Reiko POV
NAGLALAKAD kami ni Enzo papunta sa garden dito sa SWU. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Ikaw ba naman ang sabihang..
Be with me.
Jusko, hindi ko alam kung paano ako magre-react. Dati patingin-tingin lang ako sa kaniya. Iyong kikiligin ako kapag nakita ko siya, nakausap or ngumiti siya sa akin. Iyong tipong hanggang doon lang ako. Pero ngayon, siya na ang lumapit sa akin! What is happening?!
"Ah, Enzo..."
Tumingin siya sa akin na nakangiti. Muntik na akong madapa dahil nanghihina ang tuhod ko sa mga ngiti niyang ganyan.
Naglalakad pa din kami. Natanaw ko na ang SWU garden. May mga bench doon kung saan pwedeng umupo at tumambay.
"Bakit, Reiko?"
"Ano kasi, wala ka bang practice? O kaya ay klase?"
May klase kasi ako pero kaya kong mag-skip ng klase para kay Enzo. Matatanggihan ko pa ba siya kung siya na mismo ang sumundo sa akin sa room ko? Syempre hindi! Basta para kay crush, para sa taong gusto natin, kaya nating isakripisyo ang lahat ng bagay.
"May practice kami pero mamaya na ako. Pinuntahan muna kita kasi gusto kitang makausap."
Gusto niya akong makausap. Bakit kaya? Na-realize na ba niyang crush niya ako? Malalaman ko ba ngayon na stalker ko pala siya? Malalaman ko na bang all this time, lagi niya akong tinitingnan sa malayo? Why is that. Napaka-assumera ko pero hindi naman imposible 'di ba?
Nakarating kami s garden. Umupo kami sa isa sa bench. Magkatabi kami at jusko, feeling ko boyfriend ko siya. Tapos mag-uusap kami at pagku-kwentuhan ang nangyari sa amin sa buong araw. Feelingera talaga ako.
"Bakit pala gusto mo akong makausap?" Tanong ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Ikaw ba naman. Anong mararamdaman mo kung nakaupo kayo ng crush mo sa isang bench tapos kayong dalawa lang?! Ewan ko nalang kung hindi matanggal ang garter ng panty mo sa pagpipigil ng kilig.
"Ngayon ko lang nalaman na magaling ka palang mag-bake ng cake." Nakangising sabi niya.
Oh my golly. So, na-fall na siya sa akin niyan?
"Ah, hehe. Medyo? Naging hobby ko na din kasi iyon mula noong turuan ako ni Mom."
Lalo siyang ngumiti. "Ang sarap nung binigay mong cake. Naubos ko nga agad."
Parang nag-form ng puso 'yung eye balls ko. "Talaga? Nagustuhan mo?"
Tumango siya. "Oo naman. Kaya nga gusto kitang makausap kasi gusto ko sana na..."
Nanlaki ang mga mata ko. "Na ano?"
Gusto niya na maging girlfriend ako?
Gusto niya na mahalikan ako?
Jusko, ang mga naiisip ko. Sobrang assumera talaga ako pagdating kay Enzo.
"Gusto ko sanang magpaturo sa iyo na mag-bake ng pakwan cake." Aniya.
Magpaturo? So kapag tinuruan ko siya, makakasama ko siya tapos kaming dalawa lang? Solo namin ang pagkakataon, ganern? Hindi ba't sa ganoon nagsisimula ang ibang relasyon?
Iyong habang nagbe-bake kayo, magpapahiran kayo ng icing tapos magtatawanan at kasunod, magki-kiss kayo then ting! Magiging kayo! OMG.
"Reiko? Okay lang ba? Okay lang kung hindi."
"Ah, hindi! I mean, pwedeng pwede syempre! Wala naman akong gaanong ginagawa sa bahay namin e. Minsan nga nakaka-boring kaya pwede talaga kitang turuan."
Nangislap ang mga mata ni Enzo at mga bess, lalo siyang gumwapo sa paningin ko.
"Talagang talaga 'yan, Reiko?"
"Oo naman! Anytime, pwede!" Jusko, kahit pa may pasok, pwede! Handa akong mag-cutting o um-absent para makasama siya.
