34: Hammering for Demolition.
.
.
Tumigil si Chris sa parte ng bundok na iyon, at humarap sya sa Tatlong kalaban nya na kanina pang sumusunod gamit ang kanilang Top speed.
.
"papaano sya nakatakbo ng ganung kabilis!? ".
Hindi makapaniwala ang tatlong ito, lalo pa dahil nasa Epic level 2 stages sila sa Physical.
.
"he he he. Mukhang napagod na kayo. Buweno dito tayo magharap, saktong sakto lang ang layo sa syudad."
Kalmadong sabi ni Chris. Sabay unat dito at unat duon.
(mga tunog sa parte ng katawan nya).
.
Pumaharap ang isa sa tatlo. At mukhang kampante silang sapat na ang isa sa kanila para pabagsakin ang isang Qi Master level 3 stage cultivator(Chris). Pero ang hindi nila alam. Nasa GrandMaster level 3 na si Chris sa physical nito. At sadyang mahilig talaga magpahabol ng danger si Chris.
.
Zwing-----(flashes)
.
Mabilis na movement skill ng kalaban at nakagawa ito ng after images na blurry shadows.
.
Naka pose si Chris ng Battle stance hand to hand combat. (martial artist stance)
.
'tsk, weak----'.
Sumipa ang kalaban at target nito ang depensa ni Chris. Ngunit.
.
Bang-----(heavy hit)
.
Hindi manlang gumalaw si Chris sa kinatatayuan nito, bagkus umatras konti ang kanyang kanang kamay sa pagsangga sa ilang atake ng kalaban.
.
'hindi maaari!! ----'.
Sinundan pa nya ito ng ilang sipa na magkakasunod.
.
Bang!! ----(8x heavy hits)
.
Tumalon paatras ang kalaban. at si Chris naman ay umuusok ang kamay nito at napaatras ng tatlong hakbang.
.
Ssssss!!! ----(heat)
.
"ako naman!! ----".
Inunat ni Chris ang kanyang kamay at sumulat ng isang Kakaibang Writings sa ere (unknown inscriptions) at lumabas ang nag babagang apoy duon sa inscription, at sabay sanib sa palad ni Chris.
.
Ibinato ni Chris ang apoy na ito sa tatlong kalaban.
.
Wwhhoosssshhh----Fffuummm!!! (flameblast)
.
'gusto ko subukin ang mga elemental battle spells na nakapaloob sa Basics stages Ng Cultivation technique ko (DemonicBlackHeavens) na maaari kong magamit sa stage kong ito. At tiyak magagamit ko din ito sa hinaharap kaya sanayin ko na ang sarili ko sa ganitong spell castings---'.
Nanatili syang nakatayong kalmado sa sandaling iyon.
.
Naapula na ang apoy na sumabog sa harapan ng tatlong kalaban.
.
## Alam ko madami Fans dito ng Magic at Wizard battles kaya. He he he medyo dadagdagan ko ng Talent si Chris. Pero papahinain ko Cultivation stats nya sa mga susunod na laban para naman may challenge diba ##
.
Sa katunayan tumatak sa hitsura ng tatlo ang pagkagulat sa ginawa ni Chris.
.
"wala sa info na ganun din sya kabihasa sa Spell castings. Hindi man sya malakas sa Spells ngayon, napaka bilis parin nyang mag build ng magic inscriptions---- isa syang tinik sa Clan sa hinaharap kailangan na syang mamatay!!"
Sabi ng isa na tila mas namangha at napalitan ng kaba, sa kakayahan ni Chris at talento sa Fire element magic.
.
"brad hindi mo ba napansin, hindi magic circle ang kanyang inscription!!, hindi ko maintindihan ang kanyang Build!! At may after effects itong kakaiba---malayo ito sa mga ginagamit natin noon".
Sabi ng unang nakaharap ni Chris sa tatlo. At may markang itim ang parte na dinapuan ng Flames ni Chris.
