webnovel

One LUST Night

作者: BALASAD0R
综合
連載 · 533.3K 流覽
  • 5 章
    內容
  • 4.6
    31 評分
  • N/A
    鼎力相助
摘要

Why am I always drawn to weird men? Why do I need a man in the first place? Is it because of security, stability or LOVE? All I know is that I'm tired of being LONELY and ALONE. I want someone who I can call my OWN. My life isn't easy, it never was. It was never this complicated and everything went out of proportion all because of ONE LUST NIGHT

標籤
5 標籤
Chapter 1Prologue

"It's over!" that was the last thing I said before I left him and went back to Manila.

It was the hardest and most painful decision I had to make. But at the back of my head somehow I felt relieved. I know in my heart that he's not really meant for me, so I'm just looking for an excuse to tell him that it is over. At bakit panay ang english ko? Dinudugo tuloy ang ilong ko. Ganito talaga 'pag nakakainom pinapatay ng alak ang weak brain cells kaya feeling ko ang talino ko.

Paglapag ng sinasakyan kong eroplano sa airport from Palawan to Manila, napag-isipan ko munang dumaan sa paborito kong tambayan bago umuwi.

Sixteen years old pa lang ako ay madalas na ako nagpupunta dito sa Casino sa loob ng Hotel Le Madrigal. Noong last year ko sa Highschool dito ako nagpart-time as waitress. Badly needed ang money for tuition at graduation fee kaya napilitan ako mamasukan, buti na lang dito din nagwo-work ang friend ko na si Dynamite, na college student naman noong time na iyon kaya madali niya ako naipasok kahit minor pa ako.

Nakaupo ako sa may bar at umiinom ng second cocktail ko nang makita ko si Don Paks - short for Pacundo, na nagpo-poker sa kabilang lamesa. Kanina pa pala niya ako tinitignan. Nang napansin n'yang nakatingin ako sa kanya ay kinawayan nya ako at inalok na sumali.

Si Don Pacundo, pangalan pa lang dating DOM (Dirty Old Manyak) na, nakilala ko siya noong Seventeen pa lang ako. Kinailangan ko ng pera pang-enroll sa college at nagkataon na nagpapautang s'ya ng 5/6 katulad ng sa bombay. S'ya din ang lagi kong pinupuntahan pag need ko ng instant cash. To be fair with him, mabait naman s'ya, mahalay nga lang. Madali magpautang basta on time ka magbayad.

Pinuntahan ko s'ya at naglaro kami ng poker. I needed a distraction from my breakup kaya pumayag ako maglaro kahit hindi naman ako marunong. He lend me some money para may panglaro ako at sa kasamaang palad natalo ako. Sa pag ibig nga talunan na pati ba naman sa sugal talo pa rin? Sa kagustuhan kong makabawi lumaki ng lumaki ang utang ko sa kanya, hanggang sa hindi ko na namalayan na umabot pala sa One Hundred Thousand Pesos ang utang ko.

"Paksyet!" hindi ko napagilan ang sarili ko ng makita kong talo na naman ako nang buksan ko ang nakataob na baraha.

"Ano gusto mo pa ba bumawi? Pahiramin kita ulit." Ngiting tagumpay ang manyak palibhasa nakita n'ya ang talunan kong cards.

"No thanks, malaki na utang ko sayo. Babayaran kita ng installment tulad ng dati, tuwing kinsenas at katapusan," tugon ko sa kanya sabay tayo ko sa kinauupuan ko.

"Wait a minute young lady!" Sabay hawak sa kamay ko pakabig sa kanya "Sinong may sabi sa'yo na pera ang gusto kong ipambayad mo?" Sabay himas nya sa braso ko, nakakadiri talaga tong matandang to.

"A-a-anong ibig mong sabihin?" Nanlaki ang mata ko ng madinig ko ang sinabi n'ya.

"Twenty-One ka na ngayon hindi ka na menor de edad, matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito!" Inabot n'ya sa'kin ng key card ng isang room sa Hotel. "Pumunta ka sa room na 'yan mamaya at d'yan ko sisingilin ang utang mo sa'kin."

"Hindi ako tulad ng inaakala mo!" mariin kong sabi sa kanya "Magbabayad ako sa'yo tulad ng dati may interest pa pero hindi ako makakapayag sa kung ano man gusto mo!" nangingilid ang luha kong sinabi sa kanya.

