webnovel

Here to Stay [Filipino]

Promises are meant to be broken. Iyan ang paniniwala ni Infinity. Simulat sapul kasi walang taong tumupad ng pangako sa kanya. Hanggang sa nasanay na rin siyang hindi na umasa, dahil sa huli ay hindi rin naman ito matutupad. Until one man change her beliefs. Lahat nang sinabi at pinangako nito sa kanya ay tinupad nito. Now she begin to hope, to believe, to trust, and to love once again. Pero masyado ata siyang mahal ng tadhana. The man behind her smiles and leaves her hanging. That turned her life to nothingness once again. Dahil dito ay tanging masasakit na istorya na lamang ang kanyang nasusulat. Kaya nga binansagan siyang The Tragic Writer ng The Journal. Pagkatapos noon ay sinimulan niyang buoin ulit ang sarili. From scratch and pain, kinaya niya…kinakaya niya. But the past keeps haunting her. Until someone came who made her feel alive again. Made her believe that she is not alone, that she was worth it. Na may bilang siya sa mundo. Is he her saving grace? Or he is another heartbreak?

RomanceNovelist · 青春言情
分數不夠
23 Chs

VIII

CHAPTER 8

It's hard enough just passing the time

When I can't seem to get off my mind

And where is the good in goodbye?

Tell me why, tell me why

Do You Ever Think About Me, Brian Mcknight

***

DAHIL sa nalalapit na The Journal's Awards Night, karaniwan sa mga writers ay busy na sa paghahanda. Well hindi kasama doon si Infinity.

Hindi naman sa introvert siya pero she's not too fond of parties and glamour. Siya 'yong tipo ng taong gusto ng katahimikan. Peace. Because that is what she's dreaming to have all this time. Peace of mind.

Nakita na niya ang mga category na a-awardan. She is nominated into 3 categories. The tragic story category, which is sabi nga ng mga kasamahan niya ay siguradong sa kanya mabibigay. The romance category at ang Young Adult category.

Ganoon pa man, she is still actually thinking of ways para maiwasan ang awards night.

"Infinity, may susuotin ka na sa awards night?" Tanong sa kanya ni Angelica ng mapadaan ito sa cubicle niya.

Dahil nga na Hollywood ang theme ng awards night, syempre long gown/formal ang dapat ang isuot dito. Wala naman talaga siyang isusuot pa, dahil pinag-iisipan pa talaga niya kung a-attend siya sa awards night.

"W-Wala pa." Sagot nalang niya dito.

"Sama ka samin ni Felice mamaya! Maghahanap kami ng masusuot." Paghahaya sa kanya nito.

Hindi niya alam kung papaano tatanggihan ang kasama. Pero nagpahabol na agad ito ng salita.

"Oh! Huwag mong sabihing wala kang planong um-attend?" Medyo napalakas ang pagsabi nito kaya't nakuha nila ang atensyon ng iba pang writer.

"Hindi ka a-attend, Infinity?" Salubong ang kilay ni Pipay nang lumapit ito sa kanya.

"Hoy Infinity! Panindigan mo ang pagpapaiyak! Dapat ikaw mismo ang kumuha ng award mo." Habol naman ni Robin sa kanya.

Hindi lumipas ang ilang segundo ay napapaligiran na ng mga co-writer niya ang cubicle niya. Nandoon na sila Felice, Louise, Angelica, Pipay at Robin.

"H-Hindi naman sa ganoon. Pero kasi...wala pa akong susuotin." Pagdadahilan na lang niya sa mga ito.

"Kaya nga hinahaya ka nila Felice na sumama sa kanilang maghanap ng damit for the awards night." Pagmamaldita naman sa kanya ni Pipay.

"S-Sasama naman ako sa kanila." Palusot nalang niya ulit.

Wala na siyang tatakasan. Na-corner na siya ng mga katrabaho. Might as well go with the two para wala ng mahabang usapan at ng hindi siya tuluyang gulpihin ng mga kaibigan.

"Okay! Sinabi mo 'yan Infinity huh. Sasama ka sa'min mamaya!" Paninigurado ni Felice. She just nodded and continue what she is doing.

Umalis na din si Felice at Angelica. Ganoon na din si Louise na nagrereklamo pa rin sa theme ng awards night. Hindi naman umalis sa pwesto ang dalawang kaibigan. Ng mapansin ito ay tinignan niya ang dalawa ng puno ng pagtataka.

"Bakit? Wala ba kayong deadline ngayon?" Tanong niya sa mga ito na hindi pa rin kumikilos at nakatingin lang sa kanya.

"Umamin ka nga sa'min, Infinity. Talagang binalak mong hindi um-attend ng awards night noh?" Pagtataray ulit sa kanya ni Pipay.