Dream come true na ito, mga bess! Iku-kwento ko 'to lahat mamaya kay Ciara. Siguradong magwawala 'yon!
"Okay! Ite-text kita kapag magpapaturo na ako, ha? Kapag wala kaming practice."
Ite-text niya ako. Why not!
"Sure. Sure, Enzo."
"Sige, Reiko. May klase ka pa yata. Babalik na rin ako sa gym."
"Hindi. Absent nalang ako. Usap pa tayo."
Kumunot ang noo niya. "Ha?"
Doon ko lang na-realize iyong nasabi ko. "Ah, sabi ko babalik na ako sa room ko kasi may klase pa ako. Hehe."
Ngumiti ulit siya. Tumayo na kami saka nagharap.
"Salamat ulit, Reiko. Text nalang." Aniya saka tinapik ang balikat ko.
Umalis na siya at naiwan akong nakatulala sa kawalan. Ang puso ko, napakalakas ng tibok. I cannot! Nangyari talaga iyon! Nag-usap kami ni Enzo! I will definitely treasure this moment.
Dinukot ko ang phone ko saka nagpunta sa MEMO. Nagtype ako.
Nov 3 - First time na niyaya ako ni Enzo na mag-usap kami. Kaming dalawa lang! As in!
Saved. Okay, I will really treasure every moment na magkakasama o magkakausap kami ni Enzo. Goals ito! Road to Enzo's heart na!
💢💢
NAHIYA ako bigla sa pagsigaw-sigaw ni Ciara. Breaktime namin at narito kami sa cafeteria. Ikinwento ko sa kaniya ang nangyaring pag-uusap namin ni Enzo.
"Kaloka talaga, bess! Kahit alam kong dahil lang iyon sa pakwan cake chuchu mo, nakakakilig pa din! Ang effort kaya niyang puntahan ka sa room kanina!"
Ngumiti ako. "Makapigil-hininga nga ako kanina habang magkausap kami. Hay, Ciara grabe ang feeling. Grabe talaga! As in!" Sabi ko.
Hindi ko naman kasi talaga ma-explain, e. Sobrang saya lang!
"Sana ganyan din sa akin si Kenzo! Mahilig siyang magbasa ng books, so wala ng pag-asa bess! Wala ng pag-asang mapansin niya ako! Alangan namang magpaturo siyang magbasa sa akin, 'di ba?!"
Tumawa ako. "Ano ka ba, tiwala lang! Ako nga oh, dati pasulyap-sulyap lang ako pero ngayon, siya pa ang nalapit sa akin!" Proud na sabi ko.
"Ang swerte mo! Huhu. Umamin ka sa akin, nalaglag panty mo 'no?"
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa paligid. Kahit kailan talaga si Ciara e. Baka may nakakarinig na sa amin.
"Gaga, hindi!"
Tumawa siya ng malakas pero bigla iyong natigil. Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin.
"Oh my golly. Hi, Renzo Shinwoo!" Bati ni Ciara.
Nasa harap namin ngayon si Renzo. May hawak siyang tray ng pagkain niya.
"Can I sit here?" Tanong niya.
"Oo naman!" Sagot agad ni Ciara.
Ngumiti ako. "Sure! Dalawa lang naman kami ni Ciara dito." Sabi ko.
Ngumiti siya. Umupo siya sa harap namin ni Ciara saka inilapag ang try niya sa table. Coke in can at pansit ang nasa tray na iyon.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya. Hindi maikakailang triplets sila. Iisa lang naman kasi ang mukha nila pero may pagkaka-iba pa din sila---sa awra.
"Ah, Renzo, bakit pala hindi mo kasama ang mga ka-team mo?" Tanong ko. In short, bakit hindi niya kasama si Enzo.
"CR lang ako sandali!" Paalam ni Ciara. Naiwan kami ni Renzo dito sa table.
Ngumiti ulit siya. "Mamaya pa sila, e. Gutom na ako kaya nauna na ako." Sagot niya saka kumain ng pansit.
Ay grabe, bakit gano'n? Parang ang gwapo niyang kumain ng pansit. Walang kalat kalat sa bibig, e.
"Mahilig ka sa pansit?" Out of nowhere at naitanong ko.
