webnovel

One-sided Love by pinkyjhewelii

Someone loves you, but you loves someone else. But that someone else you love, loves someone else, too. Is this kind of a cycle? That's life. Sabi nga ni Bob Ong, huwag kang magagalit kung hindi ka mahal ng taong mahal mo dahil may tao ring nagmamahal sa'yo pero hindi mo mahal. Kaya fair lang. Si Princess Reiko Abellano, malaki ang pagkagusto sa kababatang si Enzo Shin-woo. Pero ang masaklap dun, hindi man lang siya nito napapansin. Bakit? Dahil may nagmamay-ari na ng puso nito. Sino pa ba? Si...oooppss, ang tanong pala dapat ay, ano kaya? Isang PAKWAN lang naman. Sa dinami-daming babaeng nagkakagusto dito, wala itong pinapansin. Minsan nga gusto niyang isipin na bakla ito pero hindi. He's one of the best basketball player of Shin-woo University's Wolf. Si Enzo Shin-woo na handang pakasalan ang kanyang one and only love, pakwan. Akalain mo bang sa halip na babae ang matipuhan niya, pakwan pa. Hindi niya napapansin ang mga babae sa paligid niya dahil ay mga mata niya ay malinaw lang kapag pakwan ang nakikita niya. Si Renzo Shin-woo, ang lalaking seryoso pero lihim na umiibig kay Princess Reiko. Marunong siyang magtago ng nararamdaman niya pero hindi niya maitago ang pagkainis dahil sabi nga niya, bakit si Enzo pa ang nagustuhan nito samantalang magkamukha lang sila? Yes, they are triplets. The famous Shin-woo triplets, Enzo, Renzo and Kenzo. Paano iikot ang mundo nilang tatlo kung ang namamagitan sa kanila ay one-sided love? Aano magkakatagpo ang dalawang puso? Sino ang masasaktan? Sino ang sasaya?

pinkyjhewelii · 青春言情
分數不夠
14 Chs

Chapter 5

Nag-iinat-inat pa ako ng braso ko habang palabas ng pinto. Papasok na ako. Medyo maaga ako ngayon dahil may dala akong watermelon cake para kina Enzo. Dalawang box na para pati ang buong SWU Wolf ay makatikim.

Ang totoo niyan, nagtext ako sa kaniya kagabi. Sabi ko, nag-bake si Mom ng cake pero ang totoo niyan, sinadya kong mag-bake para sa kaniya. Hilig ko na rin ang pagbe-bake ng cakes and cookies, e.

"Mam Reiko, dalhin ko na po ito sa kotse." Sabi ni yaya na hawak ang dalawang box ng cake.

Tumango ako at ngumiti. "Okay yaya. Paki-ingatan lang 'yan ha." Paalala ko.

Lumabas na ako ng bahay kasunod ni yaya pero nagulat ako nang makita ang...

OMG.

"Hi, Reiko. Pinapasok na ako ng guard niyo."

Si Enzo! Narito siya sa bahay namin. Narito talaga siya! Ang gwapo niya sa suot niyang jersey shorts at black plain t shirt.

"A-Ah, bakit ka narito?"

"Susunduin sana kita. Isasabay na kita pagpasok ng school. Tutal pareho lang naman tayo ng school."

Napalunok ako. Is this freaking real? Sinundo niya ako at isasabay sa pagpasok sa school?! Anong meron? Nananaginip ba ako? Pero hindi! Totoo 'to!

Aakyat na ba siya ng ligaw?

Kinurot ko ng bahagya ang pisngi ko. Masakit, nyeta!

Tumawa si Enzo. "Bakit kinukurot mo ang sarili mo? Ang cute mo."

Oh my... Oh my God! Cute daw ako! Cute daw. Oh my talaga. Mahihimatay ako nito! Saluhin niyo ako! Pero 'wag na. Baka ma-turn-off sa akin si Enzo!

"A-Ah, kasi ano... Nagulat lang ako kasi sinundo mo ako? First time kasi saka hindi ko expected?" Para pa akong nag-aalinlangan sa bawat sasabihin ko.

OH MY ENZO!

Ngumiti ulit siya. Buti masikip ang garter ng underwear ko kung hindi, kanina pa nalaglag 'to sa kilig.

