webnovel

He's the One

Pag ang pana ba naman ni kupido tumama sayo mag gagawin ka pa? Tsk! Wala talagang pinipiling panahon ang pag-ibig. Sabi nga ni toottche Guivarra ' Kapag tumibok ang puso, Wala ka ng magagawa kundi sundin ito ' then there! Wala na syang nagawa, dahil kahit pa lumaban sya ay hindi sya mawawagi, Alam nyang talo sya pag pag-ibig na ang kalaban. Pero paano pag-isang araw kunin ito? Anong gagawin nya? May magagawa paba sya?

MLady13 · 青春言情
分數不夠
20 Chs

Chapter 12

Happy Reading LAR!

• GOODLUCK •

"Wake up! *Clap* *Clap* Wake up sleepy head!" Mahinahong Sigaw ko, 4:00 palang ay gising na ako, kaylangan din kasing Isa saamin ay may maagang magising.

Umungol-ungol pa sila na parang irita na irita.

"Isa!"

Bigla silang bumalikwas ng mag-biglang ako,hudyat na galit na talaga ako, at dapat na talagang gumising.

Pumunta naman ako sa kabilang kwarto.

"Wake up!" Mahinahong Sigaw ko din.

Ng ni-isa ay walang gumalaw, ay pumakpak ako at, pinaingay ang bell na hawak ko, parang akong Madre na ginigising yung ibang nakababatang Madre din.

Nagising naman sila, may iba pang nag-reklamo, pero tumalima din sa utos kong mag-ayos na.

7:30 palang dapat ay nandun na kami sa open space na pagdadusan. Parang restaurant lng iyun, pero malaki ang stage nameron doon, tsaka sure akong malaki din ang backstage. Hindi yun kagaya sa X-factor, haha! Simpleg kompetisyon lng, pero Alam naming mag-eenjoy talaga kami, kahit di kami manalo, okay lng, Basta ba tutug-tug at mag-eenjoy kami. Pero mas okay Kung mananalo kami kahit saang 'PLACE, PLACE YAN' mapa 4th Place man Yan.

Ako tong nag-lilibot, ako din tong walang ligo at ayos. Naka pang tulog parin ako na suot. Bunny na pajama at kapares na bunny shirt, at bunny slipper! Hihi!

Yung ibang napasukan ko na kwarto nag-aayos na, pero mas lamang Yung napasukan Kong kwarto na tulog na tulog. Palibahasa de-aircon, haha!

Tumaas naman ako sa third floor. Titignan ko lng kung may gising na kahit Isa lng.

"Gheghe, ikaw nalang maglibot. Gisingin mo, kunin mo yung bell mo at yon ang gamitin mo, umayos ka ha" birong utos ko, baka matakot saakin, eh ang kyutkyut ko sa suot Kong bunny pairs eh, haha!

"Yessss ma'am" biro din nya. Isa sa sya sa nag-totrombone sa Banda nato.

Bumaba nadin ako agad, gusto ko sana na ako yung gigising lay Jackson kaso wag na, Eto na sya sa harap ko oh!

"Mag damit ka, bawal dto Yan! Bwiset ka talaga! Aish!" Asik ko ng makasalubong ko si Jackson sa hallway Ng 3rd floor na nakatoples!

Juice colored, gawabayan nyo ako, ilayo nyo ako sa ano nga yon? Tem? Temporary? Mali! Tem.. tem... Temperature! Oo! Ilayo nyo ako sa temperature! I Ani ko sa isip. Gaga! Temptation yon! Ambobo ng isip mo! Asik ng kabilang isip ko. Edi wow! Masyado lng akong inosente ano!I'm not Bobo!

Napakagat-labi ako ng mapagmasdan ko Yung katawan nya. Matitipunong mga dibdib, 8packs na masasarap na pandesal! Shet! Tumutulo pa Yung laway ko, Este yung tubig sa katawan nya at sa buhok. Naka patong Yung tuwalya sa magkabila nyang balikat, Sana ako nalang yung tuwalya.

"Tama na yang pagnanasa Nayan baby" ngumisi sya, na mas nag pa gwapo sa fresh nyang mukha.

"Anong pagnanasa ka dyan! Alis nga, magdamit ka, umayos ka, baka Makita ka ni sir! Di ka talaga makakatugtog!" Tinabig ko sya sa bandang gilid Ng tyan nya.

"Chansing baby" ngisi pa nya.

Inirapan ko nalang sya. At nagpatuloy sa paglalakad, pababa.

Naligo nalang din ako at nag-ayos ng sarili.

Pares-parehas ang suot namin! Omo cute!

