webnovel

Ang Umpisa ng Pangangaso (4)

編輯: LiberReverieGroup

Habang kinakabahan ang mga taga-Flamboyant Palace, dalawang tao naman ang nanatiling nagtatago sa likod ng makapal na hamog. Wala silang hawak na kahit ano para magsilbing ilaw ngunit parang may espesyal na kakayahan ang kanilang mga mata para makakita sa dilim.

"Heh, isa nanamang grupo ng mga mahihina ang boluntaryong nais maging biktima." Saad ng isa sa mga ito saka ngumiti.

"Huwag na kayong mag-aksaya ng oras." Sagot naman ng isa.

Ang hamog ay walang epekto sa kanilang paningin. Malinaw nilang nakikita ang takot sa mukha ng mga taga Flamboyant Palace.

"Huwag kang masyadong magmadali. Minsan lang tayo magkaroon ng pagkakataon na makipaglaban at matagal kong hinintay ito. Lagi tayong inaagawan pagdating sa ganito, hindi pa ako nagkakaroon ng tsansa. Kating-kati na ang kamay ko, alam mo ba 'yon?"

Hindi naman sumagot ang kasama nito, sa halip ay tinapunan niya lang ito ng masamang tingin.

Maya-maya ay nainip na ito at muling nagsalita.

"Gusto mo bang mag-aksaya ng panahon para patayin ang mga taong ito o gusto mong magmadali para maiangat yang spirit power mo? Kung hindi ako nagkakamali, ikaw ang pinaka-mabagal satin."

Dahil sa sinabing iyon ng lalaki, agad na nalukot ang mukha ng kaniyang kasama.

"Okay okay okay! Brother Hua, pwede pang purihin mo naman ako minsan? Hindi sa mabagal ang pag-usad ko, sadyang mabilis lang ang pag-usad niyo! Sige, gagawin ko na!" Saad ng malungkot na lalaki at agad sumugod paharap!

Hindi man lang namalayan ng mga taga-Flamboyant Palace ang kamatayang nag-aabang sa kanila!

Maya-maya lang ay isang malakas na alulong ang narinig ng grupo!

Agad na nagkalat sa paligid ang mainit na dugo na animo'y isa itong ulan!

 Ang lalaking nakatayo sa harap ay walang ideya sa nangyayari, ang tanging alam niya lang ay ang lahat ng nasa grupo ay kasalukuyang binabalot ng takot!

Nagsigawan ang mga lalaki, hindi nila kung ano ang kanilang gagawin sa mga oras na iyon!

"Kalaban! Sinusugod tayo ng kalaban!" Sigaw ng isang lalaki sa grupo.

Nataranta naman ang lider ng grupo at pilit niyang iwinaksi ang takot sa kaniyang puso saka malakas na sumigaw: "Makinig kayong lahat! Huwag kayong mag-panic! Marami tayong naririto, kung sino man iyan, sisiguraduhin nating hindi siya makakatakas!"

Nang marinig ng lahat ang sinabing iyon ng kanilang lider, sandaling nawaglit sa puso ng lahat ang takot.

Si Hua Yao naman ay nanatiling nanonood sa likod ng makapal na hamog habang ang kaniyang kasama ay nakikipaglaban sa mga taga-Flamboyant Palace. Ang spirit ring sa kaniyang daliri ay bahagyang umilaw at isang white bone flute ang lumabas sakaniyang kamay.

Kalmado niyang idinikit sa kaniyang labi ang flute at marahang umihip na lumikha ng melodiya.

Ang tunog na iyon ay naging isang palaisipan sa gitna ng nagkakagulong grupo ng Flamboyant Palace. Nang marinig nila ang tunog na iyon ay tila mayroon silang kakaibang naramdaman sa kanilang katawan.

Naglaho ang takot at pangamba sa kanilang mga damdamin nang marinig ang musikang iyon at parang biglang nakaramdam ng pagod at panghihina ang kanilang katawan. Dahilan para mabitawan nila ang kanilang mga hawak na sandata. Ang mga gagamitin sana ang kanilang mga ring spirits ay nanghina rin at tila nanlambot ang kanilang mga tuhod. Tila nawalan ng saysay ang lahat ng nangyayari sa mga oras na iyon at nais na lang nilang ipikit ang kanilang mga mata.