webnovel

Naririto Kami Para Makita si Lin Lin

編輯: LiberReverieGroup

"Ayos lang," tango ni Xinghe, ang kalahating oras ay walang anuman.

Kahit na, ang rason kung bakit siya nandoon ngayong araw na ito ay hindi lamang makita ang anak niya kung hindi pati na rin ang kanyang lolo sa tuhod.

"Nasaan ang inyong Madam?" Biglang tanong ni Mubai.

"Naroroon siya sa likurang hardin, gusto bang siyang makita ni Young Master?"

"Sa susunod na lamang. Ayoko na siyang abalahin pa."

Sa sandaling natapos si Mubai, isang babae ang pumasok sa silid at sinabi, "Hindi mo naman siya maaabala, itinatanong ka pa nga lang niya sa akin kahapon. Sigurado akong gugustuhin niyang makita ka."

Lumingon sina Xinghe at Mubai sa pinagmulang ng boses. Isang babaeng nagkakaedad na 28 na may magandang pananamit at maayos na buhok na walang hibla ang wala sa ayos ang tumambad sa kanilang paningin.

Nakilala ni Xinghe ang babae.

Siya ang inampong apo ni Madam Xi. Ang pangalan nito ay Yun Ruobing, at ang kanyang pangalan ay nagmumungkahi na siya ay isang malamig na klase ng tao.

Isa ito kalamigan na natutulad sa paglalarawan ng mga libro, na pumipigil sa kung sinuman na lumapit sa kanya.

Hindi rin nito itinago pa ang kawalan ng interes kay Xinghe. Ni hindi man lamang nito tinginan ito sa mata.

Na tila ba si Xinghe ay isang bagahe ni Mubai, hindi karapat-dapat tapunan ng kanyang atensiyon…

"Gusto mo bang samahan kita sa likurang hardin?" Lumapit si Ruobing at nagtanong kay Mubai ng may pagkikibit ng balikat.

Ilang buwan ang tanda ni Ruobing kay Mubai, nagkaroon sila ng relasyon bilang magkapatid pero hindi sila naging malapit sa isa't isa.

Palagi ay tinatrato ni Mubai ito ng paggalang na nararapat para sa mga malalayong kamag-anak.

"Salamat pero mayroon akong gustong pag-usapan namin ng aking lolo."

"Ano iyon?" Tanong ni Ruobing habang sinulyapan si Xinghe gamit ang gilid ng mga mata, "May kinalaman ba kay Xi Lin?"

"Oo." Matipid na sagot ni Mubai, halatang hindi interesado na palawigin pa ang detalye.

Tumango si Ruobin at umalis ng wala ng iba pang tinatanong. Dumaan ito sa salas at dumerecho sa likurang hardin…

Sinulyapan ni Xinghe ang papalayong likuran ni Ruobing at nagtanong kay Mubai para lang gumawa ng kaunting usapan, "Natatandaan ko na nag-aaral din siya ng computer science."

Akala ni Mubai ay interesado siya sa background ni Ruobing kaya masigasig itong nagpaliwanag, "Tama ka. Pero ang larangan niya ay iba sa iyo, ang kanya ay tungkol sa medical computer science."

"Ang ibig bang sabihin ay may kaunti siyang kaalaman sa medisina?"

"Oo, sa kasalukuyan ay siya ang personal na doktor ng lola ko."

Tumango si Xinghe ng wala ng ibang komento.

Marahil ay may nagsabi sa lolo ni Mubai ng kanilang pagdating dahil dumating ito sa salas bago pa natapos ang 30 minuto.

Pero, nagpunta ito ng mag-isa.

Umupo ito sa sofa at mayroong mahinahong mukha. Kahit na kaharap si Mubai, tila ba isa siyang amo at si Mubai ay ang tauhan nito.

"Buweno, sabihin na ninyo. Bakit pareho kayong naririto?" Mataimtim nitong tanong ng hindi man lang itinataas ang ulo para tingnan sila.

Matapat na sumagot si Mubai, "Dinala ko si Xinghe dito para makita si Lin Lin at para iuwi na ito sa bahay."

Itinaas na ni Lolo Xi ang kanyang tingin para tumingin dito. Makikita doon sa mga mata nito ang mga naranasan nito sa buong buhay nito. Pinagmasdan sila nito at nagkomento, "Narinig ko na pinutol mo na ang kasunduan mo doon sa babae ng Chu Family kanina para sa babaeng ito."

Bahagyang ngumiti si Mubai, "Mabilis nakarating ang balita."

"Dahil ba talaga ito sa babaeng ito?" Tanong ni Lolo Xi gamit ang walang pakialam na tono, kaya mahirap para malaman kung ano ang iniisip nito.

"Ayoko lang pakasalan ang isang babae na nagbalak ng masama sa kasal ko."

"Ang Chu Family at ang ating Xi Family ay may mahabang kasaysayan na. Naisip mo na ba ang kahihinatnan nito?"

"Mas gugustuhin kong harapin ang konsikuwensiya kaysa dayain ang sarili ko para lamang matupad ang mga kagustuhan nila," sagot ni Mubai sa kaparehong seryosong tono. Marahil, tanging si Mubai lamang ang makakasagot ng ganito kay Lolo Xi.

Nagustuhan ni Lolo Xi ang kanyang sagot.

Tama si Mubai. Walang rason ang isang Xi para ibaba ang sarili niya para lamang sa katuparan ng pangarap ng iba.