webnovel

Ang Lahat ng Sikreto mula sa Ampunan

編輯: LiberReverieGroup

Iginiya sila ni Deqing sa isang bahay na nasa loob ng compound ng ampunan. Nang dumating na sila sa may pinto, inutusan ni Deqing na manatili sina Xinghe at ang iba pa para maghintay sa kanila sa labas.

"Uncle Huang, siya ang sekretarya ko, mapagkakatiwalaan siya," direktang sinabi ni He Bin habang kinakawayan si Xinghe.

Nag-atubili si Deqing, "Pero hindi ko pa siya nakikita dati."

Ngumiti si He Bin. "Uncle Huang, kilala mo ang aking ama, hindi mo talaga malalaan ang lahat ng tao na nagtatrabaho para sa kanya. Sekretarya ko na siya ng maraming taon, pero naniniwala ako na hindi pa kayo nagkaroon ng pagkakataon na magkita dati. Pero huwag kang mag-alala, mapagkakatiwalaan siyang talaga!"

Naiintindihan ni Deqing ang ibig niyang sabihin, si He Lan Chang ay isang lalaki na maraming sikreto at dahil nagsalita na si He Lan Qi para kay Xinghe, pinili niyang magtiwala kay Xinghe.

"Sige, sumama ka na sa amin," sinabi niya kay Xinghe.

Magalang na tumango si Xinghe pero walang makikitang bahid ng emosyon sa kanyang mga mata. Ang kanyang utak ay tuluyang nakasara mula sa panlabas na mundo. Tumatango na may pagsang-ayon si Deqing nang mapansin niya ito. Ang babaeng ito ay mukhang isang taong kukuhanin ni Old Master Lan para sa kanyang anak.

Ang mga bodyguard ay sinabihang maghintay sa labas ng pintuan. Walang takot na sumunod sa kanila si Xinghe. Napakaraming gusali sa loob ng compound ng ampunan at ito ang isa sa mga hindi kapansin-pansin doon. Kaya naman, nagulat siya nang malaman na ang gusaling ito ay ang nagbibigay-daan patungo sa isang tagong underground basement. Para makapasok, kakailanganin mong itipa ang sunud-sunod na password. Maingat na inilagay ni Deqing ang password, na kahit si He Bin ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na makita kung ano ang itinipa nito.

Matapos na bumukas ang pintuan patungo sa basement, magalang nitong sinabi, "Young Master, ang lahat ng nasa ibaba ay ang lahat ng sikreto ng ating ampunan. Pakiusap ay sumunod kayo sa akin."

Nagpatiuna sa kanila si Deqing para ituro sa kanila ang daan. Mabilis na nagpalitan ng tingin sina Xinghe at He Bin bago sumunod sa likuran nito. Sa sandaling pumasok sila, automatic na sumara ang pintuan ng basement.

Hindi sinasadyang kinabahan sina He Bin at Xinghe at mabilis silang naglakad para makahabol kay Deqing. Ang silid ay madilim, at matapos ang ilang hakbang, biglang pumalakpak si Deqing para paganahin ang mga ilaw na napapagana ng tunog.

Nagliwanag ang silid at malinaw na nakita nina Xinghe at He Bin ang nilalaman ng basement…

Ang lugar ay hindi naman kakaiba. Punung-puno ito ng maraming aklat, na nagbibigay impresyon na isa itong pribadong silid-aklatan. Ang mga lalagyan ay punung-puno ng napakaraming file. Maliban doon, ang dekorasyon ng lugar ay marangya at makabago, salamat sa mga bagong imbensyon. Habang nakatayo sa sahig na kumikinang na tila salamin, pakiramdam nina Xinghe at He Bin ay nasa isang futuristic library sila. Gayunpaman, maingat sila na huwag magpakita ng anumang pagkagulat sa kanilang mga mukha.

Dahil wala namang sinabi si He Bin, aktibong inilarawan ni Deqing ang lugar sa kanila, "Young Master, ang lugar na ito ay naglalaman ng lahat ng record mula sa ampunan ng napakaraming taon. Sigurado akong hindi masyado sinabi sa iyo ni Old Master ang tungkol sa ampunan, pero dapat ay malaman mo na ang layunin ng ating ampunan ay ang pumili at magsanay ng mga talentadong tao para sa lugar na iyon."

Mabilis na tumango si He Bin. "Naturally."

Nagpatuloy si Deqing, "Ayon sa patakaran na inilahad ng mga nauna sa atin, dapat ay pupunta ka dito para mag-imbentaryo at tingnan ang lahat taun-taon. Pero huwag kang mag-alala tungkol sa mga trabaho dahil ako na ang gumagawa nito at nakaayos sila ng sunud-sunod."

"Ang files sa lahat ay narito?" Tanong ni He BIn. Hindi niya nakalimutan itanong ang tungkol sa ina ni Xinghe. Ang tanong na ito ay para sa kanyang kapakanan.

Umiling si Deqing. "Sa kasamaang-palad, hindi lahat. Ang mga file sa mga naunang sampung taon ay nasira, ang mga file na narito ay pagkatapos noon."

"Ang lahat ay nasira?" Tanong ni He Bin ng buong ingat.

Tumango si Deqing. "Oo, bawat isang file. Ang sikreto natin ay halos nabunyag noong taon na iyon, kaya naman ang iyong lolo ay nagdesisyon na sirain ang lahat, ni hindi nagtira ng kahit isang impormasyon kundi ay hindi tayo makakaligtas hanggang sa araw na ito."