webnovel

Sanhi

Kasalanang bang ikaw ang dahilan,

Dahilan kung bakit di kita makalimutan,

Makalimutang mahalin ng lubos,

Lubos higit pa sa buhay ko.

Ako bang dahilan kung bakit ka masaya,

Masaya dahil malaya ka na,

Na di muna ako kayang mahalin,

Mahalin ng tulad ng pagmamahal ko.

Bakit ba may epekto pa ang sanhi,

Sanhing ang dulot ay bunga,

Bunga ng makasalanang pagmamahal,

Pagmamahalang ikaw at ako.

Di ko na kayang mabuhay,

Mabuhay dahil ikaw ang aking buhay,

Buhay na aking pinalaki't ikaw ang pumatay,

Pumatay sa pagiging inosente ko.

Sanhi ba ng masidhing damdamin ang pag-ibig,

Pag-ibig na ako lang ang umiibig,

Umiibig ng buong puso,

Puso, kaluluwa pati buhay ko.

Bunga ito ng iyong pagmamahal,

Pagmamahal na ikaw mismo di ako mahal,

Mahal kita, mahal na mahal kita,

Kita kita kayakap siya, dinurog mo ang puso ko.

Wala na akong magagawa,

Magagawa pa kundi layuan,

Layuan ang nagdulot ng sakit,

Sakit na kayang kumitil ng buhay ko.

another update hehehe, thanks for reading my poem.

certified LPT.

Dark_Mancreators' thoughts