Parang dress ang saaming mgababae, long sleeve na dress, color dark blue ito at sa bahaging dibdib naman ay light pitch color na parang yellow, may naka helera naman sa bandang collarbone pababa sa bandang pusod na parang tela na kulay dark blue at red. Hanggang itaas ng tuhod din ang uniform namin na ito. At naka mahabang black socks naman kami na hanggang ibabang bahagi Ng tuhod,sa bandang gilid ng black socks namin at nakaukit ang pangalan ng gupo namin,pare-parehas din ang sapatapos naming mga babae. May 2 inchess na takong ang sapatos namin. Kung Hindi mo gets, BAHALA KA! char! (Sa pinakailalim ko ilalagay Yung picture ng uniform nila.)

Ganun din sa lalake, pero syempre hindi dress,wag shunga ha? Ganun ang design lahat at color, ang pinagkaiba lng ay naka slacks sila. At flat na sapatos.

"Eat up. I'll be back in 30 mins. Kate, raizza, ivy" Tinignan Kami ni sir. Yung tingin na -Kayo-na-ang-bahala- look.

Tumango lng kami, at pinagpatuloy ko ang paglilipat ng pagkain sa mesa. Si ate Kate o Catherine Kate igoy ang parang president ba namin? Yung maasahan ba lagi ni sir say mga bagay-bagay. Si ate Raizza Javier naman ang parang vice, ganern-ganern, parehas lng kay ate igoy(nakasanayan naming tawag sa kanya, imes na 'ate kate')

Mahaba ang lamesa. Pero di sapat para saamin. Kaya Yung iba pinpunta nalang namin sa Sala, si ate igoy yung kasama ng iba sa Sala, si ate Raizza naman nandto din sa mesa. Dapat Kasi ay may isang nakatatanda, Kung saan man kami, guide ba ganern.

Ako naman? Maasahan din ako hihi!

Ng matapos kaming kumain. Inayos agad namin ang dapat naming gamitin. Hindi namin inasembble ang instrument namin. 6:20 palang naman, madami pa kaming time para mag assemble Doon sa backstage mamaya tsaka para intense din, maglalakad pa naman kami mamaya papunta sa pagdadaluhan ng kompetisyon. Gusto Sana naming tumulong sa gawaing 'MANSYON' haha! Gawaing bahay? Basta! Kaso hindi kami hinayaan ng tagapangalaga dito.

Di pa namin Alam kung bakit dito talaga kami pinatuloy, bukod sa Mahal sa hotel at masyado kaming madami.

"Be ready in 2 mins." Sigaw ni sir ng makabalik na sila. Ewan ko sa kanila, saan kaya sila pumupunta.bhaha! Chizmosa lng po.

"Line" Ani ko. Malaki naman ang Sala kaya sigurado akong kakasya kami.

Ginawa namin ngayun yung ginawa namin kahapon ng makadating kami dto sa Lugar.

Lumabas kami ng nakaline, sobrang laki kaya ng pintuan, siguradong kakasya kami. O sobra pa baka.

Ng tuluyan kaming makalabas, sinundan lng namin sila sir. Bawal kami maghiwa-hiwalay, kung saan kannakapila,dyan kalang! May ibang time para sa chika-chika, may ibang time para sa pagpasyal-pasyal at Hindi time ngayun.

Hindi kami dumaan sa buhangin, sa gilid kami dumaan Kung saan semento ang dadaanan. 2 rows lng ang kasya sa semento kaya matik na Yan na mag 2rows kami.

Nang makarating kami sa mismong Lugar Kung saan Kami lalaban ay rinig agad namin ang malakas na speaker at boses ng Tao.Mga tao pala,Madaming tao. Dumaan kami sa gilid, patungo sa backstage, Tama ang hula ko, malaki ang backstage,sobrang laki ng backstage. Madaming mga nakauniporme ng ibat ibang kulay at desenyo. Madaming nag kukumpulan sa isang sulok.

Kahit na palagi maraming beses na akong sumasabak sa mga ganitong kompetisyon, solo,duet, at mga concert ay Hindi padin maiiwasang hindi kabahan, nasa part nayan ng pagbabanta, but it doesn't mean that I'm/we're going to back-out, what's the use of it huh? It doesn't mean that we're going to let nervousness to eat up us.it will never happen.

"Okay, breath out! Wether we win or not, it doesn't matter. All we have to do is enjoy, don't think that this is a competition okay? E, T, M !" Masiglang sigaw ni sir. Alam naming madaming matang nakatingin saamin, Alam naming madaming camera na nakatutok saamin, but we don't care, this is we're team conversation.

" 'E' njoy 'T' he 'M' usic!!" Sigaw namin lahat, nakapalibot kami, hawak ko ang kamay ni Jackson, kinakabahan ako, pero I know I can do this(we can do this)

Isa-isa naming itinaas ang aming Instrumento, at sumigaw.

"E, T, M! ENJOY THE MUSIC!" Masaya kaming umayos ng tayo at hinintay na tawagin kami.