Hindi naman niya agad iyon nasagot.

"Umamin ka, Infinity! May balak ka talagang boycott-in 'yong event na'tin na 'yon noh?"

Hindi naman siya sumagot, nakagat nalang niya ang labi. At dahil matagal ng magkakakilala ang tatlo, alam ng dalawa ang ibig sabihin ng mannerism niyang ito.

"Balak mo talaga kaming iwan sa ere ni Pipay. Nakakasama ka ng loob! Kung itutuloy mo ang planong 'yan. Bahala ka sa buhay mo, hindi kami ni Pipay ang a-akyat ng stage para kunin ang award mo." Padabog namang bumalik si Robin sa cubicle niya.

"May cash prize daw! Sagot sa nagigipit na'ting bulsa! Huwag kang KJ, Infinity huh! Kapag hindi ka namin nakita ni Robin sa awards night, FO ka na sa'min ni Robin." Pagkatapos ito naman ang bumalik sa cubicle niya.

Ganoon ang ang dalawa, mataray, minsan ay matabil ang dila. Pero alam niyang mahal na mahal siya ng mga ito. Ganoon din naman siya. Mahal na mahal niya ang dalawa.

Napapikit naman ng mariin si Infinity. Mukang wala na talagang siyang takas. Madalas mang may sayad ang dalawang niyang kabigan, hindi man totohanin ng mga ito ang bantang FO. Alam niyang hindi titigil sa kakatalak ang mga ito kapag hindi siya um-attend.

~~

Bago pa siya tuluyang kalbuhin ng dalawang kaibigan. She decided to attend the party. Uuwi na lang siya ng maaga. Knowing her close friends, magpa party ang mga ito hanggang sa umaga.

She is one of the founding writers of The Journal.

Lyra and her are the first two writers. Louise is the only editor by that time. And they work closely with Tatay June. Saksi ang mga ito sa kung anong pinagdaanan niya sa buhay. They are her wall for her noong mga panahong hindi niya alam kung saan o kanino kakapit.

Tatay June is morethan an editor-in-chief to them, he became their real tatay. Hindi lang siya magaling na EIC, ginagabayan sila hindi lang sa mga storya nila kungdi pati na din sa buhay.

Papalabas siya para magsulat ng matanaw niya sa smoking area si Tatay June. It has been a while since they last talked dahil nagging busy ito sa pagta-train sa bagong magiging editor-in-chief.

"Tatay." Kuha niya sa atensyon nito. Agad naman nitong pinatay ang sigarilyo na hawak.

"Infinity." Magiliw nitong bati sa kanya.

Agad naman siyang lumapit dito at nag-mano. Ganito na ang kinaugalian nila.

"Diba sabi sa inyo ng doktor tigilan niyo na ang paninigarilyo? Ang kulit niyo po talaga."

"Minsan nalang naman na." Pagka katwiran pa nito sa kanya.

"Maniwala po ako sa inyong minsan na lang iyan?"

Sabay pa silang natawa dahil alam nilang tama ang sinabi niya.

"Masaya akong kahit papaano, nakakatawa ka na ng ganyan, Infinity." Sabi nito pagkatapos nilang tumawa.

Katahimikan ang bumalot sa kanila pagkatapos. Hindi niya alam kung anong isasagot sa sinabi nito.

"Hindi madali ang mabuhay. Madaming pagsubok. Halos kada pagdilat ng iyong mga mata, may exam ka na agad na sasagutan. Ang masaklap, ang exam sa totoong buhay walang review review. Dahil sa buhay, nauuna ang exam, tapos lesson, at iyong mga pagkakamali natin sa exam dapat ita tama natin iyon sa susunod."

Nakakaintinding tumango siya. Pagkatapos ay katahimikan nanaman.

"Hindi magiging madali ang susunod na exam sa buhay mo, Infinity. Pero tatandaan mo, nalagpasan mo 'yong isa. Siguradong makakayanan mo itong paparating pa." Tinapik tapik pa siya nito sa balikat.

"S-Salamat po. Sana nga po, Tay makayanan ko."

"Kaya mo! Si Infinity ka eh!" Sagot pa nito.

For a better reading experience, the writer urges you to play the songs included per chapter. Please visit my Facebook page for the Playlist on Spotify, feel free to listen to them while reading!

Please wash your hands regularly, humans!

Thank you so much for giving time to my story! Appreciated! Will work hard more for your reads :) Please do leave a rating/comment! I am reading them :)

Comments? Reactions? Feel free to comment on them down below :)

Follow me on my social media platforms!

Facebook Page: RNL Stories

https://www.facebook.com/RNLStories

Twitter: @RomanceNovelist

Instagram: @romancenovelist_wp

e-mail: romancenovelistlady@gmail.com

RomanceNovelistcreators' thoughts