"Alas tres ng madaling-araw pa nagsimula ang kaguluhan sa loob ng katamtamang laki ng bahay ng Family Hernaez. Hanggang sa magliwanag na ang kalangitan, hindi pa rin magka-mayaw ang mahigit sa dalawampung oku-pante na pawang may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. "Pero isang masayang kaguluhan iyon, may halong tawanan. "Paano'y iyon na ang pinakahihintay na araw ng buong pamilya at maraming kaibigan. Iyon ang mismong araw ng kasal ni Hanna. Ang kaisa-isang anak na babae ng mag-asawang Lando at Liza Hernaez. "Humahangos si Aling Liza papalapit sa anak. "Nak ito'ng mga abay, iha. Kinakantiyawan ako na umiyak raw kasal mo," pagsusumbong nito. "Basta't maging natural na lang kayo, Mama at kayo rin mga amiga ko, payo ko sa mga ito. Kung walang naman dahilan para umiyak, hindi n'yo kailangang magpatulo ng luha. Para maging very touching! Ang kasal namin ni David," "Nagtawanan na lang sila sa mga sinabi ko na pangiti na rin naman ako. Nag-umpisa na ang kasal namin ni David masayang-masaya ako dahil ang makakatuluyan ko'y ang lalaking mahal na mahal ko. Nakita ko ring masaya ang mga magulang ko sa pag-papakasal ko. Isabay pang botong-buto pa sila kay David, mabait guwapo at mayaman at na kay David na ang lahat ng katangian. Patungo na kami sa aming honeymoon at masaya kaming nag-haharutan ni David dito sa loob ng kotse niya. Hey! Ano ba David, mag-Drive ka nga muna wika ko rito. Pahalik lang ako Mahal ko, paglalambing niya sakin. Ang kulit mo talaga wika ko at tumawa lang ito sa akin. Lumapit ako dito at hinalikan ko ito pero nagulat kami nang masagi ng isang malaking truck ang kotseng sinasakyan namin ni David. Nakita ko itong pabulusok sa isang bangin, naramdaman kong niyakap ako ni David. ''Aaahhhhhh! Yun ang huling kong narinig bago ako mawalan nang malay. ITO ang simula nang bangongut sa buhay naming mag-asawang. "Luha"