"Wala naman sigurong masama kung sinundo kita 'di ba? Saka bibigyan mo rin kasi kami ng cake. Mahihirapan ka pang magdala kaya sinundo na kita."

Napalunok ako. Ang haba ng hair ko. Iku-kwento ko 'to kay Ciara mamaya. Siguradong maiinggit siya! Napansin at sinundo ako ni Enzo kahit flat ako! Gosh. This is...ugh!

"Tara na?"

"Ah! Oo. Sige." Sabi ko saka tinawag si yaya. "Yaya! Pakidala po dito ang cakes!" Sigaw ko.

Lumapit siya sa amin bitbit ang boxes ng cake. Napansin kong ngiting-ngiti si Enzo habang nakatingin kay yaya.

Mahilig siguro talaga siya sa cake? O kaya naman ay kinikilig siya dahil pinag-bake ko siya? Hay naku, ang haba talaga ng hair ko, promise!

"Tara?" Sabi ko.

Tumango siya at kinuha kay yaya ang dalawang boxes ng cake. Nauna siyang maglakad. Sa may labas ng gate naka-parada ang kotse niya.

Nakakapag-drive na pala ng solo si Enzo? Mas maganda kung lagi niya akong susunduin. Hoho!

Habang nakasunod kay Enzo ay pasimple kong inaayos ang buhok ko. Confident naman ako sa itsura ko dahil nag-ayos naman ako kanina dahil balak ko nga talagang dumaan muna sa gym pero heto, si Enzo agad ang bumungad sa umaga ko.

Ang saya saya!

Nang mailagay ni Enzo ang cakes sa likod ng kotse niya ay pinagbukas niya ako ng pinto ng kotse sa unahan.

Oh my! Sa unahan ako. So magkatabi kami. Parang magjowa! Kinikilig ako, shit. Kailangan kong mailabas ang kilig ko. Kailangan kong makita agad si Ciara para mai-kwento ko lahat sa kaniya with matching hampas para feel na feel niya ang kilig na nararamdaman ko.

Nang pareho na kaming makasakay ay pinaandar na niya ang kotse.

"Nakakapag-drive ka na palang mag-isa? Sina Renzo at Kenzo?" Tanong ko. Syempre ayokong ipakita na sa kanya lang ako interesado. Dapat normal lang! Waaaaa! Kahit deep inside, gusto kong magti-tili dito.

"Yup. Nauna na ako sa kanila. Madami namang kotse sa bahay kaya kahit solo lang akong umalis."

Oo nga naman. Marami nga naman silang kotse.

"Hmm, anyway, puro practice nalang kayo ngayon?" Basta may maitanong lang. Para mapahaba ang conversation. Jusko!

"Oo e. Malapit na rin kasi ang inter-university basketball. Buti nga ikaw ang muse namin."

Ang mata ko biglang nag-form ng hugis heart. Luh! Sasabog na ang kilig cells ko!

"Ah, hehe. Naituro kasi." Pabebe kong sagot. Tinuro lang naman talaga ako ni Ciara ah!

"Bagay naman sa 'yo mag-muse." Aniya.

Lalong lumaki ang heart shape sa mga mata ko. Kaunti nalang talaga mahihimatay na ako sa kilig! Why Enzo, why?

"Thank you..." Mahinhin kong sabi.

Syempre kapag kaharap si crush, mahinhin dapat. Pero kapag hindi kaharap, parang amazona lang.

"Marunong ka palang mag-bake ng cake?" Tanong niya.

He's asking so it means, he's interested with me? Hala sige, paasahin ang sarili!

"Oo. Hobby lang." Sagot ko.

"At nakakagawa ka ng cake na pakwan flavor? Astig."

Pinupuri niya talaga ako!

"Oo naman. Madali lang naman e. Saka kapag nag-bake ka naman ng cake, ikaw ang magde-desisyon kung anong flavor ang gagawin mo or kung anong ingredients."

"Astig mo naman, Reiko. Turuan mo ako minsan na mag-bake ng cake."

Nanlaki ang mga mata ko. What the? Anong sabi niya? Turuan ko siya? So...so...magkakasama kaming dalawa? At syempre, dahil tuturuan ko siya, hindi maiiwasang magkalapit kami? OMG! Every fangirl's dream! Omg talaga. Wala na akong masabi!

"S-Sure! Why not." Hinding-hindi ko siya tatanggihan, never!

"Nice." Aniya.

