webnovel

Isang Butas na Sakto ang Laki para Ilibing Sila

編輯: LiberReverieGroup

Napatid ang ngiti ni Lin Jing. Saan nakuha ng Xi Empire ang dami ng mga alahas para ipakita? Imposible, hindi sila magkakaroon ng ganito karaming stock!

"Sa lahat, ito na ang pinakahuling exhibit, pakiusap ay pumasok na kayo," nakangiting sabi ni Ou Yang Qin habang iginigiya niya ang daan. Ang iba pa ay sumunod na sa kanyang likuran. May mga napapasinghap at napapasigaw pa. Sa totoo lang, ang malaking halaga ng mga alahas ang nagpagulat sa kanila. Hindi nila inaasahan ang ganito kalaking halaga; ang bawat isang piraso ay mukhang mamahalin din.

Ang mga mag-aalahas at media ay nagmamadaling umabante para tumingin at agad na nakakita ng isyu!

"Isa itong kasinungalingan!" May isang sumigaw. Ang iba pa ay masusing pinag-aralan ang mga nakadisplay. Iyon pala ay hindi naman talaga bundok ito ng mga alahas kundi isang ilusyon lamang. Ang mga pinaglalagyan ng display ay nakadisenyo na tila bundok at ang mga alahas ay nakapatong dito. Gamit ang mga ilaw, nakagawa ito ng ilusyon ng maraming piraso ng alahas.

Ang ngiti ay bumalik sa mukha ni Lin Jing habang nagmamadali siyang umabante para kumpirmahin. Malakas siyang nangutya, "Ou Yang Qin, ano ang ibig sabihin nito? Dinadaya mo ba kami?"

"Tama si CEO Lin; isa itong simpleng panlilinlang. Walang masyadong alahas dito kung titingnan mo ng maigi!" Isa sa kanyang mga tauhan ang nagpatuloy. Sinulsulan nila ang mga tao na dahilan para magalit ang mga ito sa pagkakaloko.

Mabait na tumawa si Ou Yang Qin. "Paano namin kayo niloko? Ito ay mga ipinasadyang lalagyanan para mas mainam na maipakita ang mga alahas. Lahat ba kayo ay seryosong gagawin itong isyu?"

Nalaman ng madla na sumobra na sila. Kung ano man, dapat ay humanga sila sa pagkakadisenyo nito.

"Pero napangakuan ako ng showcase na walang katulad." Pinakatutukan ni Lin Jing ang dahilan na ito na tila asong ulol at iniutos, "Maliban sa special effects, wala namang ang sinasabi ninyong walang katulad sa mga pirasong nandito! Kung iyan ang kaso, ang Bao Hwa ko ay kayang magbukas ng showcase na walang katulad araw-araw!"

"Tama iyon, ang ganitong antas ay talagang nakakalungkot! Kaya naman, ang Ou Yang family, na may daang taon ng kasaysayan, ay ito lamang ang kakayahan."

"Talagang pabagsak na ang Xi Empire dahil nakikipagtulungan na sila sa isa't isa."

Tumindig sa entablado si Ou Yang Qin at tinanggap ang kanilang mga pagkutya na tila isang kampeon. Binuksan niya ang kanyang bibig para sabihin na, "Ang bawat pirasong nandito ngayon ay nagmula sa pribadong koleksiyon ng Ou Yang family. Dahil lahat kayo ay nagsabi na ang mga bagay dito ay hindi karapat-dapat na sabihing walang katulad, kung gayon ay hinihiling ko ang sinuman na ipakita sa akin ang mas higit pa."

Matapos nito ay nalaman ng mga tao na ang mga nakadisplay ay kakaiba pala. Kanina, masyado silang nasama sa drama para pag-aralan ng maigi ang mga alahas. Ngayong may pagkakataon na, ang bawat isa pala sa mga ito ay kahalaga ng isang maliit na bansa. Mula ang mga ito sa mga nakakahangang katauhan. Para makita ang maraming piraso ng alahas mula sa maraming kolektor sa iisang silid ay talaga namang minsan lamang na magaganap sa panghabambuhay.

Wala ni isa sa kanila ang makakahigit pa sa koleksiyong narito, kahit pa ang Bao Hwa. Maaaring madaming stock ang Bao Hwa, pero ang halaga ng kanilang alahas ay hindi magagawang tapatan ang mga alahas ng Ou Yang family.

Hindi maikakaila na ang exhibit na ito ay walang katulad, pero ang mga shareholder mula sa Bao Hwa ay nahihirapang tanggapin ang katotohanang ito. Isa pa, hindi agad na susuko si Lin Jing.

Ang totoo, natutuwa siya na malaman na ang Xi Empire ay napakatanga para hukayin ang sarili nilang libingan!

Malamig siyang tumawa. "Ou Yang Qin, aaminin ko na ang koleksiyon dito ay talagang walang katulad pero ano naman ang kinalaman nito sa Xi Empire? Ni wala pa nga yata akong nakikitang tao mula sa Xi Empire dito."