Pakiramdam ng lahat na biglaan ang kanyang desisyon, pero wala nang pagpipilian pa si Xinghe, dahil nakikipag-unahan na naman siya sa oras. Ang pinuno ng United Nations at si Philip ay sinubukan na hikayatin siya, pero wala ding nangyari.
Hindi sa matigas ang loob ni Xinghe, iyon lamang ay wala ng mas mainam na solusyon. Ni hindi nga sila makapagpadala ng mas maraming tao para sumama sa kanya. Kailangan nilang payagan si Xinghe na harapin ang panganib na ito.
Pinarangalan ng United Nations si Xinghe ng pinakamataas na karangalan para sa kanyang sakripisyo at kontribusyon. Nangako sila na, sa unang hudyat ng panganib, ay gagawin nila ang lahat ng magagawa nila para iligtas siya. Ipapadala nila ang kanilang sandatahan sa buwan para suportahan siya sa susunod.
Ang mundo ay palaging nasa kanyang likuran; hindi na nila hahayaan pang harapin niya ito ng nag-iisa. Nagpapasalamat si Xinghe at tinanggap ang kanilang tulong. Bilang ganti, hiniling niya na itago nila at gawing sikreto ang kanyang pakikipagsapalaran. Hindi niya gustong mapunta na naman sa mata ng publiko, kahit na mas makakakuha pa siya ng maraming paghanga at papuri.
Pumayag sa kanyang kondisyon ang United Nations. Ang detalye ng kanyang misyon ay nanatiling sikreto. Maliban sa mga may mataas na katungkulan, wala nang iba pa ang nakakaalam ng kanilang susunod na hakbang. Para sa misyong ito, naghanda sila ng buong magdamag.
Gayunpaman, may isa pa ding katanungan na nasa isip ng lahat. Ang mga itim na enerhiyang kristal ay kaya ba talagang paganahin ang isang spaceship?
"Ayos lamang sila. Ginagamit na sila bilang fuel ng He Lan family, saka kinumpirma na ni Shi Jian na ito ang pinakamainam na fuel source," buong kumpiyansang sambit ni Xinghe.
"Wala sa atin ang nakaisip na ang isang kakaibang mineral ay matatagpuan sa buwan. Kung hindi sila nagsisinungaling sa atin, at kung susuriin natin ang mineral na ito sa hinaharap, siguradong sasalubungin ng mundo ang isang mabuting pagbabago," sabi ni Chui Qian ng may pag-asa.
Sumasang-ayon si Xinghe sa kanya. Ang mineral na ito ay malaki ang magiging tulong sa sangkatauhan. Kung maayos nila itong magagamit, mas gaganda ang mundo at ang kalidad ng buhay ay mas malaki ang maipagbabago.
Kaya naman, ang misyon ni Xinghe sa buwan ay napakaimportante. Hindi lamang niya kailangang iligtas ang mga taong iyon kundi kailangan din niyang hanapin ang mga minahan ng mineral doon. Siyempre, wala sa mga ito ang pinakaimportanteng bagay. Ang pinakaimportante sa lahat ay ang makasiguro na makakabalik sila ng ligtas.
Pinayuhan ni Chui Qian si Xinghe na unahin ang kanyang sarili at pag-ingatan ang kanyang sariling kaligtasan.
"Huwag kang mag-alala, mag-iingat kami. Ang oras ay halos ubos na; kailangan na naming umalis," sabi ni Xinghe habang papaalis, hindi na niya gustong patagalin pa ang nakakalungkot na okasyong ito.
"Xinghe, kailangan mong alagaan ang iyong sarili," sabi ni Ali sa kanya ng may luha sa mga mata nito.
Tumango si Xinghe at tinapik ni Sam ang kanyang dibdib. "Huwag kang mag-alala, poprotektahan ko siya gamit ang buhay ko!"
Sinulyapan siya ni Mubai sa gilid ng mga mata nito. Bakit ba kailangang may isang tao na dadating para kunin ang responsibilidad ko?
"Sam, kailangan mo ding alagaan ang iyong sarili," paalala ni Cairn.
"Gagawin ko, maghintay kayo sa malabayani naming pagbabalik. Sige, kailangan na naming umalis ngayon!" Sabik na sambit ni Sam. Masaya siya na isipin na makakapunta siya sa kalawakan. Ang suspetsa ni Ali ay nagboluntaryo lamang ito dahil gusto nitong pumunta sa kalawakan.
Pero muli, isa itong space adventure, sino ba ang may aayaw nito?
Alas, ang kanilang abilidad ay hindi kasing husay ng kay Xinghe, ang kanilang mga pitaka ay hindi kasing lalim ng kay Mubai, at ang kanilang lakas ay hindi kasing sapat ng tulad kay Sam…
Kaya naman, ang tangi nilang magagawa ay manood sa kanila ng may pagtutol sa kanilang mga mata. Gayunpaman, ang katotohanan na parte sila ng sandaling ito ay sapat na.