She lost her kingdom. She has to hide at the age of 14 to survive kasama ng ever loyal nanny niya and guard. For 12 years, she kept her crown hidden and live a commoner's life bidding her time until she had the opportunity to claim back what should be her's. She knew who her enemies are. She stayed under their noses, planning carefully her moves to take back what has been taken. After 12 years, she finally got the chance. But then, she fell inlove... to her rival prince charming.
Malakas na pagsabog ang gumambala sa kalupaan ng Dela Torre na nagmumula sa labas ng mansyon. Napabalikwas ng bangon si Hernan, ang padre de pamilya.
"Hernan?" nag-aalalang tawag ni Rumina sa tumayong asawa. Napatayo na rin ito at parehong napatingin sa terasa kung saan nagmumula ang tila dumadagundong na ingay. Mabilis na tumungo doon si Hernan at sinipat kung anuman ang kaguluhang tila nagaganap. Nanlaki ang mata niya nang makita ang nangangalit na apoy na bumabalot sa kapaligiran ng mansyon at ang mga nagkakagulong tao sa ibaba. Bumalik siya sa silid.
"Rumina, bilis! We have to go!"
Mabilis na binalot ni Rumina ng kumot ang sarili wala na siyang mapipilian. Manipis na pantulog lang ang suot niya. Hila-hila siya ng asawa palabas ng silid. Saktong pagkabukas ng pinto, nakasalubong niya ang chief guard ng pamilya Dela Torre, si Aguiluz, kasama ang isa pang security nito na si Rigor.
"Senyor, ang mga Callejos! Sinusunog nila ang hacienda!" ani Aguiluz.
"Prepare your men! Kill them all!" mariing utos ni Hernan. Tumango si Aguiluz saka akma nang lalayo. "You!" tawag ni Hernan sa lalaking kasama ni Aguiluz. Napahinto ito. Lumingon ito sa asawa. "Get Yumie! Umalis kayo dito ngayon din."
"Hernan..." tanging nasambit ni Rumina. Tila ayaw lumayo sa asawa.
"Go! Now!"
Alumpihit naman, napasunod si Rumina sa gwardiyang inutusan ni Hernan. Mabilis ang hakbang tinungo ang silid ng unica hijang si Mayumia. Hindi pa sila nakakalapit sa silid nang makasalubong nila ang humahangos na si Yumie kasama ang tagapag-alaga nitong si Nanay Felicia.
"Mom? What's happening?" nag-alalang tanong ng trese anyos na si Yumie. Naka-ternong pajama ito na pinatungan ng makapal na jacket tila nagawa pang saplutan ni Nanay Felicia ang anak niya.
"We have to go!" sagot lang ni Rumina na mabilis na hinila ang anak.
"Si Daddy?" hanap ni Yumie sa ama.
"Let's go, Yumie!"
Nauuna si Rigor, protecting Rumina and Yumie. Nakasunod naman si Nanay Felicia. Pababa na sila ng hagdan nang marinig nila ang sunod-sunod na ratratan ng mga baril. Sabay-sabay silang napakubli.
"Hindi po tayo makakalabas. Kailangan po nating dumaan sa lagusan!" sigaw ni Rigor.
"Let's go!" sagot ni Rumina. Nagtungo sila sa kanlurang bahagi ng mansyon ng pakubli. Sunod-sunod ang pagsabog at barilan ang nag-iingayan sa paligid. Paliko na sila sa hallway kung saan naroon ang silid opisina ni Hernan nang makasalubong nila ang mga hindi nila nakikilalang mga tauhan. Agad na pinagbabaril sila ng mga ito nang makita sila na siya naman mabilis silang nakakubli.
Naghiwalay ng direksiyon ang mag-ina mula kay Rigor. Mabilis na nakapasok ng silid si Rumina habang si Felicia naman at Rigor ay nasa kabilang silid. Wala silang malalabasan. Nagtago sila sa sulok.
"Mom? I'm really scared," naiiyak na turan ni Yumie.
"Ssshhh... Be strong. You can get through this. You have to," alo ni Rumina sa anak. Mahigpit na yakap niya ang anak.
