webnovel

Gusto Na Naming Bumalik sa Earth!

編輯: LiberReverieGroup

"Matapos nating bumalik, personal ko kayong sasamahan lahat para tikman lahat ng mga iyon, ginagarantiyahan ko sa inyo na nanaisin ninyong kumain ng tuluy-tuloy at wala nang gagawin pang iba kapag natikman na ninyo."

Ang malaking pangako ni Sam ang nagpataas ng emosyon sa silid at marami pa ang pumalibot sa kanila.

"Kapag bumalik kami sa Earth, talaga bang pwede naming kainin ang anumang gusto namin? Kahit na anong pwedeng kainin at masarap?"

"Hindi mo lilimitahan ang dami ng kakainin namin?"

"Hindi ka natatakot na baka sumobra kami?"

Habang kaharap ang mga tanong nila na halos pambata, tumawa si Sam. "Sasabihin ko sa inyong muli, wala na kayong dapat na ipag-alala pa na kahit na ano. Pwede ninyong kainin ang lahat ng gusto ninyo matapos ninyong bumalik, maaari ninyong gugulin ang buong buhay ninyo ng kumakain! Huwag kayong mag-alala tungkol sa pagbabayad dahil si Mr. Xi na nasa inyong harapan ay siguradong tutulungan kayong bayaran ang lahat ng bayarin!"

Hindi makapagsalita sina Xinghe at Mubai.

Agad na tumingin sina Shi Jian at ang iba pa ng may malalim na pasasalamat sa kanilang mga mata. "Mr. Xi, napakabait mo talaga. Pero napakarami namin, talaga bang ayos lamang sa iyo?"

Magalang na ngumiti si Mubai. "Huwag kayong mag-alala, wala naman sa akin iyon. Isa pa, kahit na wala ako, sa inyong kakayahan, magagawa ninyong i-enjoy ang buhay matapos ninyong bumalik sa Earth."

"Tama iyon, ang lahat ng naririto ay may kapangyarihan na magdala ng kabutihan sa mundo. Kapag ginawa ninyo iyon, sigurado ako na magagantimpalaan kayo. Ang magagandang buhay na iniisip ninyo ay halos nasa inyo nang mga kamay, gayunpaman, hindi ninyo ito makukuha kung mananatili kayo dito," dagdag ni Xinghe.

Tumango si Sam para sumang-ayon, "Tama siya. Ang buhay ay ilan lamang maiikling dekada, kaya bakit ba natin sasayangin ito sa walang kwentang plano ng iba? Inaamin ko, ang laki ng planong ito ay napakalaki, pero ano ang mayroon para sa inyo matapos na mawasak ang Earth? Wala! Ipagpapatuloy ninyong gugulin ang natitirang labi ng inyong mga buhay sa buwan, malayo sa kaligayahan, sa masasarap na pagkain at magagandang tanawin. Kaya sabihin ninyo sa akin, ano ang punto? Tanungin ninyo ang inyong sarili, talaga bang masaya kayo na mamuhay dito? Kung pupwersahin ako na gugulin ang lahat ng taon ng buhay ko dito, mas pipiliin ko pa na patayin ang sarili ko. Sa galaxy na ito, ang Earth ang pinakamagandang planeta at ang pinakapayapa! Gustong sirain ito ni He Lan Yuan dahil sa kanyang baluktot na pag-iisip, pero sa tingin ko ay wala ni isa sa inyo ang nais makibahagi sa kanyang kabaliwan. Huwag ninyong sayangin ang buhay ninyo sa isang tulad niya na pinagmalabisan na kayo ng husto. Tanungin ninyo ang puso ninyo, gusto ba talaga ninyong gugulin ang buong buhay ninyo sa inyong pananaliksik at mapalampas ang iba pang bagay na maganda?"

Agad na natahimik na naman ang buong silid. Ang mga salita ni Sam ay umaalingawngaw sa kanilang kaibuturan. Hindi na nila magagawang magsinungaling pa sa kanilang mga sarili, hindi talaga nila gustong gugulin ang buong buhay nila dito. Gusto nilang i-enjoy ang buhay at hindi na mapilitan pang magsaliksik sa araw-araw…

Hindi ito ang buhay na gusto nila.

Ibinaba ni Shi Jian ang kanyang ulo mula sa kalungkutan. Napakuyom ito ng kamao at sinabi, "Tama ka, hindi na kami dapat na manatili pa dito, wala nang rason pa!

Ang iba pa ay sumang-ayon sa kanya.

"Hindi na din ako makakapanatili pa dito ng isa pang minuto, gusto ko nang bumalik sa Earth!"

"Ako din, kung hindi ito posible, mas nanaisin ko pang mamatay."

"Oo, gusto na naming bumalik sa Earth!"

Halos lahat ng naroroon ay isinasatinig ang kahiligan nilang bumalik sa Earth. Ang kanilang mga sigaw ay umabot na sa langit. Ipinapakita lamang nito ang kanilang kagustuhan.

Ang mga tao ay hindi na mapipigilan pa.

Bago nito, sinisikil nila ang kanilang mga sarili dahil hindi nila alam kung ano ang mas mainam, pero ngayong alam na nila, matapos na mabunyag sa kanila ang kalayaan, hindi na sila makakapagpatuloy na magsinungaling pa sa kanilang mga sarili.