Naaalala ko pa
Nang ako'y bata pa...
Ako at ikaw
Laging magkasama
Naglalaro sa initan
Sumisilong sa kubo ni Mang Ambo
Pag umuulan
Pagkatila ay binibilog ang mga putik
Naniniwalang magiging bato
Pag ito ay natuyo at tumumigas
Nahihiga sa damuhan kapag pagod na
Sabay kwentuhan
Hanggang sa di namalayang nakatulog na
Pag gising ay may haplit at meryenda
Kung di sa nanay ko ay sa nanay mo
Pagdumarating si taba ay hinihila
Papunta sa altar-altaran
Ginagawang pari sa kasal-kasalan
Ngunit ngayo'y marami nang nagbago at nangyari
Simula nang mabalitaang ko na paMaynila na kayo
Tila ba nadurog ang puso ko
Di makaimik sa iyong harapan
Nang kayo'y paalis
Nagkubli sa silid, nagtaklubong
Kasabay ang luhang di mapigil
Lumipas ang maraming panahon
Magkukulehiyo na ako
Napili ko sa Maynila
Para makasama ka
Pagtung-tong ko pa lang ng Maynila
Tinanong ko na qgad
Kung may nakakakilala sa iyo
Ikinaginagimbal ko aking narinig
G-R-O ka daw
Di ko matanggap
Di kaya ng puso ko oh oh!
Oh baby! Oh baby!
Pinagtanung-tanong ko saan ka nakatira
Pagdating ko'y
Gumuho ang aking mundo
Ang aking mundo
Ang aking mundo
Ang aking mundo
Isa ka nang malamig na bangkay
Nakahimlay ka na sa kabaong
Ayon sa kanila
Sinagasaan ka raw ng isang kotseng pula
Isang kotseng pula
Isang kotseng pula
Isang kotseng pula
Nanlaki bigla ang aking mata
Sa aking narinig
Tila nawala sa ulirat...pansamantala
Kinukurot ang puso ko
Gumuho lalo ang mundo ko
Ng marinig kong sya'y pinagkukwentuhan
Nalulong daw sa sugal ang ina
Dulot ng pambababae ng ama
Maagang nabuntis
GRO na nga
Namatay ng maaga
Tsk! Tsk! Tsk!
Kay bait na bata
Magalang at masunurin
Mapagbigay at mapagpatawad
Tila perpektong tao sa di perpektong pamilya
Anghel kung maituturing ng iba
Maraming nanghihinayang sa kanya
Ganda ay nasayang
Para mairaos ang maghapon
Sinusugal ang buhay sa maruming trabaho
Kung alam ko lang
Kung alam ko lang
Kung alam ko lang
Kung alam ko lang
Na ganito ang iyong kahihinatnan
Sana ay inamin ang pagtingin
Sana ay sinabi na mayroong pagtingin
Marahil buhay ka pa
Ngayon
Marahil kapiling ka pa
Ngayon
Kulang na kulang
Kullang na kulang
Mga alak at beer
Para maibsan sakit ng puso ko
Dahil paggising sakit ng iyong paglisan
Ang syang realized na kailangang harapin ko
Oh baby! Oh Baby!
Oh Baby!
Ye-eh! Ye-eh! Ye-eh! Ye-eh!
Sinubukan ko na ring magpaka lango
Maibsan lang
Sinubukan ko na ring magpakamatay
Maibsan lang
Sakit ng iyong paglisan
Ngunit wala!
Wala! Ah ah ah ah!
Wala! Ah ah ah ah
Wala! Ah ah ah ah!
Ngunit pagmulan ng aking mata
Tila ba nasa isa akong paraiso.
Maraming umaawit, nagpupuri
Sa Panginoon
Nilapitan ako ng isang kakaibang nklalang
Sinabihang di ko pa oras
Bumalik ka na
Tinanong ko kung paano
Ipikit ko lang daw aking mata
Ahahahaha!
Pagmulat kong muli isang malaanghel na istranghero
Ang sa akin ay nagbabantay
Habang nakatingin rin sa akin
Si Ama't si Inang lumuluha
Nang aking makita'y
Ano itong aking biglang nadama
Pagluha ng aking mata'y kusa't di mapapigil
Nagpakilala ang istrangherong dalaga
Camille ang pangalan
Naalala kita bigla aking Kamil
Nagaland mo'y katulad ng sa kanya
Nangako ako sa sarili kong iingatan ko sya
At pahahalagahang tunay
Ang dapat sa iyo'y sa kanya ko na lang
Igugugol at ilalaan
Isa pa sa nagpabago sa aking pananaw
Ay nang pareho kaming nakakilala
Nakakilala sa Panginoon
Nabago nun ang buhay ko
Mga bisyo ko'y unti-unting naalis
Maging di magagandang gawi
Napatawad ko na rin sarili ko
Sa pakiramdam na ako
Ako ang syang dahilan ng iyong paglisan
Kung inamin ko lang Sana
Kung sinabi ko lang Sana
Na may pagtingin ako sa iyo
Marahil buhay ka pa
Marahil...marahil...marahil...
Ngunit past is past
At di dapat ang kasalukuyan mabuhay sa nakaraan
Dapat harapin
Dapat alisin para sa hinaharap
Paalam na Kamil
Sya nga pala natuklasan naming
Si Camille ay baog
Inampon na lang namin mga anak mo
Pero di ako nawawalan ng pagasa
Na balang araw makakabuo rin kami.
Paalam na Kamil
Nagmamahal Joe