Nanatili silang magkayakap sa sulok nang biglang may bumasag ng salamin mula sa bintana. Sumulpot doon si Hernan.
"Daddy!" mabilis na napayakap si Yumie sa ama. Yumakap din si Hernan sa mag-ina.
"Let's go. We'll pass thru the window."
Nasa ikatlong palapag sila ng mansyon. Mataas-taas ang babagsakan nila kung saka-sakali. Ngunit wala silang ibang madadaanan. Kailangan nilang manulay sa pader patungo sa kabilang silid. Kung saan naroon ang nakatagong lagusan na pwedeng maglabas sa kanila sa magulong mansyon.
Nakaabang na sa bintana si Aguiluz at Rigor, habang nasa kabilang silid na si Felicia. Nag-aabang para akayin sila. Isinampa na ni Hernan si Yumie sa bintana. Inalalayan ito ni Rigor. Hindi pa siya nakakalayo nang matanawan niyang saglit na nagtigil ang mga magulang niya.
"Hon, if I don't get through these, I want you to keep this," isinukbit nito ang diamond medallion sa leeg ng asawa. "Keep it safe always."
"We'll get through this, Hernan! You promised to keep us safe," may pagmamakaawa sa tinig ng ina ni Yumie.
Nadinig niya iyon. Napapikit siya at tinapangan ang sarili saka nagtuloy sa panunulay sa pader. Naramdaman niyang sumampa na rin ang ina. Halos 3 hakbang ang layo nito sa kaniya. Nakarating siya sa kabilang silid kasunod ang mga magulang. Papasok na siya ng bintana at hawak-hawak na siya ni Felicia habang inaalalayan naman siya ni Rigor nang makarinig sila ng mga putok. Napalingon siya. Ganun na lang ang panlalamig niya nang makita niya nahulog si Aguiluz mula sa kabilang bintana.
"Yumie! Get inside, now!" sigaw ni Hernan.
Hinila siya ni Felicia habang mabilis namang inabot ni Rigor ang ina niya. Bago siya tuluyang nakapasok sa loob ng bintana nakita niya kung paano dahang-dahang napabitaw ang ama niya sa pagkakahawak sa kinakapitang bakal saka nahulog sa pader.
"Hernannnnn!!!!" sigaw ni Rumina na nakatayo pa rin sa tinulayan nilang pader. Akmang hihilain na ito ni Rigor. Ngunit bago pa ito tuluyang makapasok sa bintana, kitang-kita niya kung pano natigilan ang ina nang tumama sa dibdib nito ang bala ng baril.
Yumie felt that the world stopped. She saw in slow motion how her mom looked at her for the last time and smiled before she let herself fall off like what her husband did a few minutes ago. Hindi na ito nahawakan pa ni Rigor bagkus nahablot na lang nito ang medallion na isinukbit ng ama niya kanikanina lang. Napigtas ang kwintas nito nang tuluyang mahulog si Rumina.
"Mommmmyyyy!!!" malakas ang naging palahaw ni Yumie habang hila-hila siya ni Felicia. Rigor froze as well but he manage to escape away. Mabilis niyang inakay si Yumie at Felicia patungo sa lihim na pinto. The door seals at the outside. Hindi na ito mabubuksan mula sa kabila. But they have to move faster. Kailangan nila makalabas agad or else baka abangan sila sa kabilang dulo.
It took a little while bago tuluyang nakarating sa labas ng lagusan si Felicia, Rigor at Yumie. Napasalpak ng upo si Yumie sa isang malaking tipak ng bato. Rigor checked the area to secure they're safety. Walang ibang nakakaalam ng lagusang iyon. Bukod sa chief guard na si Aguiluz, siya lang ang pinagkatiwalaan na alamin ito bilang kanang kamay at anak ni Aguiluz.
Buong angkan na nila ang naglingkod sa pamilya Dela Torre. Ang lolo rin niya ang tumayong chief Guard ng ama ni Hernan. Hindi man sila inobliga, ginawa na ng pamilya niya na protektahan ang mga Dela Torre. In return, hindi naman sila naging iba rito.