.
Pumaharap ang isa sa kanila.
"putek!!, ako naman ang susubok masyado kayong malambot kumpara saken, at tiyak kong, ako ang mapipili ni Master Bavix na bigyan ng JadedElixirs pag nahuli ko itong Pabibo na Bata!! ".
Tila naiinis naman na sabi nito, halatang ayaw nyang may mas talented kesa sa kanya.
(woooohh, fame whore!!-- crab mentality!!,)
.
Hindi naman umimik ang dalawa, at mukhang mas mataas ng isang level ang lalakeng sumunod na haharap kay Chris.
.
"kahit tatlo na kayo, nagsasayang pa kayo ng oras eh."
Ngayon ay inunat ni Chris ang kanyang kanang kamay at itinutok sa kaharap nyang kalaban. May layong agwat na 120 paces. Pero sa kanila napaka lapit na ito para sa isang biglaang mga atake.
(kakaibang speed ang battles habang tumataas ang mga stages nila)
.
-----
.
Sina Lucas at Box ay nagkalayo at tig-isa sila ng kalaban.
.
"tsk, minalas ata ako ngayon, isang batang amoy gatas pa ng kanyang ina ang syang naging kaharap ko! "
Tila painsulto naman nitong sinabi kay Lucas na tila bumaon sa lupa.
.
Bang----(heavy hit)
.
Nagkaroon ng malaking butas sa lugar kung saan nakabaon si Lucas.
.
Umiwas si Lucas sa mga atake ng kalaban, at may sugat sya sa kanyang kanang binti.
.
Bam ----bamm----bammm!!! (continues hits).
.
Inilabas na ni Lucas ang kanyang sandata at ito ay ang Broad Sword. (woah huge---)
May kabuoang haba na 4ft, at width na 1ft.
.
"abay, agad mong inilabas ang laruan mo?!, buweno kamay lang ang gagamitin ko sayo boy".
.
Nanatiling nakatayo si Lucas at, sa isipan nito nag chant sya ng verse sa kanyang Cultivation technique.
.
'----ang tubig at dagat ay kailan man hindi mapag hahati, ----sa aking tindig at galaw ay syang magiging taga hati---'.
Tinapos nya ang ilang Verse at unti unting nagbigay sa kanya ng lakas at kaalaman patungkol sa kanyang Element Spell. At ito ay ang WavyWind.
.
Sa isang swing ng sandata ni Lucas ay agad namang sinalubong ng kamay ng kalaban.
(kampante ka masyado dude).
.
Sa hindi inaasahang pangyayari, agad ini-atras ng kalaban ang kanyang kanang kamay bago pa man ito tuluyang mahiwa o maaaring mahati.
.
Drip-----(blood)
.
"saang sect ka kabilang!?, at alam mo ang paggamit ng Pagsanib ng Element Spell sa Physical skill! "
Sabi nito na agad tumatak ng pagiging seryoso sa hitsura nya.
.
"wala kana dun, umpisa palang ito".
Tila kakatapos namang nilagyan ng Gamot at tinakpan ng bandage ang sugat nya sa kanyang binti.
.
Naglabas si Lucas ng Kanyang killing intent na tila ngayon nya lang ito ipinakita sa isang laban.
.
'salamat sa mga tulong at guidelines mo, bro'
Malaking pasasalamat ni Lucas kay Chris. Dahil hindi sya ganito ka competent sa laban kung wala syang taglay na lakas. (kaya pala lagi sila nag Sparring ni Box, ay halos magka-match lang sila at pareho silang bumibilis sa pag-adapt sa isang laban)
.
*yan ba yung tinatawag nilang natural born talent----or kung saan dun lang sila magaling at wala ng iba*.
.
-----
.