"Let's welcome and give the big round of applause, the ETMband!" ETM is just we're nickname. Pero iyon ang ginagamit namin dahil iyon ang palagi naming nararamdaman. Enjoy the music.

"Good luck baby, iloveyou" bulong saakin ni jackson, kahit na maingay, rinig ko parin ito.

"I love you too" I whispered too. Alam kong nagulat sya, pero isinantabi nya iyon. Saka ko binitawan ang kamay nya, at dahan dahang lumabas. Nakaensayo na kami ng gagawin namin dito sa stage.

Lahat kami ay nakangiti, hindi alintana ang mga taong nakapaligid saamin. Tanging si Sir lorenz lng ang Tinignan namin at ang notes namin na nakaready na agad sa stand. Nasa bandang gitna ako, Hindi ko Alam Kung Sino ang nasa gitna, at Sino ang nasa paligid ko, concentrate lng ako, isinasantabi ang kaba.

Umupo kami ng parang professional, lahat ng pagkakahawak ng Instrumento namin at pantay pantay. Wala kaming clear file at stand na nakaharap saamin, kabisado namin ang tutugtugin namin, okay lng magkamali.

Nag beat na si sir gamit ang kamay at may stick na hawak sa kaliwang kamay.

Tumugtog kami, Hindi namin inisip kung sinong tao man ang nanonood namin. Distrakson lng sila kumbaga.

Halohalo ang kanta naming tutugtugin, kabisado nanamin Kung ano ano ang susunod. NG matapos ang unang kanta nag solo ang lahat ng trumpet,iyun ang sign namin na tatayo na, sabay sabay kaming tumayo, at nag form sa bandang unahan ng stage.

Natapos ang pagsolo ng trumpet.

"E!" Sigaw namin, at galing sa nakaform na straight line, nag form sa malaking 'E' ang 15 katao habang tumutugtug ng solo part group nila.

"T!" Sigaw naming mga nakatayo lng at hawak ang instrumento, nag form nanaman sila habang tumutugtug ng solopart group nila. Hindi sumisigaw ang mga mag-foform ng letter.

"M!" Hindi kami sumigaw, ibigsabihin ay kami ang mag foform At tutugtug.

Ang natira salikod ay patuloy sa pag-tugtog. Kabisado talaga namin ang notes.

Inenjoy namin ang pag-tugtog, may stepping din kami. Ngunit paa lng at katawan ang gumagalaw. Maliban say kamay naming may sariling stepping na pumipindot sa aming instrument.

Ng patapos na ay nagsalit-salit ang pag-tugtog namin ng nota. Tsaka kami sumigaw.

"MUSIC!" at tumugtog kami ng isang mahabang nota.

Hinihingal akong tumingin sa paligid. Ang daming pumalakpak. Ang daming naghihiyawan. Dumako ang Mata ko sa babaeng NASA bandang harapan nakaupo kasama ang manonod. Ang ganda ng ngiti nya, nakakataba ng puso, nakakahawa ng ngiti. Dumako naman ang tingin ko sa lalakeng pinakagwapo sa lahat ng gwapo. Puno ng paghinga ang Mata ng magulang ko... Hindi ko inaasahan na dadalo sila para panoodin kami. Hindi Kasi sila dumadalo dati dahil palagi silang busy mag trabaho. Pero ngayon.. kahit Hindi na kami manalo, pakiramdam ko ay panalong-panalo na ako sa ngiti at pagahanga ng magulang ko, ngayon ko nalang ulit naramdaman na parang buo kami.

May tumakas na luha sa Mata ko. Hinayaan ko ito, saka mas lumapad ang ngiti ko.

Saka kami magkahawak kamay na nag-bow. At isa-isa ngunit nakaline pariny bumalik sa backstage. Ng tuluyan kaming maka pasok sa backstage ay tahimik lng kami lahat na nakaupo, may mga bandmate kaming pinapakain, pinapainom at pinupunasan ng my magulang nila.

Naramdaman kong hinawakan ni Jackson ang kamay ko.

"Iloveyou" he mouthed.

"Iloveyou...so much" I whispered.

Hinintay naming matapos ang pang huling grupo. Di ko maitatangging magaling talaga silang lahat..

Madami parang inanounnce Yung emcee habang hinihintay ang resulta ng mga old members of orchestra. Hanggang sa mag anunsyo ulit ito.

"We all know that they all good and nice at playing right? But.... The judges decided now... Who do think will win huh?" Paintense na Ani ng emcee.

"DARKROSE GROUP!"

"MUSICAPS!

"E!!! T!!! M!!!!"

Nagsigawan ang mga tao. Mas kinabahan tuloy ako,pero Hindi ko iyun pinahalata. Mashinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Jackson.

"The result is....." Nag roll drum pa ng napaaaaka haba!