Maya maya pa ay nakarating na kami ng SWU. Waaa! Ang bilis. Pwede bang round trip para matagal kaming magkasama? Sarap kaya sa feeling kapag kapiling mo si crush.

Saglit man kaming nagkasama o nagkausap, puro pa-kilig naman ang ginawa niya. Wala siyang kaalam-alam na gusto ko nang mag-hysterical sa kilig. Nagpipigil lang ako.

Ipinark niya ang kotse niya sa parking lot saka pinatay ang makina ng kotse.

Bumaba na ako. Hindi ko na hinintay na ipagbukas niya ako. Bumaba na rin siya.

"Ah, Enzo. Ikaw na ang bahalang magbigay ng cake sa ka-team mo ha?" Sabi ko.

Ngumiti siya ng malapad. "Yup. Ako ang bahala, Reiko. Thank you sa cake."

Tumango ako. "You're welcome! So pa'no, pupunta na ako sa room ko."

Ayoko pa talaga e. Pigilan mo ako, Enzo!

"Sige. Ingat, Reiko."

Ingat daw! Ingat? Hindi ako mahilig mag-ingat kaya nga nahulog ako sa kaniya. Shemay!

"Sige sige!" Yung mga salitaan ko parang ayoko pa talagang umalis sa harap niya e. Pero kelangan, para 'di mahalata!

Umalis na ako pagkatapos kong mag-wave ng goodbye kay Enzo. Nakarehistro na sa utak ko ang nakangiti niyang mukha.

Bakit kasi ang gwapo ni Enzo? Ang lakas ng appeal niya at talaga namang kuhang-kuha niya ang puso ko.

Malapit lang ang room namin kaya nakarating agad ako. Maaga pa pero dakilang 'best in attendance' si Ciara kaya maaga siya laging pumasok.

Nakita ko agad siya sa upuan namin.

Mabilis akong pumasok ng room saka lumapit sa kaniya. Inilapag ko ang bag ko saka hinampas siya.

"Ar--ouch! Aray, besty! Masakit ah. Bakit ka ba nanghahampas? Kaaga-aga!" Reklamo niya.

"Ciara! Besty!"

"Oh?"

"Besty! Ciara!"

Nagpokerface siya. "Naka-drugs ka ba? Anong meron at nagkakaganyan ka?" Tanong niya.

Tumili ako. "Ciara! Omg! As in omg! Si Enzo! Sinundo niya ako sa bahay. Sabay kaming pumasok dito sa school! Waaaa!"

"O tapos? Niyaya ka niyang makipag-date? Ano pang mga imaginations ang nagawa mo, besty?"

Nawala bigla ang feels ko. Panira ng moment! Sinamaan ko siya ng tingin.

"Totoo ang sinasabi ko at hindi imaginations lang! Sinundo talaga ako ni Enzo, besty! Grabehan ang feels! 'Di ko kinakaya!"

"Seryoso ka talaga?" Namimilog ang mga mata niya.

"Oo nga kasi!"

"Paanong nangyari iyon? Paano, Reiko? I-kwento mo lahat lahat, bruha ka!"

Ngumisi ako. Kung alam niya lang gaano ako hindi makapaniwala sa nangyari pero nangyari talaga!

Ikinwento ko lahat lahat sa kaniya at pagkatapos, bigla niyang hinila ang buhok ko.

"Aray naman, Ciara! Bakit ka ba nanghihila ng buhok!?"

"Assumera ka kasi! Hindi mo ba na-gets? Ginamit ka lang niya, besty! User si Enzo!"

"User?" Kumunot ang noo ko. Paanong magiging user si Enzo?

"Oo! Gaga ka! Hindi mo ba gets? Ipinag-bake mo siya ng pakwan flavor na cake kaya malamang lalapit sa iyo 'yan! Ikaw na nga ang nagsabing mahilig iyon sa pakwan na parang addiction na e! Kaya nga sinundo ka niya!"

Mas kumunot ang noo ko. "Hindi ko gets!"

"Bruha ka, hindi ka sinundo ni Enzo dahil type ka niya. Sinundo ka niya dahil sa pakwan cake. Susme, napaka-slow! Assumera ka kasi!"

Aray. Ouch.

Oo nga 'no? Bakit nga pala hindi ko naisip iyon? So sinundo niya lang ako dahil sa pakwan cake? Aray ha.

