Bago pa makasagot si Xinghe, masayang sumabat si Xia Zhi, "Syempre papunta na tayo sa ospital. Hindi ba tama ako, ate?"
Hindi na mapigilan ni Xinghe na mapangiti sa napapansin na umaasang tingin ng mga ito. "Tama ka, aalis na tayo para pumunta sa ospital ngayon. Oras na para masampal ang pagmumukha ng ilang mga tao!"
Nagdiwang sina Xia Zhi at Luo Jun.
Maraming rason para maging masaya si Xia Zhi para kay Xinghe pero sa ibang kadahilanan, napansin din ni Luo Jun ang sarili na kumakampi sa panig ni Xinghe.
Nang dumating na sila sa ospital, nakasalubong nila si Chang An na naghihintay sa kanila.
"Miss Xia, narito ka na din sa wakas. Inutusan ako ni CEO Xi na hintayin ka sa entrada kaya salamat sa Diyos at narito ka na!" Masayang bulalas ni Chang An, na lihim na gumaan ang kalooban.
Agad na nagtanong si Xinghe, "Nagsimula na ba ang operasyon?"
"Malapit na itong magsimula!"
"Dalhin mo na kami doon."
"Dito ang daan."
Kasama si Chang An na nagtuturo ng daan, agad nilang narating ang pinakataas na palapag.
Sa oras na iyon ay naipasok na sa surgery hall si Old Madam Xi.
Ang grupo ng mga doktor ay naglilinis na ng katawan. Ang iba pang miyembro ng pamilya ay naghihintay sa labas ng operation hall.
Halos lahat ay naghihintay sa operasyon na magsimula, na si Ruobing ang pinaka nasasabik sa lahat.
Pagkatapos ng operasyon, makukuha na niya ang lahat ng gusto niya, para mapunan ang malaking butas sa kanyang puso na naghahangad ng kayamanan, kapangyarihan, at katatagan na makukuha niya dahil dati siyang isang inabandonang ulila.
Ang mga pangarap niya ay malapit ng matupad…
"Narito na halos ang oras, sisimulan na natin ang operasyon. Sa lahat, hintayin na lamang ninyo ang mabuti naming balita," abiso ni Lu Qi sa kanila ng may ngiti bago umalis kasama ang grupo ng mga doktor.
"Sandali—" Biglang utos ni Mubai. Lahat ng nasa silid ay napatingin sa kanya ng nagtataka.
"Ano pa ba ang hinihintay natin?" Tanong ni Lu Qi.
"Hindi pa natin pupwedeng simulan ang operasyon," sabi nito sa isang masungit at determinadong tono.
"Bakit hindi?"
"Mubai, ano ba ang eksaktong pinaplano mo?" Napasimangot at natatarantang tanong ng kanyang lolo.
Bago pa nakasagot si Mubai, nakarinig sila ng mga yabag na papunta sa kanila.
Sa ibang kadahilanan, agad na nalaman ni Mubai ang mga yabag ni Xinghe mula sa mga iyon.
Lumingon si Mubai at nakita niyang tama siya dahil naglalakad na si Xinghe patungo sa kanila.
Hindi niya namalayan na napangiti siya ng magtagpo ang kanilang mga mata. Naramdaman na lamang niya na masaya siya ng makita ang pagmumukha nito pero hindi niya alam kung bakit, marahil ay masaya lamang siya dito.
Nakita rin siya ng ibang tao.
Nanlaki ang mga mata ni Ruobing sa pagkagulat at ang buto ng pag-aalala ay nagsimulang umusbong sa kanyang puso.
Ano ang ginagawa ni Xia Xinghe sa lugar na ito sa ganitong oras?
Ang tanong na ito ay nasa isip ng lahat.
Nakita siya ni Ginang Xi at masungit na napasimangot, "Xia Xinghe, ano ang ginagawa mo dito?"
Kalmado at tiwala sa sariling lumapit sa kanila si Xinghe.
Habang hinaharap ang mga mapag-usisa nilang tingin, ngumiti siya ng bahagya at inanunsiyo na, "Ang dahilan kung bakit narito ako ngayon ay syempre para ibigay kay Old Madam Xi ang aking artifical limb. Natapos ko nang gawin ang aking disenyo, kaya umaasa ako na hindi pa huli ang lahat."
Ano? Naririto siya para ibigay kay Old Madami Xi ang kanyang artipisyal na braso?
Tumawa sa kanyang harapan si Ginang Xi. "Huli ka ng talaga! Natapos na ni Ruobing ang pinakamainam na artificial limb kaya hindi na namin kailangan pa ang gawa mo. Isa pa, ang dinisenyo mong produkto ay hindi magiging mas mainam kaysa kay Ruobing!"
"Ganoon ba? Paano nakakasiguro si Ginang Xi na totoo iyon kung hindi mo pa naman nakikita ang disenyo ko dati?"
"Ang disenyo ni Ruobing ay perpekto, wala ng iba pang pagpapahusay na magagawa dito, at lahat kami na naririto ay sumang-ayon. Kaya gaano pa kaganda ang sa iyo, hindi nangangahulugang mas mainam ito kaysa sa kanya!" Matapat na sinabi ni Ginang Xi.