They were atop of the mountain. Tanaw sa tuktok na iyon ang mansyon ng mga Dela Torre. Puno ng hinagpis na tumingin si Yumie sa nangangapoy na mansyon nila.
"Mayumia..." tawag ni Felicia sa kaniya. Anak na kung ituring siya nito. Felicia's family did served the Dela Torre's as well for generations. Siya na rin ang naging tagapag-alaga ni Rumina nung maliit pa ito. Hanggang sa lumaki na rin si Yumie. Napayakap siya
"Nana..." tanging nasambit niya. Saka humagulgol rito.
Sa edad na trese anyos, hindi niya naiintindihan kung bakit sa isang iglap mawawalan siya ng magulang sa marahas na paraan. Hindi niya kilala ang mga taong gumulo sa pamilya niya. Hindi niya alam ang galit ng mga ito sa pamilya niya. Hindi niya alam kung paano na siya.
"Nana Feli, Mayumia. Kailangan nating umalis rito baka makita tayo rito," turan ni Rigor.
"Pero san tayo pupunta?" ani Felicia habang alo-alo si Mayumia.
"Saka ko na ipapaliwanag pero kailangan nating ilayo si Yumie rito."
Humarap si Felicia kay Yumie. "Yumie, anak. Lakasan mo ang loob mo. Hindi ka ligtas rito. Tama si Rigor."
Hagulgol lang ang sinagot ni Yumie, ngunit nagpaakay na kay Felicia. Binaybay nila ang pababa ng bundok. Ilang kilometro din ang tinahak nila hanggng sa makarating sila sa pinakaibaba ng bundok. They were on the beach part ng isla. Alam ni Yumie ang likod at pinakaliblib na lugar na iyon ng lupain nila. May maliit na kubo roon na pinasok ni Rigor. Sinilip kung safe sa loob.
"Dito muna kayo saglit. May kukunin lang ako," ani Rigor saka pumasok sa loob. Mayamaya lumabas ito bitbit ang dalawang maleta. "Sumunod kayo sakin," anito na nagpatiuna na.
Sumunod si Felicia at Yumie kay Rigor patunga sa pinakagilid ng beach. Natanaw ni Yumie ang isang maliit na yate. Mabilis ang kilos na inayos ni Rigor ang mga kailangan gawin. Inakay naman siya ni Felicia sa loob. Mayamaya pumasok si Rigor sa yate.
"San tayo pupunta?" tanong ni Felicia.
Tumingin ito kay Yumie. "Alinsunod sa utos ng ama mo. Kailangan kitang ilayo rito."
Tumango lang si Yumie habang pahikbi-hikbi, bilang pagsang-ayon. Tinungo na ni Rigor ang unahan ng yate para maniobrahin ang yate.
Hindi na namalayan ni Yumie kung ilang oras silang naglayag. Nagising na lang siya sa mahihinang tapik sa kaniya ni Felicia. Nakatulugan na niya ang matinding hinagpis. Halos paliwanag na ng makadaong sila. Wala siyang idea kung nasan sila. Napatingin siya sa labas, madaming mga bangka at yate ang nasa paligid.
"Narito na tayo. Gusto mo ba magpalit ng damit? May mga damit dito na pwede mong magamit," ani Felicia.
Napatingin siya sa silid. Tila hinanda na rin ni Felicia ang gamit na pwede pa niyang magamit. Hindi niya alam ang yateng yun. Ngunit may idea siyang nakahanda talaga iyon sa biglaang pag-alis. Alam kaya ng ama niya na maaring maganap ito sa kanila?
"Si Kuya Rigor, Nana?" tanong ni Yumie pagkatapos magpalit ng damit.
"May inaasikaso lang sa labas. Pabalik na rin yun. May pagkain dito, sumubo ka muna kahit kaunti," ani Felicia.
"Nana," ani Yumie. Bumabaha na naman ang pag-aalala niya. "ano po bang nangyari? Sino po yung mga taong gumulo satin?"