"Kung wala kang maibabayad ngayon sa akin. Pumunta ka d'yan sa room na 'yan. Huwag mo akong gagalitin! Kilala mo ako masama ako magalit!" nanlilisik ang mga mata n'ya na nakatingin sa'kin sabay talikod para lumipat ng ibang table.

Wala akong magawa kung hindi umiyak pabalik ng bar. Sobrang malas ko naman ngayong araw na to broken hearted na nga, pagkatapos baon pa sa utang. Ano bang gagawin ko? baka kung anong gawin n'ya sa akin. Hindi ko kayang tanggapin na ang matandang iyon ang makaka una sa akin. Yuck!

Aaminin ko madami na akong naging boyfriend pero ni isa sa kanila ay hindi naka first base sa akin. Kahit ang tamis ng unang halik ay hindi ko pa nararanasan palibhasa wala naman nagtagal sa kanila. Pinakamatagal na 'ata na naging karelasyon ko ay tatlong linggo, nahalikan nga ako kaso smack lang.

Dadaanin ko na lang sa pag inom ang lahat ng sama ng loob ko baka sakali makakuha ako ng lakas ng loob. Mabait naman si Don Paks, baka naman mali ang iniisip ko at wala naman siyang masamang intensyon sa akin.

Nakakalimang baso na 'ata ko ng cocktail drinks, may tama na talaga ako. Patayo na ako para pumunta sa room ng hotel na binigay ni Don Paks nang may lumapit sa akin na isang waiter.

"Miss, eto po ang drinks nyo." kumunot ang noo ko e wala naman akong inorder na alak at paalis na ako. Isa pa limited lang pera ko. Pamasahe na lang pauwi ang natitira.

"Hindi sa akin yan. Wala akong inorder."

"Galing po 'yan sa lalaking nasa kabilang table." Itinuro n'ya sakin ang taong nakaupo, hindi kalayuan sa kinauupuan ko.

"Ah, ganun ba? Sige salamat." Since libre naman kaya tinanggap ko na, sayang din mahal kaya drinks dito. Pinilit kong kilalanin ang lalaking itinuro ng waiter pero sa sobrang tipsy ko, kaya hindi ko siya namukhaan. Isa lang masasabi ko pawang pinagmamasdan n'ya ako habang iniinom ko ang cocktail na ibinigay n'ya sa akin.

Kasalukuyang inuubos ko yung drinks nang may isang lalaki ang tumabi sa akin. Habang yung lalaking nagbigay sa akin ng drinks ay patuloy pa rin akong pinapanood sa kinaroonan n'ya.

"Miss, is this seat taken?" isang baritong boses ang nagtanong, sabay upo sa tabi ko.

"Nagtanong ka pa e nakaupo ka na!" sarkastiko kong sagot habang patuloy pa rin ang pag inom ko.

"Sorry, you look like you had too much to drink. Are you alright?"

"Why do you care?" sagot ko habang patuloy pa rin sa pag inom ko. Hindi ko na pinag-aksayahan na harapin pa s'ya at nagmamadali na akong ubusin ang iniinom ko ng makaalis na.

"It's not safe to drink on your own, wala ka bang ibang kasama? Do you want me to call somebody to pick you up? Or do you want me to take you home?" sa totoo lang na-nose bleed na ako sa kaka-english n'ya pero in-fairness ang sweet n'ya.

Na-curious ako sa kanya kaya hinarap ko na din sya at bago pa ako makapag salita, naramdaman kong bumibigat ang aking pakiramdam at nanlalabo ang aking paningin. Ilang saglit pa ay bigla na lang akong nanghina at nawalan ng malay.

===============================

Tanghali na ng magising ako ang sakit ng ulo ko at buong katawan.

"Tanghali na?!?"

Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan at laking gulat ko ng matagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang malambot at malaking kama.

"Paksyet nasaan ako? Hindi ko kwarto to masyado tong maganda para maging kwarto ko!" Sa tingin ko isa 'tong room sa Hotel sabay naisip ko na baka ito rin yung room na binigay sa akin ni Don Paks.

Pabangon na ako ng kama ng mapansin ko na wala akong suot na damit sa katawan.

"Hindeeeeeee!!!!!! Na rape ba ako??" Inikot ang aking mata sa paligid pero walang ibang tao na nandoon kung hindi ako.

