya."

Napatayo siya. "What? Sinabunutan ka ng classmate mo? You should have burn her hair!"

Napakamot ako sa ulo ko. "Tapos... nakita kami ng teacher namin. Kaya ayun, pinapatawag ang parents namin sa guidance bukas. E, Tita hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mom and Dad. I'm sure, malalagot ako."

She smiled. "Don't worry. Ako ang pupunta bukas sa guidance office. I need to see that girl. Anong karapatan niyang sabunutan ka? And Reiko, don't ever let your classmates do things like that to you! My God! Noong college ako, hinding hindi dumapo ang mga kamay ng classmates ko sa buhok ko. Or else! I will sunog their hair! You should try that. It's fun!"

Natawa ako. Si Tita talaga.

"Remember this, Reiko. You're an Abellano. You have my blood. So you should know how to fight. Huwag mong hayaang apihin ka sa school!"

"Opo, Tita. Hindi naman po ako mahilig makipag-away talaga e."

"I will teach her a lesson. Humanda sa akin ang babae na iyan na nanabunot sa iyo!"

Ngumiti ako. "Thank you, Tita. Buti nalang talaga dumating ka. I'm sure, Mom and Dad will be mad at me kapag nalaman nilang pinatawag ako sa guidance office."

"Don't worry, okay? Ako na ang bahala. So smile and forget about it."

I hugged her and thank her. Tamang tama talaga sa timing ang favorite Tita ko.

💢💢

GABI na at iniisip ko pa rin iyong pagpunta bukas sa guidance. Though, solved na naman ang problema ko dahil kay Tita Fancy, hindi ko pa din maiwasang maisip iyon. Magkakaroon na kasi ako niyan ng bad record sa guidance. Kasalanan ni Glecy e.

I opened my facebook.

Kumunot ang noo ko nang mapansin kong madami akong notifications. I checked it at nakita kong karamihan ay puro minention ako.

I clicked it at napunta ako directly sa status ni Glecy. Ang daming nag-mention sa akin sa comment.

Glecy Soriano

Malandi na, maarte pa. Nakakainis! Dahil sa babae na iyon na feeling maganda, maga-guidance pa ako! Akala niya! Akala niya lang! Lagot siya sa Mama ko! Humanda na siya! Feeling famous kasi e. Feeling niya napakaganda niya porke siya ang napiling muse ng SWU Wolf. As if! --- feeling angry.

Shiro Renzo Shinwoo, Kiro Enzo Shinwoo and 1,245 friends liked this.

Like⚫Comment⚫Share

View 389 other comments

Shiro Renzo Shinwoo IS THIS REIKO YOU'RE TALKING ABOUT? ANONG KARAPATAN MO?

Ciara Bello Feeling maganda ka din e! Ikaw naman ang basta balang nanabunot kay besty! Epal!

Tin Francisco Princess Reiko Abellano oh!

Sumakit ang ulo ko. Ang daming nakabasa ng status niya at alam ng lahat na ako ang tinutukoy niya. Naka-like pa si Enzo! Ano ba 'yan!

Huminga ako ng malalim. Hindi ko ito papatulan. Nagstatus ako ng panibago.

Pricess Reiko Abellano

Ikaw ang humanda bukas. Akala mo diyan. Abellano 'to, baka nakakalimutan mo. --- feeling confident.

Like ⚫Comment ⚫Share

I tried to open my messenger at nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang mga nasa messages list ko.

Gosh! Sunod sunod lang naman sila.

Kiro Enzo Shinwoo

Shiro Renzo Shinwoo

Jiro Kenzo Shinwoo

Nanlaki ng literal ang nga mata ko. Piniem ako ng shinwoo triplets?! Ang famous ko ba talaga? Kung alam lang nila, sila talaga ang dahilan kung bakit inaway ako ni Glecy e.

Pero, concern ba sila sa akin kaya sila nag-message?

I checked it one by one. Syempre, ihuhuli ko iyong kay crush!

Jiro Kenzo Shinwoo Hey, I read something from my newsfeed. I know it's for you. Galit ba siya dahil ikaw ang muse namin? Inaaway ka ba? Tell me and I will send her to guidance office alone.

