webnovel

BITE ME MORE (FILIPINO NOVEL) COMPLETED

Mr. Valdez the Immortal Vampire -Bite Me More- Propesiya na nakatakda para sa dalawang tao na magtatagpo. Pag-iisahin dahil sa parehong nararamdaman. Isang Immortal Vampire at Isang Tao. Isang kagat na pagmumulan ng misteryo. Pakakagat na kaya sila? -------- R-18 | Vampire | Romance | Immortal | Action | Mature content | -----------------------------------------------------------------------------

BMBlackKath25 · 奇幻言情
分數不夠
19 Chs

CHAPTER 2

Rius Valdez

"Ano ang nakita mo, Serio?" malamig na boses na tanong ko sa kanya.

Napansin ko naman na parang malalim ang iniisip niya. Si Serio ang may kakayahan na makita ang mga pangitain at ang mga hinaharap. Yan ang kanyang kakayahan bukod sa kakayahan ng mga bampira.

"Ang propesiya, ang sinabi ni Tandang Gani. Siya ang sinasabi sa propesiya na papatay sa'yo, at sa ating lahat dahil sa dugong dumadaloy sa katawan niya." sagot nito sa seryoso na mukha.

Napatayo naman ako sa aking kinuupuan, nandito kami sa loob ng opisina ko. Hindi ako makapaniwala na magkakatotoo ang propesiya sa matagal ng panahon. 200 years na ako'ng nabubuhay sa mundo ng mga tao simula na gawin ako'ng bampira ni Duken Hanal, ang isinumpang imortal na bampira. Ngayon 'ay na sa tahimik na siya at kinakain ng mga lamang lupa.

"Pero, boss. Maaari mo siyang magamit sa ating mga kalaban. O maaari rin nilang gamitin siya sa atin ng mga kalaban natin, dahil ngayon mismo alam na nila ang pagdating ng propesiya." muling salita ni Serio.

Natahimik naman ako at napaisip ng malalim. Dahil malamang na ora mismo ay pinaghahanap na nila Darwin ang sinasabi sa propesiya.

"Magiging bampira ba siya?" wala sa sariling tanong ko habang malalim ang iniisip.

"Ang totoo niyan, boss. Hindi ko gaano malinaw na makita at mapasok ang isip niya. Kapag pinilit ko na pasukin ang isip niya baka mamatay ako ng maaga." natatawang wika nito.

Napakunot naman ang noo ko sa kanya dahil seryoso ang pinag-uusapan namin at nakuha niya pang tumawa.

"Bantayan niyong mabuti ang babae na 'yun dahil may kakaiba sa kanya. Kapag na sa malapit mo lang siya maamoy." salita ko pa 'kay Serio na nakingiti lang.

"Asahan mo boss. Oo nga pala, na sa kitchen si ganda pinakain ko nagugutom na raw siya." ngiting sagot nito sa akin.

Lumabas na ako ng opisina dahil may lalakarin ako at isa pa may malaking palabas ang mangyayari rito sa aking mansion. Ang huling tapatan ng mga fighters sa mafia world, kailangan ko makausap si Ahraw.

Paglabas ko ng opisina narinig agad ng tenga ko ang kalansing ng mga kubyertos, mabilis na nakarating ako sa kitchen at naabutan ko ang isang babae na ang gulo ng buhok habang kumakain na akala mo hindi pinakain ng sampung taon.

Hindi niya namalayan ang presensya ko dahil patuloy lang siya pagkain, habang ang isa nitong paa nakapatong sa isang upuan. Halos makita ko naman ang singit nito dahil sa lumihis ang suot nitong bistida, nakaramdam ako ng panunuyo nang lalamunan ko.

"Ay kuya, ikaw pala. Nakikain na ako dahil sobrang gutom na ako kasi isang linggo na ako'ng 'di kumakain." nakangisi na salita nito habang puno ng pagkain ang bibig.

"Maligo ka pagtapos mo kumain." sagot ko lang na pinagtaka nang mukha niya. Iniwan ko siya na natitigilan, hindi ko na pinansin at nagpunta na ako sa labas upang kunin ang kotse ko, dahil makikipagkita ako ngayon 'kay Ahraw bago ang laban na magaganap ngayong gabi.

"Sandali po, diba bampira ka? Kagatin mo ako para humaba ang buhay ko. At isa pa ang galing ng mga vampire lumaban."

Kunot noo lang ako sa kanya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa itsura habang nagsasalita siya, dahil bawat buka ng bibig niya siyang laglagan ng mga kinakain niya.

"Oo, Kuya ang galing niyo nga. Lalo na sa pakikipagbasag ulo, Yaaahhh!! Chok! Chok!" salita pa niyang muli na may kasama pa na action at may pasipa-sipa pa.

Napatitig na lang ako sa kanya dahil sa kanyang mga ginagawa kasabay ng pag-iling ng ulo ko.

"Hey, are you crazy?" Nagtataka na tabong ko sa kanya, pero tiningnan niya lang ako ng nakangiti.