Si Box naman ay tila na adik na sa pakikipag palitan ng suntok at sipa sa kalaban nya pero, sya itong tinatamaan palagi habang walang galos ang kanyang kaharap. May mga pasa na si Box sa kanyang katawan lalo na sa mukha nyang may sugat na at dumudugo ang ilong at bibig.
.
Hindi huminto si Box, at hindi nagbago ang kanyang klase ng pag-atake.
.
Gablam!!--bam!!-whap!!---thud!(continuously attacks)
.
'konti nalang, malapit na!! '
Tila lumaki pa ang ngiti ni Box. Na nagmukha syang sira ulo sa kanyang kalaban.
.
'kanina lang halos hindi na nya matanggap at makayanan ang mga unang tatlong atake ko----pero ano itong nangyayare!!, naka dami na ako ng suntok at sipa, hindi parin sya natutumba!!, gaano ba sya katigas, at walang nababali sa mga buto nya!! '
Tila hindi nya lubos maisip ang nangyayari. Lalo na kung naka ngiti ang taong kaharap nya at binugbog nya ng mga atakeng malalakas. At isa pa hindi sya ang nagagalusan, kundi si Box lang.
.
Sa sumunod na atake ng kalaban ay isang napakabigat na pressure ang kasabay ng suntok na iyon at sumilok ito patungo sa tiyan ni Box.
.
Booom!!! -----(heavy shockwave)
.
"khak!! ----".
Nanlaki ang mga mata ni Box at bumakat ang kakaibang sakit at kaba sa mukha nya---- tumilapon sya sa kakahuyan, at ganun ding bumakat ang suntok sa tiyan nito.
.
-----wwhhhiiiinnngggggg---(flying off)
.
Sa layong 150meters mark huminto si Box at sakto sa tapat ng isang shabby house.
.
Malakas ang pagkakabagsak nya ss lupa, at naglabasan duon sa bahay ang isang matandang lalake na nasa edad na 80's at ganun din ang tatlong bata na tila nasa mga edad na 10-14. At nakasuot ang mga ito ng Rough clothes sa katawan nila. (non cultivators--- at mukhang wala silang karapatang makisalamuha sa mundo, at naninirahan sa mga remote areas).
.
"maawa kayu samin, wala kaming ibang malilipatan---".
Napaluhod ang matanda sa harapan ni Box na nakahandusay sa lupa.
.
Whhooossshhh----(wind)
.
Dumating duon ang kalaban na lalake at lumingon ito sa Maliit na bahay, o masasabing basurahan para sa kanyang paningin.
.
"mga basura---- wala kayong halaga sa mundong ito".
Itinapat nito ang kanyang kanang kamay sa mag-lolo.
.
Pilit bumangon si Box at nakita nya ang galaw ng kalaban nya.
'wag, bat hindi pa tapos yung Criteria sa Spell ko!! Ano pang kulang!!!???'
.
Tila may Crisis naman sa isipan ni Box at ngayon ay biglang pumaharap ang pinaka matanda sa tatlong bata. At plano nitong saluhin ang atake. (sa katunayan madadamay parin ang mga nasa likod nya, pero makikitang may lakas sya ng loob).
.
"phwehh!!, hindi ko masikmura ang mga pagmumukha nyo!!! Die!! ".
Dinuraan ng kalabang iyon ang mukha ng bata, at hindi parin umalis o nagbago ang matatag na puso ng batang iyon. Pero ngayon ay matatapos na din ang kanyang buhay.
.
Sa isang iglap----
.
Zzaaaggg-------!!! (blurry shadow)
.
Hindi naituloy ng kalaban ang kanyang atake ng mapansin nyang tila may sumakal sa kanyang leeg at napansin nya rin na tila napakabilis ang kanyang pag-atras.
.
Zziiiiiiinngggg----Bang!! (sonic boom)
.
Tumilapon ang kalaban ng halos 200-250 meters sa kakahuyang iyon, kung hindi sya pumilit mag preno gamit ang kanyang mga paa ay maaaring umabot sya sa layo na 400 meters.
