'Nicole'
'Kin?'
'Asan ako? '
'panaginip na naman ba ito?'
'Nicole iligtas mo kami'
'Iligtas mo kami'
'Nicole!!!'
Umaga na, nakatulog nga pala ako dahil sa pagbabantay kay Kin. Umuwi muna kasi sila para magbihis siguro maya maya andun na sila.
Parang totoo ang aking panaginip. Diko alam kung bakit nangyayari ito sa akin. Dahil ba ito sa baraha na pinagbabawal ni Lola, pero di totoo yun diba?.
"Gising ka na pala, umuwi ka muna" Pumasok si Mama sa kwarto upang siya naman ang magbantay.
"Ako na muna bahala diyan" Dagdag pa niya. Tumayo ako at kinuha ang mga gamit upang umuwi na. Tumawag ako ng sasakyan dahil ginamit nila Angeline pauwi ang kotse.
Kaya wala akong gagamitin pauwi. Matatagalan kasi kung magpapasundo pa ako tsaka di naman ganun kamahal yung pamasahe. Kaya magcocommute na lang ako.
"Manong dito na po" Sabi ko sa lalaki na nagdadrive.
"Ma'am mag iingat po kayo" Medyo takot siya habang binabanggit niya ang mga salitang iyon.
"Bakit po?" Tanong ko sa kaniya
"May kakaiba po sa Pamilya niyo, may naramdaman po akong kakaiba sa bahay na ito" Tatanungin ko pa sana siya kung ano iyon pero pinaandar na niya ang motor at mabilis na nag drive paalis.
Pumasok ako ng bahay at hinanap ang aking mga pinsan nagtext kasi sila na andito sila sa aming bahay. Nah ikot ikot ako kung asan sila pero wala.
"Ate?"
"Angeline?"
"Asan yung mga yun"
Nag ikot ikot pa ako pero ako lang talaga ang tao dito sa bahay.
'Zagan'
'Zagan'
'Zagan'
'Zagan'
Patuloy ito sa pagbulong sa akin pero diko malaman kung sino ang nagsasabi nito. Tinakpan ko ang aking tenga at pumikit dahil sa takot.
"Hoy anong nangyayari sayo?"
"Hoy!"
"Nicole!"
"Di na tama ang mga nangyayari" Sabi ko habang inaakap ang aking Sarili dahil sa takot. Tinulungan nila ako sa pagtayo, nanginginig ang buo kong katawan dahil sa takot.
"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Ate Grace. Binigyan nila ako ng tubig upang kumalma ako.
KIN'S POV
Simula pa kaninang umaga masama na pakiramdam ko sa mga mangyayari sa amin ngayon. Akalain mo isang patay na pusa agad ang bubungad sa iyo.
Nagbihis ako dahil nag aya sila pumunta sa Mall. Samantala si Kuya Janel ay nasa baba na at hinihintay ako kasama niya sila Ate Grace at Ate Gladys. Si Aj naman ay nauna na sa labas.
Alam ko na may kakaiba sa baraha na iyon. Pero pumayag pa rin ako na laruin iyon. Bumaba na ako dahil baka magalit na naman sila dahil sa katagala ko .
Napag isipan namin na tignan ang mga bike dun sa kabilang Shop kaya humiwalay muna kami sa kanila. Habang tumitingin ako ng Helmet isang bata ang lumapit sa akin.
"Diba ikaw yung bata kanina" Sabi ko sa kaniya pero di man lang siya sumagot.
"Ikaw rin yung bata na.... ikaw yung bata-
"Mamatay ka"
"Mamatay ka"
"MAMATAY KA!"
Nagulat ako sa pagtaas ng kaniyang boses. Biglang nagdilim ang aking pangin ang huli ko na lang natandaan ay si Kuya Janel na tumatakbo papunta sa kinalalagyan ko.
"Ayos ka lang?" Nagising ako at nasa isang Hospital na ako. Bumungad sa akin si Tita na nag aalala.
"Opo" Sabi ko, pero nanghihina pa ang buo kong katawan.
"Uminom ka muna mg Tubig kahapon ka pa walang malay" Sabi ni Tita at inabot sa akin ang Isang basong Tubig.
Diko alam kung paano ieexplain ang mga nangyayari sa akin.
"Miguel tawagin mo ang Doctor gising na si Kin" ang babaeng nasa aking Harap ay Ina ni Nicole at si Tito Miguel naman ay Tatay niya. Sila ang nagpalaki sa amin simula nung nawala sila Mama at Papa.
Tinurin nila kaming anak ni Kuya Janel. Pamaya maya pa ay biglang pumasok ang mga pinsan ko kasama si Kuya.
"Pinag alala mo kami" Sabi ni Aj. Isa isa silang pumunta sa akin at inakap ako.
"Buti naman at nagising ka na" Sabi ni Kuya Janel.
Nagkwentuhan kami hanggang sa pumasok ang doctor upang icheck ang lagay ko.
"Ayos naman na ang Vital signs niya"
"Magpahinga ka muna" Sabi ng doctor. Pumasok sa kwarto sila tita na may dalang mga pagkain dahil tanghalian na.
Gutom na gutom ako kasi wala pa akong kinakain. Simula kahapon dahil nga nawalan ako ng Malay. Umalis muna silang lahat at ako na lang ang natira dito, kinuha ko ang telepono ko at tinype lahat ng nangyayari sa akin kahapon.
Di ako ang type na person na gawin ito pero may nagsasabi sa akin na dapat gawin ko ito. Gumawa ulit ako ng isang notes at sinulat ko ang huling habilin ko.
Anytime pwede akong mamatay kaya isusulat ko na ito. Alam kong wala rin naman akong gaanong masasabi sa kanila pero mas maganda na ito kesa naman sa wala.
"Happy Birthday to you" Pumasok silang lahat habang may hawak na Cake at lobo.
Sa sobrang dami na nangyayari diko alam na birthday ko pala. Tumulo ang aking luha dahil sa nakikita ko.
"Blow the Candles" Sabi ni Tito Juan ang ama ni Angeline, Isa rin siya sa nagpalaki sa amin.
'Sana maging masaya kayo' sabi ko sa isip ko at hinipan ang kandila. Diko ineexpect na mangyayari ito, Kahit sarili naming magulang di nagabala na ipaghanda kami. Sa mismomg kaarawan namin.