"Ibigay mo sa kanya," bigla ay utos ni Xinghe.
Si Ali, na naghihintay sa sandaling ito, ay inihagis ang DNA test result ng direkta, marahas at puno ng kasabikan sa pagmumukha ni Chui Ying. Napaungol sa sakit si Chui Ying, at ang hitsura niya ay pumangit dahil sa galit. Hindi pa siya naiinsulto sa tanang buhay niya. Ano at nangangahas ang grupo ng mga taong ito na ipahiya siya ng husto?!
Nawala ang pagpipigil ni Chui Ying at sumigaw ito, "Xia Xinghe, pangahas kang tratuhin ako ng ganito, kilala mo ba kung sino ako? P*ta ka, hindi kita mapapatawad!"
"Dapat lang sa iyo yan," direktang komento ni Xinghe. Pagkatapos ay nagpatuloy ito sa makapangyarihang presensiya, "Buksan mo ang mga mata mo at tingnan maigi kung ano iyan."
Natigilan si Chui Ying. May ibang nakakita ng titulo ng dokumento. Sinabi nito, "DNA test results?"
Ang termino ay agad na nagpatahimik sa buong silid. Ang atensiyon nila ay natuon sa DNA Test, ano'ng klase ng resulta ba ito?
Malamig na nagpaliwanag si Xinghe, "Para maging deretso, ito ay ang DNA test result sa pagitan naming dalawa ni Grandfather Shen."
"Ano?!" Napasinghap sa pagkabigla si Elder Shen. Isang resulta ng DNA test sa pagitan niya at ni Xinghe?
Hindi sadyang hinablot ni Tong Yan ang resulta at sa sandaling natuon ang kanyang mga mata sa unang pahina, nagbago ang kanyang mukha. Ang resulta ay kasing linaw ng araw, si Xinghe at si Elder Shen ay… magkadugo na lumaktaw ng isang henerasyon!
"Paano ito naging posible?" Kasing puti ng papel ang mukha ni Tong Yan. Hinila ni Shen Ru ang resulta mula sa kanya at namutla din ang mukha nito.
"Imposible!" Hiyaw nito na hindi makapaniwala. "Peke ito, paano naging posible na may dugo ka ng Shen family? Imposible ito!"
Ano—
Panibagong pasabog na nagpagulat na naman ito sa lahat. Dinadala ni Xinghe ang dugo ng Shen family?
Si Elder Shen ang pinaka nagulat sa balitang ito. Kinuha niya ang resulta para basahin ito ng sarili niya at nahihirapan pa din siyang paniwalaan ang resulta.
"Ano ang nangyayari?" Tanong ni Elder Shen kay Xinghe nang may nanginginig na boses. "Xinghe, ikaw, ikaw ang aking…"
Tumango si Xinghe. "Tama iyon, Lolo, ako ang bayolohikal mong apo at ang ina ko ang iyong ikalawang anak na babae."
Ang proklamasyon ni Xinghe ang nagpagulat na naman sa madla. Paano ito naging posible? Ang ikalawang anak na babae ng Shen family ay ipinadala sa ibang bansa ng Lin family at ang kanyang kapalaran ay hindi pa din natutukoy. Kaya paano siya naging ina ng Xia Xinghe na ito? Ang mas hindi kapani-paniwala pa ay ang katotohanan na tinanggap na siya ni Elder Shen bilang kanyang step granddaughter, kaso iyon pala ang totoo, na siya pala ang bayolohikal niyang apo! May nagkataon lang ba talaga sa mundong ito? Siguro ay isang klase ng kwentong kathang-isip sa mundong ginagalawan natin!
Dinuro ni Shen Ru si Xinghe ng may nanginginig na daliri. "Peke ito. P*ta, ang lakas ng loob mong gumamit ng pekeng DNA test para lokohin kami?! Hindi ka maaaring nagmula sa Shen family; imposible ito."
"Inisip ko din na hindi ito magiging posible, pero ito ang katotohanan," kalmadong sagot ni Xinghe at mayroong pwersa ng kumpiyansa sa likuran ng bawat pantig niya. "Kung gusto mong subukin kung totoo nga ang resulta ng report na iyan, wala naman sa akin na ulitin itong muli, pero ako, si Xia Xinghe, ay isang Shen! Ito ang katotohanan, ang dugo namin ang pinakamainam na pruweba."
Lalong namutla ang mukha ni Shen Ru. Hindi, hindi ito nangyayari.
Gayunpaman, ang kutob niya ay nagsasabi na hindi nagsisinungaling si Xinghe. Ang parehong kaisipan ay tumatakbo din sa isipan nina Tong Yan at Chui Ying. Si Xia Xinghe ay ang talagang bayolohikal na apo ni Elder Shen!