Natigilan si Felicia. Hindi niya alam paano uumpisahan ang kwento. Hindi rin naman niya kabisado ang lahat. Ngunit sa tagal ng paninilbihan niya sa mga Dela Torre, ang hidwaang Dela Torre at Callejos na ata ang matagal ng hindi pa natutuldukan. Minana na rin ata ng mga kanya-kanyang angkan ang ugat ng away na ito.
The Callejos are one of the richest people next to Dela Torres sa bayan ng Sejanos. Ang alam ni Feliciano, nag-umpisa ang hidwaan sa kalolohan pa ni Yumie na si Rafael Dela Torre at ang katungali nitong si Carlos Callejos. Ikalimang henerasyon na si Yumie kung tutuusin. Ayon sa mga kwento, halos pantay ang katayuan ng mga Dela Torre at Callejos sa mga taga-Sejanos. Ngunit hindi na masabi kung kanino nag-umpisa ang hidwaan. Naramdaman na lang ng mga taga-Sejanos ang away ng dalawang angkan nang tila nag-uungusan na ang dalawang ninuno sa pataas at palakihan ng yaman. Hanggang sa umabot na sa ikaapat na henerasyon ang away na ito.
Ang akala ng lahat, matitigil na ang hidwaan nang ipanganak si Yumie. Hindi na rin kasi masyadong nakikipagmatigasan si Hernan sa katungaling si Ismael Callejos. Lalo pa't hindi ito nagkaanak. Mismong si Ismael ang walang kapasidad na magkaroon ng anak at hindi nito yun naikubli sa buong Sejanos. Gayumpaman, ito ata ang nagdulot ng matinding galit sa puso ni Ismael kung kaya't mas matindi ang pananakit na ginagawa nito sa angkan ng Dela Torre. Nabulag ito ng inggit at pagnanais na sirain ang lahat ng mayroon si Hernan. Hindi ito ang unang beses na manggulo. Madami na ring pagkakataon na kamuntikan nang mapahamak ang pamilya Dela Torre. Naipakulong na ito ni Hernan noon, ngunit dahil mabuti ang puso ng yumaong ama ni Yumie, nagawa nitong magpatawad.
Gayunpaman, naging mas pasensyoso at mapang-unawa si Hernan kay Ismael. Matapos ang pinakahuling away nila, halos isang taon na ang nakakaraan, wala na masyadong nagaganap na hidwaan sa dalawa. Tila nagpakalayo na rin si Ismael sa Sejanos. Akala ng lahat ay tapos na ang hidwaang Dela Torre at Callejos, hanggang sa maganap ang nangyari kagabi.
Humarap si Felicia kay Yumie. Bumuntong hininga. "Hindi ko alam kung maiintindihan mo. Pero ang nangyaring ito ang dahilan kung bakit naging mahigpit sayo ang Daddy mo."
Yumie's life was very much restricted. At 13, masasabi niyang hindi pa niya nakikita ang labas ng Hacienda Dela Torre. Bihirang-bihirang makatuntong siya sa ibang lugar. And she really didn't understand that but she obeyed. Nasanay kasi siyang palaging kasama ang ina o si Felicia. So she thought, the world outside Hacienda Dela Torre was all bad and unfriendly.
"Sino sila, Nana?" tila paslit na tanong ni Yumie. She seemed about to cry.
"Ang mga Callejos. Si Ismael Callejos ang matagal nang kaaway ng Daddy mo."
"But why?" Hindi na niya napigilang umiyak. "Why would they kill my parents? Wala ba tayong gagawin, Nana?! I saw my Mom and Dad fell. And I really don't think na mabubuhay sila! Then, you brought me here! I don't know where? Pano si Mommy and Daddy? Will I be seeing them again? Will I have to hide forever? Wala naman akong ginawa, Nana!" palahaw ni Yumie.
With what happen, tila lumukso from teenage life to adult ang utak ni Yumie. She started thinking of what could she do. Hindi niya matatanggap na basta na lang siya magtatago.
"Yumie..." walang masabi si Felicia. All she could do was hug her. Tagpong inabutan ni Rigor.
Pumasok ito sa loob ng yate. Napatingin dito si Yumie at Felicia. Nakapagpalit na rin ito ng suotin. Simpleng maong at tshirt na tila nakikibagay sa mga tao kung saan sila naroroon.
