webnovel

Itigil ang Pagtarget sa Kanya!

編輯: LiberReverieGroup

"Pero ang katotohanan ay natalo siya!" Binuksan ni Old Madam Xi ang kanyang bibig para magsabi, "Ang disenyo ni Ruobing ay perpekto. Nasisiyahan na ako ng husto dito. Kaunting panahon na lamang ang kailangan para magawa ito. Wala nang iba pang disenyo o produkto ang magiging mainam pa kaysa sa gawa niya."

"Pero hindi mo pa nakikita ang mga disenyo ni Xinghe."

Buong tiwalang nagdeklara si Old Madam Xi, "Dahil hindi na kailangan pa. Tulad ng sinabi ko, ang disenyo ni Ruobing ay perpekto. Wala ng paraan pa na makakagawa ng mas mainam pa si Xia Xinghe kaysa dito."

Misteryosong ngumiti si Mubai. "Lola, gaano ka kasigurado gayong hindi mo pa nga nakikita ang disenyo ni Xinghe?"

"Dahil ang husay sa paggawa ng disenyo ni Ruobing ay hindi maikakaila!" Diin ni Old Madam Xi, "Ang tanging paraan na mas magiging mahusay ang disenyo ni Xia Xinghe kaysa dito ay kung ang araw ay sisikat mula sa kanluran."

"Paano kung ang disenyo niya ay mas mahusay kaysa kay Ruobing?" Ang tanong ni Mubai ay malinaw at malakas.

Ang mga talukap ng mata ni Ruobing ay nagsimulang kumibot ng kusa.

Ang puso niya ay nagsimulang tumibok ng mabilis dahil sa takot.

Posible ba na ang disenyo ni Xinghe ay mas mahusay ng sa kanya?

Imposible dahil ang nasa kanyang mga kamay ay disenyo mismo ni Xia Xinghe din. Ayaw mang aminin ni Ruobing pero ang disenyo ay perpekto. Kaya naman, makakagawa ng isa pang kasing husay nito si Xinghe at siguradong hindi mas mahusay pa dito.

Walang palatandaan si Mubai na ang disenyo niya ay nagmula kay Xinghe at, sa talento ni Xinghe, naiintindihan na ni Ruobing kung bakit malaki ang tiwala nito dito.

Gayunpaman, dahil mayroong perpektong disenyo, na parehong dinisenyo ni Xinghe, ang unang matatapos ang pagkakabuo ang mananalo.

Sa partikular na isyu na ito, nauuna na si Ruobing kaysa kay Xinghe kaya ang pagkapanalo ay sigurado na niya! Suportado si Ryobing ng lola niyang umampon sa kanya; pipigilan ni Old Madam Xi ang progreso ni Xinghe sa bawat pagkakataon!

Gagamitin ni Ruobing ang sariling disenyo ni Xinghe para mapagtagumpay laban kay Xinghe!

Matagal na pinag-aralan ni Old Madam Xi si Mubai bago sinabi, "Dahil malaki ang paniniwala mo sa dati mong asawa, ano kaya at magpustahan tayo? Kung mas mahusay ang disenyo niya kaysa kay Ruobing ay malugod siyang tatanggaping muli ng ating Xi Family at hindi ka na pipigilan pa sakaling ligawan mo siyang muli, ano sa tingin mo?"

Sa loob-loob niya, natatawa sa sarili si Mubai.

Ang isyu dito ay hindi sa malugod na pagtanggap ng Xi Family kay Xinghe o hindi ngunit kung gusto ni Xinghe na tanggapin siyang muli.

Ang pagkukusa ay wala sa Xi Family.

Gayunpaman, ang pagbibigay ng basbas ng pamilya niya ay hindi na masamang pangyayari.

"Mayroon ka ng deal," tumatangong pagtanggap ni Mubai, "Pero ano ang kondisyon?"

Siyempre, hindi naman siya tanga para isipin na makikipagpustahan ang lola niya dahil lamang sa isang katuwaan. Siguradong mayroong kondisyon sa likod nito.

Hindi na nakapagtataka, seryosong inanunsiyo ni Old Madam XI na, "Kung ang disenyo niya ay hindi naman mas mainam kaysa kay Ruobing, hindi ka na maaaring makipagkita pa sa babaeng ito at mangangako ka sa akin na hahanap ka ng babaeng pakakasalan. Syempre, ang taong iyon ay hindi naman nangangahulugang si Chu Tianxin pero sapat na kung karapat-dapat niyang dalhin ang pangalan ng mga Xi."

Tumayo na si Mubai at sumagot ng hindi na ito pinag-isipan, "Tinatanggap ko ang taya, pero sinasabi ko na sa iyo, lola, hindi ako matatalo."

"Sonny, masyado mataas ang tingin mo kay Xia Xinghe! Isa pa, kapag natalo siya, babawiin mo ang mga shares mo. Paano mo na lamang basta-basta ibinibigay ang kayamanan ng Xi Family ng ganoon na lamang? Isa pa, hindi maliit na halaga iyon."

"Ang totoo, Lola, kung hindi ka iniimpluwensiyahan ng ibang mga tao para sadyang targetin siya, hindi ako mapipilitan na ibigay sa kanya ang mga shares ng lab."

"So, sinasabi mo na kasalanan namin ito?"

Matapang na tumango si Mubai, "Oo, kaya itigil na ninyo ang pagtarget sa kanya ng walang dahilan! Kung hindi ay mas lalala lamang ang mga bagay."

"Ikaw…" masyadong nasorpresa si Old Madam Xi para magalit. Hindi niya inaasahan na sasagutin siya ng apo niya ng ganito.

Ang apo niyang ito ay magalang ang trato sa kanya palagi, pero ngayon, lumalaban na ito sa kanya dahil sa isang tagalabas.

"Sinabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin. Pakiusap ay magpahinga ka na ngayon, aalis na ako," umalis na si Mubai pero ang maliit na paghaharap na ito sa pagitan niya at ng lola niya ay mabilis na kumalat sa Xi Family, na nagpagulat sa lahat ng nakarinig.

Sinabi ito agad ni Ruobing kay Tianxin sa oras na pinaalis na siya ni Old Madam Xi.

"Ano ang sinabi mo?!" Gulat na gulat si Tianxin ng marinig nito ang balita, "Ibinigay ni Mubai ang kalahati ng shares ng lab sa b*tch na iyon?"