"The lucky winner that will have the golden medal and 20thousand pesos is!!!!" Patuloy sa pag roll drum. At mas lumalakas pa ang sigawan ng mga tao.

Pakiramdam ko mas malakas and pagdagundong ng puso ko.

" The E!!!! T!!!!! M!!!!!!"

Napatalon kami at napahiyaw!!!!!! Sa sobrang saya ay tumalon ako papayakap kay Jackson at pinugpog sya ng halik sa mukha habang tumitili. Ang huli ay halik sa labi, saka kami lumabas ng may dalang banner.

"CONGRATULATIONS ETM! YOURE SO AWESOME! YOU MADE US SPEECHLESS!!! CONGRATULATIONS!" sigaw ng Isa sa judge.

"CONGRATS, you'all are amazing, you just didn't made us speechless, you also made our jaw dropped. Yo'all fitted in orchestra!" Sigaw ng Isa pang judge.

Ang saya saya namin, walang pagsidlan ang sayang dala namin ngayon.

Nakipagkamayan kami at batian, proud din saamin sa momshie at daddy, ang saya ng araw nato.

And I officially answered Jackson. Pinakilala ko din sya kay momshie at daddy ng formal. Kahit si kuya na tutol ay walang nagawa.

Nag-celebrate kami sa hardin mg mansyon. Kasama nadin yung ibang parents at guardians and relatives na nanood.

Pinayagan akong uminom, pero Hindi ko iyun inabuso, Hindi ako nag palasing. Gayon din si Jackson at ang iba naming bandmate na mga nasa legall age na, sa ibang parte naman ng Hardin ang mga bata-batang band member, ang daming handa, nikaready pala iyun nung umalis kami, kahit manalo matalo daw ay dapat may handa.

Na una na ding umuwi sila momshie at daddy dahil walang bantay sa bahay at may gagawin pa si daddy.

"Truth or Dare?" Tanong saakin ng kabanda ko. Nakapalibot kami dito sa Hardin, malaking bilog ang ginawa namin dahil maraming sumali.

Ako ang natamaan ng bibig ng bote.

"Truth" Ani ko, tipsy na ako but I'm still in my mind, ngayon ko lng nalaman namataas ang tolerance ko sa alak.

"Hmm, kayo na ba ni fafa Jackson" kunyare pang bakla-baklaan si brylle na trumpet player.

Tinignan ko si Jackson na nasa tabi ko. Hindi talaga kami magpaghiwa-hiwalay.

Saka ako tumingin sa lahat nakapabilog.

"Yes, we're in relationship, kanina ko lng sya sinagot." Masaya Kong pag-amin.

"Aw... Sweet!" Sigaw ni brylle.

Bigla silang Kumanta. Winawagayway pa ang katawan sa magkabilang direksyon.

( "Love moves in mysterious ways" by: Nina Girado)

~Who'd have thought this is how the pieces fit

You and I shouldn't even try making sense of it

I forgot how we ever came this far

I believe we had reasons but I don't know where they are

So blame it on my heart? oh

Love moves in mysterious ways

It's always so surprising

When love appears over the horizon

I'll love you for the rest of my days

But still it's a mystery

of how you ever came to me

Which only proves

Love moves in mysterious ways~

Nagtawanan kami, saka inikot ko ang botelya, at tumama kay Hanna joy, nag tanong Lang ako.

Tumawa lng kami habang naglalaro. Hanggang sa huminto ang nguso ng botelya sa dereksyon ni Jackson.

"Sweety birds, haha! Truth or truth?" Tanong nito. Nag tawanan naman kami.

"Kidding, truth or Dare?"

"Dare" Tipid na sagot ng boyfriend ko. Hay sarap sa feeling na tawagin syang 'boyfriend'.

"Ahm... Ahm" mukhang nahihirapan HAHA!

"Oh sighe! Ang dare ko ay 'sagutin mo ang itatanong ko' " andaya naman! Haha!

"G" -jackson.

"Kung may malalang sakit si ivy, at Wala na syang pamilya, ikaw nalang ang natitira at papipiliin kita ng 'buhay mo' o buhay ni ivy?" Seryosong tanong nito.

Lumipas ang ilang segundo.

"I will choose my life" pakiramdam ko may nabasag sa loob ng dibdib ko. Nagreact agad ang kabanda namin. Tahimik lng ako. Okay lng sa kanyang mamatay ako? Okay lng na mawala ako sa kanya? Ang sakit-

"- because, if I am the first to die, no one will take care of ivy, if I am the first to die, I will not be able to take care of the person I love, so I will choose my life for her life too."

Itutuloy...

Ito yung band Uniform nila!

Parehas lng sa lakake pero slacks Yung sa kanila, wag shunga! Hshshs!

photo not mine, credits to the rightful owner