"Rigor, san na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Felicia.
Bumuntong hininga si Rigor. Tila ito ang makakapagbigay ng lahat ng kasagutan sa tanong ni Yumie.
"Bago tayo umalis, kailangan ko munang ipaliwanag kay Yumie ang lahat," turan ni Rigor. Napatitig dito si Yumie, natigil sa pagpapalahaw. "Hindi ko alam na totoong magaganap ang kinatatakutan ni Sir Hernan. Ngunit nang italaga ako ng aking ama bilang tagapaghalili niya, inilahad na nila sakin ang plano. Ang mga lihim na lagusan. Ang pagtakas. Lahat nang ito planado. Maliban sa pagkamatay ng mga magulang mo. Hindi dapat mamatay ang mga magulang mo. Hanggang sa pagtakas lang ang nakaatas sa akin. Pagkatapos nito hindi ko na alam kung ano ang magiging plano."
"Ibig bang sabihin hindi na tayo makakabalik sa Sejanos?" turan ni Felicia na tila naiintindihan na ang kalagayan nila ngayon.
Napayuko si Rigor. "Mayumia, hindi na ligtas ang bumalik ka pa sa Sejanos. Tuluyan nang sinakop ng mga Callejos ang lupain ninyo. Walang itinira."
"No! How can they do that? Pano ang mga magulang ko?" muli na naman siyang binaha ng pagpapalahaw. "No! I need to go back!"
"Mayumia..." yakap lang ang naibigay ni Felicia sa alaga.
Bumuhos na naman ang di maubos-ubos na luha ni Yumie. Hindi ganun kadaling tanggapin na isusuko na lang niya ang lahat ng kinuha sa kaniya. But what can she do? She's just 13! Ni hindi niya lubos maintindihan bakit walang tumulong sa kanila? They had connections. Her father have friends. Where are they?
Ilang minuto ang lumipas. Dahang-dahang humakbang si Rigor palapit sa kaniya. Inilabas sa bulsa ang diamanteng medallion na nahila nito kay Rumina nang magpatihulog ito sa pader. Iniabot nito iyong kay Yumie. Napaangat ng tingin rito si Yumie. Baha ng luha ang mga mata.
"Alam mo na ibinigay ito ng Daddy mo sa Mommy mo bago----" hindi nito natuloy ang sasabihin. Napbuntong hininga ito. "Hindi ko alam kung ano ang simbolo niyan sa angkan niyo. Ngunit ito ang bukod tanging iniligtas ng Daddy mo sa lahat ng pag-aari niya. Nararapat lang na ingatan mo 'to."
Napatitig sa medallion si Yumie. Saka dahan-dahang inabot. Pagkuwa'y pinunasan ang luha, dahang-dahang tumayo at humarap kay Rigor at Felicia.
Humihikbi man ngunit buong determinasyong nagturan, "I know I no longer have the power to give orders. Wala na akong karapatan o katungkulan para utusan kayong alagaan at protektahan pa ko. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay kung wala kayo. Pero wala akong magagawa kung iiwan niyo na ako. But then, I maybe asking so much. Nakikiusap ako, wag niyo po sana akong iwan," puno ng pakikiusap na turan ni Yumie.
"Yumie..." napayakap ng mahigpit si Felicia. "Wag kang mag-isip ng ganyan. Hindi kita iiwan. Kung kinakailangan ako ang bumuhay sayo gagawin ko. Ngunit hindi ko maipapangako ang magandang buhay na nawala. Gayunpaman, ipipilit kong maging masaya ka."
Napatango-tango lang si Yumie at yumakap ng mahigpit kay Felicia. Napatiimbagang naman si Rigor.
"Sa ngayon, tatangapin kong wala tayong magagawa. Ngunit hihintayin ko ang tamang panahon na mabawi mo ang lahat ng dapat sa iyo. At hanggang sa dumating ang panahong yun, ipinapangako kong mananatili ako sa tabi mo. Hindi ko hahayaang mapahamak ka ulit." Turan ni Rigor.
She just cried harder...