Ngumiti ulit siya. Sa kanilang tatlo, siya talaga ang napansin kong palangiti palabati siya.
"Oo. Pampahaba ng buhay 'to." Tumawa siya.
Natawa din ako. "Kasi mahaba ang pansit?"
"Hindi. Kasi iyon ang naririnig kong sabi nila. Haha."
Ang jolly niya at walang kasungit-sungit sa katawan. Matagal ko nang napapansin kung gaano siya kabait. Lagi kaya niya akong binabati kapag nakikita niya ako tapos ang lapad lapad lagi ng ngiti niya.
"Hmm, Renzo okay lang ba talaga na ako ang muse niyo?" Naalala ko bigla ang pagiging muse ko sa SWU Wolf. Medyo kulang yata ako sa confidence.
"Oo naman. You're perfect! Hindi ka lang muse ng team namin. Muse ka din ng buhay ko."
"Ha?" Ano daw? Sumubo kasi siya bigla ng pansit kaya 'di ko naintindihan ang last na sinabi niya.
"Haha! Wala. Wala. Sabi ko, ikaw talaga ang muse ng buong SWU! Kaya huwag kang mahihiya. You're an Abellano. Maganda ang lahi niyo. Maganda lang. Kasi kami ang mga gwapong lahi. Shinwoo."
Natawa na naman ako. Ang kalog pala talaga niya. "Sus! Oo nalang!"
Parang ang tagal ni Ciara ah.
"Ah, Reiko. Pwedeng mag-request?"
"Ano 'yon?"
"Selfie tayo?"
Ngumisi ako. Akala ko kung ano na. Selfie lang pala. Pero parang napansin ko lang, tuwing nakikita ko 'tong si Renzo, panay ang pagse-selfie.
"Sure! Sure."
Inilabas niya ang phone niya saka itinapat ang camera sa aming dalawa. Tumalikod siya sa akin para kita kami pareho.
"One, two, click!" Aniya.
"Okay na?" Tanong ko habang nakangiti.
"Oo, ipo-post ko 'to. Ano kayang magandang caption?"
"Hmm, kahit ano. Haha!" Sagot ko.
Naging abala siya sa phone niya. Nagta-type siya. Baka pinopost na niya. Sabagay, napansin ko sa facebook niya, mahilig siyang magpost ng mga selfie or groufie.
"Okay na!" Aniya saka inilapag ang phone niya sa table.
"Anong caption?" Tanong ko.
"Check mo nalang mamaya kapag nag-open ka ng facebook mo." Sabi niya saka kumindat pa sa akin.
Ngayon ko lang na-realize na ang gaan kausap ni Renzo. Chill lang, ganoon. Si Kenzo, seryoso kasi kaya hindi ko siya kayang biru-biruin. Kay Enzo naman, nahihiya ako. Para bang bantay na bantay ako sa sarili ko kasi ayokong may masabi ako or maikilos na pwedeng maging dahilan para ma-turn off siya sa akin. Pero itong si Renzo, wala lang. Napakagaan. I don't need to take care of my words. I don't need to filter my mouth. Go with the flow, ganoon. Saka masaya siyang kausap.
"Sige, iche-check ko mamaya. Naka-tag ba ako? Naku, dadami ang likers ko dahil sa 'yo. Famous ka, e."
Tumawa siya. "Not really. Saka madami ka namang likers. Sa ganda mong 'yan. Lahat yata ng lalaking estudyante sa SWU, liker mo."
"Grabe ka naman. Haha! Parang OA naman 'yon. Hindi naman."
Nagtawanan kaming dalawa. Saktong dumating na si Ciara. Napakatagal naman niyang nawala.
"O, natagalan ako. Kasi naman, napadaldal pa ako." Nakangiting sabi ni Ciara.
"Tsismosa ka talaga." Sabi ko.
Tumawa lamang siya.
"I'm done, girls. Kailangan ko ng bumalik sa gym. May practice pa. Salamat sa pagshe-share ng table." Paalam ni Renzo.
"Sus! Inyo naman 'to e. School niyo kaya 'to. Hehe." Sabi ni Ciara.
Natawa lamang si Renzo. "Una na ako."
