webnovel

Signs

A/N: Thanks for reading this hehe...I'm sorry for some grammatical errors from the previous chapters and for the succeeding chapters, I'm weak in English hehe. I hope this would have a comment section so that I could read your feedback (positives and negatives).

Paano mo nga ba masasabing nahulog ka na?

Tuwing nakikita mo siya para bang bumibilis ang tibok ng iyong puso?

Tuwing nakikita mo siya para kang nasa alapaap?

Tuwing nakikita mo siya parang tumitigil ang ikot ng mundo?

O tuwing nakikita mo siya biglang namumula ang pisngi mo?

Paano mo nga ba masasabing "Siya na!"?

Kapag alam mong may pagtingin din siya sa iyo?

Kapag may sinasabi o ginagawa siyang gusto niyo pareho?

Kapag lagi mo siyang kasama sa lahat ng oras?

O kapag bigla mo na lang masasabing "Ikaw na!"?

Sa totoo lang, di ko alam kung anong pumasok sa isip ko't bigla na lang akong umalis,

Di dahil takot akong malaman niya kung sino ako o kung ano ang ginagawa ko,

Kundi iyong mahulog ka sa unang pagkakataon pero baka di niya ako matanggap,

Sa tagal sa mundong ito, sinanay na 'wag ilabas ang damdamin pero biglang nabasag,

Siya na ba ang dulo ng 'pulang tali' ng aking buhay?

Ilang pagkakataon lang binibigay ng tadhana para makikilala ang ating kapareha,

Minsan nga wala pero minsan marami pero pinapabayaan lang,

Kamuntikan na! Sana di niya ito napansin noong kami'y magkasama,

Gayunpaman, nanghihinayang ako na nasasaktan na ewan,

Sana bigyan ulit ako ng pagkakataon na makilala pa siya ng lubos.

Binigyan ulit ako ng misyon ilang araw pagkatapos ng araw na iyonk

Kailangan ko na namang magbawas ng tao sa mundong ibabaw at paramihin ang taong nasa ilalim,

Balik sa normal kong buhay, ang manguha ng may buhay, di ako si kamatayan pero parang ganon,

Ang sunod na biktima, isang lalaking mayaman, yumaman sa pagiging gahaman,

Isantabi ang damdamin ng awa at ilabas ang pagiging walang awa.

Nagpunta ako sa lugar ng aking biktima, magarbo, sikreto, maraming seguridad,

Pero wala ito kapag ako na ang gagawa tila isang anino o multo tatagos lang,

Nahanap ko na kung saan siya sa teritoryo niya, 'humanda ka ng mawala',

Ang oras ay tila gumagalaw ng mabagal, maririnig mo ang nakakabinging ingay,

'Dub Dub' ang puso ko biglang nabuhayan, ang halimuyak na matagal kong di nalanghap nandito siya?!

PS: Naubusan na ako ng English kaya Finilipino ko na lang ang kasunod hehe (3 of Sadgic). Gusto kong mabasa ang feedback niyo huhu. Follow niyo kaya ako sa...(read A/T)

hehe author eto na naman.

Follow niyo ako sa twitter ko haha @aquinomarkd

sensya na kung may pagkadesperado hahaha char char charmander!! kung gusto niyo lang ha di ko kayo pinipilit o kaya usap usap na lang haha hanggang dito na lang muna abangan ang next update. Happy Independence Day, Philippines!!!

Dark_Mancreators' thoughts