.
"huh?!, imposible!!"
Mahinang bigkas ng kalaban habang sapul ang leeg nito. At nasa malayo man ang anyo ng sumakal at ibinato sya ng ganun kalayo. Alam nya kung sino ito.
.
Naapula na ang makapal na Alikabok dulot ng nangyari sa nagawang trail ng pagkakabato na parang isang sako sa kalaban.
.
"wag mo silang idamay, dahil mas-masahol kapa sa tae kung sa tututuusin, hindi natakot sayo ang batang iyon".
Tila may ala-ala si Box patungkol sa hirap ng buhay.
.
"pero, chackmate bata. Dahil mamamatay ka na ngayon".
Inalis ng lalake ang kanyang limiter sa kamay. At naglabas ito ng Aura sa Epic level 3 stage.
.
Zaaapppp-----(movement speed)
.
"ganun ba?, kung ganon mauna ka na".
Sabi ni Box, at napapalibutan ng Earth Essence ang kanyang katawan. Sa isang suntok nya sa kanang pisngi ng kalaban ay halos mayupi ang parte ng mukha nito sa lakas na ipinamalas ni Box.
.
'----Ang pulso ng mundo at ang puso ko ay may iisang ritmo, ----walang bundok ang syang makagagalaw sa aking tindig----'
Natapos na ni Box ang huling piraso ng puzzle at ito ay ang katibayan ng Pusong palaban.
.
(i'm proud----Puso Pinoy)
.
Bumagsak sa lupa sa isang suntok na iyon na natanggap nya mula kay Box.
.
Bumaon ito ng 2ft, at
.
"tikman mo ang suntok na naglalaman ng lahat ng ginawa mo sa katawan ko!!! ----Earthen reflector!!! "
Tumapat si Box sa ibabaw ng kalaban nya. Unti unting bumigat ang gravity sa pwestong iyon, at hindi na makatayo o makaalis ang kalaban nya.
.
-----
.
Agad lumusob ang kalaban ni Chris at ganun namang nakahanda ang susunod na spell ni Chris.
.
"hindi uubra mga low Spells na yan sa katawan----"
Nanlaki mga mata nya ng makita nya ang papalapit na liwanag at nakakarindig balahibong koryente este. Miniature lightning.
.
Cccrraaaaccckkkleee!!! ----(lightning)
.
Hindi naiwasan ng kalaban ang spell at nabalutan ang kanyang katawan ng electric shocks.
.
"ehhh?, ha ha ha. Wala talagang epekto----ahh?! "
Napa-nganga sya ng makita nya ang hawak ni Chris na balde---tubig.
.
"Alchemy 101, ano kaya feeling ng makoryente habang basa?, lets test it now".
Ibinato ni Chris ang balde na puno ng tubig na hawak nya at tinamaan agad ang kalaban. Dahil nga sa ilang metro lang ang layo agwat nika.
(mahina ako sa chemistry!!, pero ayaw ko na makaramdam ng koryente sa katawan ko!!! )
.
*chemistry?, or Alchemy?, Alchemy nalang kahit hindi pa uso sa mundo natin*.
.
Lumakas ang epekto ng koryente sa katawan ng kalaban at na Stun na ito sa kinatatayuang lupa. (na electrocuted ang kampante)
.
Agad lumapit ang dalawa sa kanilang kasama para tulungan ito kaso.
.
Waaashhh----(water splashes)
.
Nakatutok ang dalawang kamay ni Chris. lumabas na parang water hose ang tubig sa palad nito na animoy lumabas dun sa inscription na hindi nila maintindihan.
(water bender sya, lightning bender din, tapos Fire bender. Naku naku baka sya na si Avatar sa panahong iyan!!! )
.
*tsk, mahina pa ang bida sa Avatar sa kakayahan ni Idol. Malalaman din natin yan sa hinaharap*
.