Naiwan kaming dalawa ni Ciara. Nagkatinginan kami saka niya ako hinila palapit sa kaniya.
"Nag-moment kayo ni Renzo ha!"
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
"Hello! Every girls envy you! Or us! Syempre, tumabi sa atin si Renzo. My god! Alam mo namang madaming fangirls ang Shinwoo triplets. Grabe talaga!"
Napailing nalang ako. "Well, totoo naman 'yan. Pero naki-share lang naman siya ng table. That's it." Sabi ko. Pero alam kong madami ngang naiinggit sa amin ngayon.
"Ah, basta! Ang swerte natin bess! Parang napapalapit tayo sa Shinwoo triplets nitong mga nakaraang araw! Ang swerte natin!"
Wala na akong nasabi. Swerte nga ba kami? Well, sa akin naman ay normal na ang makausap or makasalamuha ko ang triplets, e. Lagi ko silang nakikita at nakakasama sa mga events and parties. Or kahit sa mga simpleng dinner lang every family ganoon. Kasi magkakaibigan ang mga parents namin. Kay Enzo lang naman ako medyo, ilag. Kasi nga nahihiya ako. Siguro ang masasabi kong swerte ako, ay iyong nilalapitan na ako ni Enzo at kinakausap. Yay! Pakiramdam ko namumula ang mga pisngi ko kapag naiisip ko siya.
"Hoy, Reiko! Natulala ka. Nalipat na ba ang feelings mo kay Renzo?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Anong sinasabi mo diyan! Kahit kailan ka talaga! Tara na nga sa room." Yaya ko sa kaniya.
Tumayo na kami at lumabas ng cafeteria. Pero may humarang sa aming tatlong babae. Mean girls. Hindi talaga mawawala sa isang school ang mga ganyan.
"Hoy Reiko Abellano! Kinanya mo na lahat ng Shinwoo triplets ah! Napakalandi mo!"
Nag-init ang tainga ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "As far as I know, ikaw ang malandi sa ating dalawa."
Si Glecy. Classmate ko siya at una palang, lagi ng masama ang tingin niya sa akin. Pero hindi naman niya ako gaanong kinokompronta tulad ngayon. Siguro dahil nitong nakaraan ay malapit ako sa Shinwoo triplets?
"Aba, ako? Sino kaya, Reiko? Ikaw itong nilahat na ang triplets! Mahiya ka naman. Akala mo makukuha mo silang tatlo? Gahaman."
"Hoy, Glecy! Tigilan niyo nga si Reiko! Inaano ba kayo? Saka hello! Friends ang family ni Reiko sa family ng Shinwoo triplets!" Singit ni Ciara.
Tumaas ang kilay ni Glecy. "So? Friends man, hindi pa din mababago iyong katotohanang malandi 'yang si Reiko!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinila ko ang buhok niya. Dumaing siya pero nahablot niya rin ang buhok ko.
Masakit!
"Reiko! Glecy! Hala!"
Patuloy kaming dalawa sa paghihilahan ng buhok. In short, nagsasabunutan kami. Nakakagigil ang babaeng 'to. I'm not the kind of girl na mahilig pumatol sa mga mean girls pero kapag sobra na, hindi naman ako papayag na maliitin ako. Anong akala nila sa akin, papatalo?
Alam kong pare pareho kami ritong galing sa mayayamang pamilya pero hindi ako magpapatalo sa kanila. I don't care! May karapatan akong magalit. May karapatan akong ipagtanggol ang sarili ko.
"Ahh!" Sigaw niya nang mas hilahin ko ang buhok niya. Pareho kaming may mahabang buhok kaya fair lang kami.
Gumanti siya. Napangiwi ako. Mas diniinan ko ang pagkakahila sa buhok niya.
"Reiko Abellano! Glecy Soriano! To the guidance office now!"
Kapwa kami napabitaw sa isa't isa. Napangiwi ako nang maramdamang may mahapdi sa braso ko. May kalmot pala ako. Ang bruhang 'to!
Hinihingal na tiningnan ko siya ng masama. Ganoon din siya sa akin. Hindi ko mapapalampas 'to!
But on the other side, lagot ako. Mapapa-guidance ako. Paano ko sasabihin kina Mom and Dad!?