webnovel

Makakalimutin

編輯: LiberReverieGroup

"Ahem… oo, ilusyon lang yan," naiilang na sagot ni Huo Mian, at pagkatapos, yumuko siya para kainin ang kanyang noodles at hindi na nagsalita pa. Pagkakita rito, makikita mo ang pagkalungkot sa mga mata ni Qin Chu…

Alam niyang meron itong nararamdaman para sa kanya, pero nagulat siya na hindi nito kayang aminin o makita man lang ito.

Napatunayan din nito na hindi pa siya palagay sa nangyari seven years ago, kaya naman ang tanong, kailan kaya nila matatanggal ang bigat sa kanilang mga puso at ang pagkatali sa nakaraan?

Pagkatapos maghapunan, umuwi ng magkasama si Qin Chu at Huo Mian.

Umakyat si Qin Chu para magtrabaho, habang si Huo Mian ay nanatili sa baba. Nagpalit si Huo Mian ng pambahay at naglinis.

Natapos ni Qin Chu ang kanyang trabaho mga bandang 8:30 PM, at pagkatapos, bumaba para manuod ng Financial News channel.

Habang si Huo Mian naman ay nanunuod ng isang palabas sa TV sa kanyang laptop.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者