"Ano ka ngayon? Lungkot-lungkutan effect? Ikaw kasi e. Sinundo ka lang, binigyan mo agad ng kahulugan. Kilig ka agad, e syempre user lang 'yan si Enzo! Argh! Buti pa si Kenzo ko, good boy!"

Sumimangot ako. Kanina lang, bongga ang kilig na nararamdaman ko. Nawala tuloy na parang bula. Hay, umasa lang pala ako. Waaa! Kainis!

"Nakakainis ka!"

"What? Why?"

"Bakit kailangan mo pang sabihin sa akin 'yan! Nawala tuloy ang kilig!" Pagmamaktol ko.

Hinila niya ulit ang buhok ko. "Dahil bestfriend mo ako. Ang tunay na kaibigan, hindi ka papaasahin sa bahay na hanggang imagination na lang. Mas maganda iyong nire-real-talk ka kasi ayokong masaktan ka in the end."

Sweet naman diz girl.

"May pa-ganyan-ganyan ka pang nalalaman. Psh! Sinira mo talaga ang araw ko! Arghhh!"

"Mabuti na 'yan ano! Kesa paasahin mo ang sarili mo. Ikaw talaga! Tingnan mo ako, kuntento na sa ginagawa ko. Tinitingnan siya ng malayo, nag-iimagine na kinakausap niya ako at nag-sstalk lang ako. Masaya na ako sa gano'n. Alam ko kasi kung saan ako lu-lugar."

Imposible na bang magustuhan ako ni Enzo? As in?

"Kasi naman e. Hindi naman ako pangit e. May pag-asa pa din namang magustuhan ako ni Enzo 'di ba?" Tanong ko.

"Ano ka ba, besty. Hindi ka nga pangit. Maganda ka nga e. Pero kahit pa gaano ka kaganda, kung hindi ka naman niya type, wala rin."

Realtalk. It hurts you know.

"Oo na. Daming alam. Sayang ang kilig cells ko kanina. Hay..."

"Cheer up na, besty! Ang mahalaga. Bilib siya sa 'yo dahil magaling ka mag-bake. Saka 'di ba sabi mo nga nagsabi siya sa iyo na turuan mo siya minsan. O ayun, magkaka-moment din kayo."

I rolled my eyes. Kelan pa kaya 'yon?

"Sana? Ayoko naman umasa."

"Umasa ka na nga kanina, nahiya ka pang umasa ngayon. Asa nalang forever, besty. Hahaha!"

Hinila ko ang buhok niya. Kahit kailan, panira ng moment.

"Kapag 'yang si Enzo talaga nanligaw sa akin, who you ka sa akin, Ciara!"

Tumawa siya ng malakas. "Kapag ako ang niligawan ni Kenzo ko, ikaw ang who you sa akin, Reiko!"

Umismid ako. "Asa ka!"

"Asa ka din!"

Pagkatapos mag-asaran ay bigla nalang kaming natawa pareho. Baliwan mode.

"Mapapansin din tayo ng mga crush natin. Tiwala lang besty!" Aniya.

Huwag nga daw umasa e. Pero walang masamang magtiwala!

"Hoy, kayong dalawa! Ang ingay nyo! Kanina pa kayo! Hindi kayo crush ng crush nyo!" Sigaw no'ng classmate naming lalaki.

Sabay kaming tumingin sa likod ni Ciara at sinamaan siya ng tingin. Lokong Aldrin 'yon! Epal.

"Pero malay niyo maging crush din kayo. Peace yo!" Dugtong niya.

Makuha sa tingin.

"Pero besty, handa ka na bang makasama sina Enzo sa inter-university? Lubusin mo na, ha! Syempre pagkakataon mo na 'yon para makasama siya."

Ngumiti ako. "Oo naman. Excited na nga ako kahit nahihiya ako e. Pero tama ka, lulubusin ko!" Sabi ko.

"I'm so proud of you, besty!" Aniya.

Sabay kaming napatingin sa may pinto ng tumili 'yong ilang classmates naming babae.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Enzo na nakatingin sa akin.

"Reiko, be with me. Please."

Literal akong napanganga at nanlaki ang mga mata ko lalo. Ganoon din si Ciara.

Tama ba ako ng pagkakarinig? Jusko, as in jusko! Tatawagin ko na ba lahat ng santo?! Anong nangyayari?!