Magulo ang kama parang may wrestling na naganap, may mantsa na pula ang bed sheet, dugo ba ito? Or wine na natapon sa kopika? Bumangon ako sa kama. Nang patayo na ako ay halos mawalan ako ng balanse dahil pinanghinaan ako ng tuhod. Magkahalong sakit ng katawan at panghihina ang nararamdaman ko habang isa-isa kong pinulot ang damit ko na nagkalat sa sahig.

Hindi ko na mapigilan ang aking luha. Magkahalong takot at kaba ang aking nararamdaman habang dali-dali kong sinusuot ang aking damit. Kailangan ko makaalis sa lugar na ito bago pa bumalik ang tanong bumaboy sa akin. Habang sinusuot ko ang damit ko bigla kong napansin ang isang bagay na kumikinang sa aking daliri.

"Singsing?" Saan galing ang singsing na suot ko?" white gold na napapalibutan ng dyamante ang singsing na nakasuot sa aking kaliwang kamay.

Bigla akong natigilan paano napunta ang singsing na ito sa akin?

High tolerance ako sa alcohol kaya imposible na malasing ako ng ganun kadali. Isa lang ibig sabihin may halong gamot ang huling cocktail na nainom ko. Pero sino ang lalaking nagbigay sa akin ng inumin na iyon?

Posible rin kaya na ang lalaking umupo sa tabi ko ang may kakagawan ng lahat ng ito?

O si Don Paks ay tuluyan na n'yang napagsamantalahan ang kahinaan at pagkababae ko?

Bakit hirap akong alalahanin ang sa lahat ng nangyari?

Kailangan malaman ko ang katotohanan.

Napatingin ako bigla sa wall clock, syet anong oras na! Ang tagal ko palang nagmumunimuni. Binilisan ko na ang pag-aayos ko bago mahuli pa ang lahat. Kailangan ko magmadali bago pa mag sara ang Cebuana Lhuillier!

Kailangan kong malaman kung ang singsing na to ay pwedeng maisangla!

你也許也喜歡

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 综合
4.9
557 Chs

The Baklush Has Fallen

Madaldal at palabirong babae si Maundy Marice. Matalino rin ito at mas lalong nakadagdag sa ganda niya ang kulay ube nitong buhok. Pangarap niyang maging isang Certified Public Accountant (CPA), but she doesn't have enough money for the review and board exam, so she finds a job for the meantime. Fortunately, she found out that the A Company is looking for a new secretary. Hindi niya trip ang trabaho, pero nag-apply pa rin siya at ibang klaseng swerte nga naman ang taglay niya dahil siya ang napili. Isang magandang dilag-este, nagfifeeling dilag. Malaki man ang braso ay 'di nahihiyang mag-bestida. Lalaking-lalaki man ang itsura ay natatabunan pa rin ng kolorete kaya mas maganda pa siya sa dalaga. Chal Raed Alonzo Jr. Ang acting-CEO ng A Company, ang pinagsisilbihan ni Maundy. Hindi niya naisip na muli silang magtatagpo. Nagbiro pa siya na kapag nagkita silang muli ng Dalaga ay baka mapakasalanan niya na ito. Sino ba naman kasing mag-aakala na si Maundy ay hindi lamang action star kun'di kriminal din. Sa unang pagkikita pa lang nila ay nanakaw niya na ang puso ni Chal Raed. Ika nga niya, 'I'm gay, but my heart beats only for you, Lady.' Ngunit, hindi niya inamin ang katotohanan kay Maundy nang magkita sila ulit. Instead, he asked for someone's favor to do something. Ang inaakala niya kasi ay hindi siya matatanggap ni Maundy dahil sa pusong babae nito. Pero, bakit ba sa tuwing itotodo na ang kasiyahan ay may panganib na hahadlang? Magkaaroon pa kaya ng unusual relationship sina Maundy at Chal Raed kung may taong dadating bitbit ang isang masamang balita na magsasanga-sanga sa pagbubunyag ng iba pang mga katotohanan? Will fairytale still exist after the revelations happened? How about a happy ending and Gay x Girl? May posibilidad pa kayang mangyari 'yon kung mawawalan na sila ng oras para sa isa't isa?

eommamia · 综合
4.7
59 Chs

評分

  • 全部評分
  • 寫作品質
  • 更新穩定度
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景
評論
點贊
最新
black_warlock
black_warlockLv4
enelegnelrak
enelegnelrakLv10
juniper
juniperLv4
Josie_Abrigoso
Josie_AbrigosoLv4

鼎力相助