Napangiti naman ako. Seryoso man lagi si Kenzo, mabait pa din siya.

Princess Reiko Abellano Actually, pinatawag na kami sa guidance bukas. But it's fine. Salamat, ha. At tama ka, nainis kasi siya sa akin dahil ako ang muse niyo.

Huminga ako ng malalim saka inopen naman iyong kay Renzo.

Shiro Renzo Shinwoo Reiko! Ayos ka lang? Inaaway ka ba ng Glecy na iyon? Sabihin mo lang, malalagit siya sa akin bukas sa school!

Napangiti ulit ako. Eto talagang si Renzo, napaka protective e.

Princess Reiko Abellano Hayaan mo na siya. Hindi ko nalang pinatulan ang status niya. Saka pinatawag na kami sa guidance bukas e.

Habang naghihintay ng reply ay inopen ko naman ang kay Enzo. Kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kiro Enzo Shinwoo Lagot sa akin si Glecy bukas.

Nanlaki ang mga mata ko. Jusko, ang ikli ng sinabi niya pero ang dibdib ko kumakabog. Oh my. Spell Reiko? Ang haba ng hair!

Inhale, exhale.

Princess Reiko Abellano Hala! Bakit?

Kunwari walang alam. Gosh, kinikilig naman ako bigla. Why, Enzo?

Kiro Enzo Shinwoo Dahil sa kaniya, pinatawag kayo sa guidance. Tch. Lagot talaga siya sa akin bukas. Di ka dapat niya inaaway.

Ang puso ko. Tunaw na tunaw na. Bakit mo ako pinapakilig ng ganito, Enzo?

Princess Reiko Abellano Ayos lang iyon. Wala na namang magagawa e. Thanks, Enzo.

Kiro Enzo Shinwoo Hindi ayos iyon! Tch! Yayayain pa naman sana kita na mag-bake ng pakwan cake bukas tapos napa-guidance ka. Siguradong maghapon kayo sa detention office!

Jusmiyo, gusto niya pala akong makasama bukas. Grabe kota na ako sa kilig!

Princess Reiko Abellano Sige hayaan mo, next time gagawa tayong pakwan cake.

Ang mga mata ko naghuhugis puso na. OMG.

Seen

Hindi na siya nagreply. I checked my other messages. May reply na pala si Renzo. Si Kenzo, nagseen lang.

Shiro Renzo Shinwoo Samahan kita bukas sa guidance? Ako ang bahalang kumausap sa guidance counselor.

Ang bait niya sa akin.

Princess Reiko Abellano Ayos lang! Kasama ko naman sa guidance bukas si Tita Fancy kaya keri na. Salamat, Renzo!

Shiro Renzo Shinwoo Kapag inaway ka ulit ng Glecy na iyon, sabihin mo sa akin. Ha?

Ang sweet din nitong isang 'to. Nakakatouch sila, promise. They are worried about me. Really.

Princess Reiko Abellano Okay! Thanks talaga Renzo!

I heaved a sigh. Pinatay ko na ang iPad ko saka humiga ng maayos sa kama ko.

Wala sa sariling napangiti ako. Shinwoo triplets are worried about me. Tapos si Enzo gusto pala niya akong makasama bukaa. Gosh! Swerte ko! Siguradong magwawala bukas si Ciara kalag nagkwento ako.

Pero kasi... tama si Enzo. For sure, after kausapin ang guardians namin, ikukulong kami sa detention at pagsusulatin sa makapal na bondpapers. Alam na alam ko iyan dahil napa guidance na noon si Kuya Rance. Sabi niya, noong nasa detention sila, binigyan sila ng makapal na bondpaper at pinagsulat ng HINDI KO NA PO UULITIN ng paulit ulit lang. Ang sakit kaya sa kamay na magsulat ng ganoon.

Hay, kasalanan talaga ni Glecy e! Humanda siya sa Tita Fancy ko, akala niya ba!

Huminga ako ng malalim saka pumikit na. I need beauty rest. Bahala si Glecy na mag ibigay ng mag ingay sa facebook. Hindi ko na siya papatulan. Bukas nalang ako babawi sa guidance office.