Sa isang mabilis na motion ng kanang kamay ni Chris ay nakaukit uli sya ng Inscriptions sa ere at itinutok sa tatlong kalaban. (Dalawang Lightning inscriptions at isang water inscription.)
.
'una ay na stun ang pinaka malakas sa kanila, at sumunod ay mga series of chain of spells, mukhang hindi pangkaraniwan ang mga natutunan ng batang ito'.
Tila sabi ng napadaan na Expert at nasa itaas ito ng puno, kumakain ng Saging.
.
"AAAAHHHHHH!!!! ".
sigaw ng tatlo dahil sa hindi malamang sakit na nararamdaman ng kanilang buong katauhan. (that feels)
.
Matapos nun ay, may ipinasok silang pills sa kanilang mga bibig. (red ones)
.
"patay kana samin ngayon bata!!, bahala na kung si Vera lang ang mahuli namin ng buhay!! "
Panigurado naman ng pinaka malakas sa tatlo. At unti unti silang nagbagong anyo. Ibig sabihin lang ng mga sinabi nila kanina ay pawang jokes lang sa harap ni Chris.
.
Lumaki sila sa height na 15ft-17ft at may mga kaliskis sa kanilang katawan. At ganun ding mga sungay, tenga at buntot.
(beast pills, nagamit na ito ng DarkCouncil noon pero hindi umipekto kay Chris)
.
'tsk, mas ok pang maging DemonSpiritualist kesa maging bobo sa buhay tulad nyo, hindi kompleto ang ingredients ng BeastPills nyo at tiyak magiging Cripple kayo pagkatapos nyan.'
Inilabas na ni Chris ang kanyang BlackUmbrella at tumilapon sya dahil sa lakas ng ShockWave ng pagbabago sa taglay na Aura ng tatlong kalaban. At mukhang nagalit sila ng husto dahil kay Chris.
.
Umangat sa Peak Epic stages ang lakas ng tatlo. At nagbabadyang umapak sa Ancestor stage. (sheet!! Cheat na yan Cheat na talaga yan!!! Pero mukhang malaki din ang kapalit)
.
"ha ha ha ha. Ang lakas---ganito ang tunay na lakas!!! Ha ha ha".
Tila excited naman ang tatlo at gustong subukan ang kanilang mga lakas laban kay Chris. At wala silang kaalamalam sa maaaring side effects ng incomplete na pills.
.
Lumusob ang isa sa kanila habang nakapwesto naman sa gilid ni Chris ang dalawa. (isang pincer attack)
.
*thats too shameless--- too shameless, kailangan ba talagang gamitan ng Pills malabanan lang ang isang Master stage na tulad ni Chris.? ---- pero hindi basta basta MasterStage lang si Chris kaya subukan nalang nila. he he he*
.
Nabasag sa maraming shards ang BlackUmbrella ni Chris ng sipain ito ng kalaban at agad ikinatuwa ng tatlo.
.
"ha ha ha ha sira na ang laruan mo, ikaw na ang isusunod k-----!!! "
Hindi na naituloy pa ng kalaban ang kanyang sasabihin ng bigla----
.
Gabammmm!!! -----(Devastating hit)
.
Halos maputol ang magkabilang sungay ng kalaban na ito at nag iwan lang ng cracks, dahil sa impact ng isang bagay sa katawan nya.
.
Tumilapon ito ng 230-420 meters at tumigil lang ito sa pagkakatapon, ng tumama ito sa gilid ng bundok.
.
Hawak ni Chris ang Demolition (WarHammer)
.
"next?, mukhang hindi na babangon pa ang kasama nyo".
Sabi naman ni Chris habang ini-angat nya patutok ang Demolition(warhammer) sa dalawang nasa magkabilang pwesto o gilid nya. Pero halatang pinagpapawisan sya at lihim o patago na nahihirapan syang dalhin ang ganung sandata.