webnovel

Army of True Salvation (TagLish)

Hindi mo inakala ang ganitong pangyayari. Nananahimik ka lang, nakikinig sa klase, at bigla na lang nagbago ang mundo. Zombie Apocalypse. Are you ready to survive, fight for your life, and strive in order for you not to die? Are you willing to carry a knife, hold a gun, and kill zombies even though they may be your family, friends, or someone you know? It's your choice. You may choose to survive or if you are too scared, you may choose to die and become a zombie. But if you have chosen to survive... You are already part of the "Army of True Salvation." ~ Credits to Janrae Mendoza for the book cover for Army of True Salvation (TagLish). Want to further show your support? Send me a ko-fi~! ^^ Link: https://ko-fi.com/mysticamy

MysticAmy · 奇幻言情
分數不夠
216 Chs

Ayaw Ko na Mawala si Sheloah

>Veon's POV<

Nandito kami sa pharmacy, sa harapan ng grocery area. Tulad nga ng iniisip ko kanina, may mga zombies kaming mae-encounter ditto. Mga nagtatrabaho rito na naging zombies na, mga costumer na naging zombies na. Nandito sa harapan namin si Isobel, pero hindi kami pina-pansin. Ibig sabihin lang, nangangamoy zombies parin kami hanggang ngayon.

Tinitignan kami ng ibang zombies. Naglalakad kami ni Isobel ng mabagal para hindi kami mapansin. Sa totoo lang, kinakabahan ako dahil hindi kami pwede umatake ng zombies ngayon unless kailangan talaga namin gawin ang last resort. Pero for now, kailangan naming manahimik. Kailangan namin maging safe.

Dahan-dahan kumuha si Isobel ng basket at nakatingin lang ang zombies sa kanya. Yung iba nag go-groan, tapos yung iba papunta pa sa amin. May mga ibang zombie na bumabangga sa amin, pero hindi na lang namin masyado binibigyan ng pansin kahit alam namin na natatakot kami. Kung magre-react kami ng wagas, siyempre, mapapansin nila kami at mamamatay kami agad.

Nilapitan ako ni Isobel. "Veon… Tanong lang. Bakit parang kinakabahan ka kanina?" pabulong niyang tanong at inirapan ko siya. Pati ba naman si Isobel, tatanungin ako ng ganito?

"Wala." sagot ko na lang sa kanya at nakabangga siya ng zombie. Nag groan yung zombie sa kanya at tinignan lang ni Isobel at agad siyang lumingon at naglakad siya palayo ng dahan-dahan. Sinundan ko siya at napabuntong-hininga kaming dalawa.

"Letche naman 'to, oh… Yung kailangan ko katabi niya. Paano ko makakuha?" pabulong niyang tanong sa sarili niya at tinignan ko ang zombie. Paalis na siya sa lugar kung nasaan kami kanina at dahan-dahan akong bumalik doon para kumuha ng tatlong kahon na 'yun at nilagay ko sa basket.

"Mag ingat ka kasi. Mahalata pa tayo kung hindi ka pa careful." pabulong ko namang sabi sa kanya at inirapan niya na lang ako.

Sinundan niya ako at binunggo niya ang braso ko. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." pabulong niyang sabi sa akin at nag sigh ako. Naiinis na talaga ako pag pinipilit ako. Maslalo na pag hindi pa ako comfortable sabihin 'yun. Sabihin ko na nga sa kanya para tumigil na itong babaeng 'to.

"Nanaginip ako nung isang gabi na marami sa atin ang mamatay at magiging zombie si Sheloah." sabi ko sa kanya at napatigil siyang maglakad. Nilingon ko siya at nakatingin lang siya sa akin.

"Ano pang nangyari?" tanong ni Isobel sa akin at halata sa pagmumukha niya na medyo natatakot at kinakabahan siya.

"Papunta tayo sa NAIA nung time na 'yun sa panaginip ko." dagdag sabi ko pa at hindi na lang nagsalita si Isobel pero patuloy niyang kinuha ang mga gamot na kailangan namin. Pati ang mga ibang gamit na kailangan palitan sa first-aid kit. "Pakiusap… Ayaw ko malaman ng iba ang panaginip ko. Hindi ako comfortable malaman ng iba." dagdag sabi ko pa at nag nod na lang si Isobel sa akin.

Ayaw kong malaman ng iba. Ewan ko kung bakit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Siguro dahil sa ayaw ko na mag-panic sila at mawalan sila ng pag asa. O Siguro masyado akong takot na malaman nila ang napanaginipan ko kasi masyado akong takot na baka mangyari ito. Ayaw kong masaktan silang lahat. Ayaw ko na mamatay ang mga kasama ko,

Ayaw ko na mawala si Sheloah sa buhay ko.