Inisip niya na masasalagan niya si Xinghe sa pananatili ng kanyang neutral na katayuan, pero sa bandang huli, ay pareho lamang pala sila ng magiging kapalaran. Gaano ba ako kabagal mag-isip?
Tumango si Xinghe. "Pinupuntirya niya tayong dalawa. Alam niya ang relasyon mo sa Xi family at ngayon ay kinuha mo pa akong assistant, kaya naman mapagaling mo ang presidente o hindi, magiging handa sila laban sa iyo. Para maiwasan ang mga aksidente sa pangyayari, ang pinakamainam na solusyon ay palayasin tayong dalawa."
"Kaya pala nagpapakalat ng tsismis si Lin Qian na ikaw si Mr. Nan Gua, para lalo tayong gipitin…" sa wakas ay nakuha na ni Lu Qi ang sitwasyon.
"Tama iyon." Kumislap ang mga mata ni Xinghe. "Pero ayos lamang iyon, kahit na ano pang klase ng pandaraya ang gawin nila, hindi ito gagana."
"May naisip ka nang solusyon?"
"Hindi na kailangan ng isa." Ngumiti si Xinghe. "Dahil ang isang diretsong paa ay hindi natatakot sa isang baluktot na sapatos."
Napabuntung-hininga si Lu Qi. "Tama ka, hanggang wala tayong ginagawang masama at pumunta lamang dahil sa intensiyong tulungan ang presidente, hindi na natin kailangan pang matakot sa kanila. Pero huwag kang mag-alala, kung may mangyari man, ipagtatanggol kita sa harapan. Hindi ako naniniwala na mangangahas siyang may gawin laban sa akin."
Nagpapasalamat na si Xinghe kahit na hindi naman talaga siya natatakot. Dahil kung natatakot nga siya, hindi na siya si Xia Xinghe!
…
Dahil sa pakikialam ni Lin Qian, nagdesisyon si Lu Qi na humiwalay mula sa ibang doktor. Dahil sa masama naman na ang tingin ng mga ito dahil kay Lin Qian, mas maigi pa na pagtuunan na lamang niya ang kaniyang pananaliksik kaysa mag-aksaya ng oras sa mga ito.
Si Xinghe, tulad ng dati, ay walang pakialam kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa kanya; masyadong natuon ang kanyang atensiyon kasama ni Lu Qi sa pananaliksik sa mekanikal na puso. Masyadong natuon ang kanilang atensiyon sa kanilang trabaho. Gugugulin nila ang buong araw sa lab na pineperpekto ang disenyo at aalis lamang kapag mataas na sa kalangitan ang buwan.
Dahil sa mga malisyosong tsismis ni Lin Qian, nagbago ang tingin sa kanila ng lahat. Alam nila ang nakaraan ni Xinghe, na isa siyang diborsiyada. Gayunpaman, si Lu Qi ay nagmula sa isang magandang pamilya, isang guwapong binata, kaya naman inisip nila na hindi nararapat si Xinghe para dito, lalong-lalo na, ang mga bata at dalagang doktor, na may pagtingin kay Lu Qi.
Lalong tumindi ang inis nila kay Xinghe. Sa bawat pagkakataon na dadaanan nila ito, bibigyan nila ito ng isang malamig na tingin. Nagtataka na din siyang tinitingnan ng ibang tao.
Hindi na kailangan pang sabihin, alam na ni Xinghe na ang mga taong ito ay naimpluwensiyahan ni Lin Qian na husgahan na siya agad. Salamat na lamang at wala siyang pakialam sa tingin ng ibang tao kaya naman hindi na siya nag-abala na ipaliwanag ang kanyang sarili.
Hindi nagtagal, ilang panahon matapos ang kanilang sagutan, sa wakas ay nakaharap muli ni Xinghe si Lin Qian sa bahay ng presidente. Sa tabi nito ay isang dalaga, ang dalaga ay maganda, at mukhang kasasapit lamang nito sa edad na bente. Masayang nakikipagkuwentuhan si Lin Qian sa dalaga, pero nang makita niya si Xinghe, nanlamig ang mukha nito. Ang babae ay napansin din si Xinghe na naglalakad palapit sa kanila.
"Sister Lin Qian, sino siya?" Tanong ng babae.
Pinandilatan ni Lin Qian si Xinghe at sumigasing, "Sino pa ba kundi si Mr. Nan Gua?"
"Mr. Nan Gua?" Naguguluhan ang dalaga. Ano'ng klase ng pangalan ba ito?
Hindi na nagpaliwanag pa si Lin Qian kundi idinagdag na, "Siya ang tanyag na si Xia Xinghe na siyang dahilan para mawala sa Sister Lin Jing mo ang kanyang pinakamamahal na kumpanya."
Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa pagkagulat. "Iyon siya?!"
"Tama iyon, tingnan mo ng maigi ang walanghiya na babaeng ito. Wala siyang alam tungkol sa medisina pero ngayon ay nasa bahay ng presidente para tulungan na pagalingin ang sakit ng presidente, kaya naman ang lahat ay tinatawag siyang Mr. Nan Gua."