"Tapos, lalo na sa paghawak ng baril at kung anu-ano pang armas. Bang! Bang! Bababanng! Bang!"

Bigla ako natawa sa kalukohan at kabaliwan ng babae na 'to, tumigil naman siya sa pag-aksyon na akala mo ay mahawak siyang baril.

"Moontanga na ba, Kuya?" sagot nito na nakangisi at muling umupo.

"Nothing," natatawa na na sagot ko. "I'll see you later," sambit ko na lang at muli ko siyang sinulyapan. Natigilan ako dahil ngayon ko lang napansin na maganda pala siya, nakasira lang ang magulo na buhok na akala mo hindi nagsuklay o sadyang wala silang suklay sa bahay.

Bago ako umalis ng kitchen nginitian pa ako nitong si Bonita. Bakit alam niya pa rin na isa akong bampira? Ang alam ko binura na ni Serio ang nalaman at nakita niya. Nakalabas na ako ng mansion na dala sa isipan ang katanungan na 'yun.

----------

Mabilis na nakarating ako sa tagpuan namin dito sa isang bakanteng lote at nakita ko agad si Ahraw na seryosong nakasandal sa gilid ng pader, habang naninigarilyo.

"Ano ba ang pag-uusapan natin?" Bungad na tanong ko na kinagulat niya sa akin.

Humrap naman ito at itinapon ang nanganngalahati pa lang na sigarilyo. Mataman na pinagmamasda ako nito na bagay na pinaka-ayoko sa lahat.

"Alam mo, gusto kita. Dahil mayabang ang dating mo, maaari kitang bigyan ng mas higit na kakayahan na hindi mo inaasahan. Kailangan mo lang ay pagsilbihan ako," salita ko dito sa natatahimik na si Ahraw.

"Hindi ko na 'yan pinapangarap pa, nakipagkita ako sa'yo upang makipag-deal sa'yo." seryoso ang mukha na bigkas nito.

Humakbang naman ang mga paa ko at nagpalakad-lakad ako ng dahan-dahan.

"At ano'ng deal naman ito?" sagot ko naman.

"Kapag nanalo si, Jessy sa laban hahayaan mo kami na umalis na sa samahan na 'to." sagot nito sa seryosong boses, at tiningnan ako sa mata.

Binasa ko naman ang tinatakbo ng isip niya at natuwa ako sa matigas na paninindigan nito. Umiibig nga siya sa kanyang fighter, ganito ba ang nagagawa ng pag-ibig? Napailing na lang ako sa mga naiisip ko.

"Bueno, sige. Pumapayag ako sa alok mo, pero kapag natalo ang fighter mo. Pagsisilbihan niyo ako'ng dalawa." makahulugan na ngiti ko.

Pansin ko ang pagtahimik niya at nabasa ko sa isipan niya, ang paniniwala na mananalo sila. Kaya naman natuwa ako lalo na sa planong nabuo sa utak niya.

Natapos na ang pag-uusap namin at naghiwalay na kami, dahil may iba pa raw siyang lakad. Ang hindi alam ni Ahraw pinasundan ko siya sa isa sa mga tauhan ko.

Napapangiti naman ako habang papalapit ang oras, dahil ito na ang huling labanan na gusto ko. Dahil gusto ko mag-isip ulit ng panibagong laro, dahil nakakabagot na rin ito.

Nagkaroon lang ako ng buhay ng dumating ang bagong figther ni Ahraw na si Jessy, parehong gusto ko ang kanilang personalidad. At kung magiging kaisa namin silang dalawa mas magiging mahusay sila sa pakikpaglaban.

Pagkarating ko sa mansion nagtaka ako dahil nandito ang ibang lahi ng mga bampira. Bigla na lang may humawak sa suot ko na neck tie at walang iba kung hindi si Darwin Kyull, isa rin sa royal blood.

"Nasaan na 'yung babae? Ang sinasabi sa propesiya?" Nanlalaki ang mata nito at nagbabaga ang mata.

Dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang kalapastanganan, mabilis na hinawakan ko ang braso niya at binato ko siya kung saan. Tumalsik siya sa may dulo ng pader banda sa may swimming pool nawasak ang pader. Inayos ko na naman ang neck tie ko at muling naglakad papasok sa loob ng bahay, ngunit bigla na naman sumugod itong si Darwin.

"Ibigay mo sa akin ang babae na 'yun, kailangan niyang mamatay!" Malakas na bigkas nito at sinuntok ako..

Malakas ang suntok na 'yun kaya tumilapon ako papuntang gate, pero agad ako'ng tumayo at sa isang iglap hawak ko ang leeg ni Darwin.

"Gusto mo ba na unahin na kitang patayin?" Nangigil na salita ko at piniga ko pa ng husto ang leeg niya.

"Tama na yan!"

Natigilan naman ako sa biglang nagsalita si Duken Hanal, bakit nandito siya? Bakit nabuhay siya?

----------------------------------------------------------

-Nahirapan ako sa chapter na 'to. 😢😭😭😭 grabe, AYGEBAP NA TALAGA! 😭😂😂😂