webnovel

Hindi Iyon Hipnotismo

編輯: LiberReverieGroup

Ang lalaki ay napatulog ni Mubai at wala pa din itong malay, kung kaya't hindi nila nalaman na hipnotismo ito. Salamat na lamang, napansin ni Sam ang kakaibang ugali ni Kai Li kung hindi ay isa itong malaking sakuna. Ang lahat ay kinilabutan sa posibleng kinahinatnan nila.

"Pero hindi gumagana ang hipnotismo sa amin," biglang sabi ni Shi Jian.

Napatingin sina Xinghe, Mubai, at Sam sa kanya ng may pagkabigla.

Mabagal na nagpaliwanag si Shi Jian, "Ang lahat sa amin ay may malakas na resistensiyang mental; hindi gagana sa amin ang hipnotismo. Gumawa na kami ng mga eksperimento doon."

Isang medikal na mananaliksik ang tumango. "Oo, hindi gumagana ang hipnotismo sa amin, kaya noong sinabi ninyo na si Kai Li ay nahipnotismo, ang lahat sa amin ay nagulat."

Sa oras na ito ay grupo naman ni Xinghe ang nagulat. Nag-uusisang nagtanong si Sam, "Kung hindi hipnotismo, paano natin maipapaliwanag ang nangyari kay Kai Li?"

Agad na dumagdag si Kai Li, "Hindi ko talaga maintindihan ang nangyari sa akin."

Tumango si Sam. "Huwag kang mag-alala, naniniwala kami sa iyo."

Agad na nakahinga ng maluwag si Kai Li.

"Kung gayon ay hindi iyon hipnotismo?" Tanong ni Xinghe kay Shi Jian.

Hindi siguradong sumagot si Shi Jian, "Wala akong clue kung hipnotismo o hindi. Maaaring mali ako, dahil hindi naman natin masisigurado na ang bawat klase ng hipnotismo ay hindi gumagana sa amin."

"Kung hindi ito hipnotismo, ano naman kaya ito?" Nakakunut-noong tanong ni Mubai. Hindi rin makaisip ng sagot si Xinghe. Ang tanging naiisip nila ay hipnotismo, isang malakas na uri nito. Kung ang mga taong tulad ni Shi Jian ay mapapasailalim ng impluwensiya nito, kung gayon ang kakayahang ginamit ni He Lan Yuan ay siguradong makapangyarihan.

Malamig na sinabi ni Xinghe, "Hindi natin talaga dapat na minaliit siya. Kailangan nating ipaalala sa mga tao ng United Nations na mag-ingat dito para hindi mahipnotismo."

"Dapat," tumatangong sang-ayon ni Mubai.

May pilyong ngisi si Sam na sinabi, "Kung gayon, dapat ay igiya natin ang lahat ng guwardiya palayo sa matandang iyon. Hayaang magutom ito ng isa o dalawang araw, at tingnan natin kung paano niya itutuloy ang panghihipnotismo ng mga tao."

Ang lahat ay sumang-ayon sa mungkahi nito. Dahil ang dalawang araw ng panggugutom ay hindi sapat para pumatay, pero magiging isang malaking parusa ito para kay He Lan Yuan.

Kailangan pa din nila itong bantayan, pero ginawa na lamang nila itong electronic surveillance; walang nangahas na lumapit ng husto dito.

Hindi magtatagal at mararating na ng spaceship ang Earth. Kinalkula ni Shi Jian ang landing coordinates at oras, at pagkatapos ay ipinasa ni Xinghe ang impormasyon sa pamamagitan ng satellite patungo sa Galaxy Control Centre.

Si Ali at ang iba pa ay sabik na malamang hindi magtatagal ay makakabalik na sila. Sabik na din si Shi Jian at iba pa. Nakalimutan na nila ang hitsura ng Earth, pero ngayon ay nakikita na nila kung gaano kaganda ang Earth mula sa kalawakan.

Gabi na nang lumapit sila sa Earth; ang planeta ay kuminang na tila isang mahalagang bato mula sa lahat ng kumikinang na ilaw ng mga siyudad. Nakita na ni Shi Jian at ng iba pa ang Milky Way at cosmos pero hindi pa nila nakita minsan ang Earth mula sa kalawakan. Ang mundo ay nalilinyahan at napupuno ng mga ilaw, ito ang pinakamagandang tanawin sa buong cosmos.

Si Shi Jian at ang iba pa ay nahumaling sa tanawin at hindi sinasadyang napabuntung-hininga. "Naaalala ko pa na itinataas ko ang aking ulo para makita ang asul na kalangitan at puting mga ulap nang ako ay bata pa. Iniisip ko noon na napakalaki ng mundo."

"Ako din. Naaalala ko ang bumabagsak na ulan at niyebe, pero tuwing nagyeyelo, hindi tayo pinapayagan na umalis ng gusali. Hindi ko na alam kung ano ang pakiramdam ng bumabagsak na yelo."

"Naaalala ko noon na may isang bata na palaging naglalakad sa labas ng pintuan ng ampunan na may dalang iba't ibang klase ng pagkain bawat araw. Lahat ng mga ito ay mukhang masarap. Ang pagkain ay dinadalaw ako sa aking panaginip, pero ni minsan ay hindi ako pinayagan na tikman ang mga ito."