webnovel

Magluto ng Tanghalian

編輯: LiberReverieGroup

"Ano?!"

Nagmamadali siyang napaupo, ang mukha niya ay kakikitaan ng pagkagulat at pag-aalala.

Ang babaeng natutulog sa kanyang tabi ay yumakap sa hubad niyang katawan. May pag-aalalang nagtanong ito, "Honey, sino ba iyang tumawag ng ganito kaaga?"

Umaktong hindi siya narinig ni Ye Shen. Ang mukha niya ay mas lalong namutla na tila ba tinamaan siya ng kidlat ngayon lamang.

"Shen Shen, ano ang nangyayari sa iyo?" Tanong ng babae.

"Ang lahat ay mali!" Nanginginig ang mga daliri na ibinaba ni Ye Shen ang telepono at mabilis na tumalon paalis ng kama.

"Ano ang ibig mong sabihin doon? Sabihin mo sa akin, baka makatulong ako…" bumubulong na reklamo ng babae at sinubukan pa siyang hilahin pabalik.

"Get lost—" marahas na itinulak siyang palayo ni Ye Shen, ang buong katawan nito ay nababalot ng galit.

Hindi nagtagal, galit na lumabas sa harapang pintuan ng Ye Mansion ito, ni hindi pa nakabihis ng maayos. Sumakay ito sa kanyang kotse at mabigat na tinapakan ang silinyador.

Si Xinghe, na nakatayo sa tabi ng bintana ng kanyang silid, ay ngumisi habang pinanonood niyang umalis ang kotse.

Magiging abala siya dahil doon ng ilang sandali.

Ang pagpapakalat ng sikreto ng kumpanya ay hindi maliit na bagay. Ang pinakamalalang kaso, maaaring malugi ang Ye Corps.

Bahagyang nakonsensiya si Xinghe dahil minsan ay nangako siya kay Xia Zhi na hindi niya gagamitin ang kanyang kakayahan sa mga ilegal na bagay pero wala na siyang pagpipilian pa sa sitwasyong ito.

Isa pa, wala siyang nakikitang dahilan para maging mabait sa isang basurang tulad ni Ye Shen. Ayos lang sa kanya na turuan ito ng leksyon.

Kahit na nakaalis na si Ye Shen, ayaw pa ding buksan ni Auntie Ding ang pintuan.

Sa bandang huli, si Ye Qin ang nagbukas nito. Matapobre nitong inutusan si Xinghe na, "Xia Meng, magtrabaho ka na. Hindi kailangang pakainin ka ng Ye Family ko para lamang maupo at walang gawin! Kung gusto mong kumain, magluto ka! Tandaan mo, kailangang makatapos ka sa pagluluto bago ang alas onse o magugutom ka sa buong araw!"

Matapos ibigay ang utos, umalis si Ye Qin.

Pumasok sa silid si Auntie Ding na akala mo ay pag-aari niya ang lugar habang dumadaldal ito tungkol sa mga pagkaing gustong kainin nina Mrs. Ye at Ye Qin. Ang menu na ibinigay nito ay may 10 putahe at wala ni isa sa mga ito ang madaling lutuin.

Alas otso pa lamang ng umaga noon, kahit na ang isang world star na chef ay hindi magagawa ang inuutos nila, lalo pa siya. Sinasadya ng mga ito na pahirapan siya.

Siyempre, hindi naman magpapaapi sa kanila si Xinghe. Nilagpasan niya si Auntie Ding at tumungo sa entrada ng bahay.

"Young Mistress, saan ka pupunta? Hindi ba't narinig mo na sinabihan ka ni miss na magluto?" Habol sa kanya ni Auntie Ding ng nakasimangot.

"Bibili ako ng mga kasangkapan sa pagluluto," mahinang sagot ni Xinghe.

"Sapat na ang mga kasangkapan na nasa kusina. Pumunta ka na doon at magsimulang magluto. Kailangan mong matapos ang pagluluto ng alas onse dahil iyon ang oras na kumakain ng tanghalian ang Madam at Miss."

Malamig siyang tinitigan ni Xinghe, at sinabi nito, "Kulang ang mga kasangkapan para sa isang espesyal na putahe na pinaplano ko. Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong magluluto ako ng tanghalian na hindi nila malilimutan."

Nagtaka si Auntie Ding. Napasimangot ito. "Anong kasangkapan ba ang kakailanganin mo? Lahat naman ay naririto na kaya magsimula ka nang magtrabaho."

Hindi siya pinansin ni Xinghe at nagpatuloy ito sa paglalakad.

"Xia Meng, saan ka pupunta? Hindi ba't sinabihan na kitang magtrabaho?!" Bulyaw sa kanya ni Ye Qin mula sa itaas.

Mabilis na sinabihan ni Auntie Ding si Xinghe, "Miss, sinabi ni Young Mistress na kailangan niyang lumabas para bumili ng iba pang kasangkapan sa pagluluto. Pero sinabi ko na sa kanya na naririto na ang lahat ng posibleng kakailanganin niya, kaya wala akong ideya kung ano ang gagawin niya."

Umismid sa kanya si Ye Qin habang bumababa ito sa hagdanan. "Halata naman na tumatakas siya sa mga responsibilidad niya. Xia Meng, nabibilang ka sa Ye family kaya kailangan mong sundin ang lahat ng utos ko, naiintindihan mo ba?"

"Well, narinig mo ang utos ng Young Miss, tama?!" Masungit na dagdag pa ni Auntie Ding.