webnovel

Bumalik sa Hwa Xia ngayong Gabi

編輯: LiberReverieGroup

Nagsimulang magreklamo si Sam habang umaalis sila sa silid. "P*ta naman talaga! Kung hindi iniligtas ni Xinghe ang mundong ito, buhay pa kaya siya? Kung wala si Xinghe, katapusan na ng mundo! So, ano ang ugaling iyon!"

Galit din si Ali. "Sa tingin talaga niya ay nagsakripisyo si Xinghe na dahil lang sa gusto niya, ay kailangan na niyang gawin!"

"Paano kaya nagkaroon ng mataas na posisyon ang isang tulad niya?" Kahit si Cairn na bihirang magalit ay nagalit din.

Nagpaliwanag si Mubai, "Mula din siya sa Hwa Xia, isa sa mga vice secretary na nagtatrabaho sa United Nations. Bata pa siya, nasa 35 pa lamang kung tama ang pagkakaalala ko. Ang kanyang ama ay tumatakbo bilang presidente at natalo sa kasalukuyan nating presidente."

Agad na nilang naunawaan ito.

"So, alam niya ang tungkol sa katauhan ni Xinghe? Kaya naman pala ganoon na lamang ang disgusto niya," tuya ni Sam.

Tumango si Mubai. "Iyan na ang pinakalohikal na paliwanag."

"Kung gayon, kailangan nating mas maging maingat kapag nandiyan siya sa hinaharap," paalala ni Ali kay Xinghe.

Tumango si Xinghe. "Alam ko."

"Oo nga pala, Xinghe, may paraan ka ba talaga para mailigtas si Shi Jian at ang iba pa?" Tanong ni Sam ng may antisipasyon.

Nagpatuloy na tumango si Xinghe. "Kung may gusto, may paraan. Sa anumang kaso, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."

Dumagdag si Sam, "Susuportahan ka namin!"

"Tama iyon, gusto din namin silang tulungan," sambit ni Ali. Tumango sina Cairn at Wolf sa likuran nito. Si Ee Chen din ay nais na tumulong at suportahan sila.

Tumingin si Xinghe sa kanila at ang tiwala ay kanyang naramdaman sa kanyang puso. Sila ay mga matapat niyang kaibigan at kasamahan na marami ng itinulong sa kanya. Walang imposible sa suporta ng mga ito.

"Okay, hahanap tayo ng solusyon para dito ng magkakasama." Tumango si Xinghe ng may ngiti.

Nagtanong si Sam kay Xinghe, "Kung ganoon ay ano ang ating plano? Open protest?"

Umiling si Xinghe. "Wala pa akong eksaktong plano na naiisip, pero ang open protest ay hindi makakatulong. Kokontrahin lang nila tayo ng mas maraming political mumbo-jumbo, at kung sa korte pa tayo aasa, taon ang bibilangin. Hindi ko na gustong patagalin pa ito."

May isa pang bagay na hindi na niya sinabi. Pakiramdam niya na sa ibang kadahilanan, ang United Nations ay may maitim na motibo sa pagkakwarantina kay Shi Jian at sa iba pa. Kung ang hinuha niya ay tama, kung gayon, mas magiging kumplikado pa ito.

Tumango si Sam. "Oo nga, walang benepisyo para sa lahat kung tatagal pa ito. Kailangang makaisip na tayo ng solusyon para mailigtas sila sa lalong madaling panahon."

"Pero ano kayang solusyon iyon?" Tanong ni Ali ng may kunut-noo. Ito ang desisyong ipinataw ng United Nations; kung suportado ito ng karamihan ng mga bansa, ano ang magagawa ng mga maliliit na taong tulad nila?

Tila nababasa ni Xinghe ang kanilang mga iniisip at mahina niyang sinabi, "Ang mga patakaran ay maaaring baliin."

"Ang ibig mong sabihin, maaari nating baluktutin ang patakaran para sa ating benepisyo o para mabago ang kanilang isip? Hindi ba't magiging mahirap iyon?" Isip ni Ali.

Tumango si Xinghe. "Oo, pero palaging may paraan. Kaya ngayong gabi, babalik tayo sa Hwa Xia."

Ang biglaan niyang anunsiyo para umuwi ay ikinagulat at ikinalito ng SamWolf. Ano ang kinalaman nito sa lahat?

Tanging si Mubai lamang ang tumingin sa kanya gamit ang mga maiitim at maalam nitong mga mata. Tila nababasa nito ang kanyang isip. Dahil nagawa na ni Xinghe ang kanyang desisyon, nagpunta na para mag-empake ang SamWolf; plano nilang bumalik sa Hwa Xia ng kasama siya.

Ang desisyon nila ay masyadong biglaan. Personal silang inimbitahan ni Chui Qian para manatili, pero mabait na tinanggihan ni Xinghe ang alok nito.

Marami pang bagay na dapat tapusin sa Country R, pero hindi na nila ininda ang lahat ng ito.