webnovel

Ang Paghihiganti ay sa Kanila na Sa Wakas

編輯: LiberReverieGroup

Direkta siyang tumitig kay Xinghe at nagtanong sa nakakatindig-balahibong boses, "Nakapunta ka na sa Country Y, tama?!"

"Hindi lamang iyon…" tinitigan siya ni Xinghe at sinabi nito, "Nakipagtulungan kami sa presidente ng Country Y para wasakin ang kuta ninyo!"

Pisikal na natigilan si Lin Xuan. Sila ang sumira sa IV Syndicate? Paano ito naging posible?

"Kung hindi para dito, paano namin maililigtas si Miss Xie? Mabuti na lamang, at ginawa namin kung hindi ay hindi lalabas ang mga krimen ninyo ngayon."

Hindi pa din makapaniwala si Lin Xuan, hindi niya mapaniwalaan na siya ang sumira sa IV Syndicate at wala siyang palatandaan na nangyari iyon…

Hindi lamang siya, ang lahat ay nagulat din na may kakayahang wasakin ni Xinghe ang IV Syndicate. Gayunpaman, ngayong inisip na nila ang tungkol dito, hindi ba't si Xinghe din ang nagdala ng ebidensiya para isiwalat ang mga krimeng ginawa ni Saohuang sa korte?

So, hindi lang pala ito isang pagkakataon na lumitaw ang ebidensiya noon. Ang panahon na nawala si Xinghe sa Hwa Xia, ay ginugol nila sa pagkalap ng ebidensiya sa Country Y at habang ginagawa niya ito ay winasak na din niya ang IV Syndicate…

Wala ni isa sa kanila ang makakagawa ng isang bagay na kahanga-hanga tulad nito, pero nagawa nito. Sa sandaling iyon, ang paraan ng pagtingin nila dito ay nagbago. Wala nang nangahas na maliitin siya at tratuhin siya bilang isang karaniwang babae na lamang…

"Imposible!" Mapanganib na naningkit ang mga mata ni LIn Xuan. "Siguradong hindi ikaw ang may gawa niyon! Paano mo posibleng nasira ang organisasyon ko?!"

"Hindi ako narito para kumbinsihin ka sa katotohanang iyon," sagot ni Xinghe.

Dumagdag si Mubai, "Tama iyon, nandito kami para ibunyag ang lahat ng kasalanan mo."

Hindi na importante kung nagawa ni Xinghe ang mga bagay na iyon o hindi, ang punto ay ito na ang katapusan ng Lin family!

"Lin Xuan, ipinaaalam ko sa iyo na isa kang internasyonal na bilanggo. Hindi ka kukupkupin ng Hwa Xia, maski ang Country Y o ang iba pa sa mundo. Katapusan mo na at ng iba pa na mula sa Lin family!" Masungit na anunsiyo ni Xinghe, pinakakawalan ang matagal nang pagkasuklam na nabubuhay sa kanyang puso.

Nakaganti na din sila sa wakas!

Habang nagpupumiglas sa huling pagkakataon si Lin Xuan, iniutos ni Munan na, "Men, dakpin siya!"

Sa isang iglap, isang grupo ng mga sundalo ang nagmamadaling pumasok mula sa pintuan.

"Dakpin ang bawat Lin na naririto!" Dagdag ng Madam Presidente. Higit sa dalawampung pistola ang nakaturo sa Lin family. "Huwag kayong gagalaw!"

Agad silang napalibutan, at wala ni isa sa kanila ang nangahas na kumilos man lang. Ang pagmumukha ng Lin family ay nagbago at masasalamin dito ang kawalan ng pag-asa. Sa una, pumunta sila na umaasa na ang pagkapresidente ay sa wakas ay mapapasakanila na. Sino ang makakapagsabi na ang mga bago ay agad na magbabago sa isang magdamag?

Nasira na ang Lin family. Ang lahat sa kanila ay dinakip na, wala nang pag-asa pa sa kanila. Ang kanilang mga pangarap, plano, pag-asa at pagsusumikap ay naging usok lahat!

Tanging pagkawasak at kawalan ng pag-asa ang naghihintay sa kanila…

Iginiya na palayo ang Lin family. Kahit sina Elder Lin at Lin Xuan ay iginiya palabas na tulad ng mga kriminal. Kahit gaano pa sila makapangyarihan, sa sandaling ito, ay sila ang pinakamababa sa mga bilanggo.

Sa mundong ito, walang habambuhay na nagwawagi.